Lolit Solis, Muling Ipinagtanggol Ang Kanyang Anak-Anakan Na Si Paolo Contis

Biyernes, Mayo 17, 2024

/ by Lovely


 Hiniling ng batikang showbiz reporter at talent manager na si Lolit Solis sa mga netizen na bigyan ng privacy ang isa sa mga aktor na inaalagaan niya na si Paolo Contis.


Sa kanyang Instagram post, inihayag ni Lolit Solis ang kanyang kalungkutan sa mga isyung ibinabato laban sa kanyang alaga, iginiit niyang karapat-dapat ding maging private si Paolo pagdating sa kanyang personal na buhay.


“Salve naawa naman ako kay Paolo Contis na para bang nasa aquarium na gusto laging pinapanuod ng tao. Iyon kahit pa nga dapat pribado na niyang buhay talagang gusto parin kalkalin ng mga walang magawa. Tutoong public figure ang artista. Pero sana naman iyon gusto nila na sila na lang ang may alam hayaan na natin,” saad ni Lolit Solis.


Nanindigan din si Lolit Solis na dapat nang itigil na mga netizens ang pakikialam sa pribadong buhay ni Paolo Contis at i-enjoy na lang ang pagganap nito bilang aktor.


“Sana naman iyon na lang muna tignan natin. Kung anuman ang buhay niya sa labas ng kamera, pagbigyan na lang natin siya basta maligaya siya. For the longest time naging sad and lonely si Paolo Contis dahil sa ilang journey niya sa buhay na hindi niya na control. Ngayon meron siyang nadarama na konting happiness hayaan natin siya na enjoy whatever it is. Kawawa naman siya kung pati iyon aagawin pa natin sa kanya,” pagdidiin ni Lolit Solis.


Matatandaan na kamakailan lamang ay iginiit ni Paolo Contis na hindi siya maglalabas ng pahayag patungkol sa mga isyu nila ni Yen Santos dahil personal na buhay na niya ito.


Iginiit din ni Paolo Contis na may karapatan naman siyang manahimik dahil hindi kabilang sa responsibilidad niya ang pagsisiwalat at pagsagot sa mga katanungan patungkol sa personal na buhay niya lalong lalo na ang kanyang buhay pag-ibig.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo