Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Brexit. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Brexit. Ipakita ang lahat ng mga post

Kapatid Ni Donny Pangilinan Pinatamaan Si Ogie Diaz! Nagreact Sa Nanliligaw Si Donny Kay Kathryn

Walang komento

Biyernes, Abril 19, 2024


 Kapatid ni Donny Pangilinan na si Ella Pangilinan Miranda naglabas ng pahayag matapos kumalat ang isyung nanligaw noon ang kanyang kapatid sa aktres na si Kathryn Bernardo.


Trending at mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang naging hugot ng kapatid ni Donny Pangilinan na si Ella Pangilinan patungkol sa sinasabi niya 'responsible journalism'.


Sa Instagram stories ni Ella Pangilinan, inilahad niya ang kanyang pagkadismaya sa mga supposedly reputable PH News outlets dahil sa paggawa nito ng mga fake news.


Hinala ng maraming mga netizens na ang pahayag na ito ni Ella Pangilinan ay may kaugnayan sa mga kumakalat ngayon balita sa ilang mga kilalang entertainment news sites patungkol sa panliligaw noon ni Donny Pangilinan sa aktres na si Kathryn Bernardo.


Matatandaan na unang lumabas ang balitang niligawan ni Donny Pangilinan si Kathryn Bernardo matapos ang hiwalayan ng huli sa aktor na si Daniel Padilla sa isang episode ng vlog ni Ogie Diaz na nagmula umano sa kanyang mapagkakatiwaalaang sources.


Ayon kay Ogie Diaz, na nasa kay Donny Pangilinan na kung aamin pa ba siyang niligawan niya non si Kathryn Bernardo kaya lang ay naudlot, sa hindi pa malinaw na dahilan.


Gayunpaman, nilinaw naman noon ni Ogie Diaz na wala rin namang problema kung sakaling hindi aamin si Ogie Diaz sa isyu.


Kaagad naman itong napag-usapan sa ilang mga social  media platforms hanggang sa makarating kay Ella.


Dahil sa pag-angal nito may mga naghinala na baka hindi talaga totoong niligawan ng aktor si Kathryn Bernardo.



Joey De Leon Binawi Mga Pasaring Sa It's Showtime

Walang komento


 Nagbigay na ng pahayag ang kilalang Henyo Master at Eat Bulaga host na si Joey De Leon kasunod ng mga pambabatikos na natanggap niya mula sa mga It's Showtime fans na nagsasabing handa at aabangan nila ang pagluhod nito sa darating na October dahil ipagdidiwang na ng It's Showtime ang kanilang ika-15 years anniversarry.


Matatandaan na bagama't wala namang nabanggit na pangalan si Joey De Leon patungkol sa tinutukoy niyang show na hindi aabot sa 15 years marami ang naghinala na ito ay walang iba kundi ang It's Showtime na katapat nilang noontime show.


Dahil sa mga natatanggap na batikos mula sa ilang mga netizens na sumusuporta sa It's Showtime, pinili ni Joey De Leon na linawin ang sinasabi niyang luluhod siya kung aabot ang isang show ng 15 years.


Nagbahagi si Joey De Leon ng isang video nitong April 19, 2024 sa Instagram at Twitter upang linawin ang binitiwan niyang pahayag sa isang segment ng Eat Bulaga noong April 17, 2024.


Sa video, nilinaw ni Joey De Leon na hindi ang It's Showtime ang kanyang tinutukoy sa naging pahayag niya at sa pahayag ni Tito Sotto.


Iginiit din ni Joey De Leon na hindi nila kaaway ang It's Showtime. Matagal na umano nilang kapitbahay ang It's Showtime, hindi rin umano sila tinitira ng mga host nito kaya naman hindi rin nila tinira ang show.


Ayon kay Joey De Leon na ang tinutukoy nila ni Tito Sotto ay iyong nagpo-programa sa social media at nagpo-post ng mga maling impormasyon patungkol sa Eat Bulaga.


Tila nag-advance greeting rin si Joey De Leon sa It's Showtime na malapit na ipagdiwang ang kanilang 15 years anniversary.


Hiniling rin ni Joey De Leon na huwag na silang pagsabungin pa ng It's Showtime dahil nagtatrabaho lamang din umano ang mga iyon.


Ang tinutukoy umano niya ay ang mga nagpo-post sa social media.


Nauna na ring nilinaw ng TVJ at taga-Mediaquest na walang katotohanan ang mga kumakalat na tsismis patungkol sa pagpapatawag sa kanila ng emergency meeting dahil nalulugi na ang show na Eat Bulaga.

Vice Ganda May Bwelta Sa Pasaring Ng Eat Bulaga Host!

Walang komento


 Inaabangan ngayon ng maraming mga netizen ang reaksyon ng It's Showtime host at Unkabogable Star na si Vice Ganda sa mga pasaring ng Eat Bulaga host na si Joey De Leon nitong nagdaang araw.


Tila hindi naman apektado si Vice Ganda sa mga banat nina Joey De Leon kamakailan sa kanilang show kung saan sinabi nitong hindi aabot sa fifteen years ang kanilang show. Kung aabot man umano ito sa fifteen years ay baka luluhod pa siya sa harap ng mga ito.


Nananatili pa rin ang pagiging kalmado ni Vice Ganda at goodvibes lang sa kamakailang episode ng Expecially For You sa It's Showtime.


Nagbiro pa si Vice Ganda sa isang searchee nila dahil napansin ni Vice Ganda na napakatangos ng ilong nito. Ayon kay Vice Ganda, nasa It's Showtime ito ngayon subalit ang ilong nito ay umaabot hanggang sa Eat Bulaga.


Nagbigay pa si Vice Ganda ng isang inspirational message patungkol sa pagpo-focus sa sariling goal at iwasan ang pagtingin sa ibang tao at pagiging bitter.


Pahayag ni Vice Ganda, "Mas magaan sa pakiramdam, sa puso, sa konsensya, focus ka lang sa kalagayan at diskarte mo. Huwag ikumpara ang katayuan mo sa katayuan ng iba. Nakakapangit ng mukha at ugali ang pagiging bitter."


Bagama't wala namang sinabing pangalan si Vice Ganda, tila alam na ng maraming mga netizens kung sino ang kanyang tinutukoy sa kanyang naging pahayag na walang iba kundi ang Eat Bulaga host na si Joey De Leon.


Matatandaan na pinaghihinalaan ni Joey De Leon ang It's Showtime family na siyang nagpapakalat ng mga maling balitan patungkol sa pagkakalugi ng Eat Bulaga at malapit na umano silang matigil sa pag-ere.


May hamon pa si Joey De Leon, na umabot lamang sila ng 15 years ay baka luluhod pa umano si Joey sa harap ng mga ito.



Joey De Leon Hinam0n Si Vice Ganda at Ang It's Showtime

Walang komento

Huwebes, Abril 18, 2024


 Laman ng mga talakayan ngayon sa ilang mga social media platforms ang banat ng Eat Bulaga host at tinaguriang Henyo Master na si Joey De Leon laban sa katapat nilang show na It's Showtime.


Ipinapalabas ni Joey De Leon na malapit nang matigil ang It's Showtime, ni hindi umano ito aabot ng 15 years hindi katulad nila na may napatunayan na matapos umire ng 45 years at mapabilang sa top 5 longest running shows in the world.


Tila ang It's Showtime hosts rin ang pinaghihinalaan ni Joey De Leon na nagpapakalat ng balitang nalulugi na sila at malapit ng matigil sa pag-ere.


Ayon pa kay Joey De Leon, na naiinggit lamang umano itong katapat nila sa kanilang mga achievement kaya paninira na lamang ang ginagawa at pagpapakalat ng mga maling impormasyon patungkol sa kanilang programa.


Hinamon din ni Joey De Leon ang mga ito na umabot mula ng kahit fifteen years at luluhod pa umano siya sa harap ng mga ito.


Ayon pa kay Joey De Leon na tila bastusan na umano ang labanan ngayon kaya lalaban na rin siya kahit pa wala pang napatunayan ang show ng mga ito dahil hindi pa umabot sa 45 years at hindi pa nabibilang sa top 5 of the world sa mga longest running shows.


Kaagad naman itong umani ng komento mula sa mga netizens na kaagad naikonekta kung sino ang tinutukoy ni Joey De Leon.


Kahit walang sinabi ay alam naman umano na ang It's Showtime talaga ang tinutukoy ni Joey De Leon.


May mga madlang pipol naman na nagsasabi na excited na umano silang makita ang pagluhod ni Joey De Leon dahil sa darating na October ay ipagdidiwang na ng It's Showtime ang kanilang 15 years anniversary.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag ang mga It's Showtime hosts sa pangunguna ni Vice Ganda sa naging banat laban sa kanila ni Joey De Leon.


@felysalvador420 TVJ sinagot na ang mga nagsasabing nalulugi at magsasara na daw ang Eat Bulaga #madiskartengnayfely #tiktokviral #tiktoktrending #tiktok #fyp #foryoupage #goodvibesonly ♬ original sound - Fely420

Jayda Avanzado Umamin Na! Isinapubliko Ang Relasyon Nila Ni Darren Espanto

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga online news portals ang pag-amin ng singer na si Jayda Avanzado sa naging relasyon nila ng kapwa singer na si Darren Espanto.


Sa kamakailang panayam sa nag-iisang anak ng kilalang classic singer na si Jessa Zaragoza na si Jayda Avanzado, hayagan niyang inamin ang pagkakaroon nila ng special relationship ni Darren Espanto ilang taon na ang nakalilipas.


Binalikan ni Jayda Avanzado ang naging past nila ni Darren Espanto sa kanyang guesting sa programang Fast Talk with Boy Abunda sa GMA7.


Ayon kay Jayda, totoong nagkaroong sila ng mutual understanding noon ni Darren Espanto, subalit matagal na umanong panahon ang nakalipas.


Sa unang part ng naging panayam ni Boy Abunda kay Jayda, sinabi ng King of Talk kay Jayda ang papuri ni Darren Espanto sa kanya kung saan kinilala nito ang dalaga bilang 'best singers' ng new generation.


Kaagad namang ipinahayag ni Jayda na talagang very flattered siya sa papuri ni Darren Espanto.


Dito na itinanong ni Boy Abunda ang pagkakaroon nila ng relasyon noon ni Darren Espanto.


Inamin naman ni Jayda Avanzado na totoong nagkaroon ng romantic relationship sa pagitan nilang dalawa ilang taon na ang nakakalipas.


Ipinaliwanag naman ni Jayda ang sinabi niyang special relationship nila ni Darren Espanto, “It was just mutual and we were vocal sa aming dalawa, we were vocal of that. We were special to each other at one point.”


Matatandaan na sa kamakailang guesting ni Darren Espanto sa Fast Talk with Boy Abunda sinabi ni Darren Espanto na nais niyang gawing private ang naging nakaraan nila noon ni Jayda.


Sa kabila naman umano nito ay inilahad naman ni Darren na nanatili pa rin silang magkaibigan na dalawa.




Diwata, Inaresto Ng Mga Kapulisan Sa Kasong Isinampa Noon Pang 2018

Walang komento


 Muling naging laman ng mga usap-usapan sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang social media personality at entrepreneur na si Deo Balbuena, na kilala rin bilang “Diwata".


Inaresto ng mga otoridad si Diwata nitong April 18, 2024 sa bisa ng warrant of arrest sa kasong isinampa laban sa kanya noon pang 2018.


Ayon kay PNP Spokesperson PCapt. Mark Jun Anaviso, mapayapang sumama naman si Diwata sa mga awtoridad naumaresto  sa kanya sa kanyang Paresan establishment sa Pasay City.


Ang warrant ay inihatid sa pamamagitan ni Allan B Ariola, Presiding Judge ng Metropolitan Trial Court Branch 48, Pasay City.


Mabilis naman na nagpiyansa si Diwata na nagkakahalaga ng P3,000 para makamit ang kanyang pansamantalang kalayaan.


Nagpahayag naman ang mga netizens ng kanilang suporta kay Diwata, kung saan sinasabi nila na ang reklamo ay isang bagay lamang ng kanyang madilim na nakaraan ni Diwata.


Marami rin ang bumabatikos sa namamahala sa batas kung bakit ngayon lamang naiserved kay Diwata ang warrant of arrest kung noon pang 2018 ang reklamo.



May mga nagsasabi pa na talagang nahuhuli ang hustisya ng bansa kung sakaling totoong nagkasala man noon si Diwata.


May mga sumuporta naman kay Diwata at sinasabing  pagsubok lamang ang lahat ng ito kay Diwata na alam naman nilang matatagumpayan rin nito sa hinaharap.


Matatandaang tumanggap si Diwata ng katanyagan sa social media matapos siyang kilalanin ng ilang vlogger bilang viral LGBT member na na-feature sa isang news report tungkol sa isang kaguluhan noong 2016.


Mabilis na naging atraksyon sa mga netizens ang negosyong Paresan ni Diwata matapos itong mai-feature ng ilang mga vloggers. Marami rin ang bumilib sa kanyang makulay na personalidad at dedikasyon para makaiwas sa kahirapan.


Kamakailan lang, itinampok ni Alex Gonzaga ang Paresan business ni Diwata at ibinahagi rin ng social media celebrity ang kanyang determinasyon na magkaroon ng mas magandang buhay matapos subukan ang iba pang mga negosyo.


Mapapanood na rin ngayon sa hit Kapamilya series na Ang Batang Quiapo sa ABS-CBN.



Michelle Dee Binura Na Ang Larawan Nila ni Oliver Moeller

Walang komento


 Sa gitna ng mga usap-usapan ngayon patungkol sa panliligaw ni Atty. Oliver Moeller, mabilis na napansin ng mga netizens ang pagbura ni Michelle Dee sa kanyang larawan kasama ang binatang naging searchee sa segment ng It’s Showtime na “Expecially for You.”


Matatandaang nai-pair si Oliver Moeller kay Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee sa segment na Expecially For You at hindi napigilan ng maraming fans na-iship ang dalawa dahil sa malakas nilang chemistry.


Gayunpaman, nitong Huwebes, April 18, 2024 napansin ng netizens ang pagbubura ni Michelle Dee sa larawan nila ni Oliver Moeller na kuha mula sa It's Showtime matapos magpahiwatig ng paghanga ang huli sa It’s Showtime host na si Kim Chiu.


Matatandaan na sa isang panayam kay Oliver Moeller sa muling pagbisita nito sa It's Showtime nitong April 16, 2024, inamin niya na labis siyang nagagandahan kay Kim Chiu noon pa mang hindi pa siya sumalang sa It's Showtime.


Hindi naman nilinaw ni Oliver Moeller ang kanyang sagot sa katanungan kung nililigawan na ba niya ngayon ang aktres dahil naniniwala umano siyang dapat ay humingi muna siya ng permiso mula kay Kim Chiu bago siya magbigay ng pahayag patungkol dito.


Dahil sa naging pahayag na ito ni Oliver Moeller marami ang naghinalang may balak talaga itong ligawan si Kim Chiu at naghihintay na lamang ito ng permiso mula sa aktres.


Bukod pa rito, inamin rin ni Oliver Moeller na bukas siya sa posibilidad na makapasok sa entertainment industry kung sakaling mabibigyan siya ng pagkakataon.


Marami naman sa mga netizens ang nagpahayag ng kanilang pagkakadisgusto kay Oliver Moeller dahil tila pasimple umano itong clout chaser, na halata naman sa paraan nito ng pagsagot.


May mga pumuri kay Michelle Dee dahil sa pagiging matalino nito na tila ba napag-alaman umano nito ang binabalak ni Oliver Moeller. Hiniling pa ng ilan na sana ay maging mapagmatyag din si Kim Chiu para hindi siya magamit muli ng mga nagpapasikat.



Kim Chiu Kinilig Sa Pa-Surprise Birthday Dinner Date Ni Paulo Avelino

Walang komento


 Papunta na ngayon ang actress-TV host na si Kim Chiu sa Siargao para sa second wedding ng kanyang malapit na kaibigan na si Angelica Panganiban na magaganap sa darating na sabado, April 20, 2024.


Nasa Siargao na rin ang iba pa nilang mga kaibigan gaya na lamang nina Glaiza De Castro, Cherry Pie Picache at ibang mga naglalakihang pangalan sa mundo ng showbiz.


Sa Siargao na rin ipagdidiriwang ni Kim Chiu ang kanyang ika-34 na kaarawan na magaganap naman bukas April 19, 2024.


Sa kabilang banda, labis naman na kinakikiligan ng maraming mga KimPau fans ang pa-early birthday celebration ni Paulo Avelino para kay Kim Chiu.


Nadagdagan pa ito ng nagsilabasan ang ilang mga behind the scenes videos nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa serye nilang What's Wrong With Secretary Kim?


Ayon sa ilang mga netizens na tila nagkakaroon umano ng sariling mundo sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa kanilang mga eksena.


Talagang ginagalingan nilang pareho ang kanilang mga eksena na nagiging makakatotohanan kung titingnan.


Samantala, ayon naman sa ilang mga netizens na talagang siniseryoso na umano ni Paolo Avelino ang kanyang panunuyo kay Kim Chiu lalo na ngayon tila may karibal na ito sa katauhan ni Oliver Moeller.


Matatandaan na marami sa mga netizens ang naghinalang may balak si Oliver Moeller na ligawan si Kim Chiu kung pagbabasehan ang mga naging sagot nito sa panayam kamakailan sa kanya.



Michelle Dee Nagsalita Na Hinggil Sa Estado Nila Ni Oliver Moeller Sa It'S Showtime

Walang komento


 Muling bumisita sa noontime show na It's Showtime ang beauty queen-actress na si Michelle Dee nitong hwebes April 18, 2024.


Matatandaan na noong April 6, 2024, ay sumalang ang Miss Universe Philippines 2023 na si Michelle Marquez Dee bilang 'Searcher' sa isang segment ng It's Showtime na Expecially For You, kung saan ang napili ni Michelle na makadate ay ang lawyer na nagmula sa Cebu na si Oliver Moeller.


Sa kanyang muling pagbabalik sa It's Showtime, inusisa siya ng ilang mga host kung kamusta ang date niya kasama si Oliver Moeller.


May nakapansin naman na tila nag-iba ang reaksyon ni Michelle Dee sa tanong na ito at tila naging pilit rin ang kanyang mga ngiti.


Tila nagdalawang isip pa si Michelle Dee sa pagsagot hanggang sa sinabi na lamang nito na 'secret' katulad ng sinabi rin ni Oliver Moeller nang tanungin ito ni Vice Ganda patungkol sa nangyaring date nila ng beauty queen.


Naitanong rin kay Michelle Dee kung ano ang kinain nila ni Oliver Moeller sa kanilang date, ayon kay Michelle na pinoy foods ang kanilang kinain.


Inamin pa ni Michelle na ang way para makuha ang kanyang loob ay sa pamamagitan ng pagpapakain sa kanya ng mga masasarap na Pinoy foods.


Samantala, may mga netizens naman ang nagsasabi na normal lamang umano ang reaksyon na ito ni Michelle Dee sa mga katanungan ng mga It's Showtime hosts lalo na kung wala naman talagang something na nangyari sa pagitan nina Michelle Dee at Oliver Moeller.


Ganun naman ang purpose ng Expecially For You hindi naman kinakailangan na maging magkarelasyon ang dalawa kundi susubukan lamang ng mga ito na magdate ng isang beses.


Hindi naman ibig sabihin na kailangan maging boyfriend ni Michelle Dee si Oliver dahil sa pagpili niya rito sa Expecially For You.


@raindulay Michelle Dee on Its Showtime Again 💅💅💅 #ItsShowtime #Kapamilya #ABSCBN #FYP #MichelleDee ♬ Salamin, Salamin - BINI

Buong Detalye Sa Balitang Nagtalo Sina Vic Sotto at Joey De Leon Dahil Sa Pagkalugi Ng Eat Bulaga

Walang komento

 

Hindi napigilan ng dating senador na si Tito Sotto na maglabas ng pahayag laban sa mga taong ipinapalabas na nalulugi na ang kanilang show na Eat Bulaga at malapit na ring matigil sa pag-ere sa telebisyon.


Sa segment ng Eat Bulaga na Gimme 5 nitong martes April 16, 2024, gigil na binanatan ni Tito Sotto ang mga nagpapakalat ng mga bali-balitang nalulugi na sila at magwawakas na rin ang kanilang noontime show.


Matatandaan na na nag-ugat ang bali-balitang nalulugi na ang Eat Bulaga matapos lumabas sa isang entertainment news sites ang balitang nagkaroon ng mainit na pagtatalo sina Vic Sotto at Joey De Leon dahil sa problema sa pera.


Ayon sa kanila, hindi maiiwasan na magkaroon ng hindi pagkakaintindihan patungkol sa finances dahil nag-aadjust pa umano ang TVJ bilang panibagong producer ng Eat Bulaga lalo na sa pamamahala ng mga finances ng show.


Ayon pa sa naglabasang mga ulat, nagiging mainitin umano ng ulo ngayon si Joey De Leon dahil mas nasasanay umano ito na tumanggap ng pera kaysa sa maglabas ng pera mula sa sariling kaban.


Bagama't hindi naman maitatanggi na mayroong maraming commercial load ang Eat Bulaga tila hindi umano ito ramdam ng production dahil sa dami rin ng kanilang mga gastusin.


Kasunod nito, kumalat naman ang mga balitang nagpatawag ng isang emergency meeting ang TVJ at media quest para tugunan ang negative earning ng show ilang buwan na ang nakakalipas.


Dahil sa mga usap-usapang ito, hindi na napigilan ni Tito Sotto na magbigay ng pahayag upang tugunan na ang isyu.


Para patunayan na hindi sila nalulugi, handa umano si Tito Sotto na ipakita ang kanilang file income tax sa media mula sa BIR.


Sa huli ay pinayuhan ni Tito Sotto ang mga netizens na maging mapagmatyag at paniwalaan lamang ang mga balitang may katotohanan.


Sumabat naman si Joey De Leon at binanatan ang kanilang katapat na noontime show na It's Showtime. Ipinapalabas ni Joey De Leon na ang mga host ng kanilang katapat na show ang nagpapakalat ng mga fake news patungkol sa kanilang show.


Sinabi pa ni Joey De Leon na wala pang napapatunayan ang It's Showtime hindi katulad nila na napasama na sa top 5 longest running show sa buong mundo.


Hinamon pa niya ang mga ito na handa siyang lumuhod kung sakaling makaabot ang show ng kabila ng fifteen years.


Sa kabilang banda, marami ang nakapansin sa pananahimik ni Vic Sotto sa isang dami sa kabila ng panggagalaiti nina Joey De Leon at Tito Sotto.




@felysalvador420 TVJ sinagot na ang mga nagsasabing nalulugi at magsasara na daw ang Eat Bulaga #madiskartengnayfely #tiktokviral #tiktoktrending #tiktok #fyp #foryoupage #goodvibesonly ♬ original sound - Fely420

Sen. Bong Revilla Isinugod Sa Ospital Lani Mercado Humihingi Ng Panalangin

Walang komento


 Humihingi ng panalangin ang actor at Senador na si Ramong 'Bong' Revilla Jr. sa kanyang mga tagahanga matapos isugod sa hospital dahil sa injury sa paa.


Marami sa mga tagasuporta ni Sen. Bong Revilla ang nag-alala matapos kumalat sa social media ang video na ibinahagi ng senador na kinunan sa loob ng St. Lukes Medical Center nitong April 16, 2024.


Ang dahilan ng kanyang pagkaka-confine sa hospital ay ang dati pa niyang injury sa paa na tinatawag na Achilles Tendon.


Lalo umano itong lumalala dahil sa pagtakbo niya ng mabilis habang kinukunan nila ang kanyang comeback film na Alyas Pogi.


Buong pahayag ni Sen. Bong Revilla, "Hello, good evening. Guess where I am right now? I’m at the hospital. It’s a bit sad news but I am okay. Had an injury, my achilles tendon had a partial tear that's why I need to undergo an operation. We will know by tomorrow, so please pray for me." 


"First day ko ng 'Alyas Pogi' yesterday kasama ko pa si Ara Mina and Epy Quizon but you know may mga pangyayaring minsan hindi maiiwasan, mangyayari talaga 'yon. Basta importante ipagdasal niyo na hindi po grabe. Pero na-MRI na po ako kanina at sinabi nga ng doktor na bale 50% ng aking achilles ay na-tear 'yun po dahil sa pagtakbo, dahil sa sobrang bilis ko raw tumakbo," dagdag pa niya.


Kailangan na umano nitong operahan kung saan umaabot sa tatlo hanggang limang buwan ang pagpapagaling nito matapos ang operasyon.


Ayon naman sa anak nito na si Jolo Revilla na kasama niya sa hospital ay titingnan pa ng mga doktor ang resulta ng mga test na isinagawa sa kanyang ama kung handa na ba itong sumailalim sa operasyon.


Hiniling naman nito na isama sa mga pagdarasal ang tuluyang paggaling ng kanyang ama na si Sen. Bong Revilla.



Jayda Avanzado Isiniwalat Ang Pagtataray Ni Francine Diaz Sakanya Dahil Kay Andrea Brillantes!

Walang komento


 Isiniwalat ng singer na si Jayda Avanzado na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan noon ni Francine Diaz, kaugnay sa naging isyu noon na tinarayan siya ni Francince Diaz dahil kay Andrea Brillantes.


Ang ginawang pagtataray ni Francine Diaz sa kanyang kaibigang si Jayda Avanzado ay may kaugnayan naman sa hindi nila pagkakaunawaan noon ng kapya young star na si Andrea Brillantes.


Sa kamakailang interview kay Jayda Avanzado ni Cristy Fermin, ay prangka niyang isiniwalat ang nangyari sa pagkakaibigan nila ni Francine Diaz. Ayon kay Jayda Avanzado, nagsimula ang hindi nila pagkakaunawaan ni Francine Diaz noong nagpapicture siya kasama si Andrea Brillantes nang magkasama sila sa iisang event.


Tila hindi umano nagustuhan ni Francine Diaz na nagpapicture siya kay Andrea Brillantes. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na matagal nang nagtapos ang pagkakaibigan nina Andrea Brillantes at Francine Diaz.


Sa kabilang banda ay nanindigan naman si Jayda na wala siyang nakikitang mali sa pagpapapicture niya kasama si Andrea Brillantes dahil wala naman umano silang issue na dalawa, dahil sina Francine at Andrea ang may issue at ayaw na rin umano niyang makisalo sa kung ano mang hindi pagkakaintindihan ng dalawa.


Buong pahayag ni Jayda Avanzado,"Well totoo naman po na nagkasama kami ni Blythe sa isang party. Tsaka parang nagkataon lang din po talaga kasi host po siya ng party na yon. And nag-picture naman po talaga kami kasi maliit lang naman po yung mundo ng showbiz."


Dagdag pa ni Jayda Avanzado, "Pero ito naman po nay, siguro in respect to the events na nangyari po, sa ngayon po hindi ko na po e-elaborate lahat ng mga detalye. Pero ito na lang po sasabihin ko, yung picture namin ni Blythe, I would really just say na importante po sakin na nakikisama po ako sa lahat ng tao sa industriya."


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na bukod kay Francine Diaz ay hindi rin nagustuhan ng tagahanga ng aktres ang picture nina Jayda at Andrea Brillantes.


Marami sa mga fans ni Francine Diaz ay bumabatikos kay Jayda. Subalit, sinabi ni Jayda na kahit nakatanggap siyang ng backlash dahil sa post na iyo ay hindi na mahalaga sa kanya dahil pinalaki siya ng kanyang mga magulang na dapat i-respeto ang lahat ng tao na nakilala niya sa industriya ng showbiz.


Hindi rin naman umano tama na dededmahin niya si Andrea Brillantes gayung maayos naman umano ang trato nito sa kanya.


Iginiit pa ni Jayda na kung anuman ang isyu sa pagitan nina Francine Diaz at Andrea Brillantes ay labas na siya roon at wala rin siya karapatan na magbigay ng pahayag rito.


Sa kabilang banda, kaagad naman na naglabas ng mga komento ang mga fans ni Francine Diaz kung saan pinabulaanan nila ang isyung tinarayan ni Francine Diaz si Jayda, dahil hindi umano ito magagawa ng aktres dahil sa kabaitan nito.


Pinaghihinalaan din nila ngayon si Jayda Avanzado na for-clout lamang ang kanyang mga isiniwalat dahil may panibago itong single, kaya gumagawa ito ng isyu para mapag-usapan.




Angeli Valenciano May Rebelasyon Tungkol Sa Lagay Ni Kris Aquino Na Katulad Ng Nangyari Kay Gary V!

Walang komento


 Patuloy pa ring ipinagdarasal ng maraming mga tagahanga at tagasuporta ng dating actress-host na si Kris Aquino ang tuluyang paggaling nito mula sa kanyang mga karamdaman.


Matatandaan na noong February 14, 2024 ay tahasang inamin ni Kris Aquino sa publiko ang totoong kalagayan niya. Inamin ni Kris Aquino noon na hindi maganda ang kanyang kalagayan ngayon dahil muli na naman siyang nakitaan ng iba pang mga auto-immune conditions.


Isiniwalat rin ni Kris Aquino na critical na ang kanyang kalagayan dahil may tama na rin ang iba pa niyang mga organs kagaya na lamang ng kanyang heart at lungs.


Gayunpaman, hiniling pa rin ni Kris Aquino sa lahat ng mga nagmamahal sa kanya at sa kanyang pamilya na patuloy siyang ipagdasal dahil alam naman umano niya na pinapakinggan ng panginoon ang dasal na nagmumula sa maraming tao.


Samantala, tila nagkaroon naman ng pag-asa ang ilang mga netizens na nagmamahal kay Kris Aquino sa isiniwalat ni Angeli Valenciano, asawa ni Gary V. patungkol naman sa ginawa ng mga doktor sa kanyang mister.


Ayon kay Angeli, dapat ipagpatuloy ni Kris Aquino ang kanyang pagdarasal at huwag itong matakot dahil may paraan pa rin naman para manumbalik ang kanyang lakas katulad na lamang ni Gary V. na sumailalim sa isang procedure para patuloy ito makagalaw at makapag-perform sa mga darating pa nitong mga concerts.


Kung matatandaan ay nauna nang isiniwalat ni Kris Aquino na dahil sa kanyang Churg-Strauss syndrome ay naapektuhan na ang ilan sa kanyang mga vital organs kagaya ng heart at lungs.


Ngayon ay mayroon nang cardiomyopathy, kung saan nahihirapan nang mag-pump ng blood ang kanyang puso dahil sa inflammation.



Kim Chiu Dawit Sa Pag-Unfollow Ni Michelle Dee Kay Oliver Moeller

Walang komento


 Naging malaking palaisipan para sa mga netizens kung bakit hindi na naka-follow ngayon si Miss Universe Philippines 2023 na si Michelle Marquez Dee sa pinili niyang Expecially For You Searchy na si Atty. Oliver Moeller na nagmula sa Cebu.


Matatandaan na si Michelle Dee ang unang naging guest ng It's Showtime sa segment na Expecially For You noong April 6, 2024 sa unang araw ng kanilang pag-ere sa main channel ng Kapuso Network.


Matapos ang kanilang date, kaagad na napansin ng mga netizens na naka-unfollow na si Michelle Dee kay Oliver Moeller, habang ang binata naman ay patuloy pa ring nakafollow kay Michelle Dee.


Dahil dito, may ilang mga netizens na pilit na dinadawit ang pangalan ng actress, TV-host na si Kim Chiu sa usaping ito.


Si Oliver Moeller ang napili ni Michelle Dee na kanyang maging ka-date sa segment ng It's Showtime na Expecially For You nitong April 6, 2024.


Marami ang kinilig sa kanilang dalawa dahil hindi maitatanggi na may hitsura rin naman si Oliver Moeller at makikita na malakas ang chemistry nilang dalawa.


Lalong na-curious ang mga netizens kay Oliver Moeller dahil may pagkakahawig umano ito sa aura ng kilalang crush ng bayan na si Piolo Pascual.


Makikita naman na naging matagumpay ang date nina Michelle Dee at Oliver Moeller, subalit, nagulat na lamang ang mga netizens nang mapansing hindi naka-follow si Michelle Dee sa Instagram account ni Oliver.


Ayon naman sa ilang mga netizens na nakasubaybay sa Instagram following ni Michelle Dee na naganapa ang pag-unfollow ni Michelle Dee kay Oliver Moeller matapos ang muling pagpunta ni Oliver sa It's Showtime nitong April 16, 2024.


Kung saan tinukso pa ito ni Vice Ganda sa actress-TV host na si Kim Chiu na nagmula rin sa Cebu.


Ayon sa mga netizens na halatado umanong kinikilig si Oliver Moeller sa panunukso sa kanila ni Kim Chiu at gayundin umano ang actress.


Sa isang panayam, tahasang inamin ni Oliver Moeller na matagal na siyang nagagandahan kay Kim Chiu bago pa man siya naging guest sa It's Showtime.



Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag si Michelle Dee patungkol sa isyung ito, kung una pa lamang ay hindi na siya naka-follow kay Oliver o in-unfollow lamang niya ito kamakailan.




James Yap, Dinalaw Ang Ex-Wife! || Kris Aquino, Napaluha Ng Sobra!

Walang komento

Miyerkules, Abril 17, 2024


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga bulung-bulunga patungkol sa pagbisita umano ni James Yap sa dating asawa na si Kris Aquino na kasalukyang nagpapagaling sa hospital sa Amerika.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na hanggang ngayon ay hindi pa rin bumubuti ang kalagayan ni Kris Aquino subalit, hindi naman ito nakitaan ng pagsuko dahil kahit na nahihirapan na ang katawan ng Queen Of All Media ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa para makasama pa ng matagal ang kanyang mga anak.


Sa pagpunta ni James Yap sa Amerika marami ang naghinala na naghahanda na rin si James Yap sa kanyang gagawing hakbang sakaling may masamang mangyari kay Kris Aquino.


May mga nagsasabi naman na ipinakita ni James Yap na may pakialam pa rin naman siya kahit papano kay Kris Aquino sa kanyang pagbisita rito.


Mismong si Kris Aquino na rin naman ang umamin noon na may posibilidad siyang mawala kung sakaling hindi gumana ang gamot na ituturok sa kanya.


Gayunpaman, marami pa rin ang nagdududa kung may katotohanan nga ba ang balitang ito dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang pinagdaanan noon nina Kris Aquino at James Yap.


Sa ngayon hiling na lamang ng maraming mga netizens na sana ay tuluyan nang gumaling si Kris Aquino mula sa kanyang mga karamdaman.





Katotohanan: 'Eat Bulaga Magpapaalam Na, Magsasara Na'

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon ng mga marites online ang mga haka-hakang titigil na rin sa pag-ere ang longest running noontime show ng bansa na Eat Bulaga, dahil sa pagiging negative ng earning nito ilang buwan na ang nakakalipas.


Naging usap-usapan pa noon ang pagpapatawag ng emergency meeting sa pagitan ng mga staff ng show at maging ng pamunuan ng TV5 para pag-usapan umano ang nasabing isyu.


Hati naman ang opinyon ng maraming mga netizens sa usaping ito dahil kung titingnan ngayon ang Eat Bulaga ay tila hindi naman sila bothered sa paglipat ng It's Showtime sa main channel ng Kapuso na channel 7.


Ayon pa sa maraming tagahanga ng Eat Bulaga na malabong magsara ang show dahil marami naman ang sumusuporta nito at palagi ring puno ng TV ads ang kanilang slots.


Bukod pa rito, bumubuhos rin ngayon ang mga papremyo na ibinibigay ng TVJ, kagaya na lamang nitong nakaraang episode ng Eat Bulaga kung saan tila nagpaulan ng papremyo ang dating Senate President na si Tito Sotto sa Gimme 5, Laro ng mga Henyo sa Eat Bulaga.


Nagpapatunay lamang umano ito na hindi nalulugi ang kanilang programa na walang katotohanan ang mga isyung magsasara na sila.


Tinawag pang sinungaling ni Tito Sotto ang mga taong nagpapakalat sa isyung nalulugi na sila at nagkaroon pa ng hindi pagkakaunawaan dahil sa usaping pera sina Vic Sotto at Joey De Leon.


Ayon naman kay Joey De Leon, na ang mga nagpapakalat ng mga balitang nalulugi at matitigil na ang kanilang show ay ang mga taong naiinggit sa kanilang tagumpay dahil hindi sila kasali sa top 5 longest running shows in the world.


Sinabi pa ni Tito Sotto na handa nilang ipakita ang file income tax nila sa BIR para mapatunayan na walang katotohanan ang bali-balitang magtatapos na ang kanilang show.


Sa kabilang banda, may hamon pa si Joey De Leon sa hindi niya pinangalanang show na kung aabot sila ng fifteen years ay luluhod siya sa harap ng mga hosts nito.


Nilinaw pa niya na fifteen years lang hindi fifty years.


Hirit ni Joey De Leon, na bastosan na kasi ngayon ang labanan at siraan na, mga walang kwenta, gayung dapat mag-enjoy lamang ang lahat sa mga programa na inilatag.


Bukod sa pagtawag na inggitera ay tahasan pang sinabi ni Joey De Leon na masasama ang ugali ng mga ito gayung wala pang napatunayan ang mga ito hindi kagaya nila na umabot na sa 45 years ang kanilang programa at kabilang na sa top 5 of the world.


Sa huli, muling nilinaw ni Tito Sotto hindi walang katotohanan ang mga naglabasang mga ulat patungkol sa pagsasara at pagkakalugi ng Eat Bulaga.



Daniel Padilla Matagal Nang Insecure Kay Alden Richards

Walang komento


 Hanggang ngayon ay marami pa rin sa mga netizens ang pilit na ikinukumpara ang dalawang aktor na sina Daniel Padilla at Alden Richards.


Noon pa mang ginagawa nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang pelikulang Hello, Love, Goodbye ay tila may silent war na sa pagitan nina Daniel Padilla at Alden Richards. Naging laman din ang mga usap-usapan noon patungkol sa hindi pagpansin ni Daniel Padilla kay Alden Richards noong bumisita ito sa set ng pelikula para ipakita ang suporta sa girlfriend niya noon na si Kathryn Bernardo.


Naging isyu ito noon dahil tanging si Alden Richards lamang umano ang hindi kinibo ni Daniel Padilla sa set ng Hello, Love, Goodbye. Nagpapahiwatig lamang ito na hindi niya nagustuhan ang pagkakatambal nito kay Kathryn Bernardo.


Lalo pang uminit ang isyu sa pagitan ng dalawa nang malampasan ng Hello, Love, Goodbye ang high grossing film nila ni Kathryn Bernardo na The How's of Us.


Hindi man lamang umano binati ni Daniel Padilla noon si Alden Richards sa tagumpay ng pelikula nito kasama ang kanyang girlfriend.


Sa isa pang panayam noon sa aktor ay iginiit pa niya na siya ang totoong Box Office King at hindi si Alden Richards.


May mga naglabasan ring chika noon na kaya hindi nagkaroon ng part 2 ang Hello, Love, Goodbye dahil sa pagpipigil noon ni Daniel Padilla sa dating girlfriend na si Kathryn Bernardo.


Ngayon nauulat ang panliligaw ni Alden Richards kay Kathyn Bernardo, matapos ang paghihiwalay nila ni Daniel Padilla, marami ang nagsasabing tila lalong mag-iinit at maiinsecure si Daniel Padilla kay Alden Richards.


Lalo na't marami sa mga dating fans ng KathDen noon na nanahimik lamang ay nag-iingay na ngayon. Nadagdagan pa ito dahil may mga fans na tumalikod kay Daniel Padilla matapos ang paglabas ng totoong kulay ng aktor.




Marami Nag-Alala at Nagulat Sa Itsura Ngayon Ni Paolo Contis

Walang komento

Laman ng mga usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga screenshots ng larawan ni Paolo Contis na kuha sa kanyang live kung saan inanyayahan niya ang mga netizens na panoodin ang kanilang pelikula, nagpasalamat din si Paolo Contis sa lahat ng mga sumusuporta sa kanilang pelikula dahilan para manguna umano sila sa Netflix Philippines.


Subalit, ang nakakuha sa attention ng mga netizens ay ang pagbabago sa hitsura ngayon ni Paolo Contis na malayong-malayo noong napabilang ito sa noontime show ng TAPE Incorporated na Eat Bulaga, kalaunan ay naging Tahananang Pinakamasaya.


Marami sa mga netizens ang tila nababahala ngayon sa hitsura ni Paolo Contis dahil tila tumanda umao ang aktor ng ilang taon gayung higit isang buwan pa lamang nang mapatigil sa pag-ere ang pinangungunahan nitong noontime show ng TAPE Inc. sa GMA7.


Komento pa ng ilang mga netizens na tila natuyot na umano ngayon si Paolo Contis at biglang nangayayat.


Sa kabila ng nakakabahalang kalagayan ngayon ng pangangatawan ni Paolo Contis may ilang mga netizens parin ang nambabatikos rito.


Tinawag nilang senior citizen si Paolo Contis at naghahanda na umanong magpasustento sa kanyang mga anak. Hinala pa ng marami na may ginawang kalokohan si Paolo Contis ngayon dahilan para bumagsak ang kanyang timbang at manuyot ang kanyang mga balat.


Samantala, hinala ng marami na may pinagdadaanan ngayon si Paolo Contis katulad na lamang ng pagkaramdam umano nito ng guilt o may iniisip umano ngayon ang aktor.


Sa kabila naman ng mga natatanggap na pambabatikos sa aktor, marami naman ang humanga sa ipinakita nitong acting skills sa pelikulang A Journey kung saan kasama niya sina Kaye Abad at Patrick Garcia. Karapat-dapat lamang talaga na manguna umano ang kanilang pelikula sa Netflix dahil sa ipinakita nilang talento.



Mahusay Na Aktres Magbabalik Na Sa ABS-CBN/GMA Matapos Magpahinga Sa Showbiz

Walang komento


Muling nilinaw ng aktres na si Dimples Romana sa kamakailang panayam sa kanyang ang totoong estado ng pamumuhay ng aktres na si Angel Locsin at asawa nitong si Niel Arce.


Hindi pa rin kasi nawawala ang mga bulong-bulungan patungkol sa totoong estado ng relasyon nina Angel Locsin at Niel Arce dahil sa kanilang pananahimik sa social media.


Ilang taon na rin ang lumipas nang magbahagi si Angel Locsin ng kanyang larawan sa social media kaya naman labis na nag-aalala na ngayon ang kanyang mga tagahanga.


Samantala, nauna nang inihayag noon ni Dimples na maayos naman si Angel Locsin, pinabulaanan pa niya ang mga bulong-bulungan na nagkaroon ng malubhang sakit ang aktres kaya ito natatago sa mata ng publiko.


Ayon sa naging sagot noon ni Dimples Romana sa kanyang mga panayam noon patungkol kay Angel Locsin ay sinabi niyang halos hindi na humahawak ng cellphone ngayon si Angel Locsin.


Nag-detoxify na umano ngayon si Angel Locsin sa social media, hindi na rin umano nito sinasagot ang kahit sino na naghahanap sa kanya.


Hindi naman umano nangibang bansa ang aktres at nanatili lamang low key dito sa bansa sadyang umiiwas lamang umano ito sa publiko at piling mga kaibigan lamang ang hinaharap.


Iginiit naman ni Dimples na palagi naman niyang nakikita si Angel Locsin at kakulitan pa umano ito ng kanyang mga anak.


Nilinaw rin ni Dimples ang isyung nanghihiram ng pera si Angel Locsin sa isang malapit na kaibigan. Ayon kay Dimples, ay napaka-imposible umano nito na mangyari.


Hiling naman ni Dimples Romana na magbalik na si Angel Locsin sa limelight dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na marami ang naghahanap sa aktres.


May mga nasagap naman na balita ang ilang mga marites na umano'y malapit nang magbalik si Angel Locsin subalit, hindi sa ABS-CBN kundi sa dati nitong channel na GMA.





Diwata, Hindi Natuwa Sa Pagbisita ni Alex Gonzaga

Walang komento


 Naging laman sa mga usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang entertainment news sites ang pagbisita ng actress, vlogger, TV-host na si Alex Gonzaga sa pinag-uusapang paresan ni Diwata.


Naging hati ang opinyon ng mga netizens sa pagbisita ni Alex Gonzaga sa social media personality at entrepreneur na si Deo Jarito Balbuena, na mas kilala bilang “Diwata.”


Sa kanyang social media account, ibinahagi ni Alex Gonzaga ang isang teaser ng kanyang susunod na vlog na tampok ang Diwata Overload Pares.


Makikita rin na kasama ni Alex Gonzaga sa nasabing vlog ang kanyang mister na si Mikee Morada.


Gayunpaman, hindi napigilan ng mga netizen na mapansin ang ekspresyon ng mukha ni Diwata, at sinabing hindi natuwa ang social media personality sa pagbisita ni Alex Gonzaga.


Makikita kasi na hindi nakangiti si Diwata sa teaser ng vlog at hindi na ito gaanong kumikibo.


Hinala ng ilang mga netizens na pagod na si Diwata dahil sa dami ng customer at sa mga vlogger na patuloy na nag-feature sa kanyang negosyo.


Makikita naman umano sa mukha ni Diwata ang pagod dahil sa dami ng customers at tila naririndi na rin umano ito sa mga pangungulit ng mga vloggers na nais i-fature ang kanyang paresan para sa sariling views.


Narito ang ilang komento ng mga netizens, "Si diwata sobrang pagod araw araw nakakaabala pa sa ginagawa nya ang mga bloger na halos lahat nakapalibot sa kanya ndi sya makakilos ng maayus dahil ang dami nakaharang na camera. Madami ang gumagawa ng content tapos 100 pesos lang ang expenses para sa pagkain para maka pasok jan tapos kukuha ng million views."


“Sinong di magagalit, pagod na yan buong maghapon tas may mga vlogger pa na laging nangungulit sa kanya. Tas yung mga tao pa na ang kukulit siguro at maiingay.”


Kaagad namang ipinagtanggol ng ilang mga netizens si Alex Gonzaga kung saan ipinunto nila na hindi katulad ng ibang mga vloggers si Alex Gonzaga dahil nagbibigay ito ng regalo para sa kanyang mga collaborations.


May mga nagtatanggol din sa mga vloggers na nagpupunta sa paresan ni Diwata dahil sila naman umano ang nag-iindorso sa negosyo ni Diwata para makarating sa maraming mga tao ang masarap na luto ni Diwata.




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo