TV-Host Pinapaalis Na Sa It's Showtime Dahil Sa Ugali

Biyernes, Mayo 17, 2024

/ by Lovely


 Hindi nagustuhan ng maraming mga madlang pipol ang ginawa ng TV-host singer na si Jugs Jugueta ng noontime show na It's Showtime.


Sa kamakailang episode ng It's Showtime, makikita ang pagtutuksuhan ng mga host ng nasabing noontime show matapos sabihin ni Anne Curtis ang kanyang spiel na 'Ngiting may nag-chat ng good morning'.


Napansin ng mga co-hosts ang kakaibang ngiti ni Kim Chiu dahilan para tuksuhin nila ito, sinabi rin ni Anne Curtis na itaas ang kamay ng mga nakakarelate.


Kinuha naman ni Jug Jugueta ang kamay ni Kim Chiu at pilit na ipinapataas dahil kakaiba ang ngiti nito. Kaagad naman na napansin ng maraming mga fans ni Kim Chiu na tila nagbago ang mukha ni Kim Chiu na tila ba ay hindi nito nagustushan ang ginawa ni Jugs subalit dahil nakalive sila ay dinaan na lamang ni Kim Chiu sa pagtawa at sa pagbiro.


Marami naman sa mga fans ni Kim Chiu ang nabastusan sa ginawa ni Jugs Jugueta, iginiit nila na dapat ay respetuhin naman ni Jugs ang privacy ni Kim Chiu at alamin ang limitasyon kung hanggang saan ang pagbibiruan nila.


May mga nagsasabi pang dapat ay paalisin na si Jugs Jugueta sa It's Showtime dahil nagiging corny na umano ang mga jokes nito.


Gayunpaman, may mga nagsasabi namang ganoon lamang magbiruan ang mga It's Showtime hosts at wala nang ipinagbago roon. Pamilya na rin naman ang kanilang turingan kaya naman wala lamang umano kay Kim Chiu ang ginawa ni Jugs.


"Si Jugs pa na napaka gentle at edukado. Di na kayo nasanay sa mga jokes na wagas. Only in showtime lang yan, for entertainment. May mga pisikalan at alipustaan ng mga pananamit at kung ano2 pa. Ok lang yan basta sa ITS SHOWTIME."


"Wala lang naman yon sa  kanila kahit tayo naman cguro nagawa rin natin yong parang pinipilit sa pamilya  Kya sanay wag nang bigyan nang malisya yon"


"Bakit naman paalisin si jugs .maliit na bagay .pinalaki ang issue .kaysa Hindi nagustuhan Ng fans ni kim.mabait si jugs .kesyu sikat si Kim ganunin lng nila kawawa talaga si jugs."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo