Jericho Rosales , Kim Jones Hiwalay Na since 2019 Confirmed!

Martes, Enero 30, 2024

/ by Lovely


 Sa wakas ay hayagan nang kinumpirma ang hiwalayan ng celebrity couples na sina Jericho Rosales at Kim Jones.


Ang kumpirmasyon ay mula mismo sa ninong ng kanilang kasal na si Rico Ocampo. Ayon kay Ricc o, noon pang 2019 naghiwalay ang mag-asawa. Kung susumahin halos kalahating dekada na rin palang hiwalay ang dalawa.


Matatandaan na noong May 2014, nagpakasal sa Boracay ang dalawa, halos kalahating dekada rin ang kanilang pagsasama.


Marami naman ang humanga sa paraan ng paghihiwalay ng dalawa dahil naitago nila ito sa publiko ng mahabang panahon. Kamakailan lamang lumabas ang mga balitang naghiwalay na ang dalawa sa pamamagitan pa ng mga blind items.


Subalit, ngayon hayagan nang nabulgar sa publiko ang lahat na isiniwalat mismo ng taong malapit sa kanila pareho ang nangyari sa kanilang relasyon.


Sa kabila naman umano ng paghihiwalay ng dalawa ay nanantili pa rin ang kanilang friendship.


Marami naman ang nalungkot sa balitang ito dahil marami sa kanilang mga tagahanga ang napahanga noon sa kanilang relasyon dahila napanatili nila ang privacy ng kanilang buhay may asawa at the same time makikitang hindi rin nawala ang kanilang pagiging magbestfriend.


Ayon naman sa isiniwalat ni Ricco Ocampo sa ABS-CBN News, inilahad niyang bagama't nanatili ang closeness at pagkakaibigan ng dalawa, pareho nilang napagdesisyonan na tapusin na ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa at malaya na silang gawin ang mga gusto nila.


Kahit nagtapos umano ang relasyon ng dalawa, makikita pa ring nirerespeto pa rin nilang dalawa ang isa't-isa at ang tanging hiling ang best para sa isa't-isa.


Bilang patunay na magkaibigan pa rin ang dalawa, may ginagawa umano silang proyekto na magkasama kung saan si Kim Jones ang writer, director at artista habang si Jericho Rosales naman ang producer.


Nakatakda na rin umanong ipalabas ngayong taon ang pelikulang ginagawa nila.


Matatandaan na nitong nakaraang linggo lamang, pinili ni Jericho na manahimik nang matanong sa kanya ng ilang press people ang totoong estado ng relasyon nila ni Kim Jones.


Iginiit lamang niya noong na okay sila, masaya, doing good, fantastic at amazing.


Sina Jericho Rosales at Kim Jones ay nagkakilala noong March 2011, August 2013 naman noong sila ay na-engage.


May ilang mga netizens naman ang napahanga sa tahimik nilang paghihiwalay kung saan hindi nila ito ginamit na paraan para lamg mapag-usapan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo