Kathryn Bernardo, Emosyunal Na Inilabas Ang Mensahe Sa Mga Taong Tumulong Sa Kanya

Biyernes, Pebrero 2, 2024

/ by Lovely


 Emosyunal ang aktres na si Kathryn Bernardo sa pagbibigay niya ng mensahe sa naganap na pagpirma niyang muli ng kontrata sa Star Magic ang talent management arm ng ABS-CBN.


Hindi napigilan ng aktres na si Kathryn Bernardo ang pag-iyak habang nagbibigay siya ng mensahe para sa mga taong nakasama at suporta sa kanya noong nagdaang taon habang pinagdadaanan niya ang pinakamasakit na yugto ng kanyang buhay.


Tila nagbigay rin ito ng mensahe para sa kanyang e-boyfriend na si Daniel Padilla.


Napuno ng emosyon ang naganap na contract signing ng Forever Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo, matapos ang pagbibigay nito ng makabagbag damdamin na mensahe sa mga taong nakasama niya noong nagdaang taon kung saan kinaharap niya ang matinding pagsubok sa kanyang buhay.


Inamin ng aktres na si Kathryn Bernardo na hindi naging madali para sa kanya ang taong 2023, kaya naman labis siyang nagpapasalamat sa mga taong nakasama at gumabay sa kanya upang malampasan niya ang lahat.


Inihayag rin niya na malaki ang kanyang pasasalamat at pagpapahalaga sa kanyang mga kaibigan dahil alam umano niyang mahirap makahanap ng totoong kaibigan sa mundo ng showbiz.


Isiniwalat din ni Kathryn Bernardo na desisyon niyang makipaghiwalay kay Daniel Padilla, hindi bilang isang artista kundi bilang isang tao. Hindi na umano naging masaya ang kanilang relasyon kaya naman pinili niyang itigil na ito.


Nagbigay rin si Kathryn Bernardo ng mensahe sa kanyang mga fans na alam niyang nasaktan rin sa hiwalayan nila ni Daniel Padilla. Inilahad niyang bagama't marami silang mga pinagdaanan, at nakayanan naman nila iyon noon at makakayanan nila in the future.


Inilahad din ni Kathryn Bernardo na walang dapat na ipag-alala ang kanyang mga fans dahil maayos na siya at patuloy pa rin siyang gagawa ng proyekto na alam niyang ikakasiya at ikakaproud ng lahat.


Pinasalamatan rin ni Kahtryn ang kanyang mga tagahanga na patuloy siyang sinuportahan at inintindi ang kanyang desisyon sa buhay.


Kaagad namang umani ng pagsuporta mula sa mga netizens ang aktres na si Kathryn Bernardo matapos aminin ang kanyang mga struggles sa nagdaang taon. Ipinahayag rin ng ilang mga fans ng aktres na naiintindihan nila kung bakit ngayon lamang ito humarap sa media dahil hindi naman talaga madali ang mga pinagdaanan nito.


"there is something in this world you can't control,but what most important you pick up the pieces and moved on with your life"


@ashmnth "ALAM KO, NAGING MAHIRAP ESPECIALLY LAST YEAR" #kathrynbernardo #fyp #foreverkapamilyakathryn ♬ Only Love Can Hurt Like This (Slowed Down Version) - Paloma Faith

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo