Tunay Na Dahilan Bakit Hindi Na Matutuloy Ang Kasal Nina Bea Alonzo at Dominic Roque

Miyerkules, Pebrero 7, 2024

/ by Lovely


 Naging laman sa talakayan nina Manay Cristy Fermin sa latest episode ng programang Cristy Ferminute ang isyung kinumpirma ni Boy Abunda sa kamakailang episode ng kanyang programang Fast Talk with Boy Abunda.


Nitong February 6, mismong si Boy Abunda na ang nagkumpirma na tinapos na nina Bea Alonzo at Dominic Roque ang kanilang relasyon kaya naman wala na umanong kasalan na magaganap ngayong taon.


Sa latest episode ng Cristy Ferminute nitong February 7, 2024 inilahad nila ang nakarating sa kanilang balita patungkol sa totoong dahilan sa biglaang paghihiwalay nina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Sa kanilang talakayan, inilahad ni Manay Cristy Fermin na may involved umanong pulitiko sa nangyaring hiwalayan ng dalawa Ayon sa pahayag ni Cristy Fermin, mayroong politikong involved sa isyu nina Bea Alonzo at Dominic Roque. Tila itinaya rin nina Cristy Fermin at Romel Chika ang kanilang pangalan para sa sinasabi nilang involvement ng isang pulitiko.


Hindi naman nila isiniwalat kung sinong pulitiko ang kanilang tinutukoy ang mga netizens na lamang umano ang humusga kung sino talaga ang kanyang tinutukoy.


Inilahad din ni Cristy Fermin na nakarating kay Bea Alonzo ang sinabi ni Dominic Roque sa kanilang common friends patungkol sa pinapapirmahan nilang prenuptial agreement.


Buong pahayag ni Cristy Fermin, "Nakarating po kay Bea Alonzo ang mga kwento ng mga common friends nila ni Dominic, katlad yung, 'Yung prenup prenup na yan, okay naman ako diyan eh. Wala namang problema sa akin yang prenuptial agreement na yan. Bakit? Kailangan ko ba yung pera nila?'"


Ito umano ang pahayag ni Dominic Roque na nakarating sa kampo ni Bea Alonzo. Sa kalagitnaan ng kanilang pagdidiskusyon, binalikan ni Cristy Fermin ang naging hiwalayan ng nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla noong nagdaang taaon at ikinumpra ito sa hiwalayan ngayon nina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Ayon mismo sa naging pahayag ni Cristy Fermin, kung sa hiwalayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay wala silang nauulinigan na mismong ang dalawa ang nagkakaumpugan sa social media kundi ang kanilang mga fans at ibang mga tao, mukhang magkakaroon na sa pagkakataong ito sa pagitan ning Dominic Roque at Bea Alonzo.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo