Dominic Roque, Nakarma Raw Dahil Sa Ginawa Kay Daniel Padilla

Miyerkules, Pebrero 7, 2024

/ by Lovely


 Rumeresbak ngayon ang mga tagahanga ng aktor na si Daniel Padilla kay Dominic Roque matapos makumpirma na wala nang kasalan na magaganap sa pagitan nila ni Bea Alonzo.


Kamakailan lamang ay kinumpirma ng King of Talk na si Boy Abunda ang balitang hiwalay na sina Bea Alonzo at Dominic Roque kaya naman sigurado na ring walang kasalan na magaganap sa pagitan nilang dalawa ngayong taon.


Bagama't ikinalungkot ng mga tagahanga nina Dominic Roque at Bea Alonzo ang balitang ito, marami naman sa mga fans ng aktor na si Daniel Padilla ang natatawa dahil tinamaan umano ng karma si Dominic Roque sa ginawa nito kay Daniel Padilla.


Matatandaan na sa isang panayam kay Dominic Roque nang makorner siya ng mga press people kung saan naitanong sa kanya ang ilang mga detalye sa kasal nila ni Bea Alonzo.


Dito, naisiwalat ni Dominic Roque na sinisimulan na nila ni Bea Alonzo ang pagpaplano ng kanilang kasal. Ibinahagi pa noon ni Dominic kung sino-sino ang makakasama niya sa entourage.


Kaaagad pang isiniwalat ni Dominic Roque na hindi kasama sa invited guest nila ang aktor na si Daniel Padilla dahil hindi na umano sila nagkaka-usap.


Sa gitna ng usaping, hindi na matutuloy ang kasal nina Bea Alonzo at Dominic Roque marami sa mga fans ni Daniel Padilla ang pinagtatawanan ngayon si Dominic Roque dahil talagang hindi umano invited si Daniel sa kasal dahil wala nang kasalan na magaganap.


Ayon pa sa ilang mga fans ng aktor na tila nakarma umano si Dominic Roque kaya ilang araw matapos isiwalat ang ilang detalye ng pagpapakasal nila ay nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon ni Bea Alonzo.


May mga nagsasabi pa na tila pina-powertrip umano ni Dominic Roque si Daniel Padilla lalo na sa ngayon na nakakatanggap ng labis na pambabatikos ang aktor dahil sa hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo.


May mga natatawa pa kung saan inilahad nilang bukod kay Daniel Padilla, hindi rin invited si Dominic Roque sa kasalan.


Sa kabilang banda, hanggang ngayon ay hindi pa rin nililinaw ng mga sources na nagsasabing hiwalay na ang dalawa ang totoong dahilan kung bakit tinapos nila ang kanilang relasyon na tumagal rin ng maraming taon.


Hinihintay naman ngayon ng maraming mga netizens ang opisyal na pahayag nina Dominic Roque at Bea Alonzo hinggil sa napapabalita nilang paghihiwalay.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo