Ipinapakita ang mga post na may etiketa na tsismislangpo!. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na tsismislangpo!. Ipakita ang lahat ng mga post

Ang Ibinibintang Ni Anne Jakrajutatip Sa Dating Miss Universe President Na Si Paula Shugart

Walang komento

Miyerkules, Pebrero 21, 2024


 Umalma si Paula Shugart, dating presidente ng Miss Universe Organization sa mga pahayag ni Anne Jakrajutatip na talamak ang corruption noong siya pa ang nasa posiyon.


Kaagad na nagbigay ng pahayag si Paula Shugart bilang sagot sa mga tirada ni Anne Jakrajutatip na talamak umano ang korapsyon noong mga panahon na siya pa ang nakaupo bilang Presidente ng Miss Universe Organization.


Nitong lunes, February 19, 2024 naglabas ng official statement sa kanyang Instagram account. Ayon sa pahayag ni Paula, nakarating umano sa kanya ang balitang tumatanggap siya ng under the table money para masiguro ang placement ng isang kandidata sa Miss Universe competition.


Iginiit ni Paula na walang katotohanan ang mga isyung ito sa loob ng 12 years niyang panunungkulan bilang Miss Universe Organization president.


Pagpapahayag ni Paula, na mula noong inanunsyo niya ang kanyang resignation noong November 2023,ay hindi na umano siya nagpakita pa sa spotlight at hindi na rin umano siya nagbibigay ng anumang komento patungkol sa mga nangyayaring pagbabago sa Miss Universe Organization .


Nanahimik umano siya at hindi na lamang naglalabas ng komento sa lahat ng nangyayari at tahimik na lamang tinutulungan ang brand at ang mga stakeholders nito sa tuwing may nangangailangan sa kanya sa pamamagitan ng kanyang historical  knowledge at guidance.


Subalit, hindi umano niya mapapalampas ang mga false accusations at outrageous comment ng Miss Universe owner na si Anne Jakrajutatip na nakakaapekto na umano sa kanyang karakter kaya naman hindi na siya maaring manahimik na lamang.


Ayon sa pahayag ni Paula, "Normally, I would choose to ignore such assertion but, by suggesting that I am corrupt and took money 'under the table' to secure placements in Miss Universe competitions, Jakrajutatip not only deframes me, but also discredits the women who have won the Miss Universe by implying their titles were 'bought' and not earned by merit." 


Sa ngayon ay pinag-iisipan na rin umano ni Paula kung magsasampa ba siya ng kaso laban kay Anne Jakrajutatip sa paninira nito ng puri sa kanya.


Naku, Nagkagulo Na! Bea Alonzo at Dominic Roque Nakatikim Ng Masasakit Kay Cristy Fermin

Walang komento

Huwebes, Pebrero 15, 2024


 Bea Alonzo at Dominic Roque tinalakan ni Cristy Fermin dahil sa pagpapasaring sa kanya dahil sa pagkumpirma niya sa hiwalayan nilang dalawa.


Inalmahan ng batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin ang inilabas ng official statements nina Bea Alonzo at Dominic Roque patungkol sa pag-amin nila sa kanilang hiwalayan.


Ayon kay Cristy Fermin, tila sinisisi pa umano nina Bea Alonzo at Dominic Roque ang mga kolumnista at ang press people sa pagkalat ng balitang nagkahiwalay na sila sa gitna ng pagpaplano na sana sa kanilang magaganap na kasal.


Sa kamakailang episode ng programa ni Cristy Fermin na Cristy Ferminute, ipinahayag ni Cristy Fermin ang kanyang reaksyon patungkol sa pagpapasaring ni Bea Alonzo at Dominic sa kanilang inilabas na joint statements sa mga taong pinangunahan silang isiwalat ang kanilang paghihiwalay.


Tahasan pang sinabi ni Cristy Fermin na alam niya kung sino ang taong tinutukoy nina Dominic Roque at Bea Alonzo sa kanilang joint statement.


Matatandaan na tila napilitan lamang sina Bea Alonzo at Dominic Roque patungkol sa kumpirmasyon ng kanilang paghihiwalay dahil sa mga kumakalat na isyu patungkol sa totoong dahilan nito.


Inilahad din naman nila ito sa kanilang naging pahayag na mahirap at hindi naging madali ang kanilang desisyon na itigil ang kanilang relasyon. Hindi rin umano nakatulong rito ang mga taong hindi rumespeto sa kanilang privacy kung saan kinumpirma na ang kanilang hiwalayan ng walang abiso mula sa kanila.


Iginiit naman ni Cristy Fermin na ang tanging nagkumpirma lamang ng hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque ay sina Boy Abunda at Ogie Diaz. Tanging ang pinapanindigan lamang umano niya ay ang patungkol sa pagkakaroon ng pulitikong sugar daddy ni Dominic Roque.


Ayon pa kay Cristy Fermin na handa niyang panindigan ang patungkol sa pulitikong boss ni Dominic Roque na totoong nagmamay-ari ng tinitirhan condo ni Dominic Roque. Handa pa umano si Cristy Fermin na kumanto ng 'ipaglalaban ko' ang isyung ito.


Nagbigay pa ng mensahe si Cristy Fermin kay Bea Alonzo kung saan inilahad niya na hindi naman maganda na sisisihin ng aktres ang mga taong nagkumpirma ng hiwalayan nila ni Dominic Roque.


Ipinunto pa ni Cristy Fermin na kung ayaw naman pala nilang pangunahan ng ibang tao ay dapat sila na lamang ang naunang maglabas ng pahayag kung ayaw nilang maunahan ng ibang mga tao.


Para kay Cristy Fermin, walang basehan ang inis ni Bea Alonzo at Dominic Roque sa mga nagsasabing hiwalay na sila dahil totoo naman itong nangyari.



Katotohanan Sa Pagpaparinig Ng Kapatid Ni Dominic Roque Kay Bea Alonzo

Walang komento

Huwebes, Pebrero 8, 2024


 Naging mainit na usapin sa ilang mga social media platforms ang umano'y pagpaparinig ng kapatid ni Dominic Roque kay Bea Alonzo dahil sa ibinahagi nitong post sa social media.


Deretsahang nilinaw ng kapatid ni Dominic Roque na si Lhean Roque na hindi ang aktres na si Bea Alonzo ang kanyang pinaparinggan sa ibinahagi niyang post patungkol sa mga taong nagpapanggap na mabait.


Sa kamakailang Instagram stories ni Lhean iginiit niyang walang kinalaman ang ex-fiancee ng kanyang kapatid sa mga ibinahagi niyang post online.


Nilinaw niya sa lahat na hindi umano related sa kanyang Ate Bea  o mga taong malapit rito ang kanyang ibinahaging post. Dahil isa umano itong work-related issue. 


Hindi rin umano niya inakala na iba ang iisipin ng mga netizens at iniuugnay pa ito sa pinagdaanan ng kanyang kapatid at dating karelasyon nito na si Bea Alonzo.


Iginiit din niya na madalas naman umano siyang magpost ng mga ramdom qoutes sa kanyang social media account na hindi naman naging isyu noon.


Hiling din niya na sana ay naging malinaw na sa lahat ang kanyang post dahil hindi na umano niya uulitin pa ito sa susunod na pagkakataon. Ito na rin umano ang huling pagkakataon niya na magbigay ng pahayag patungkol sa isyu nina Dominic Roque at Bea Alonzo.


Matatandaan, na marami ang naghinalang may kinalaman kay Bea Alonzo ang ibinahaging cryptic post ng kapatid ni Dominic Roque dahil ibinahagi niya ito matapos kumpirmahin ni Boy Abunda ang hiwalayan ng dalawa.


Base sa larawang ibinahagi ni Lhean, mahihinuhang nagbabalatkayo ang taong ito. Pinapalabas sa lahat na ito ay mabait subalit ang totoo ay tinatago lamang nito ang pagiging mabangis.


Hinala ng marami na ito ang sagot ni Lhean sa road manager at makeup artist ni Bea Alonzo kung saan tila sinasabing manipulative si Dominic Roque. Marami rin sa mga fans ni Bea Alonzo ang humusga sa pamilya ni Dominic Roque na hindi gaanong mayaman kaya kailangan umano nitong pumirma ng prenuptial agreement.


Sa ngayon ay patuloy pa ring lumalabas ang iba't-ibang mga haka-haka sa kung ano ang totoong dahilan ng paghihiwalay nina Bea Alonzo at Dominic Roque lalo na't hindi pa naman naglalabas ng anumang mga pahayag ang dalawa.


Hiling naman ngayon ng kani-kanilang mga fans na tugunan na ng dalawa ang isyu upang matigil na rin ang paglalabas ng kung ano-anong isyu na maaring makasira sa kani-kanilang reputasyon.


Samantala, hiling naman ng mga solid Bea Alonzo-Dominic Roque fans na malampasan ng dalawa ang pagsubok na ito at matuloy ang naudlot nilang pagpapakasal.



Kaila Estrada Ipinagtanggol Si Anji Salvacion Sa Bashers Sa Linlang

Walang komento

Biyernes, Nobyembre 3, 2023


Usap-usapan ngayon sa social media ang prime series na kinabibilangan nina Kaila Estrada at Anji Salvacion na Linlang.


Matatandaan na nakakatanggap ng samu't-saring pambabatikos si Anji Salvacion dahil sa umanoy ligwak na pag-arte nito. Kahit magkada-duling na ito sa pag-arte ay wala pa rin.


Sa kabilang banda, nakatanggap naman ng papuri si Kaila Estrada dahil sa pag-arte nito na nakadala sa maraming manonood.


Sa gitna papuring natatanggap ngayon ni Kaila Estrada sa kanyang magaling na pagganap sa kanyang role, tila naglabas naman siya ng pahayag kung saan ipinagtanggol niya ang kanyang co-star na nakakatanggap ngayon ng pambabatikos.


Kamakailan lamang ay muling nagviral ang isang eksena mula sa Linlang na kinabibilangan ni Anji.


Sa eksena, makikitang inawat ni Anji Salvacion ang nagsasabunutang sina Kim Chiu at Kaila Estrada.


Muling napataas ang kilay ng mga netizens sa pag-ayos ni Anji Salvacion sa kanyang buhok at sa hindi maintindihan na boses nito.


May ilang mga netizens naman ang talagang concerned sa pag-arte ng aktres kaya nila pinupuna ito.


Nais lamang umano ng mga netizens na ito na mapansin ni Anji Salvacion ang kanyang mga kakulangan pagdating sa pag-arte.


Gayunpaman, hindi rin maitatanggi na may mga netizens talaga na below the belt na ang pamumuna sa acting skills ni Anji Salvacion.


Hindi naman ikinatuwa ni Kaila Estrada ang mga nababasa niyang pambabatikos kay Anji Salvacion. Sa isang panayam tahasang inamin ni Kaila Estrada na hindi na nakakatuwa at nakakawala na umano ng confidence ang mga pambabatikos kay Anji.


Nakikiusap din si Kaila Estrada sa mga netizens na sana huwag naman ganun ka-harsh ang mga komento laban sa kanyang co-star na si Anji Salvacion.


"I understand that criticism is part of it, di ba? I mean, we welcome it, kasi we learn from the criticism that we receive.


"But I think, some people may have taken it too far. And I really hope that you know, we can just be kinder and nicer, and more responsible in what we say online.


"Kasi siyempre, hindi naman natin alam yung magiging effect nun sa kanya. I hope people can be nicer," saad ni Kaila.


Sa kabilang banda, inamin naman ni Kaila Estrada na napi-pressure din siya sa mga kasamahan niya sa serye na kilala na sa larangan ng pag-arte.


"I think part na rin yun dun sa challenge na the cast, of course, sobrang powerhouse. And siyempre medyo kinabahan din ako and also siyempre mas mature yung role.


“I guess, yung preparation and yung emotional investment ko dun sa character, definitely mas mabigat, mas malalim.


"I was nervous din kung tatanggapin ng mga tao kung ako yung gaganap. I'm grateful to everybody that supporting din na and I'm really grateful din for the feedback that I've gotten so far.”




Kritikal! Kris Aquino Pinapirma Ng Waiver Ng Kanyang Doktor Para Sumailalim Sa Matinding Operasyon

Walang komento

Lunes, Hunyo 13, 2022

Pinag-uusapan sa mga social media platforms ang tungkol sa kalagayan ng Queen Of All Media na si Kris Aquino.

Matapos ang pag-amin ng Doctor ni Kris. Ayon rito, maiksi na ang buhay ng TV-host actress. Dahil dito may bilin ito na maging honest sa kanya. Huwag magtatago ng kahit anong detalye at nakalagay na kung hindi magpapagamot si Kris Aquino sa lalong madaling panahon, napa-iksi na lang ng oras na kanilang tatawirin.

Ayon sa bali-balita, pinapirma na ng isang waiver si Kris Aquino na kung ano man ang mangyari sa pagpunta niya sa Houston, Texas ay siya lang sisisihin at hindi ang mga doktor niya sa Pinas. Kung hindi pumirma si Kris Aquino sa waiver ay hindi siya papayagan ng kanyang mga doctor na makalipad patungong Huston, Texas.

Alam ni Kris na talagang kailangan niya ang mahabang gamutan para makabalik sa dati ang health conditions niya.

Very prayerful si Kris at sa dami rin ng kanyang mga natulungan na ipinagdarasal siya. Baka magkaroon ng himala at gumaling siya.

Sa ngayon ay kasalukuyang nasa Houston, Texas si Kris. Sumasailalim sa iba't-ibang mga tests dahil sa kanyang mga sakit na nagpapahirap sa kanyang katawan.

Ayon mismo kay Kris Aquino, tila hindi na niya minsan naigagalaw ang kanyang katawan. Kaya minabuti niya na makalipad kaagad patungong Houston upang agad masimulan ang kanyang pagpapagamot sa mga espesyalistang mga doktor.

Samantala, humuhiling naman si Kris ng mataimtim na dasal para sa kanyang agarang paggaling.

 

Dahil Sa Pagpanaw Ni Susan Roces! Coco Martin Tatapusin Na Ang Ang Probinsyano

Walang komento

Biyernes, Mayo 27, 2022


Sa paglabas pa lamang ng balitang tuluyang pamamaalam ni Ms. Susan Roces, hindi maipagkakaila na isa ang buong 'Ang Probinsyano' cast sa mga nagluluksa sa pangyayaring ito.

Matagal nilang nakasama si Ms. Susan sa longtime running TV series na 'Ang Probinsyano' kung saan ito ang gumanap bilang Lola Flora, ang lola ng karakter ni Coco Martin na si Cardo Dalisay. Hindi lamang saya kundi napakaraming alaala ang iniwan ni Ms. Susan Roces sa buong set ng 'Ang Probinsyano' at maging sa mga taong sumusubaybay sa teleseryeng ito.

Kaya naman sa pagpanaw ngayon ni Ms. Susan Roces, usap-usapan ang balitang tatapusin na mismo ng lead actor at isa sa mga direktor ng 'Ang Probinsyano' na si Coco Martin ang seryeng ito.

Ayon sa ilang impormasyon na lumalabas hindi na umano magpapatuloy sa ika-7 years anniversary ang nasabing teleserye. Ito ay marahil umano sa lungkot at pagluluksang nararamdaman ngayon ng buong Ang Probinsyano cast. 

Marami kasi umanong mga alaala ni Lola Flora o Ms. Susan Roces ang patuloy pa rin nilang maalala. Kaya marahil ito umano ang rason kaya ayaw nang ipagpatuloy pa ni Coco Martin ang kanilang serye.

Dagdag pa ng ilan mga netizens na malaking pagkukulang sa serye ang tuluyang pagkawala ni Ms. Susan Roces. Ayon naman sa ilang mga source, ngayon ay nasa huling cycle na ng lock in taping ang 'Ang Probinsyano' dahil nakatakda na itong maglabas ng final episode sa darating na Hulyo.

Hindi kaagad mawawala yung lungkot na nararamdaman ni Coco Martin at nang buong Ang Probinsyano cast sa pagkawala ni Ms. Susan Roces.

Ngunit binigyang linaw din naman ng Ang Probinsyano management na hindi na talaga magpapatuloy ang nasabing teleserye at tatapusin na ito. Ito'y para bigyan daan ang pagsisimula ng Darna TV series na pagbibidahan ng aktres na si Jane De Leon na nakatakda na ngayong July 12, 2022.

Kasunod ng pamamaalam ni Lola Flora o Ms. Susan Roces ang tuluyang pagtatapos na rin ng long time running TV series na 'Ang Probinsyano'.

Loisa Andalio Trending, Mga Nakakatawang Eksena Sa Pagcheer Kay Ronie Alonte Navideohan

Walang komento

Miyerkules, Mayo 25, 2022

Pinag-uusapan ngayon at trending si Loisa Andalio, kung gaano ito ka-energetic at best cheerleader para sa kanyang boyfriend na si Ronnie Alonte sa ginanap na ABS-CBN All Stars Games.

Hindi lang kaso normal na pagsuporta ang ibinigay ni Loisa kundi todo bigay ito sa pagche-cheer sa kanyang boyfriend. Super galing na cheerleading skills ang ipinakita ni Loisa nang maka-shoot si Ronnie. Natumba pa ito sa kakasayaw.

Nang natumba si Ronnie ay lumapit pa ito para i-kiss ang boyfriend sa forehead.

Talagang napakasweet ni Loisa sa boyfriend na si Ronnie. Talagang the best supportive girlfriend ang dalaga. Napapasana all nalang din ang ibang mga basketball players. Sana umano ay mayroon din silang ganoong girlfriend na susuporta 'pag naglalaro sila.

Kd Estrada at Alexa Ilacad Napawow at Pinakilig Ang Lahat Sa Kanilang Performance Sa Its Showtime!

Walang komento

Tagumpay ang naging performance nina KD Estrada at Alexa Ilacad kanina, May 25 sa It's Showtime. Talagang pinabilib nila ang mga madlang pipol pati na rin ang mga host ng nasabing show sa kanilang performance.

Kinilig din ang madlang pipol at mga It's Showtime host sa dala na goodvibes at pagpapakilig nina KD Estrada at Alexa Ilacad sa It's Showtime.  Napakaganda ng mga naging performance ng dalawa. Makikita rin ang kilig sa mga netizens dahil sa mga ginawa nilang performance.

Makikita rin ang sweetness sa mga naging performance ng dalawa. Kaya marami ang nasiyahan. 

 

Herlene Budol Tinawag Na "Walang Utang Na Loob" Ayon Kay Miss Manila! Di Raw Binganggit Si Kuya Wil

Walang komento


Ginanap ang birthday celebration ng talent manager ni Herlene Budol na si Wilbert Tolentino nitong mga nakaraang araw lamang kung saan nagbigay ng mensahe si Herlene.

Naging emosyunal si Herlene Nicole Budol sa kanyang naging mensahe para sa birthday ng manager niya. Hindi nito naiwasan at bigla nalang napaiyak ng mabigyan ng pagkakataong magpasalamat sa kanyang manager na nagpabago umano sa kanyang buhay.

Gagawin umano ni Herlene ang lahat ng kanyang makakaya upang  manalo sa Binibining Pilipinas. Ngunit ang madamdaming tagpo na ito ay napalitan ng tawanan ng sabihin din ni Herlene na sana'y wag pa munang mamatay ang kanyang manager.

"Mima ikaw 'yung bumuo ng buhay ko. Kinumpleto mo po 'yung buhay ko. Ipapanalo ko po 'yung laban hindi para sa akin, para po sa sakripisyong binibigay niyo po sa amin. Mima, 'yung tulong mo sa pamilya ko. Sa saglit natin magkakilala sobra sobra po. Sobra kitang mahal, gagawin ko 'yung lahat para sa'yo... Sana 'wag kang mamatay."

Dahil sa huling sinabi ni Herlene, napuno ng tawanan ng mga dumalo ang event.

Samantala nag-react umano si dating Miss Manila sa naging  mensahe ni Herlene. Ayon umano rito, tila nakalimutan umano ni Herlene na magpasalamat din kay Kuya Wil o Willie Revillame kung saan doon umano siya nagsimula. Bago pa siya makilala ni Wilbert. 

Kahit Nahihirapan Na! Kris Aquino Gumawa Pa Rin Ng Sulat Na Ikinabigla Ng Lahat

17 komento

Martes, Mayo 24, 2022

Kris Aquino is currently suffering from her illness at talaga namang nagpapahirap sa kanya. Lalo na't galing mismo dito na life threatening na ang kanyang mga sakit. Kahit gaano siya kalakas at katapang kitang kita ngayon sa malaking pagbagsak ng kanyang pangangatawan na tunay siyang nahihirapan sa nararamdamang sakit.

Hindi na rin umano alam ni Kris kung hanggang kailan pa niya ito makakayang labanan ngunit patuloy na lunalaban ang Queen of All Media para sa kapakanan ng kanyang dalawang anak.

Kahit nahihirapan na, Kris Aquino gumawa pa rin ng sulat na labis na ikinabigla ng lahat.

Sa isang pahayag na inilabas ng talent manager at showbiz columnist na si Manay Lolit Solis. Emosyunal niyang ibinahagi sa kanyang Instagram ang sulat ni Kris Aquino para sa kanya. Ito'y para na rin sa pagbati para sa kanyang kaarawan.

Sa sulat umano ni Kris Aquino talagang hindi niya mapigilan na maging emosyunal at maiyak. Sinabi umano ni Kris sa nasabing sulat na hinihiling niya na mabuhay pa siya hanggang sa umabot sa tamang edad si Bimby kung saan kaya na nitong alagaan ang kapatid na si Josh dahil sa mga special needs nito.

Ayon pa kay Lolit, iyong mabuhay siya para na lamang sa kanyang mga anak. Talagang nahihirapan na ito sa kanyang sakit at nafe-feel na rin umano nito ang hirap na tila hindi na niya makakaya. Maging sa pagsusulat ay hirap na rin ito.

Ipinagtapat din umano ni Kris sa nasabing sulat ang pain na nararamdaman niya lalo pa't madalas na nakakabasa pa ito ng mga negatibong komento tungkol sa kanya at sa kanyang karamdaman.

Hiling naman ni Manay Lolit na sana ay ipagdasal ang kalusugan ni Kris Aquino para na lang din sa dalawang anak nito. Hiling din ng ilan na sana ay tigilan na ang pambabash rito upang hindi na ito ma-stress lalo na't sensitibo ito ngayon.

Ayaw na din umano ni Kris na madamay ang kanyang mga anak sa inis na nararamdaman ng iba sa kanya. Lalo na't ito ang inaalala niya sa kabila ng paghihirap niya ngayon.

Ang labis na kailangan ngayon ni Kris Aquino ay dasal at pang-uunawa hindi pang-iintriga at pambabatikos kung din man para sa kanya kundi para na lamang sa dalawang anak nito.

Zeinab Harake at Wilbert Ross spotted na magkasama at sweet sa isa't isa | WilZeb

Walang komento


 Viral ngayon ang larawan ng vlogger na si Zeinab Harake at Hashtag na si Wilbert Ross na magkasama sa isang bar na magka-akbay at sweet sa isa't isa.

Una sila kinakiligan ng mga netizens nang magkasama sila sa kanilang vlog na 24 hours Jowa Challenge. Kasunod nito, nang gumanap din sila bilang magkasintahan sa nakakakilig na music video ng kanta ni Wilbert na Maaari Ba. Akala ng mga fans nila na mauuwi sa totohanan ang pagtatambal nilang ito.

Ngunit hindi ito nangyari dahil hindi nagtagal ay nagkabalikan sina Skusta Clee at Zeinab Harake. Marami sa mga fans ng WilZeb ang nalungkot at nadismaya rito. Ngunit ipinakita pa rin ng dalawa na nanatili pa rin silang magkaibigan.

Sa ngayon na muli nanamang naghiwalay sina Skusta Clee at Zeinab. Tila muling nabuhayan ang mga fans nina Zeinab at Wilbert na magkaroon na ng totohanan sa relasyon ng dalawa.

Makikita sa viral picture na kumakalat ngayon na tila nanunumbalik na naman ang tambalang WilZeb. Sa nasabing picture makikita rin ang sweetness nilang dalawa. Ipinost pa ito ni Wilbert sa kanyang IG Stories at itinag pa si Zeinab na may caption na,

Long time ah.

Inirepost naman ito ni Zeinab at nilagyan ng caption na,

gusto ko lang sabihin sa taong to napaka the best niya iba yung love and care ng samahan natin mula noon at di nagbago yun matapos lahat ng nangyare. Masaya ko na anjan ka pa rin palagi para suportahan ako salamat @hashtag_wilbert yung pagkakaibigan natin ayun yung pang habang buhay at di matitibag wow whahaha pero ang saya ko okay na tayo labyuu bebe ko

Makikita rin sa isa pang larawan na kasama nina Zeinab at Wilbert ang team ZB, ang kapatid nitong si Rana Harake, Awra Breguila, vlogger na si Mika Salamanka at iba pa. Sa lawaran mapapansin na magka-akbay sina Zeinab at Wilbert.



Kilig na kilig ang mga WilZeb Fans at humihiling na sana magtuloy-tuloy na ang pagkakalapit ng dalawa. May nagsabi pa na bagay na bagay talaga ang dalawa. Komento pa ng iba deserve din ni Zeinab na magkaroon ng masayang love life. Hiling pa ng ilan na huwag na umano niyang balikan si Skusta.

Dagdag pa ng mag fan ni Zeinab masaya sila ngayon na nakikitang masaya na Zeinab at muling nakakabangon.

OMG! TomCar fans aminadong nabawasan ang kanilang paghanga aa kanilang idolo

Walang komento

Lunes, Mayo 23, 2022

Ilang mga netizens at maging ang mga solid fans ng celebrity couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana ay aminadong nabawasan ang kanilang paghanga sa idolo.

Hanggang ngayon, isa pa ring tanong para sa mga naniniwalang maayos na muli ang relasyon ng kanilang idolong aktor at aktres na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Marami ang natatanong sa kabila ng isyung kinasasangkutan nila bagay na naging batayan ng mga netizens kung totoong maayos na ang kalagayan ng relasyon ng dalawa sa kabila ng mga pagsubok na kanilang pinagdaanan kamakailan.

Ayon naman sa isang masugid na tagasubaybay ng dalawa, marami pa rin ang naniniwala sa relasyon nina Tom Rodriguez at Carla Abellana kumpara sa mga taong tinitingnan lamang ang iisang panig at walang alam sa katotohanan. Puro lamang pasaring sa dalawa. Imbes na maka-tulong ito sa mag-asawa, ito pa ang naging dahilan ng pagkakalabuan ng dalawa.

Sa ngayon ay umaasa ang mga fans nila na sana ay maging maayos muli ang kanilang pagsasama sa kabila ng mga bagay na pinagdadaanan nila sa kanilang buhay.


Hindi Kawalan! Edu Manzano feeling iiyakan ng Cebu Pacific sa bantang di na siya sasakay dito

Walang komento

Mukhang nasubrahan na umano sa pagkahambog at pagka-feelingero ang dating aktor na si Edu Manzano matapos nitong maglabas ng statement na tila pagbabanta sa Cebu Pacific Airlines na kung saan sinabi niya na hindi na siya sasakay pa dito hangga't hindi na-address ng nasabing airlines ang isyu na may kaugnayan kay Leni Robredo.

Matatandaan na naging trending topic ang isyu patungkol kay Leni at sa isang piloto ng Cebu Pacific na nagawang magbahagi ng isang post na umano'y nag cause ang nasabing kandidato ng flight diversion, bagay na inalmahan ng mga kakampinks celebrities. Ngunit ang naging reaction na ito ni Edu at ng ilan pang mga kakampinks ay siya ring naging dahilan na pagtatawanan siya ng mga netizens ngayon sa kadahilanang napakababaw umano ng banta niya at halatang hindi pinag-isipan ng mabuti. 

Napaghahalataan lang tuloy umano si Edu na katulad lang din siya ng ibang mga celebrity supporters ni Leni na napakabilis kumuda pero hindi naman pinag-iisipan ang mga sinasabi.

Ayon kasi sa ilang mga netizens, seryoso nga ba umano si Edu sa kanyang banta sa naturang airline. Dahil kung totoong seryoso siya ay nagpapatunay lamang umano ito ng katangahan niya. Sa tingin ba umano niya na matatakot ang Cebu Pacific  sa banta niyang hindi na siya sasakay pa dito at sa tingin ba niya may pakialam ang nasabing airline sa kanyang banta? Dagdag pa ng ilan, ano nga ba ang pumasok sa isipan ni Edu Manzano at nasabi niya ang mga ito. 

Inisip nga ba ni Edu na pipilitin siya ng Cebu Pacific kung hindi na siya muling sasakay rito. Natatawang banat pa ng ilang mga netizens kay Edu. Hindi umano ikakalugi ng Cebu Pacific kung hindi na siya sasakay dito dahil lang naman siya ang tao sa mundo.

Komento pa ng iba ay dapat sabihin lang umano ng aktor ang kanyang banta kung ang halaga ng ticket na binabayad niya sa airlines ay umaabot sa milyones sa bawat flight dahilan para panghinayangan ng Cebu Pacific ang pagkawala niya rito bilang costumer o pasahero.

Ngunit, kung ang binabayad niya ay katulad lang din ng ibang mga pasahero ay dapat umanong tumahimik na lamang siya at huwag magyabang dahil kahit pa ilibre umano siya ng Cebu Pacific ay balewala lamang sa kanila ito. Payo pa ng ilan na dapat umano next time, bago ibuka ang bibig huwag magpadalos-dalos ng banat.

Pag-iisipan muna ng maigi para hindi mapahiya sa bandang huli at para hindi magmukhang tanga sa publiko.

Kitty Duterte at Andrea Brillantes may mensahe sa kanilang mga bashers

Walang komento



Kitty Duterte mas hinangaan ng mga netizens matapos magbigay ng komento hinggil kung paano niya ihandle ang mga bashers.

Ikinumpara ito ng mga netizens sa mga pahayag ng aktres na si Andrea Brillantes na kamakailan rin ay nagsalita laban sa kanyang mga bashers.

Sina Andrea Brillantes at presedential daughter na si Kitty Duterte ay kinikumpara ngayon ng mga netizens. Wala naman talagang isyu sa kanilang dalawa dahil hindi naman sila magkaaway. Pero ang lahat nang ito ay nagsimula nang magalit ang mga BBM and Sara supporters nang sabihan sila ni Andrea Brillantes na mga bobo at walang mga utak matapos makitang malaki ang lamang ng boto ni BBM kaysa sa sinusuportahan nitong presedential aspirant na si VP Leni Robredo.

Bilang ganti ng mga netizens, ginawan nila ng isyu ang dalawa na tila nagbangayan sila sa social media. Dulot nito, nakatanggap si Andrea ng samu't saring pambabatikos mula sa mga netizens.

Lalo pang nagalit ang mga netizens matapos makita ang video ni Andrea kung saan may pahayag siya laban sa mga bashers na tila may pang-aasar pa. Ayon sa mismong mensahe ni Andrea para sa kanyang mga bashers,

"If you don't like me, what makes you think that I like you too."

Samantala narito naman ang pahayag ni Kitty Duterte na nagpakita umano ng desente sa kanyang pagsagot sa mga tanong hinggil sa kung paano niya i-handle ang mga bashers. Ayon sa kanya, wala na talagang magagawa kung ito na ang ginagawa ng iba.

"Focus on the things that are more important in your life. Like the things you value."

Dagdag pa nito na hindi niya dapat iniisip ang iba dahil wala naman itong magagawang mabuti para sa kanya. Mas mabuti pa umanong i-focus niya ang kanyang attention sa mga taong may nagawa na para sa kanya.

Nambabae ba si Ricci Rivero?! Iniintriga ngayon si Ricci na may kasamang ibang babae sa kanyang Unit

Walang komento

 


Ricci Rivero namataang may ibang babae na kasama sa kanyang unit ayon sa isang delivery rider.

Hindi na tinantanan ng intriga sina Andrea Brillantes at Ricci Rivero simula nang aminin nila na may relasyon na sila in public. Ngayon may panibagong kontrobersiya na naman na lumabas tungkol sa basketball player na si Ricci Rivero. 

Mukhang panibagong dagok na naman sa relasyon nina Ricci at Andrea Brillantes ang kumakalat ngayon online. Sa Facebook page kasi may bago na namang isyu, isang delivery rider ang nagbunyag na may nakita siyang ibang babae umano sa unit ni Ricci.

Ayon sa post ng Rider,

"Nagdeliver ako sa bahay ni Ricci Rivero kagabi, iba kasamang babae. Pabulong pa ako kinausap sa phone na deretso ako sa unit niya, sabay tawa pag abot ko ng foods. Mag comment kaya ako sa TikTok ni Andrea Brillantes, sabihin ko iba kasama ng jowa niya sa ganitong address, trip lang."



Hindi pa naman malinaw kung totoo nga ba ang sinasabi ng delivery rider na si Arvin o gawa-gawa niya lang ang kwentong ito tungkol kay Ricci.

Matatandaan na kamakailan lang din ay nadawit sa fake news si Ricci kung saan kumalat din sa social media na may pinusuan siyang picture ng isang babae na naka-bikini. Mariing pinabulaanan ni Ricci ang balitang iyon at pinagdiinan na edited lamang ang nasabing screenshot na kumalat.

Saad pa nga noon Ricci, bakit pa umano siya pupuso sa picture ng ibang babae gayung di hamak na mas sexy naman ang girlfriend niyang si Andrea Brillantes doon.

Pinagpipyestahan naman ngayon ang isyung ito kung saan may kasamang ibang babae umano si Ricci Rivero sa kanyang unit at umani pa ito ng samu't saring reaction ng mga netizens. May nagsasabing tigilan na ang pang-iinttiga kay Andrea Brillantes at sa boyfriend nita at mag-focus na lamang sa sariling buhay.

Sina Andrea Brillantes at Ricci Rivero ay isa sa mga pinakamainit na couple ngayon. May katotohanan nga ba ito? O isa lamang bagong paninira upang mabuwag ang kanilang relasyon?

Kilalanin ang Bagong Mayaman na BF ni Barbie Imperial

Walang komento

 


Magkasama sina Barbie Imperial at ang napapabalitang boyfriend nito na si Mico Clavano sa El Nido Palawan.

Noong nakaraang linggo ay nag-viral din ang mga larawan ng dalawa sa isang restaurant na pagmamay-ari rin ng bagong boyfriend ni Barbie. Samu't sari ang reaction ng mga netizens sa bagong natagpuang pag-ibig ni Barbie Imperial.

Karamihan dito ay nagsasabing, mabilis na nakapagmove-on at hindi nababakante sa lalaki ang aktres. Matatandaang noong February 2022 lamang kinumpirma ni Barbie na hiwalay na sila ni Diego Loyzaga.

Sino nga ba itong sinasabing bagong boyfriend ni Barbie?

Siya ay si Atty. Mico Clavano na nagmula sa prominenteng angkan ng mga Clavano sa Cebu City. Nagtapos sa Ateneo Law School at pumasa sa Bar Exam noong 2010. Siya at ang kanyang mga kapatid ang nagmamay-ari ng Restaurant na Tagwagyu Studio. Isa ring Duterte supporter si Mico.



Sa katunayan isa si Mico sa mga representatives ng BG Party list o ang Bisaya Gyud Party list ngunit nabigo itong makapasok sa hanay ng mga nanalo. May nagsasabing level up naman si Mico kung ikinumpara sa ex ni Barbie na si Diego Loyzaga. Kung totoo man ang mga bali-balitang ito, si Barbie lamang ang makakasagot.

Bakit nga ba nasabi 'to ni Paulo kay Zanjoe sa pagsasama nila ni Janine sa Dirty Linen?

Walang komento



Ang mga mainit na rebelasyon sa tambalang Janine Gutierrez at Zanjoe Marudo sa kanilang bagong project na Dirty Linen. 

Isinapubliko na ang mga cast ng Dirty Linen kung saan kasama si Janine Gutierrez at Zanjoe Marudo  na magkatambal sa project na ito. Marami ang hindi nakapaniwala sa pagtatambal ni Janine at Zanjoe. Ngunit ayon sa ilan na ang proyektong ito ay hindi ikinagulat ni Paulo Avelino. Dahil ayon sa kanya na normal lang sa mga artista na iba-iba ang makakasama sa mga proyekto. 

Ayon naman sa ibang source, hindi naman nagseselos si Paulo Avelino sa pagpapartner ng kanyang girlfriend kay Zanjoe Marudo dahil alam umano niya ang pagkatao ni Janine at kumpyansa siya na walang mangyayaring third party sa pagitan nila ni Zanjoe Marudo.

Dagdag pa ni Paulo na kailan man ay hindi sila nag-aaway ni Zanjoe Marudo patungkol sa isang babae. Kaya kampante siya na hindi ito gagawin ni Zanjoe. Makikita rin naman ang pagmamahal ni Janine kay Paulo Avelino kaya hindi siya gagawa ng anumang makakasira sa kanilang relasyon.

Lolit Solis may ibinunyag sa relasyon nina Erich Gonzales at Mateo Lorenzo

Walang komento

Biyernes, Abril 1, 2022





Manay Lolit solis ibinunyag kung paano ipinaglaban ng business man na si Mateo Lorenzo ang relasyon nila ni Erich Gonzales sa kanyang pamilya. Ayon sa instagram post ng showbiz columnist na si Lolit Solis isinulat niyang,

Ikinasal na pala sila Erich Gonzales at Mateo Lorenzo, Salve. Bongga noh! Talagang natuloy sa altar ang pagmamahalan ng dalawa. Talagang ipinaglaban ni Mateo Lorenzo ang pagmamahal niya kay Erich Gonzales. Medyo conservative ang pamilya Lorenzo kaya siguro hindi kaagad nila matanggap na isang mula sa showbiz ang magiging in law nila. Pero para naman sinasadya, dahil iyon isang kapatid daw ni Mateo si Claudia Barretto naman ang GF. Mukhang mga taga showbiz ang magiging dagdag pamilya sa mga Lorenzo. Maipapakita naman ni Erich Gonzales na karapat dapat siya ipagmalaking asawa ni Mateo Lorenzo. Congrats and best wishes sa dalawang bagong kasal, live forever happily. Bongga ❤️ #classiclolita


Ibinunyag ni Lolit Solis rito na matagal umanong natanggap ng pamilya ni Mateo si Erich dahil ang pamilya umano ni Mateo ay may pagka conservative at si Erich naman ay nagtatrabaho sa showbiz. Dahil rito pinatunayan naman ni Erich Gonzales na tunay, seryoso at  may respeto ang pagmamahal nito sa kanyang asawa at sa pamilya nito dahil pinoprotektahan at hindi isinapubliko ni Erich ang kanilang relasyon ni Mateo noong magkasintahan pa lamang sila. Gayundin naman ang ginawa ni Mateo kay Erich Gonzales.

Dahilan ng pagsasama nina Pauleen Luna at Vic Sotto ibinunyag na!

8 komento



Sinagot na ng kapuso aktres at TV host na si Pauleen Luna Sotto ang matagal nang isyu na pilit na ibinabato sa kanila ng asawa niyang si Vic Sotto tungkol sa malaking agwat ng kanilang mga edad. Si Pauleen Luna ay kasalukuyang 33 years old lamang habang si Vic Sotto ay 67 years old na.

Ayon nga sa ibang mga netizens ay senior citizen na ito. Dahil sa malaking agwat ng kanilang edad sa isa't isa kadalasan naging tampulan ito ng samu't saring pambabatikos sa kanila. Sa kamakailang panayam sa kanila hindi umano nasagot ng maayos ni Pauleen nang tanungin sa tungkol sa isyu at kung paano niya hinahandle ang malaking age difference nilang mag-asawa.



Bilang pambawi nagpost si Pauleen sa kanyang social media accounts ng sagot sa mga ito matapos umano niyang pag-isipan ng mabuti.

"A few weeks ago we were interviewed by Miss Luchi Cruz- Valdes for her show. She asked me, 'How do you deal with the age gap? I wasn't able to give a good answer because honestly I do not feel the gap that we have. That afternoon, I thought hard about that question and I came up with an answer, a real answer. My husband loves me very much and gave me a certain kind of confidence and security about our relationship. But I think the thing that I love most about him is the amount of respect he gave me. He respects my life decisions, he respects my room to grow and he respects me like an equal. Never did I heard my husband raise his voice and felt like I was younger and didn't matter. I always felt validated. I always felt important around him. To respect is a big role in a relationship. I know deep in my heart that it's one of the main reasons why this relationship is so easy."

Ang pahayag na ito ni Pauleen Luna ay patunay lamang na age doesn't matter hanggat mahal na mahal niyo ang inyong partner at may respeto kayo sa isa't isa. 

Manny Pacquiao tila napahiya ng sabihin sa kanya boboto ang Visayas at Mindanao! Mainit ang pagtanngap kay BBM!

Walang komento



Tila malaking sampal kay Sen. Manny Pacquiao ang diumano'y mainit na pagsalubong ng mismong mga kababayan niya sa General Santos City at ng buong Mindanao kay presidential aspirant Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. Matatandaang sinabi ni Sen. Manny Pacquiao na ang mga taga Mindanao at mga Bisaya ay paniguradong sa kanya raw boboto dahil ayon sa kanya sa lahat umano ng mga kandidato ay siya lang daw umano ang bisaya.

"Importante yung Mindanao na ikutin ko kasi alam ko na yung mga kababayan ko na mga Bisaya, eh sa lahat ng mga kandidato ako lang ang Bisaya, so I'm sure lahat ng mga taga Visayas at Mindanao, saan pa ba sila susuporta kundi sa kababayan nila na bisaya."



Makikita naman sa iba't ibang mga surveys na laging nanguguna ang dating senador na si Bongbong Marcos sa Mindanao na tila pinapatunayan nito ng napakaraming tao sa kanyang mga grand rallies. Simula umano ng mag-iikot si Bongbong Marcos sa Mindanao mainit na ang pagtanggap ng tao sa kanya. Makikita naman ito umano sa mga surveys na laging nangunguna si BBM. 

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo