Nagsampa ang Office of the Ombudsman ng two counts ng graft charges laban kay dating Quezon City mayor Herbert Bautista at sa kanyang city administrator na si Aldrin Cuña dahil sa umano'y anomalya sa P25 milyong solar power installation at computerization projects noong 2019.
Ayon sa inilabas na balita tungkol sa kasong isinampa laban kina Herbert Bautista at Aldrin Cuña, inakusahan ng Ombudsman ang mga dating opisyal ng Quezon City sa pagbibigay ng kontrata at pagpapalabas ng P25.3 milyong pondo.
Ang nasabing fund ay bayad umano para sa Cygnet Energy and Power Asia, Inc. para sa solar power system at waterproofing works sa gusali ng Quezon City Civic Center sa kabila ng pagkabigo ng Cygnet firm na makakuha ng Net Metering System mula sa Meralco.
Ang isa pang kasong graft na isinampa laban sa mga akusado ay ang P32 million project na iginawad sa Geodata Solutions Inc. para sa pagbili ng online Occupational Permitting and Tracking System na walang partikular na ordinance na pinagtibay ng Sangguniang Panlungsod.
Samantala hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang dating Quezon City Mayor na si Herbert Bautista patungkol sa pag-aakusang ito sa kanya.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!