Kim Atienza Tinawag Na Gwapo Ang Anak Ni Lea Salonga Na 18 Years Old Na!

Biyernes, Mayo 17, 2024

/ by Lovely


 Marami sa mga fans ni Lea Salonga ang natutuwa at sinasabing napakadali lamang ng panahon dahil kamakailan lamang ay ipinagdiriwang ng nag-iisang anak ni Lea Salonga ang ika-18 na kaarawan nito.


Ipinahayag ni Lea Salonga sa kanyang Instagram post ang pagbati para sa kanyang anak at ang mensahe niya para rito, "This is my 18-year-old. My artistic, sensitive, creative, smart, beautiful, affectionate, loving, incredible 18-year-old. I’m beyond blessed and fortunate to call this one mine. Happy Birthday, my babes! Momma loves you to the moon and back!"


Kaagad na umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens at ilang mga celebrities na bumati rin sa nag-iisang anak ni Lea Salonga. Ipinahayag nilang masaya sila dahil lumalaki ng maayos ang anak ni Lea Salonga na si Nicole at napaka-talented din nito katulad ng kanyang ina.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na isang Queer ang anak ni Lea Salonga kaya naman 'this' ang ginamit niyang pantukoy rito, na siyang umani ng reaksyon ng maraming mga netizens.


Kabilang sa mga nagkomento sa post ni Lea Salonga ay si Kim Atienza, sinabi niyang gwapo ang anak nito.


Umani ito ng komento mula sa mga netizens, dahil mismong si Lea Salonga 'this' ang ginamit na siyang neutral na pantukoy sa gender ng anak. Ayon sa maraming mga netizens na dapat ay naghinay-hinay si Kim Atienza sa pagkokomento sa post ni Lea Salonga.


Dapat ay pabayaan na lamang umano nito si Lea Salonga na eenjoy ang kanyang anak.


Komento naman ng mga netizens na dapat ay huwag nang gawing isyu ang gender ng anak ni Lea Salonga  at pabayaan na lamang na magkapag-celebrate ito ng maayos sa kaarawan.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo