Boy Abunda Kinumpirma Ang Hiwalayang Bea Alonzo at Dominic Roque

Martes, Pebrero 6, 2024

/ by Lovely


 Balitang naghiwalay na ang engaged couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque muling kinumpirma ng mapagkakatiwalaang source.


Matatandaan na sa kamakailang vlog ng kilalang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz, inilahad niya ang ibinalita sa kanya ng ilang mga mapagkakatiwalaan niyang sources na nagkahiwalay na sina Bea Alonzo at Dominic Roque na nangyari nito lamang buwan ng January matapos ang kanilang Japan.


Ayon sa ilang mga sources ni Ogie Diaz, may hindi pinagkakasunduan umano ang dalawa kaya nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila na inaasahan ng lahat na mauuwi sa kasalan.


Samantala, kamakailan lamang ay kinumpirma na rin ang balitang ito ng kilalang King of Talk na si Boy Abunda. 


Sa latest episode ng Fast Talk with Boy Abunda sa segment na For Today's Talk, inilahad niya ang balitang nakarating sa kanya patungkol sa totoong estado ng relasyon nina Dominic Roque at Bea Alonzo.


Ayon kay Boy Abunda, tama ang mga isiniwalat ng kanyang kaibigan na si Ogie Diaz patungkol sa paghihiwalay nina Bea Alonzo at Dominic Roque. Bagama't naghiwalay na umano ang dalawa, patuloy naman umanong sinusuyo ni Dominic Roque si Bea Alonzo.


Sa katunayan, kagabi lamang ay kinausap ni Dominic Roque si Bea Alonzo upang maayos pa ang kanilang relasyon. Sa ngayon ay hindi pa umano alam ni Boy Abunda kung magkakabalikan pa ba ang dalawa.


Ayon pa sa source ni Boy Abunda, kaya hindi na sinusuot ni Bea Alonzo ang kanyang engagement ring dahil isinauli na niya ito kay Dominic Roque.


Pinabulaanan din ni Boy Abunda ang isyung hindi pagpirma ni Dominic Roque sa inihandang prenuptial agreement ni Bea Alonzo ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.


Ang sigurado pa lamang umano sa ngayon ay ang isyung walang kasalang magaganap sa pagitan nina Bea Alonzo at Dominic Roque ngayong taong 2024.


Iginiit din ni Boy Abunda na hindi nararapat na husgahan kaagad ngayon ang dalawa hanggang hindi pa inilalabas ng mga ito ang totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay.


Sa kabilang banda, hindi pa naglalabas ng pahayag sina Dominic Roque at Bea Alonzo patungkol sa mga lumalabas na isyung naghiwalay na sila matapos ang ilang buwan na pagkaka-engage at sa gitna ng pagpaplano sa kanilang kasal.



@luieeberry Mas okay na siguro na nag hiwalay bago ang kasal, kesa kasal na tapos saka na maghihiwalay. duh. hahahaha #beaalonzo #dominicroque #beaanddomhiwalayna #chismis #fyp ♬ original sound - Strawberry 🍓

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo