Jericho Rosales, Kathryn Bernardo Iniuugnay Matapos Mamataang Magkasama

Miyerkules, Enero 31, 2024

/ by Lovely


 Matapos ang pasabog na announcement ng ninong sa kasal nina Jericho Rosales at Kim Jones na si Ricco Blanco patungkol sa kanilang hiwalayan na naganap noon pang 2019, naglabasan na ang mga samu't-saring speculations patungkol sa totoong dahilan nito.


Iginiit naman ni Ricco Blanco na mutual decision ng dating mag-asawa ang kanilang desisyon na maghiwalay na ng landas at sa katunayan ay nanatili umanong magkaibigan ang dalawa.


Sa kabilang banda, maraming naglabasan na mga haka-haka sa ngayon patungkol sa maaring, koneksyon nina Jericho Rosales at Kathryn Bernardo, matapos kumalat sa social media ang mga larawan na magkasama ang dalawa na nagjo-jogging.


Inilahad naman ng isang uploader na ibinahagi lamang niya ang larawan kasama sina Kathryn Bernardo at Jericho Rosales bilang remembrance. Pinaalalahanan din niya ang mga netizens na huwag magtanong sa kanya patungkol sa relasyon ng dalawa dahil wala rin siyang alam.


Dahil sa pagkalat ng mga larawang ito, binalikan ng ilang mga netizens ang naging pahayag noon ni Jericho Rosales na gustung-gusto niyang makasama sa iisang proyekto si Kathryn Bernardo. Inamin rin noon ni Jericho Rosales na humahanga siya sa aktres na si Kathryn Bernardo.


Marami namang naghinalang baka dahil naghiwalay na ngayon sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay nagkalapit na ang dalawa dahil malaya na ngayon ang aktres na makasama kung sino ang gusto niyang makasama.


Ipinagtanggol naman ng kanyang mga tagahana si Kathryn Bernardo sa mga taong nag-iisip na may romantic relationship silang dalawa ni Jericho Rosales. Ayon sa mga fans ni Kathryn Bernardo, na magkaibigan lamang silang dalawa at malabong magkaroon sila ng romantic relationship dahil sa malaking age gap.


May mga naghinala pang baka may pagsasamahang project sina Kathryn Bernardo at Jericho Rosales lalo na ngayong tila nagiging solo actress na lamang ngayon ang dalaga matapos ang hiwalayan nila ni Daniel Padilla.


Bukod sa pagsasama nilang dalawa sa pagjo-jogging may mga nagsasabi ring nakita silang dalawa na magkasama sa iisang bar.


Sa kabilang banda, hindi pa rin naiwasan na may mga netizens na naghinalang may iba pang dahilan ng pagkakasama ngayon nina Jericho Rosales at Kathryn Bernardo na kamakailan lamang umamin na naghiwalay na sila ng kani-kanilang mga karelasyon.


Hindi man ito matanggap ng ilan at weird para sa nakakarami, wala namang masama kung magkakaroon ng relasyon ang dalawa dahil pare-pareho naman silang single sa kasalukuyan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo