Ivana Alawi, Nali-Link Kay Mayor Albee Benitez

Miyerkules, Pebrero 7, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang pagkakalink ng sexy actress-vlogger na si Ivana Alawi sa Mayor ng Bacolod City na si Albee Benitez.


Lumalabas ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang balitang may karelasyon na isang sexy actress at vlogger ang Mayor ng Bacolod City na si Albee Benitez. Matagal na rin umanong hiwalay si Mayor Albee Benitez sa kanyang asawa.


Subalit ayon sa asawa ni Mayor Albee Benitez na si Nikki Benitez, hindi naman umano sila naghiwalay ng kanyang mister at wala rin silang naging pag-uusap patungkol sa paghihiwalay at annulment.


Sa katunayan ay nagsasama pa rin sila sa iisang bubong sa loob ng 31 years.


Samantala, ayon sa mga kumakalat na balita, may mga nakakita umano kay Mayor Albee Benitez sa pagbabakasyon nito sa Japan na kasama ang isang sexy actress at kilalang vlogger.


Kaagad namang lumutang ang pangalan ni Ivana Alawi, kung saan ito ang pinaghihinalaan ng mga netizens na nakasama ni Mayor Albee. Binalikan rin ng ilang mga netizens ang naging pahayag noon ni Ivana Alawi na mayroon na siyang non-showbiz boyfriend na hindi pa niya maaring ilantad sa publiko.


Samantala, sa isang episode ng Ogie Diaz Showbiz Update na inupload noong February 6, 2024 na kailangan na umanong magbigay ng pahayag si Ivana Alawi kung siya ang tinutukoy sa blind item na girlfriend ni Mayor Albee Benitez.


Ayon kay Ogie Diaz kailangan na umanong ilabas ni Ivana Alawi ang kanyang side kung sakaling totoo man na may ugnayan na sila ni Mayor Albee Benitez para maging malinaw na sa publiko ang kanilang relasyon.


Kung sakali namang hindi totoo ang isyu ay idisregard na lamang nito ang kanilang mensahe at hayaan na lamang na ito. Mahirap rin naman umano na basta-basta na lamang na husgahan si Ivana Alawi.


Hiniling naman ni Ogie Diaz na sana ay wala umanong katotohanan ang isyu dahil wala naman umano siyang nakikitang dahilan kung bakit papayag si Ivana Alawi na maging other woman.


Samantala, hanggang ngayon ay wala pa naman inilalabas na pahayag si Ivana Alawi patungkol sa isyung ito.


Marami naman sa mga fans ni Ivana Alawi ang hindi naniniwala sa isyung nakikipagrelasyon si Ivana Alawi sa isang lalaki na may asawa na.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo