Big Revelation Sa Tunay Na Dahilan Ng Hiwalayan Nina Bea Alonzo at Dominic Roque

Huwebes, Pebrero 8, 2024

/ by Lovely


 Ibinahagi ng self-proclaimed Pambansang Marites na si Christian Albert Gazza na mas kilala bilang si Xian Gaza sa kanyang Facebook live kamakailan ang ipinarating sa kanya ng ilang mga artista patungkol sa nangyaring hiwalayan sa pagitan nina Bea Alonzo at Dominic Roque na ikakasal na sana ngayong taon.

Ayon kay Xian Gaza, hindi lamang iisang artista ang nagbahagi sa kanya na pera talaga ang totoong dahilan ng hiwalayan.

Dagdag pang pagsisiwalat ni Xian Gaza, na dahil si Bea Alonzo ang mas may malaking kita sa pagitan sa nila ni Dominic Roque ang aktres umano ang madalas na gumastos sa kanilang mga dates at pinagsamahang travel abroad.

Wala rin umanong third party involved sa paghihiwalay ng dalawa at kung sakali man na magkaroon hindi umano ito isang babae.

Bukod pa rito, iniisip ni Xian Gaza na ang usapin patungkol sa prenuptial agreement ang pinag-ugatan ng hindi pagkakaunawan sa pagitan nilang dalawa.

Gayunpaman, totoo umano ang balitang na noong una ay si Dominic Roque mismo ang nag-approach sa ina ni Bea Alonzo kung saan sinabi umano nito na handa siyang pumirma sa prenuptial agreement.

Subalit nang dumating na umano ang araw ng permahan ay bigla na lamang nagbago ang isip ng aktor.

Ipinunto pa ni Xian Gaza na hindi naman umano maikakaila na isang bilyonarya si Bea Alonzo dahil sa rami ng registered na ari-arian nito sa loob at labas ng bansa.

Ayon pa kay Xian Gaza, maayos naman umano sina Bea Alonzo at Dominic Roque bilang boyfriend-girlfriend, ang problema umano ay ang pagpapakasal mismo. Nang dumating na umano sila na kailangan ng pag-usapan ang marriage kung saan magiging iisa na sila sa lahat ng bagay kabilang na ang kanilang mga ari-arian.

Bukod pa rito, may mga naglabasan ring isyu ngayon na bukod sa prenup na pangunahing dahilan ng kanilang hiwalayan, may na diskubre rin umano si Bea Alonzo patungkol sa totoong pagkatao ng aktor na dahilan kung bakit ayaw na niya itong pakasalan.

Hindi umano matanggap ni Bea Alozo ang kanyang nadiskubre patungkol sa aktor na ngayon lamang niya nalaman.


Samantala, nauna nang isiniwalat sa vlog nina Cristy Fermin na pinapaimbistigahan ng pamilya ni Bea Alonzo ang trabaho ni Dominic Roque dahil napag-alaman nila na ang tinitirhang condo unit ni Dominic Roque ay pagmamay-ari ng isang controversial na pulitiko ngayon na isang lalaki.

Napapatanong pa sina Cristy Fermin kung bakit naninirahan si Dominic Roque sa isang mamahaling condominium at kung sino ang 'boss' nito.

Sina Bea Alonzo at Dominic Roque ay magkarelasyon sa loob ng tatlong taon, ikakasal na dapat sila sa taong ito subalit biglaan na lamang silang naghiwalay.

Sa ngayon ay hindi pa sila nagbbibigay ng pahayag patungkol sa totoong dahilan ng kanilang hiwalayan.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo