Pokwang Inasar Ang Netizen Na Nagpapayong Wag Daw Siyang Maging Bitter

Huwebes, Pebrero 8, 2024

/ by Lovely


 Sinupalpal ng komedyanteg si Pokwang ang mga netizens na nagpapayo sa kanya na pabayaan na lamang si Lee O'Brian at mag-move on na lamang siya sa nangyaring hiwalayan sa pagitan nilang dalawa.


Isiniwalat ni Pokwang na dahil sa pagrereklamo niya sa ginawa sa kanya ng dating kinakasamang foreigner na si Lee O'Brian at pagpapadeport rito, marami sa mga katulad niyang single mom ang naglakas loob na rin na ireklamo ang mga dati nilang partner.


Sa kamakailang Instagram stories na ibinahagi ni Pokwang, inilahad niyang marami siyang natatanggap na mga direct messages mula sa mga netizens na may katulad na sitwasyon ng pinagdadaanan niya.


Hinihingi umano ng mga ito ang number ng kanyang lawyer na si Atty. Ralph Calinisan. Nagbigay din siya ng mensahe para sa kanyang mga bashers noon kung saan inilahad niyang ngayon umano sabihin ng mga ito sa kanya na dapat ay nanahimik na lamang ito at mag-move on.


Nauna na rito ang paghingi ni Pokwang ng paumanhin sa Bureau of Immigration at Department of Justice dahil sa mga ibinahagi niya sa kanyang social media post.


Matatandaan na ipinahayag noon ni Pokwang sa kanyang social media post ang pagkadismaya kaugnay sa isinampa niyang deportation case laban kay Lee O'Brian nang mabalitaan niya na naghain ng Motion for Reconsideration at Motion For Voluntary Deportation si Lee O'Brian.


Ipinahayag ni Pokwang na naniniwala pa rin siya sa sistema ng hustisya sa Pilipinas at humihingi siya ng paumanhin sa Bureau of Immigration at Department of Justice, nadala lamang umano siya sa bugso ng kanyang damdamin kaya nakapagsabi siya ng mga bagay na hindi kaaya-aya.


Hindi naman nalimutan ni Pokwang na pasalamatan ang kanyang abogado at ang law firm nito sa magaling na pagha-handle ng kanyang kaso. Humingi din siya ng pasensya sa mga ito dahil tila nailagay pa umano niya ang mga ito sa alanganin dahil sa kanyang mga pinagsasabi sa social media.


Matatandaan na matapos ang ilang buwang pananahimik ni Pokwang sa totoong dahilan ng hiwalayan nila noon ni Lee O'Brian ay bigla na lamang niyang inilabas ang mga itinatagong baho nito kabilang na ang hindi pagtulong financially sa pagpapalaki sa anak nilang si Malia.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo