Ipinapakita ang mga post na may etiketa na datinghistory. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na datinghistory. Ipakita ang lahat ng mga post

Pokwang Inasar Ang Netizen Na Nagpapayong Wag Daw Siyang Maging Bitter

Walang komento

Huwebes, Pebrero 8, 2024


 Sinupalpal ng komedyanteg si Pokwang ang mga netizens na nagpapayo sa kanya na pabayaan na lamang si Lee O'Brian at mag-move on na lamang siya sa nangyaring hiwalayan sa pagitan nilang dalawa.


Isiniwalat ni Pokwang na dahil sa pagrereklamo niya sa ginawa sa kanya ng dating kinakasamang foreigner na si Lee O'Brian at pagpapadeport rito, marami sa mga katulad niyang single mom ang naglakas loob na rin na ireklamo ang mga dati nilang partner.


Sa kamakailang Instagram stories na ibinahagi ni Pokwang, inilahad niyang marami siyang natatanggap na mga direct messages mula sa mga netizens na may katulad na sitwasyon ng pinagdadaanan niya.


Hinihingi umano ng mga ito ang number ng kanyang lawyer na si Atty. Ralph Calinisan. Nagbigay din siya ng mensahe para sa kanyang mga bashers noon kung saan inilahad niyang ngayon umano sabihin ng mga ito sa kanya na dapat ay nanahimik na lamang ito at mag-move on.


Nauna na rito ang paghingi ni Pokwang ng paumanhin sa Bureau of Immigration at Department of Justice dahil sa mga ibinahagi niya sa kanyang social media post.


Matatandaan na ipinahayag noon ni Pokwang sa kanyang social media post ang pagkadismaya kaugnay sa isinampa niyang deportation case laban kay Lee O'Brian nang mabalitaan niya na naghain ng Motion for Reconsideration at Motion For Voluntary Deportation si Lee O'Brian.


Ipinahayag ni Pokwang na naniniwala pa rin siya sa sistema ng hustisya sa Pilipinas at humihingi siya ng paumanhin sa Bureau of Immigration at Department of Justice, nadala lamang umano siya sa bugso ng kanyang damdamin kaya nakapagsabi siya ng mga bagay na hindi kaaya-aya.


Hindi naman nalimutan ni Pokwang na pasalamatan ang kanyang abogado at ang law firm nito sa magaling na pagha-handle ng kanyang kaso. Humingi din siya ng pasensya sa mga ito dahil tila nailagay pa umano niya ang mga ito sa alanganin dahil sa kanyang mga pinagsasabi sa social media.


Matatandaan na matapos ang ilang buwang pananahimik ni Pokwang sa totoong dahilan ng hiwalayan nila noon ni Lee O'Brian ay bigla na lamang niyang inilabas ang mga itinatagong baho nito kabilang na ang hindi pagtulong financially sa pagpapalaki sa anak nilang si Malia.


Katotohanan Sa Pagpaparinig Ng Kapatid Ni Dominic Roque Kay Bea Alonzo

Walang komento


 Naging mainit na usapin sa ilang mga social media platforms ang umano'y pagpaparinig ng kapatid ni Dominic Roque kay Bea Alonzo dahil sa ibinahagi nitong post sa social media.


Deretsahang nilinaw ng kapatid ni Dominic Roque na si Lhean Roque na hindi ang aktres na si Bea Alonzo ang kanyang pinaparinggan sa ibinahagi niyang post patungkol sa mga taong nagpapanggap na mabait.


Sa kamakailang Instagram stories ni Lhean iginiit niyang walang kinalaman ang ex-fiancee ng kanyang kapatid sa mga ibinahagi niyang post online.


Nilinaw niya sa lahat na hindi umano related sa kanyang Ate Bea  o mga taong malapit rito ang kanyang ibinahaging post. Dahil isa umano itong work-related issue. 


Hindi rin umano niya inakala na iba ang iisipin ng mga netizens at iniuugnay pa ito sa pinagdaanan ng kanyang kapatid at dating karelasyon nito na si Bea Alonzo.


Iginiit din niya na madalas naman umano siyang magpost ng mga ramdom qoutes sa kanyang social media account na hindi naman naging isyu noon.


Hiling din niya na sana ay naging malinaw na sa lahat ang kanyang post dahil hindi na umano niya uulitin pa ito sa susunod na pagkakataon. Ito na rin umano ang huling pagkakataon niya na magbigay ng pahayag patungkol sa isyu nina Dominic Roque at Bea Alonzo.


Matatandaan, na marami ang naghinalang may kinalaman kay Bea Alonzo ang ibinahaging cryptic post ng kapatid ni Dominic Roque dahil ibinahagi niya ito matapos kumpirmahin ni Boy Abunda ang hiwalayan ng dalawa.


Base sa larawang ibinahagi ni Lhean, mahihinuhang nagbabalatkayo ang taong ito. Pinapalabas sa lahat na ito ay mabait subalit ang totoo ay tinatago lamang nito ang pagiging mabangis.


Hinala ng marami na ito ang sagot ni Lhean sa road manager at makeup artist ni Bea Alonzo kung saan tila sinasabing manipulative si Dominic Roque. Marami rin sa mga fans ni Bea Alonzo ang humusga sa pamilya ni Dominic Roque na hindi gaanong mayaman kaya kailangan umano nitong pumirma ng prenuptial agreement.


Sa ngayon ay patuloy pa ring lumalabas ang iba't-ibang mga haka-haka sa kung ano ang totoong dahilan ng paghihiwalay nina Bea Alonzo at Dominic Roque lalo na't hindi pa naman naglalabas ng anumang mga pahayag ang dalawa.


Hiling naman ngayon ng kani-kanilang mga fans na tugunan na ng dalawa ang isyu upang matigil na rin ang paglalabas ng kung ano-anong isyu na maaring makasira sa kani-kanilang reputasyon.


Samantala, hiling naman ng mga solid Bea Alonzo-Dominic Roque fans na malampasan ng dalawa ang pagsubok na ito at matuloy ang naudlot nilang pagpapakasal.



Big Revelation Sa Tunay Na Dahilan Ng Hiwalayan Nina Bea Alonzo at Dominic Roque

Walang komento


 Ibinahagi ng self-proclaimed Pambansang Marites na si Christian Albert Gazza na mas kilala bilang si Xian Gaza sa kanyang Facebook live kamakailan ang ipinarating sa kanya ng ilang mga artista patungkol sa nangyaring hiwalayan sa pagitan nina Bea Alonzo at Dominic Roque na ikakasal na sana ngayong taon.

Ayon kay Xian Gaza, hindi lamang iisang artista ang nagbahagi sa kanya na pera talaga ang totoong dahilan ng hiwalayan.

Dagdag pang pagsisiwalat ni Xian Gaza, na dahil si Bea Alonzo ang mas may malaking kita sa pagitan sa nila ni Dominic Roque ang aktres umano ang madalas na gumastos sa kanilang mga dates at pinagsamahang travel abroad.

Wala rin umanong third party involved sa paghihiwalay ng dalawa at kung sakali man na magkaroon hindi umano ito isang babae.

Bukod pa rito, iniisip ni Xian Gaza na ang usapin patungkol sa prenuptial agreement ang pinag-ugatan ng hindi pagkakaunawan sa pagitan nilang dalawa.

Gayunpaman, totoo umano ang balitang na noong una ay si Dominic Roque mismo ang nag-approach sa ina ni Bea Alonzo kung saan sinabi umano nito na handa siyang pumirma sa prenuptial agreement.

Subalit nang dumating na umano ang araw ng permahan ay bigla na lamang nagbago ang isip ng aktor.

Ipinunto pa ni Xian Gaza na hindi naman umano maikakaila na isang bilyonarya si Bea Alonzo dahil sa rami ng registered na ari-arian nito sa loob at labas ng bansa.

Ayon pa kay Xian Gaza, maayos naman umano sina Bea Alonzo at Dominic Roque bilang boyfriend-girlfriend, ang problema umano ay ang pagpapakasal mismo. Nang dumating na umano sila na kailangan ng pag-usapan ang marriage kung saan magiging iisa na sila sa lahat ng bagay kabilang na ang kanilang mga ari-arian.

Bukod pa rito, may mga naglabasan ring isyu ngayon na bukod sa prenup na pangunahing dahilan ng kanilang hiwalayan, may na diskubre rin umano si Bea Alonzo patungkol sa totoong pagkatao ng aktor na dahilan kung bakit ayaw na niya itong pakasalan.

Hindi umano matanggap ni Bea Alozo ang kanyang nadiskubre patungkol sa aktor na ngayon lamang niya nalaman.


Samantala, nauna nang isiniwalat sa vlog nina Cristy Fermin na pinapaimbistigahan ng pamilya ni Bea Alonzo ang trabaho ni Dominic Roque dahil napag-alaman nila na ang tinitirhang condo unit ni Dominic Roque ay pagmamay-ari ng isang controversial na pulitiko ngayon na isang lalaki.

Napapatanong pa sina Cristy Fermin kung bakit naninirahan si Dominic Roque sa isang mamahaling condominium at kung sino ang 'boss' nito.

Sina Bea Alonzo at Dominic Roque ay magkarelasyon sa loob ng tatlong taon, ikakasal na dapat sila sa taong ito subalit biglaan na lamang silang naghiwalay.

Sa ngayon ay hindi pa sila nagbbibigay ng pahayag patungkol sa totoong dahilan ng kanilang hiwalayan.


Ivana Alawi, Nali-Link Kay Mayor Albee Benitez

Walang komento

Miyerkules, Pebrero 7, 2024


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang pagkakalink ng sexy actress-vlogger na si Ivana Alawi sa Mayor ng Bacolod City na si Albee Benitez.


Lumalabas ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang balitang may karelasyon na isang sexy actress at vlogger ang Mayor ng Bacolod City na si Albee Benitez. Matagal na rin umanong hiwalay si Mayor Albee Benitez sa kanyang asawa.


Subalit ayon sa asawa ni Mayor Albee Benitez na si Nikki Benitez, hindi naman umano sila naghiwalay ng kanyang mister at wala rin silang naging pag-uusap patungkol sa paghihiwalay at annulment.


Sa katunayan ay nagsasama pa rin sila sa iisang bubong sa loob ng 31 years.


Samantala, ayon sa mga kumakalat na balita, may mga nakakita umano kay Mayor Albee Benitez sa pagbabakasyon nito sa Japan na kasama ang isang sexy actress at kilalang vlogger.


Kaagad namang lumutang ang pangalan ni Ivana Alawi, kung saan ito ang pinaghihinalaan ng mga netizens na nakasama ni Mayor Albee. Binalikan rin ng ilang mga netizens ang naging pahayag noon ni Ivana Alawi na mayroon na siyang non-showbiz boyfriend na hindi pa niya maaring ilantad sa publiko.


Samantala, sa isang episode ng Ogie Diaz Showbiz Update na inupload noong February 6, 2024 na kailangan na umanong magbigay ng pahayag si Ivana Alawi kung siya ang tinutukoy sa blind item na girlfriend ni Mayor Albee Benitez.


Ayon kay Ogie Diaz kailangan na umanong ilabas ni Ivana Alawi ang kanyang side kung sakaling totoo man na may ugnayan na sila ni Mayor Albee Benitez para maging malinaw na sa publiko ang kanilang relasyon.


Kung sakali namang hindi totoo ang isyu ay idisregard na lamang nito ang kanilang mensahe at hayaan na lamang na ito. Mahirap rin naman umano na basta-basta na lamang na husgahan si Ivana Alawi.


Hiniling naman ni Ogie Diaz na sana ay wala umanong katotohanan ang isyu dahil wala naman umano siyang nakikitang dahilan kung bakit papayag si Ivana Alawi na maging other woman.


Samantala, hanggang ngayon ay wala pa naman inilalabas na pahayag si Ivana Alawi patungkol sa isyung ito.


Marami naman sa mga fans ni Ivana Alawi ang hindi naniniwala sa isyung nakikipagrelasyon si Ivana Alawi sa isang lalaki na may asawa na.




Tunay Na Dahilan Bakit Hindi Na Matutuloy Ang Kasal Nina Bea Alonzo at Dominic Roque

Walang komento


 Naging laman sa talakayan nina Manay Cristy Fermin sa latest episode ng programang Cristy Ferminute ang isyung kinumpirma ni Boy Abunda sa kamakailang episode ng kanyang programang Fast Talk with Boy Abunda.


Nitong February 6, mismong si Boy Abunda na ang nagkumpirma na tinapos na nina Bea Alonzo at Dominic Roque ang kanilang relasyon kaya naman wala na umanong kasalan na magaganap ngayong taon.


Sa latest episode ng Cristy Ferminute nitong February 7, 2024 inilahad nila ang nakarating sa kanilang balita patungkol sa totoong dahilan sa biglaang paghihiwalay nina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Sa kanilang talakayan, inilahad ni Manay Cristy Fermin na may involved umanong pulitiko sa nangyaring hiwalayan ng dalawa Ayon sa pahayag ni Cristy Fermin, mayroong politikong involved sa isyu nina Bea Alonzo at Dominic Roque. Tila itinaya rin nina Cristy Fermin at Romel Chika ang kanilang pangalan para sa sinasabi nilang involvement ng isang pulitiko.


Hindi naman nila isiniwalat kung sinong pulitiko ang kanilang tinutukoy ang mga netizens na lamang umano ang humusga kung sino talaga ang kanyang tinutukoy.


Inilahad din ni Cristy Fermin na nakarating kay Bea Alonzo ang sinabi ni Dominic Roque sa kanilang common friends patungkol sa pinapapirmahan nilang prenuptial agreement.


Buong pahayag ni Cristy Fermin, "Nakarating po kay Bea Alonzo ang mga kwento ng mga common friends nila ni Dominic, katlad yung, 'Yung prenup prenup na yan, okay naman ako diyan eh. Wala namang problema sa akin yang prenuptial agreement na yan. Bakit? Kailangan ko ba yung pera nila?'"


Ito umano ang pahayag ni Dominic Roque na nakarating sa kampo ni Bea Alonzo. Sa kalagitnaan ng kanilang pagdidiskusyon, binalikan ni Cristy Fermin ang naging hiwalayan ng nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla noong nagdaang taaon at ikinumpra ito sa hiwalayan ngayon nina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Ayon mismo sa naging pahayag ni Cristy Fermin, kung sa hiwalayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay wala silang nauulinigan na mismong ang dalawa ang nagkakaumpugan sa social media kundi ang kanilang mga fans at ibang mga tao, mukhang magkakaroon na sa pagkakataong ito sa pagitan ning Dominic Roque at Bea Alonzo.



Dominic Roque, Nakarma Raw Dahil Sa Ginawa Kay Daniel Padilla

Walang komento


 Rumeresbak ngayon ang mga tagahanga ng aktor na si Daniel Padilla kay Dominic Roque matapos makumpirma na wala nang kasalan na magaganap sa pagitan nila ni Bea Alonzo.


Kamakailan lamang ay kinumpirma ng King of Talk na si Boy Abunda ang balitang hiwalay na sina Bea Alonzo at Dominic Roque kaya naman sigurado na ring walang kasalan na magaganap sa pagitan nilang dalawa ngayong taon.


Bagama't ikinalungkot ng mga tagahanga nina Dominic Roque at Bea Alonzo ang balitang ito, marami naman sa mga fans ng aktor na si Daniel Padilla ang natatawa dahil tinamaan umano ng karma si Dominic Roque sa ginawa nito kay Daniel Padilla.


Matatandaan na sa isang panayam kay Dominic Roque nang makorner siya ng mga press people kung saan naitanong sa kanya ang ilang mga detalye sa kasal nila ni Bea Alonzo.


Dito, naisiwalat ni Dominic Roque na sinisimulan na nila ni Bea Alonzo ang pagpaplano ng kanilang kasal. Ibinahagi pa noon ni Dominic kung sino-sino ang makakasama niya sa entourage.


Kaaagad pang isiniwalat ni Dominic Roque na hindi kasama sa invited guest nila ang aktor na si Daniel Padilla dahil hindi na umano sila nagkaka-usap.


Sa gitna ng usaping, hindi na matutuloy ang kasal nina Bea Alonzo at Dominic Roque marami sa mga fans ni Daniel Padilla ang pinagtatawanan ngayon si Dominic Roque dahil talagang hindi umano invited si Daniel sa kasal dahil wala nang kasalan na magaganap.


Ayon pa sa ilang mga fans ng aktor na tila nakarma umano si Dominic Roque kaya ilang araw matapos isiwalat ang ilang detalye ng pagpapakasal nila ay nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon ni Bea Alonzo.


May mga nagsasabi pa na tila pina-powertrip umano ni Dominic Roque si Daniel Padilla lalo na sa ngayon na nakakatanggap ng labis na pambabatikos ang aktor dahil sa hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo.


May mga natatawa pa kung saan inilahad nilang bukod kay Daniel Padilla, hindi rin invited si Dominic Roque sa kasalan.


Sa kabilang banda, hanggang ngayon ay hindi pa rin nililinaw ng mga sources na nagsasabing hiwalay na ang dalawa ang totoong dahilan kung bakit tinapos nila ang kanilang relasyon na tumagal rin ng maraming taon.


Hinihintay naman ngayon ng maraming mga netizens ang opisyal na pahayag nina Dominic Roque at Bea Alonzo hinggil sa napapabalita nilang paghihiwalay.




Kapatid Ni Dominic Roque May Patama Kay Bea Alonzo Isiniwalat Ang Panget Na Pagkatao Ng Aktres!

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang pagkumpirma nina Ogie Diaz at Boy Abunda sa nangyaring hiwalayan sa pagitan ng engaged couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Nakadadag pa sa usaping ito ang mga ibinabahaging social media post ng taong malalapit sa dalawa. Nauna nang magbahagi ng cryptic post ang Make-up artist at road manager ni Bea Alonzo patungkol sa isang manipulative sad boi na pinaghihinalaan ng marami na patama ng mga ito kay Dominic Roque.


Tila sinagot naman ito ng isang cryptic post ng kapatid ni Dominic Roque kung saan nagbahagi siya ng larawan na nagpapakita sa wolf in sheeps clothing na hinala naman ng marami na patama nito kay Bea Alonzo.


Kaagad na nagviral sa social media ang ibinahaging post ng kapatid ni Dominic Roque kung saan ipinakita niya ang larawan ng wolf in sheeps clothing sa kanyang Instagram stories.


Kaagad namang naghinala ang mga netizens sa kung sino ang tinutukoy ng kapatid ni Dominic Roque sa kanyang post na nagbabalat-kayong mabuti sa kabila ng kasamaan nito.


Ayon pa sa hinala ng mga netizens na walang ibang tinutukoy ang kapatid ni Dominic Roque kundi si Bea Alonzo.


Dahil sa pagsisiwalat ng kapatid ni Dominic Roque lalong tumindi ang paniniwala ng mga netizens na ang totoong may problema ay si Bea Alonzo at hindi ang kanyang mga nakakarelasyon.


Binalikan pa ng ilang mga netizens ang mga naunang karelasyon ni Bea Alonzo na hindi naman nagkakaroon ng isyu at tanging sa relasyon lamang nila nagkakaproblema.


Ipinunto pa ng ilang mga netizens na masaya naman umano ngayon ang mga nakarelasyon noon ni Bea Alonzo kasama ang kani-kanilang mga girlfriends kagaya nina Zanjoe Marudo at Gerald Anderson.


Ayon pa sa mga kumakalat na balita ngayon matapos makumpirma ang hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque, na masama umano ang loob ng buong pamilya ni Dominic Roque sa aktres dahil tila ginamit lamang umano nito si Dominic para makapag-move on sa mga nangyari sa kanya sa mga naunang mga karelasyon.


Hindi rin umano nagustuhan ng pamilya ni Dominic Roque ang pamamahiya rito ng aktres sa isang panayam kung saan hayagan nitong sinabi na wala pa sa kanyang plano ang pagpapakasal.


Sa kabilang banda, marami rin naman ang nagtatanggol ngayon kay Bea Alonzo sa pagpapapirma nito ng prenuptial agreement kay Dominic Roque. Wala naman umanong masama na protektahan ni Bea Alonzo ang kanyang kayamanan na pinaghirapan niya sa loob ng mahabang panahon.




Boy Abunda Kinumpirma Ang Hiwalayang Bea Alonzo at Dominic Roque

Walang komento

Martes, Pebrero 6, 2024


 Balitang naghiwalay na ang engaged couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque muling kinumpirma ng mapagkakatiwalaang source.


Matatandaan na sa kamakailang vlog ng kilalang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz, inilahad niya ang ibinalita sa kanya ng ilang mga mapagkakatiwalaan niyang sources na nagkahiwalay na sina Bea Alonzo at Dominic Roque na nangyari nito lamang buwan ng January matapos ang kanilang Japan.


Ayon sa ilang mga sources ni Ogie Diaz, may hindi pinagkakasunduan umano ang dalawa kaya nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila na inaasahan ng lahat na mauuwi sa kasalan.


Samantala, kamakailan lamang ay kinumpirma na rin ang balitang ito ng kilalang King of Talk na si Boy Abunda. 


Sa latest episode ng Fast Talk with Boy Abunda sa segment na For Today's Talk, inilahad niya ang balitang nakarating sa kanya patungkol sa totoong estado ng relasyon nina Dominic Roque at Bea Alonzo.


Ayon kay Boy Abunda, tama ang mga isiniwalat ng kanyang kaibigan na si Ogie Diaz patungkol sa paghihiwalay nina Bea Alonzo at Dominic Roque. Bagama't naghiwalay na umano ang dalawa, patuloy naman umanong sinusuyo ni Dominic Roque si Bea Alonzo.


Sa katunayan, kagabi lamang ay kinausap ni Dominic Roque si Bea Alonzo upang maayos pa ang kanilang relasyon. Sa ngayon ay hindi pa umano alam ni Boy Abunda kung magkakabalikan pa ba ang dalawa.


Ayon pa sa source ni Boy Abunda, kaya hindi na sinusuot ni Bea Alonzo ang kanyang engagement ring dahil isinauli na niya ito kay Dominic Roque.


Pinabulaanan din ni Boy Abunda ang isyung hindi pagpirma ni Dominic Roque sa inihandang prenuptial agreement ni Bea Alonzo ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.


Ang sigurado pa lamang umano sa ngayon ay ang isyung walang kasalang magaganap sa pagitan nina Bea Alonzo at Dominic Roque ngayong taong 2024.


Iginiit din ni Boy Abunda na hindi nararapat na husgahan kaagad ngayon ang dalawa hanggang hindi pa inilalabas ng mga ito ang totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay.


Sa kabilang banda, hindi pa naglalabas ng pahayag sina Dominic Roque at Bea Alonzo patungkol sa mga lumalabas na isyung naghiwalay na sila matapos ang ilang buwan na pagkaka-engage at sa gitna ng pagpaplano sa kanilang kasal.



@luieeberry Mas okay na siguro na nag hiwalay bago ang kasal, kesa kasal na tapos saka na maghihiwalay. duh. hahahaha #beaalonzo #dominicroque #beaanddomhiwalayna #chismis #fyp ♬ original sound - Strawberry 🍓

Bea Alonzo, Mawawalan ng Mga Fans Dahil sa Pakikipaghiwalay kay Dominic Roque

Walang komento


 Nakakatanggap ngayon ng pambabatikos ang aktres na si Bea Alonzo sa gitna ng mainit na usapin patungkol sa nangyaring hiwalayan umano nila ni Dominic Roque sa gitna ng paghahanda nila sa kanilang nalalapit na pagpapakasal.


Naglalabasan ngayon ang iba't-ibang mga haka-haka patungkol sa totoong nangyari sa relasyon ng dalawa at sa totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay. May mga nagsasabi na tila nag-aalangan umano si Bea Alonzo na magpakasal dahil nag-aalinlangan itong maapektuhan ang kanyang showbiz career.


May mga naglabasan ring isyu na umano'y pinapipirma ni Bea Alonzo ng prenuptial agreement si Dominic Roque upang mapangalagaan niya ang kanyang kayamanan sa kabila ng pagpapakasal nilang dalawa.


Kung pagbabasehan ang mga naglabasang isyu patungkol sa hiwalayan ng dalawa, mahihinulang marami sa mga netizens ang sumisisi kay Bea Alonzo sa nangyaring failed relationship ng dalawa.


Marami ang bumabatikos ngayon sa aktres sa kanyang pag-iinarte sa pagpapakasal gayung napaka swerte na niya kay Dominic Roque dahil bukod sa mas bata sa kanya, mabait naman ito.


May mga nagsasabi pa na matanda na si Bea Alonzo kaya hindi na ito kailangan pang mag-inarte at magpabebe sa pagpapakasal kung ayaw umano nitong saka palang magkakaroon ng anak kapag senior citizen na.


Samantala, may napansin naman ng ilang mga fans na sa huling vlog na pinagsamahan ng dalawa, kung saan highlight ang kanilang pagbabakasyon sa Japan.


Ayon sa kanila, kaya pala tila napakalungkot ng mukha ni Dominic Roque noon dahil may namumu na palang tampuhan ang dalawa.


Ito na rin kasi ang huling update ng dalawa na magkasama sa kani-kanilang mga social media accounts.


Ang labis namang pinagtatakhan ngayon ng mga  netizens kung bakit sinabi pa noon ni Dominic Roque sa naging panayam sa kanya na maayos pa ang relasyon nila ni Bea Alonzo.


Ibinahagi pa noon ni Dominic Roque ang ilang mga detalye sa kanilang kasal kabilang na ang mga kaibigan na makakasama sa kanilang wedding entourage at ang ilan sa mga maiimbitahan.


Subalit ang lahat ng ito ay itinanggi ni Bea Alonzo sa pagsisiwalat niyang wala pa talaga silang plano ni Dominic Roque dahil hindi pa sila nakakapag-usap.


Sa ngayon hiling na lamang ng kanilang mga tagahanga na maayos na nilang dalawa ang anumang tampuhan na naganap sa kanilang pagitan at ipagpatuloy nila ang kanilang pagpapakasal.




Confirmed Bea Alonzo at Dominic Roque Hiwalay Na Mga Detalye Isiniwalat

Walang komento

Lunes, Pebrero 5, 2024


 Marami sa mga tagahanga ng engage couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque ang labis na nalulungkot ngayon dahil sa balitang naghiwalay na ang mga ito matapos ang ilang buwang pagkakaengage.


Matatandaan na na-engage ang dalawa noong July 2023 at nakatakda silang ikasal sa ikalawang bahagi ng ngayong taon. Marami ang mga naghinalang sa buwan ng Hunyo o di kaya naman ay sa buwan ng September itong magaganap.


Subalit, tila malabo na itong mangyari ngayon dahil sa kumpirmasyon ni Ogie Diaz mula sa kanyang mga sources na nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon dahil sa tampuhan nila matapos ang bakasyon sa Japan.


Marami sa mga fans at netizens ng labis na nanghihinayang sa nangyari sa dalawa kung kailan malapit na silang ikasal. Marami rin ang napapatanong kung bakit ngayon lamang ito napabalita matapos ang pagsisiwalat ni Dominic Roque ng ilang mga detalye sa nalalapit nilang pag-iisang dibdib.


Sa kamakailang mga gatherings ay napapansin ng mga netizens na hindi na suot ni Bea ang kanyang engagement ring na palaging sinusuot niya noon. 


Marami ang naghinala na baka nakaramdam lamang ang aktres ng wedding jitters na kadalasang nangyayari sa couples na malapit nang maikasal dahil sa panghihinayang na magbago ang buhay o di kaya naman ay nanghihinayang sa career.


Ayon sa pagsisiwalat ni Ogie Diaz na nitong January lamang nang magbreak sina Bea Alonzo at Dominic Roque dahil nagkasama pa sila nitong January lamang sa bakasyon.


Sa ngayon ay patuloy pa rin naman umanong sinusuyo ni Dominic Roque ang aktres kaya naman maaring umanong kumalma ang kanilang mga tagahanga dahil baka maayos pa naman ng dalawa ang kanilang paghihiwalay.


Gayunpaman, marami ang naghinala na may kinalaman ang yaman sa naging dahilan ng hindi pagkakasunduan ng dalawa dahil umano'y pinapipirma ni Bea Alonzo si Dominic Roque ng prenuptial agreement.



Mommy Min Naiyak Matapos Ibahagi Ni Kathryn Ilang Pinagdaanan sa Break up nila ni Daniel

Walang komento

Biyernes, Pebrero 2, 2024


 Hindi napigilan ni Min Bernardo, ina ng aktres na si Kathryn Bernardo, ang maging emosyunal habang nagbibigay ng mensahe ang kanyang anak sa naganap na muling pagpirma nito sa Star Magic.


Hindi napigilan ni Mommy Min ang kanyang luha, nang inamin ng kanyang anak sa naging mensahe nito sa naganap na contract signing ang mga pinagdaanan niya noong nakaraang taon kabilang na ang nangyaring hiwalayan nila ng kanyang longtime boyfriend na si Daniel Padilla.


Sa naganap na contract signing inamin ni Kathryn Bernardo na labis siyang nagpapasalamat sa lahat ng mga gumabay sa kanya at nagbigay sa kanya ng lakas noong panahong labis siyang nangangailangan.


Inamin rin ni Kathryn Bernardo na marami siyang pinagdaanan nitong nagdaang taon subalit, nabigyan rin naman umano siya ng pagkakataon na makilala ang mga totoong kaibigan sa loob ng industriya ng showbiz na handa siyang damayan sa likod at harap ng kamera.


Bagama't hindi binanggit, alam na ng lahat na ang hiwalayan nilang dalawa ni Daniel Padilla ang tinutukoy ng aktres.


Matatandaan na lalong lumaki ang isyu ng paghihiwalay ng dalawa dahil sa mga naglabasan balita na matagal nang niloloko ni Daniel Padilla ang aktres sa loob ng 11 years nilang relasyon.


Samantala, hindi naman nagbigay ng pahayag si Kathryn Bernardo kung totoo nga bang nambabae si Daniel Padilla ang tanging inilahad lamang ng aktres ay ang pinagdaanan niyang hirap.


Mabuti na lamang naroon ang kanyang pamilya at mga totoong kaibigan para sumuporta sa kanya. 


Sa kabilang banda, humahanga naman ngayon ang ilang mga netizens sa katapangan ni Kathryn Bernardo dahil kinakaya pa rin nito ang lahat sa kabila ng mga nangyari nito lamang nagdaang taon.


Marami rin ang pumuri kay Mommy Min sa paraan ng pagpapalaki niya sa kanyang anak bilang isang matatag at matapang na babae.


Sa ngayon ay inaabangan ng lahat ang mga proyekto na gagawin ng aktres sa industriya ng showbiz habang patuloy itong nanatiling Kapamilya na siyang itinuturi na niyang pangalawang tahanan.


@ashmnth "ALAM KO, NAGING MAHIRAP ESPECIALLY LAST YEAR" #kathrynbernardo #fyp #foreverkapamilyakathryn ♬ Only Love Can Hurt Like This (Slowed Down Version) - Paloma Faith

Kathryn Bernardo, Emosyunal Na Inilabas Ang Mensahe Sa Mga Taong Tumulong Sa Kanya

Walang komento


 Emosyunal ang aktres na si Kathryn Bernardo sa pagbibigay niya ng mensahe sa naganap na pagpirma niyang muli ng kontrata sa Star Magic ang talent management arm ng ABS-CBN.


Hindi napigilan ng aktres na si Kathryn Bernardo ang pag-iyak habang nagbibigay siya ng mensahe para sa mga taong nakasama at suporta sa kanya noong nagdaang taon habang pinagdadaanan niya ang pinakamasakit na yugto ng kanyang buhay.


Tila nagbigay rin ito ng mensahe para sa kanyang e-boyfriend na si Daniel Padilla.


Napuno ng emosyon ang naganap na contract signing ng Forever Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo, matapos ang pagbibigay nito ng makabagbag damdamin na mensahe sa mga taong nakasama niya noong nagdaang taon kung saan kinaharap niya ang matinding pagsubok sa kanyang buhay.


Inamin ng aktres na si Kathryn Bernardo na hindi naging madali para sa kanya ang taong 2023, kaya naman labis siyang nagpapasalamat sa mga taong nakasama at gumabay sa kanya upang malampasan niya ang lahat.


Inihayag rin niya na malaki ang kanyang pasasalamat at pagpapahalaga sa kanyang mga kaibigan dahil alam umano niyang mahirap makahanap ng totoong kaibigan sa mundo ng showbiz.


Isiniwalat din ni Kathryn Bernardo na desisyon niyang makipaghiwalay kay Daniel Padilla, hindi bilang isang artista kundi bilang isang tao. Hindi na umano naging masaya ang kanilang relasyon kaya naman pinili niyang itigil na ito.


Nagbigay rin si Kathryn Bernardo ng mensahe sa kanyang mga fans na alam niyang nasaktan rin sa hiwalayan nila ni Daniel Padilla. Inilahad niyang bagama't marami silang mga pinagdaanan, at nakayanan naman nila iyon noon at makakayanan nila in the future.


Inilahad din ni Kathryn Bernardo na walang dapat na ipag-alala ang kanyang mga fans dahil maayos na siya at patuloy pa rin siyang gagawa ng proyekto na alam niyang ikakasiya at ikakaproud ng lahat.


Pinasalamatan rin ni Kahtryn ang kanyang mga tagahanga na patuloy siyang sinuportahan at inintindi ang kanyang desisyon sa buhay.


Kaagad namang umani ng pagsuporta mula sa mga netizens ang aktres na si Kathryn Bernardo matapos aminin ang kanyang mga struggles sa nagdaang taon. Ipinahayag rin ng ilang mga fans ng aktres na naiintindihan nila kung bakit ngayon lamang ito humarap sa media dahil hindi naman talaga madali ang mga pinagdaanan nito.


"there is something in this world you can't control,but what most important you pick up the pieces and moved on with your life"


@ashmnth "ALAM KO, NAGING MAHIRAP ESPECIALLY LAST YEAR" #kathrynbernardo #fyp #foreverkapamilyakathryn ♬ Only Love Can Hurt Like This (Slowed Down Version) - Paloma Faith

Vice Ganda Napikon Sa Ginawa Ng Contestant Sa Its Showtime!

Walang komento

Huwebes, Pebrero 1, 2024


 Hindi naiwasan ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa naging contestant nila sa isang segment ng It's Showtime, ang Expecially For You.


Sa nasabing episode, ipini-feature nila ang mga magkarelasyon na nagkahiwalay na at pinag-uusap kung maari pa bang magkaroon ang mga ito ng second chance na magkabalikan o wala na talaga.


Sa kamakailang episode ng Expecially For You, labis na napikon si Vice Ganda sa ibinahaging kwento ng lalaking contestant nila patungkol sa pinagdaanang relasyon.


Sa pagkukwento ng kanilang contestant, naging struggle ang buhay nila habang magkarelasyon lalo na sa parte ng babae. Ayon sa pagkukwento ng lalaki, kung saan inamin nito ang kanyang mga pagkakamali na nagawa niya sa babae habang magkarelasyon pa sila.


Inamin ng lalaki na ginamit niya ang babae para sa sariling advantage lalo na sa pera. Isa umanong working student ang babae kaya naman sa pagitan nilang dalawa ay mas mapera ito.


Dahil dito, tila inobliga na umano niya ang kanyang girlfriend na siyang gumastos sa kanilang relasyon, pati luho ng lalaki ay ang babae na umano ang gumagastos.


Bukod pa rito, inuutangan rin umano ng lalaki ang kanyang girlfriend. Hindi rin umano nagbayad ang lalaki ng mga inutang nito noong maghiwalay na sila.


Iginiit naman ng lalaki na minahal rin naman niya ang babae habang sila pa subalit inaamin rin niyang ginamit niya ang dalaga.


Sa kabilang banda, sinabi ng babae na ang dahilan kung bakit may komunikasyon pa rin sila matapos ang kanilang hiwalayan dahil gusto niyang singilin sa lalaki ang mga utang nito.


Hindi naman napigilan ni Vice Ganda na ipinahayag ang kanyang pagkapikon sa lalaking kontestant nila dahil sa kakapalan umano ng mukha nito sa kanyang girlfriend.


Tila proud pa umano itong inamin ng lalaki na tila hindi big deal ang lahat kahit harap-harapan na niyang inamin ang pagiging manggagamit.



@pocojude

Vice Ganda at Tyang Amy, napika sa bisita ng Expecially For You, matapos nitong aminin na ginamit lang niya ang kanyang ex-girlfriend para sa materyal na pangangailangan.

♬ original sound - Jude

Kim Chiu, Inilahad Nang Hindi Siya Ipinaglaban ni Xian Lim

Walang komento


 Kaagad na naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang actress-host na si Kim Chiu matapos ang kamakailang episode ng It's Showtime kung saan tila binanatan nito ang kanyang dating karelasyon na si Xian Lim.


Sa kanilang pag-uusap sa kamakailang segment ng It's Showtime na Expecially For You, bigla na lamang napahugot si Kim Chiu patungkol sa love. Ipinahayag ni Kim Chiu na kung totoong nagmamahal ang isang tao, ipaglalaban nila ito para sa kanilang relasyon.


Ipinahayag pa ni Kim Chiu, na kung totoo mong mahal ang isang tao ay ipaglalaban mo.


Ito ang naging pahayag ni Kim Chiu nang mapag-usapan nila ang love story nina Jairah at Mark. 


Tinanong pa ni Jhong Hilario si Mark kung mas nangibabaw ba rito ang sakit kaya hindi na niya binalikan si Jairah. Tanong naman ni Kim Chiu, kung kulang pa ang pagmamahal nito kay Jairah kaya hindi niya ito mabalikan.


Iginiit naman ni Mark na totoong mahal niya si Jairah, gayunpaman kaagad itong sinagot ni Kim na kung totoong mahal niya si ito ay dapat ipinaglaban niya ito ng todo.


Tila napansin naman ng iba pang mga hosts na naging seryoso na si Kim Chiu kaya naman idinaan na lamang nila sa biro ang lahat. Pabirong tanong nila kung saan nanggaling ang hugot ni Kim Chiu.


Niyakap din ni Vice Ganda si Kim Chiu na pagpapakita ng pagsuporta rito. Iniba na rin nila ang usapan pa dahil tila hindi na ito naging kumportable kay Kim Chiu.


Sa kabilang bandam patuloy namang nakakatanggap ng pambabatikos ang Kapuso aktor na si Xian Lim mula sa ilang mga netizens at mga fans ng aktres. May mga naglabasan pang mga ulat na umano'y bading si Xian Lim kaya hindi nito magawang pakasalan si Kim Chiu sa kabila ng matagal nilang relasyon na umabot na sa mahigit isang dekada.


Samantala, kung pagbabasehan naman ang naging pahayag ni Kim Chiu sa It's Showtime, hindi siya ipinaglaban ni Xian Lim kaya naman nagdalawang isip na siya kung totoong mahal nga ba siya ng aktor o hindi.


@abscbn Virtual hugs, Kim! #ABSCBN #Kapamilya #ItsShowtime ♬ original sound - ABS-CBN

Kathryn Bernardo, Ayaw Na Makipag-Usap Kay Daniel Padilla Tungkol Sa Pera

Walang komento

Miyerkules, Enero 31, 2024


 May panibagong pinag-uusapan naman ngayon ang ilang mga online marites patungkol sa dating magkarelayon na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ilang buwan matapos ang pag-amin nila sa kanilang hiwalayan noong November 30, 2023.


Sa latest episode ng Baklitas, inilahad ng mga host na tila binabakuran na umano ni Kathryn Bernardo ang kanyang sarili mula kay Daniel Padilla.


Binalikan pa nila ang kamakailang pagbebenta ni Daniel Padilla sa kanyang una-unahang sportscar na kalaunan ay napag-alamang pag-aari rin ni Kathryn Bernardo. 


Subalit, ang nakarating naman umano sa kanilang chika na inilagay lamang umano sa mga dokumento na pag-aari ito ng aktor pero ang katotohanan ay wala naman itong ambag sa pagbili ng sasakyan.


Ayon pa umano sa mga usap-usapan na nakarating sa kanila na tanging pera lamang ni Kathryn Bernardo ang ipinambili nila ng kotse. Noong naghiwalay naman umano ang dalawa ay isinasauli ni Daniel Padilla ang kotse subalit ayaw na umano itong tanggapin pa ni Kathryn Bernardo.


Wala naman umano itong magiging silbi sa dalaga kaya naman napag-usapan nila na ibenta na lamang.


Nang maibenta na ang nasabing kotse, nakatakda sanang magkita ang dalawa regarding sa pera, subalit iginiit umano ni Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla na kausapin na lamang ng aktor ang kanyang lawyer regarding sa payment.


Marami naman ang nagsasabi na isa ito sa paraan ng aktres para tuluyan na niyang makalimutan si Daniel Padilla. Tama rin naman umano ang ginawa nito na huwag kausapin pa ng personal ang aktor dahil hindi naman na ito kailangan lalo pa't may involve nang pera.


Matatandaan na nauna nang naiulat ang pagbabawi ni Kathryn Bernardo sa lahat ng kanyang mga pera na nainvest kay Daniel Padilla at pinapabenta na rin umano ng aktres ang mga negosyong pinagsososyuhan nilang dalawa.


Dahil din sa usapin patungkol sa pera, may mga naglabasang ulat ng umano'y pagkakautang ni Karla Estrada kay Kathryn Bernardo na kung susumahin ang lahat ay aabot sa mahigit 20 million pesos.


Hindi pa naman naglalabas ng anumang pahayag si Kathryn Bernardo hinggil sa mga isyung ito, gayunpaman, marami ang naghinala na may katotohanan ang isyu dahil sa sunod-sunod na pagbibenta nina Karla Estrada at Daniel Padilla ng kanilang mga properties.


Sa kabilang banda, maari rin naman umano na ibinibenta lamang nila ito dahil may bakas ito ni Kathryn Bernardo. Kailangan na nila itong kalimutan at bitawan upang tuluyan nang makapag-move on si Daniel Padilla.


Hindi rin naman madali ang pagmomove on lalo na mula sa isang mahabang relasyon na pinagdaanan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.



Jericho Rosales, Kathryn Bernardo Iniuugnay Matapos Mamataang Magkasama

Walang komento


 Matapos ang pasabog na announcement ng ninong sa kasal nina Jericho Rosales at Kim Jones na si Ricco Blanco patungkol sa kanilang hiwalayan na naganap noon pang 2019, naglabasan na ang mga samu't-saring speculations patungkol sa totoong dahilan nito.


Iginiit naman ni Ricco Blanco na mutual decision ng dating mag-asawa ang kanilang desisyon na maghiwalay na ng landas at sa katunayan ay nanatili umanong magkaibigan ang dalawa.


Sa kabilang banda, maraming naglabasan na mga haka-haka sa ngayon patungkol sa maaring, koneksyon nina Jericho Rosales at Kathryn Bernardo, matapos kumalat sa social media ang mga larawan na magkasama ang dalawa na nagjo-jogging.


Inilahad naman ng isang uploader na ibinahagi lamang niya ang larawan kasama sina Kathryn Bernardo at Jericho Rosales bilang remembrance. Pinaalalahanan din niya ang mga netizens na huwag magtanong sa kanya patungkol sa relasyon ng dalawa dahil wala rin siyang alam.


Dahil sa pagkalat ng mga larawang ito, binalikan ng ilang mga netizens ang naging pahayag noon ni Jericho Rosales na gustung-gusto niyang makasama sa iisang proyekto si Kathryn Bernardo. Inamin rin noon ni Jericho Rosales na humahanga siya sa aktres na si Kathryn Bernardo.


Marami namang naghinalang baka dahil naghiwalay na ngayon sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay nagkalapit na ang dalawa dahil malaya na ngayon ang aktres na makasama kung sino ang gusto niyang makasama.


Ipinagtanggol naman ng kanyang mga tagahana si Kathryn Bernardo sa mga taong nag-iisip na may romantic relationship silang dalawa ni Jericho Rosales. Ayon sa mga fans ni Kathryn Bernardo, na magkaibigan lamang silang dalawa at malabong magkaroon sila ng romantic relationship dahil sa malaking age gap.


May mga naghinala pang baka may pagsasamahang project sina Kathryn Bernardo at Jericho Rosales lalo na ngayong tila nagiging solo actress na lamang ngayon ang dalaga matapos ang hiwalayan nila ni Daniel Padilla.


Bukod sa pagsasama nilang dalawa sa pagjo-jogging may mga nagsasabi ring nakita silang dalawa na magkasama sa iisang bar.


Sa kabilang banda, hindi pa rin naiwasan na may mga netizens na naghinalang may iba pang dahilan ng pagkakasama ngayon nina Jericho Rosales at Kathryn Bernardo na kamakailan lamang umamin na naghiwalay na sila ng kani-kanilang mga karelasyon.


Hindi man ito matanggap ng ilan at weird para sa nakakarami, wala namang masama kung magkakaroon ng relasyon ang dalawa dahil pare-pareho naman silang single sa kasalukuyan.



Jericho Rosales , Kim Jones Hiwalay Na since 2019 Confirmed!

Walang komento

Martes, Enero 30, 2024


 Sa wakas ay hayagan nang kinumpirma ang hiwalayan ng celebrity couples na sina Jericho Rosales at Kim Jones.


Ang kumpirmasyon ay mula mismo sa ninong ng kanilang kasal na si Rico Ocampo. Ayon kay Ricc o, noon pang 2019 naghiwalay ang mag-asawa. Kung susumahin halos kalahating dekada na rin palang hiwalay ang dalawa.


Matatandaan na noong May 2014, nagpakasal sa Boracay ang dalawa, halos kalahating dekada rin ang kanilang pagsasama.


Marami naman ang humanga sa paraan ng paghihiwalay ng dalawa dahil naitago nila ito sa publiko ng mahabang panahon. Kamakailan lamang lumabas ang mga balitang naghiwalay na ang dalawa sa pamamagitan pa ng mga blind items.


Subalit, ngayon hayagan nang nabulgar sa publiko ang lahat na isiniwalat mismo ng taong malapit sa kanila pareho ang nangyari sa kanilang relasyon.


Sa kabila naman umano ng paghihiwalay ng dalawa ay nanantili pa rin ang kanilang friendship.


Marami naman ang nalungkot sa balitang ito dahil marami sa kanilang mga tagahanga ang napahanga noon sa kanilang relasyon dahila napanatili nila ang privacy ng kanilang buhay may asawa at the same time makikitang hindi rin nawala ang kanilang pagiging magbestfriend.


Ayon naman sa isiniwalat ni Ricco Ocampo sa ABS-CBN News, inilahad niyang bagama't nanatili ang closeness at pagkakaibigan ng dalawa, pareho nilang napagdesisyonan na tapusin na ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa at malaya na silang gawin ang mga gusto nila.


Kahit nagtapos umano ang relasyon ng dalawa, makikita pa ring nirerespeto pa rin nilang dalawa ang isa't-isa at ang tanging hiling ang best para sa isa't-isa.


Bilang patunay na magkaibigan pa rin ang dalawa, may ginagawa umano silang proyekto na magkasama kung saan si Kim Jones ang writer, director at artista habang si Jericho Rosales naman ang producer.


Nakatakda na rin umanong ipalabas ngayong taon ang pelikulang ginagawa nila.


Matatandaan na nitong nakaraang linggo lamang, pinili ni Jericho na manahimik nang matanong sa kanya ng ilang press people ang totoong estado ng relasyon nila ni Kim Jones.


Iginiit lamang niya noong na okay sila, masaya, doing good, fantastic at amazing.


Sina Jericho Rosales at Kim Jones ay nagkakilala noong March 2011, August 2013 naman noong sila ay na-engage.


May ilang mga netizens naman ang napahanga sa tahimik nilang paghihiwalay kung saan hindi nila ito ginamit na paraan para lamg mapag-usapan.



Carmina Villaroel Nagsalita Na Sa Mga Bumabatikos Sa Kanya at Nagpasaring Kay Kyline?

Walang komento


 Hanggang ngayon ay nakakatanggap pa rin ng pambabatikos ang mag-inang Carmina Villaroel at Mavy Legaspi mula sa mga netizens dahil sa kamakailang hiwalayan nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.


Marami sa mga netizens ang naghinalang si Carmina Villaroel ang isa sa mga dahilan ni Kyline Alcantara sa pakikipaghiwalay niya kay Mavy Legaspi, nakikialam umano ang si Carmina Villaroel sa relasyon ng dalawa at dahil isang mama's boy si Mavy, sinusunod nito ang kanyang ina.


Ayon pa sa ilang mga netizens, kinukunsinti umano ni Carmina Villaroel ang mga kamalian ng kanyang mga anak kahit pa nakakasakit na ang mga ito sa ibang tao.


Hindi rin nagustuhan ng ilang mga fans ni Kyline Alcantara ang mga pasaring at parinig ni Carmina Villaroel laban sa Kapuso actress kung saan tinawag niya itong hindi totoong kaibigan ng kanyang anak


Samantala sa kamakailang panayam ni Ogie Diaz kay Carmina Villaroel, natalakay ng celebrity mom kung paano hinaharap ng kanilang pamilya ang pambabatikos na natatanggap nila mula sa mga bashers.


Inalala pa ni Carmina Villaroel ang mga panahon na wala pang social media at mga kolumnista pa lamang ang nakakapagbigay ng opinyon laban sa kanilang  mga artista subalit ngayon dahil sa social media, lahat na umano ang maaring makapagbibigay ng komento sa kanila mabuti man o hindi.


Nagbigay rin ng saloobin si Carmina Villaroel sa mga taong bumabatikos sa kanila kahit wala namang kinalaman ang mga ito sa kanila at hindi sila lubos na kilala.


Pinaalalahanan ni Carmina Villaroel ang kanilang mga bashers na sana bago sila husgahan o bago magkomento ang ng kung ano-ano na madali na lamang na gawin ngayon lalo na umano iyong mga taong gumagamit ng mga dummy account at itinatago ang kanilang sariling pagkakakilanlan.


Napakadali na lamang umano ngayong manira ng kapwa at husgahan na lamang umano sila kahit hindi pa nila sinasabi ang kanilang side ng story. Kaagad na umanong pinapaniwalaan ang mga sinasabi ng kabila.


Bagama't wala namang binaggit na pangalan si Carmina Villaroel, marami ang naghinala na ang kabila na tinutukoy ni Carmina ay walang iba kundi ang ex-girlfriend ng kanyang anak na si Mavy Legaspi.


Iginiit din ni Carmina Villaroel na wala sila sa contest na ang basehan ay ang dami ng mga naniniwala sa kanilang kwento. Nanahimik lamang umano sila dahil ayaw nila ng gulo, ayaw nila ng problema at ayaw nila ng intriga.


Inamin rin ni Carmina Villaroel na sila ng kanyang mister na si Zoren Legaspi ang labis na nasasaktan sa tuwing nahuhusgahan at napagbibintangan kahit wala namang kasalanan ang mga ito.


Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng pahayag ang kampo ni Kyline Alcantara hinggil sa mga isiniwalat ni Carmina Villaroel.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo