Heart Evangelista Ibinunyag Ginawa Ng Dating Glam Team, Mga Walang Utang Na Loob

Miyerkules, Nobyembre 29, 2023

/ by Lovely


 Muling nabuhay ang dating isyu sa pagitan ni Heart Evangelista at dati niyang glam team, dahil sa pagsisiwalat n9 Heart sa kamakailang YouTube vlog niya.


Tila si Heart Evangelista na rin mismo ang nagbuhay sa dating isyu sa pagitan nila ng kanyang glam team sa kanyang kamakailang vlog sa kanyang paghahanda sa dinaluhan niyang fashion show sa New York.


Tampok sa ibinahaging vlog ni Heart Evangelista ang highlights ng kanyang New York Fashion week journey.


Ibinida ni Heart Evangelista sa kanyang halos isang oras na vlog ang ginagawa niyang paghahanda sa Fashion week at mga lugar na kanyang mga napuntahan roon.


Ibinahagi rin niya kung sino-sinong mga personalidad ang tumutulong sa kaniya para maging fabulous sa mga events na kanyang pinupuntahan.


Makikita rin sa ibinahaging vlog ni Heart Evangelista ang usapan nila ng kanyang dating manager na si Arnold Sebastian Mendoza na naka-base na ngayon sa New York.


Pinag-usapan nila ang patungkol sa pagtitiwala at pagkakasira nito. Bagama't wala namang binanggit na pangalan ang dalawa, natunugan ng mga netizens na ang kanilang tinutukoy ay ang dating glam team ni Heart Evagelista.


“You cannot trust anybody. Only yourself and just a chosen few—especially when they want more,” pahayag ni Heart Evangelista.


Sinegundahan naman ito ni Arnold Mendoza, “You can’t be everybody’s cup of tea. Kahit na ano pang gawin mo, magta-tumbling ka, meron pa rin ang hindi mo… ayaw sa iyo.” 


“Ano lang, simple na, kung kanino ka nagsimula, kung paano ka nagkaroon ng pangalan, bigyan mo naman ng ano… ‘di ba?” dagdag pa nito.


Muli itong sinigundahan ni Heart Evangelista.


“If they want to do other clients, wala namang problema. Tell me naman because ako, bawal, kayo puwede? Bawal akong mag-react?”


Nagbigay din ng mensahe si Arnold Mendoza kung saan ni-realtalk niya ang mga ito.


“Day, nagiging ano kayo, influencer, dahil kay Heart. Mga bakla kayo, magre-resign kayo—sulat? Kakapal naman ng mga mukha n’yo. Puwede mo namang kausapin yung tao. May magagawa ba siya kung gusto niyo na siyang iwan?


“Pero, sana, namili kayo no’ng maayos na paraan.”


“Dinala kayo sa ibang bansang hindi n’yo kayang puntahan. Libre. Tapos gusto n’yo maglamyerda. Eh, ‘Day, trabaho muna.”


Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng anumang pahayag ang dating glam team ni Heart Evangelista hinggil sa usapan nina Heart at Arnold.


Samantala, narito ang ilang komento ng mga netizens hinggil sa nasabing vlog ni Heart Evangelista at ang usapan nila ni Arnold.


"A Netflix-worthy show! Heart and Arnold in this vlog are unbothered and don't hold back, putting it out there and letting people know what actually happened. Kudos!"


"Beautiful work. Really like this mahaba pero noteworthy. Kita mo yung effort niya and nila as a team. Nakita mo yung side ni Heart and Chiz as a couple, not as politicians or celebrities. Kita mo yung pareho silang supportive of each others worlds. I guess pagmahal mo, youd definitely be willing and kita sa kanila yun. Its just beautiful."


"I like this new type of vlog-making. Not really an avid subscriber and I usually binge-watch so I can be updated. This type of style makes Heart and her team more relatable and real. I love the side-commentaries and testimonials as they can add more context, expand the story by a bit, and provide explanation done in hindsight.  To more videos like this! More power to Heart and her new team."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo