Confirmed Bea Alonzo at Dominic Roque Hiwalay Na Mga Detalye Isiniwalat

Lunes, Pebrero 5, 2024

/ by Lovely


 Marami sa mga tagahanga ng engage couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque ang labis na nalulungkot ngayon dahil sa balitang naghiwalay na ang mga ito matapos ang ilang buwang pagkakaengage.


Matatandaan na na-engage ang dalawa noong July 2023 at nakatakda silang ikasal sa ikalawang bahagi ng ngayong taon. Marami ang mga naghinalang sa buwan ng Hunyo o di kaya naman ay sa buwan ng September itong magaganap.


Subalit, tila malabo na itong mangyari ngayon dahil sa kumpirmasyon ni Ogie Diaz mula sa kanyang mga sources na nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon dahil sa tampuhan nila matapos ang bakasyon sa Japan.


Marami sa mga fans at netizens ng labis na nanghihinayang sa nangyari sa dalawa kung kailan malapit na silang ikasal. Marami rin ang napapatanong kung bakit ngayon lamang ito napabalita matapos ang pagsisiwalat ni Dominic Roque ng ilang mga detalye sa nalalapit nilang pag-iisang dibdib.


Sa kamakailang mga gatherings ay napapansin ng mga netizens na hindi na suot ni Bea ang kanyang engagement ring na palaging sinusuot niya noon. 


Marami ang naghinala na baka nakaramdam lamang ang aktres ng wedding jitters na kadalasang nangyayari sa couples na malapit nang maikasal dahil sa panghihinayang na magbago ang buhay o di kaya naman ay nanghihinayang sa career.


Ayon sa pagsisiwalat ni Ogie Diaz na nitong January lamang nang magbreak sina Bea Alonzo at Dominic Roque dahil nagkasama pa sila nitong January lamang sa bakasyon.


Sa ngayon ay patuloy pa rin naman umanong sinusuyo ni Dominic Roque ang aktres kaya naman maaring umanong kumalma ang kanilang mga tagahanga dahil baka maayos pa naman ng dalawa ang kanilang paghihiwalay.


Gayunpaman, marami ang naghinala na may kinalaman ang yaman sa naging dahilan ng hindi pagkakasunduan ng dalawa dahil umano'y pinapipirma ni Bea Alonzo si Dominic Roque ng prenuptial agreement.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo