Skusta Clee Huli Sa Akto Kasama Ang Bagong Gf!! Actual Video Sa Nangyari Sa G-side
Walang komentoBiyernes, Mayo 27, 2022
May isang larawan din si Aira na tila magkapareha ang background sa bagong bahay ni Skusta.
Ang kapatid naman ni Zeinab Harake na si Rana Harake ay ipinost ang larawan ng isang babae. Bagama't walang caption ang nasabing post ay maraming mga netizens ang nag-assume na ito na nga si Aira Mae Lipata ang bagong karelasyon ngayon ni Skusta Clee.
'Justice', ang sigaw ngayon ng mga avid followers ni Zeinab. Sa Twitter ay nagtrending pa ang #justiceforzeinabharake
Mga Ebidensya Ng Pambabae Ni Skusta Clee Isinapubliko Ni Xian Gaza!
Walang komentoMaingay ngayon sa social media si Xian Gaza dahil sa sunod-sunod nitong nilalabas ng mga ebidensya na naiuugnay sa rapper na si Skusta Clee at ang tinuturong babae niya na si Aira Mae, isang TikToker at content creator. Sunod-sunod ang kanyang post na tila sigurado ngayon sa kanyang mga nalalaman.
Post ni Xian sa kanyang Facebook account,
UNANG BOOKING 40K. PANGALAWANG BOOKING 30K. 3RD AND 4TH BOOKING 15K. AFTER THAT WALA NG BAYAD KASI NAINLAB NA SILA SA ISA'T-ISA HAHAHAHAHA TUNGUNU BADTRIP YUNG BUGAW EGUL NIGUSYU
Sa isa pang post, ay isang larawan ni Aira Mae na pankaraniwang lamang. Maliban na lamang sa tanong na caption ni Xian na nakakaintriga.
Skusta Clee how true ang tsismis na sa bahay mo 'to?
Pinatotohanan din ng kaibigan ni Aira Mae ang isyung sangkot ito,
Mali talaga. Deserve naman talaga. Ayoko lang yung part na kinuyog. Pero wala ganon talaga. May mga consequences talaga lahat ng bagay. Parehas ko kaibigan so, di nalang ako makikialam.
May sinunod pang isang blind item post si Xian Gaza. Ayon dito,
BLIND ITEM: SINETCH ITEY NA ISANG RAPPER ANG NAG-BOOK NG ISANG WAL*** SA HALAGANG KINSE MIL AT MATAPOS ANG TATLONG BOOKING AY NA-FALL SI TANGA! MYGAAAHD! NAKAKALOKAAA! FROM LAKAD TO NYEABET REALQUICK HANGGANG SA NATUKLASAN ITO NG BUNTIS NIYANG ASAWA KAYA NAKUNAN SA SOBRANG STRESS SA DALAWA! OEHMGEEE MARSIEEE SINETCH ITEEEY
Kit Thompson tila nagsalita na sa isyu nila Ana Jalandoni! may sagot sa mga post ni Xian Gaza!
Walang komentoHuwebes, Marso 31, 2022
Tila natuldukan na ang isipan ng mga netizens sa nangyaring pambubugbog ni Kit Thompson sa kanyang girlfriend na si Ana Jalandoni. Sa naging panayam kay Ana Jalandoni inamin nito na mahal pa rin niya ang kanyang boyfriend na si Kit Thompson. Dahil umano sa sobrang pagmamahal ni Kit Thompson sa kanya kaya nagawa siya nitong saktan pero wala naman itong basehan. Ito'y matapos ikwento ni Ana Jalandoni na nagkaroon sila ng usapan habang sila ay nakainum. Ibinahagi rin ni Ana Jalandoni ang kanyang side story ng insidente ng pambububog sa kanya ng kanyang nobyo. sa pamamagitan ng media conference na naganap nitong March 28, 2022. Kasama niya dito ang kanyang legal team at ang kanyang ama upang mailahad ang tunay na nangyari sa kanya.
Batay sa salaysay ng aktres pareho silang nakainom habang naka check in sila sa isang Hotel sa Tagaytay. Naganap umano ang insidente noong March 17, 2022 at ang dahilan umano ay ang pagseselos ng nobyo. Ito umano ang naging puno't dulo ng kanilang away. Pinagselosan umano ni Kit ang ex husband ni Ana. Ngunit nilinaw naman daw ni Ana na hiwalay na siya dito noong 2018 pa. Napunta daw sila sa ganoong usapan dahil nais niyang pakasalan si Kit. Mahal na mahal din daw niya umano si Kit at mahal di naman daw siya nito.
"Mahal na mahal niya po ako ganun din po ako sa kanya. Tapos po may ipina delete po akong picture namin sa social media. And naging okey naman po 'yun," sabi ni Ana.
Hanggang sa mabanggit ni Kit ang tungkol sa kanyang dating mister dito raw siya binantaan ni Kit na kung sakaling iiwanan siya ng aktres ay papatayin siya nito.
"Ang next na po niya na tanong sa'kin ay, 'Iniwan mo 'yung ex mo di ba? Di ba hiniwalayan mo siya di ba? Ako paghiniwalayan mo 'ko ay papatayin kita.' Tapos sabi niyang, 'Akin ka lang! Hindi maaring mapunta sa iba,'" emosyunal na pagsasalaysay ni Ana.
Sinagot naman daw niya ito nang mahal kita at hindi kita iiwan. Matapos daw nito lumabas si Ana para tawagan ang kanyang kaibigan habang natutulog si Kit. Dahil umno sa kahinaan ng signal kaya kinailangan niyang pumanhik sa mas mataas na floor dito ay tila nagising si Kit hinanap siya sa taas at binuhat at inihiga sa kama at doon pinagsasampal.
Matapos ng insidente kay Ana Jalandoni ay nagpost naman si Xian Gaza ng blind item na naka agaw pansin kay Kit Thompson. Ito ay pinost ni Xian noong March 19, 2022 ayon sa post,
ALMUSAL BLIND ITEM: "SINETCH ITEY NA ISANG CONTINENTAL GIRLALOO ANG NAGPUNTA NG AMANPULO KASAMA ANG KANYANG 5'4" CHINESE SPONGKEY NA KALBO KAPALIT NG 250,000 PESOS? ANG NASABING LUXURIOUS VACATION AY NALAMAN NG JOWA NI BABAE TAPOS WAIT TULOG MUNA KO AT NAPIPIKIT NA ITULOY KO LATER PAGKAGISING GOOD NIGHT EVREBADEH"
Marami ang nagsasabi na ang tinutukoy dito umano ni Xian Gaza ay walang iba kundi si Ana Jalandoni. Tila sinagot naman ito ni Kit Thompson sa kanyang social media account ibinahagi niya ang post na ito ni Xian at nilagyan ng caption na,
Stop spreading misinformation.
Tila dito sinabi ni Kit Thompson na walang katotohanan ang mga sinabi o pinost ni Xian Gaza.
Atty. Salvador Panelo opisyal nang song artist sa kantang Sana'y Wala Nang Wakas! Sharon pahiya?
Walang komentoIlang linggo matapos ang pagwawala ni Mega Star Sharon Cuneta sa tweeter dahil sa video ng senatorial aspirant na si Atty. Salvador Panelo. Kung saan inawit ni Atty. Panelo ang Sana'y Wala Nang Wakas na classic single ni Sharon Cuneta. Humingi na rin ng paumanhin si Sharon Cuneta sa kanyang naging reaksyon at inamin niya na 'she made a mistake'.
Sa kanyang mahabang post sabi niya,
I thought long and hard about whether I should write this, kasi bugbog na bugbog na ang issue at ayoko na sana dagdagan. But I decided to, because in the end, it’s the truth that matters, to me and to those of you who’d care to know it. I posted about someone singing my song during a campaign sortie that wasn’t one of VP Leni and Kiko’s. I thought that since I said “I only allow Leni-Kiko (people) to sing it (during campaign season is what I meant)”, people would understand why I reacted in such a way. Truth is, I felt slighted. Sa akin, parang minamaliit si Kiko at ang pagtakbo niya ng VP. Dahil sa dinami-dami ng kanta, bakit naman kanta ko pa ang napili? Dahil kaya Goliath ang VP candidate niya sa David kong asawa? Nasaktan ako. Ang pagkakamali ko lang, sana yun mismo ang pinost ko. Pero dinaan ko sa biro at sarcasm, kaya madaming di nakaunawa. Kaya siguro CNN Philippines singled out his performance of my song in an article on CNN Philippines online. I suspect it was because they too, found it a bit “off.” Ngayon lahat na ng masasakit na salita ginagamit sa akin ng ibang tao. My song is thirty-six years old. Ilang libo na ang umawit ng kanta ko sa parties, contests, shows. Never ko ipinagdamot ang awit ko kahit kanino. In fact, I feel honored whenever someone chooses it to sing. Siempre, mas madaming may gusto sa kanta mo, mas maligaya ka. Pero panahon ng kampanya ngayon. Iba ang dating sa akin nung inawit ng politiko na hindi namin kapartido. Ayoko na nga ng politika kaya never akong tumakbo kahit na madami na ang humiling na tumakbo ako for public office since I was in my twenties. Actually, iniisip ko nga kung kailan ako nagdamot ng kahit ano. Wala akong maisip. Mula nung bata ako mas masaya ako sa pagbibigay kesa nagtatago ng puedeng ibigay. Kanta ko pa kaya? Hindi ko rin naman alam noon na meron pala siyang special child at siya ang naaalala niya sa awit ko. At balita ko, gagamitin na daw niya ito “to raise awareness on the needs of special children.” Natutuwa ako na kanta ko pa pala ang magiging paraan para maisip niyang gawin yon. Remember - I have been helping and supporting children with special needs since 1993. I was even named Honorary Chairperson by the Chosen Children Village Foundation. That was where I started and I moved on to other organizations - and individuals - both with special needs and not. At di ko ginawa lahat yon dahil tumatakbo ako for public office. Ganon lang ako talaga pinalaki ng Daddy at Mommy ko. It is people who don’t know me personally who have been so quick to attack and call me names. Even those whom I thought knew me well enough and loved me have joined their party. But it is during times like these when you find out who your real friends are - those who sincerely care about you and tell you what they think. So though I stand by my feelings and thoughts on the matter, I would like to apologize for the words I used in my post, and to those I have hurt by them. I should have just said exactly how I was feeling, and in a more respectful manner - no matter what. I am also so sorry, my Sharmy/Sharonians. I disappointed you. Hindi kasi ako plastic. Bakit nga ba madaming nagsasabing plastic ako eh kaya nga ako natro-trouble sa social media ay kasi wala akong strategy at emotional ako? Even then, mali ako sa pagkakasulat ko sa post ko. Alam niyo, nung araw, dinidibdib at nilulunok ko na lang kasi lahat pag ang feeling ko pagbabangga o pag”kalabit” sa akin in a bad way. Napagod ako, natutong sumagot, lumaban. Lalo na pag pamilya ko ang involved na akala mo kung pagsalitaan kami, para naman nakapatay kami ng tao. But I should check myself and never act immediately when I am highly emotional. Sabi nga, do not make decisions when you are either too angry or too happy. I made a mistake. And thinking back, whenever I have made a mistake on social media, it was always a reaction to something said or done against me. I have never started anything negative. I am posting this knowing so many have already decided they would hate me whether I did or said something, or even when I didn’t. That doesn’t matter. What does is that those of you who love me know that this is from my heart. And that I am grateful for you. God knows because He sees everything. Again, I am sorry. And how I wish tapos na ang buwan ng Mayo. God bless us all. I love you. Thank you so much for your time.
Nagawa ni Mega Star Sharon Cuneta na humingi ng paumanhin kahit pa hindi nito masabi ang pangalan ng tumatakbong senator. Ang kanyang apology umano ay tila reaksyon niya lamang matapos niyang makatanggap ng kaliwa't kanang pambabatikos mula sa mga netizens at ibang kasamahan sa showbiz.
Sumagot naman rito si Atty. Salvador Panelo sa pamamagitan rin ng isang post. Sinabi ni Panelo na 'no need for apology' niyaya pa niya ang Mega Star na magtulungan para sa pagtulong sa mga CWD o Children with Disabilites. Aniya,
Dear Ms. Sharon Cuneta,I don’t want to assume that your apology is for me because I was not named, but no apology for me is necessary. I was not hurt. I just felt sad that you felt slighted or offended, and I apologize for that. I had no intention to do that at all.Just like Senator Kiko and his party mates, apart from sharing our respective platforms of government to our audiences, we also want to entertain and show our appreciation to them with music. It just so happened that “Sana’y Wala Nang Wakas” holds a special place in my heart, and that’s why I chose it. I have been singing it for a very long time for my special child, Carlo.I know you would not have reacted that way if you knew that so I understand you, and hold no ill will towards you.I am very happy to let you know that because of the buzz that was created, the song has taken a new meaning for many as one depicting the unconditional love of a parent for his/her child, especially those with special needs. More are also now aware of the plight of children with disabilities (CWD) and their families. I hope this gives you comfort amid the difficulties you encountered with this issue.I am also very pleased to know that you have been supporting CWDs. I’m therefore sure you know that government support for them has been lacking for a very long time.In 2018, Philhealth estimated that 1 out of 7 or 5.1 million Filipino children are living with disabilities. In 2019, DSWD said that approximately 60% of CWDs were out of school, and per DepEd, this number increased in 2020 and 2021 due to the pandemic. I have also received thousands of testimonials from CWD parents on how therapy for their children is too expensive. A 2017 study from PIDS estimated that 15% of the monthly household income of a CWD family goes to therapy and health expenses. Per PIDS, this is a conservative estimate because many covered by the study went to public hospitals. Many CWDs have to go to private hospitals because they do not have access to public hospitals that can attend to their needs. CWD parents also worry about who will take care of their children if they pass away ahead of the kids. We are not aware of any government facility or home dedicated for orphaned or abandoned CWDs, and if there are, there is evidently too few of them. I think there should be one in at least every province.I hope that, through you, Team Leni Kiko can cross party lines to join our advocacy to provide free therapy and special education for CWDs, and nursing homes or facilities for orphaned or abandoned CWDs. I also hope that you can personally and publicly advocate for the same. With your star power, I am certain that the movement can gain more support. CWDs have a better chance if we’re all in this together.We hope for Team Leni Kiko’s and your favorable response.Best wishes to you and your family!SALVADOR S. PANELO
Matatandaang nag-ugat ang isyu sa pagitan ni Sharon Cuneta at Salvador Panelo dahil sa video na ibinahagi ng CNN Philippines sa kanilang social media account. Kung makikita si Panelo na umaawit ng Sana'y Wala Nang Wakas sa isang event sa Quezon City. Ang anak nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan na si Frankie ay nirepost ito. Hindi naman lingid sa lahat na magkaiba ang kulay pulitika ni Atty. Salvador Panelo at Sharon Cuneta. Ipinaliwanag naman agad ni Panelo na kaya niya ito inawit ay dahil paborito ito ng kanyang anak na may down syndrome. Iginiit din niya na nag reach out siya sa Viva Records at nabigyan siya ng permiso para awitin ang kanta ni Sharon Cuneta. Dahil rito tinodo na Atty. Panelo ang pag-awit nito by doing a cover of the song.
Spotted si Panelo sa loob ng recording studio at kapartner pa nito ang Viva Records. Ibinahagi ito ng aspiring senador sa kanyang Facebook page.
To parents and families of children with special needs/ disabilities, this is for you!Last night, we recorded “Sana’y Wala Nang Wakas” with Viva Records. The recording will be out soon. As many have now realized, the song perfectly captures the unconditional love of parents for their children, especially those with special needs/ disabilities (CWDs).For the music video, we plan to feature pictures of CWDs with their parents to help raise awareness for the plight of CWDs in the country. Please send your pictures by email to salpaneloforsenator@gmail.com for a chance to be featured. We will accept pictures until April 2, 2022 (this Saturday).Please spread the word, and thank you for your support!
Hindi naman napigilan ng mga netizens na lalo pang punahin na sa huli si Atty. Panelo pa umano ang nagwagi sa kanila ni Ate Shawie. Maging ang Viva Records ay hindi kinondone ang naging asta ng Mega Star bagkus ay tila tinulungan pa nito ang aspiring senator na ipalaganap ang kanyang adhikain para sa mga batang may kapansanan.
Gretchen Barretto handang magbigay ng ebidensya laban kay Sen. Bato!
Walang komentoRumesbak si Gretchen Barretto kay Sen. Ronald 'Bato' Dela Rosa matapos sagutin ng mambabatas ang mga akusasyon sa kanya ng actress.
Martes ng gabi March 29, 2022 ibinahagi ni Gretchen ang screenshot ng balita tungkol sa mga banat sa kanya ni Dela Rosa sa interview nito sa SMNI News. Matapang na hamon ni Gretchen kay Dela Rosa,
"I am very willing to present evidence to you of my so called accusations Bato Dela Rosa. In front of media."
Sa panayam kay Sen. Dela Rosa ng SMNI News sinagot nito ang mga patutsyada sa kanya ni Gretchen kaugnay sa ginawang hearing sa senado ukol sa controversial na E-sabong.
Si Dela Rosa ang chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na nagsisiyasat sa kaso ng mga nawawalang sabongero. Sa nasabing hearing maririnig sa Instagram story ni Gretchen,
"Get down to business Bato. Stop grand standing just get down to the investigation."
Sinasabi ito ni Gretchen habang nakafocus ang camera sa mukha ni Bato sa nasabing senate hearing. Patutsada pa ni Gretchen,
"My God ang mahal ng relo ni Bato. Saan kaya nanggaling? My God a senator has that watch. Oh my Gosh."
Sa panayam kay Bato ng SMNI News iginiit ni Dela Rosa na may karapatan din siyang magmay-ari ng mamahaling relo. Aniya,
"Unang una sabi niya mahal daw yung relo ko, bakit siya lang ba ang may karapatang magsuot ng 85,000 na halaga ng tag heuer na relo? Bakit hindi pala ako pwede? Mahal talaga 'yun para sa akin, pero sa kanila? Ewan ko kung talagang mahal ba iyon sa kanila."
Hindi rin pinalampas ni Bato ang patutsyada ni Gretchen tungkol sa kanyang trabaho. Sinabi ni Gretchen na hindi karapat dapat si Bato na manguna sa imbestigasyon sa mga nawawalang mga sabongero.
Si Atong Ang ay isa sa mga resource person na ipinatawag ng Committee ni Dela Rosa sa senado dahil sa allegation sa arena ng negosyante huling nakita ang ilan sa mga missing sabongeros. Si Gretchen naman ay sinasabing myembro ng Team Alpha ng Pitmaster Group na isa sa mga sabong branch ng negosyo ni Atong Ang na Lucky 8 Star Quest Incorporated.
Matatandaang kinuwestyon din ni Gretchen kung bakit naging senador si Bato. Sinabi din ng actress na kailangan umanong lawyer ang mga nakaupo at sinabihan ang mamamayan na,
"Vote wisely don't vote a Bato."
Dagdag pa ni Gretchen na ang mas bagay umano kay Bato ay game show.
Sagot naman ni Sen. Dela Rosa, character assasination ang ginagawa ni Gretchen sa kanya.
Melai Cantiveros pinapahanap ang basher niya upang makasuhan! Nagpatulong sa mga lawyers ni Leni!
Walang komentoMartes, Marso 29, 2022
Nanawagan si Melai Cantiveros sa social media para mahanap ang lalaki na umano'y nambaboy sa kanya at sa kanyang anak sa social media dahil sasampahan daw niya ito ng kaso. Binash kasi siya ng isa umanong tagsuporta ni Bongbong Marcos at dinamay pa ang kanyang pamilya at dalawamg anak. Nagpost kasi si Melai sa social media ng isang video na makikitang kumakain ang kanyang dalawang anak. Sa comment section masasakit na salita ang binitawan ng basher laban sa kanya at sa kanyang dalawang anak sa kadahilanang hindi umano nito nagustuhan ang pinagsasabi ni Melai sa PasigLaban Grand Rally ng Leni-Kiko Team. Sabi ng basher sa comment section ng post ni Melai,
SARAP KUMAIN NG GALING SA NAKAW... SUMPAIN MGA ANAK MO GAGA... bOYCOTT PRODUCTS ENDORSE NI MELAI.. ISA ITONG MAGNANAKAW.. PINALAKI SA NAKAW NG MGA MAGULANG.. ISA ITONG PUTA NG LIPUNAN. ANO PANGIT??? NAGMAMAlINIS KANG HAYOP KA.. NANAY MO MAGNANAKAW GAGA pinalaki Ka SA pagnanakaw Ng INA mo
ANO???? MAGNANAKAW SI MARCOS PA MORE.. MAKITA LANG NAMIN KAYO SA LAVAS LALIT KASAMA MO MGA ANAK MO PUTANG Ina KANG PANGiT KA. MAmatay na Sana MGA anak mo..isusumpa KO yan
MAMAMATAY BATANG ITO PINALAKI SA PAGNANAKAW... HAHAHA SUMPAIN PAMILYA MO PANGIT . MAGNANAKAW SI MARCOS???? NANAY MO ANG MAGNANAKAW GAGA
Hindi naman ito pinalampas ni Melai Cantiveros ang ginawang ito ng sinasabing supporter ni BBM sa kanya at sa kanyang dalawang anak. Kaya naman nagpost si Melai ng larawan ng basher at screenshots ng comments nito sa kanyang post na may caption na,
Nagsimula ang pambabatikos kay Melai matapos ang kanyang pahayag sa PasigLaban Grand Rally ng Leni-Kiko Tandem.
Ana Jalandoni nagsalita na sa nangyaring pananakit sa kanya ni Kit Thompson.
Walang komentoMatapos ang ilang linggo matapos lumabas ang balitang pambubugbog ni Kit Thompson sa kanyang girlfriend na si Ana Jalandoni finally ay nagsalita na sa unang pagkakataon si Ana at inamin ang tunay na dahilan kung bakit ito nagawa ni Kit sa kanya.
Umamin si Ana Jalandoni na kasal na siya sa ibang lalaki bago pa man naging sila ni Kit Thompson at maari ito ang naging dahilan sa galit ng aktor. Ngunit, paglilinaw naman niya na walang naging third party sa relasyon nila dahil matagal na silang hiwalay ng asawa niya.
Matatandaang narescue si Ana ng Tagaytay Police matapos makahingi ng tulog mula sa kaibigan at pinadalhan ng kanyang larawan. Agad na isinugod sa hosital si Ana habang si Kit ay dinala sa Police Station.
Makikita sa video na tila hindi makapagsalita ni Ana noong ipinakwento sa kanya ang pinagdaanan niya sa kamay ng dati niyang kasintahan.
Sinabi ni Ana sa presscon na sobrang trauma ang dinadanas dahil sa nangyari. Hindi umano siya makatulog dahil sa anxiety na nadarama niya.
Gretchen Barretto binuweltahan si Sen. Bato sa pandidiin umano nito kay Ang sa senate hearing!
Walang komentoLunes, Marso 28, 2022
Mainit ang naging hearing sa senado lalo pa sa mga nauungkat na impormasyon hinggil sa nasabing digital sugal. Simula nang tumama ang pandemya sa bansa, maging ang paboritong past-time ng mga mahilig sa sugal gaya ng sabong ay pansamantalang natigil. Pero kung may ilang negosyo na nakahanap ng ibang deskarte via online para ipagpatuloy ang kanilang business. Ang mga gambling business boards ay naisip ring idigitalized ang sabong. Dahil available for all na ang naturang sugal, wala nang pinipiling edad ang tumataya rito. Manalo man o matalo marami sa ating mga kababayan ang naaadict sa online sabong at para maipagpatuloy ang bisyo at sa tyansang makabawi sa naturang sugal, nababaon ang mga ito sa utang. May ilan pa na nagbenta na umano ng anak. Maliban sa bentahan ng sanggol para lang may ikapambayad umano sa utang o pantostos sa bisyo. Naiulat ng pulisya na sunod sunod ang pagkawala ng sabungero na tinatayang nasa higit tatlumpong tao na. Nais tumbukin ng senado ang ugat kung may kinalaman ba ang operators ng online sabong sa pagkawala ng sabungero at kung may connection ba ang kanilang bisyo sa patong-patong nilang utang na may kinalaman sa online sabong.
Kabilang sa naimbitahan sa pagdinig ay si Atong Ang na hindi naman nagdalawang isip na humarap sa imbestigasyon. Batay kasi sa nakalap ng detalye ng senado, tatlo sa nawawalang online sabungero ay huling namataan sa kanyang arena. Pagmamay-ari ni Atong Ang ang Lucky 8 Star Quest Corporated na may tatlong arena ng sabungan. Pinabulaanan ito ni Atong Ang at sinabing wala siyang kinalaman sa sinasabing pagkawala ng mga sabungero. Giit pa nito, ang mga ginagawa ng mga senador sa kanya sa pagharap niya sa hearing ay trial by publicity. Sinisira nito umano ang kanyang pangalan at ang kredibilidad ng kanyang mga negosyo.
Sa kabila nito nagrequest si Ang ng isang executive session sa mga senador lalo na kay Chairman Bato Dela Rosa para doon niya ihayag ang mga sensitibong detalye at huwag itong isapubliko. Dito umano sa pribadong pakikipag-usap sa mga senador ay kanyang ilalahad ang mga sensitibong detalye. Hinamon ni Atong Ang ang mga senador na kung talagang siya ay may kinalaman sa pagkawala ng mga sabungero ay handa siyang isara ang negosyo. May conspiracy na binanggit si Atong Ang sa kanyang pahayag. Ang sinasabing conspiracy ay ang paninira umano sa kanya ng mga kapwa niya at kakompetensya sa sabong. Giit ni Ang na sila ang nasa likod ng paninira sa kanya na dahilan kung bakit siya iniimbestigahan ngayon ng senado at pinag-iinitan.
Pinangalanan ni Atong Ang ang anim na personalidad na umano'y nagdidiin sa kanya na kanya ring kalaban sa Onliner Gambling Industry. Ito umano ay sina Rudolfo "Bong" Pineda, Deputy Speaker Arnie Teves ng Negros Oriental, Former AGBIAG Party list Congressman Patrick Antonio, Mayor Elan Nagano ng San Leonardo Nueva Ecija, at dating PNP Chief Camilo Cascolan.
Sa pagdinig rin ng senado tila pumapalag si Atong Ang sa pagdiin sa kanya ni Senator Bato Dela Rosa para masuspende ang kanyang negosyo. Para na raw siyang pinagmumukhang guilty nito. Dito ay nagkasagutan sila ni Senator Bato Dela Rosa at sinabi sa kanya,
"Bakit sino ba ang nagsasabi dito na guilty ka?"
Pero giit ni Atong Ang tila ay sinisingle out siya ng senador at siya lang ang pinag-iinitan samantalang marami naman silang mga operator ng sabungan sa bansa. Pinabulaanan naman ito ng sendor at sinabihan na hindi siya nito sinisingle out.
Sa kabila ng tahasang pagdedeny ni Atong Ang na wala siyang kinalaman sa pagkawala ng mga sabungero, sa sumunod na hearing ay humarap naman ang mga kamag-anak ng biktima at maging ang ilang witnesses na pinanglanan si Atong Ang bilang mastermind na siyang nag-utos na tuluyan ang mga sabungero at ang codename raw nito ay Boss A.
Ayon sa isang witness sangkot rin sa kidnapan at patayan ang mga pulis na kasabwat umano ni Atong Ang kung saan ang bawat ulo umano ay limang libo. Dalawa lang daw kasi ang pagpipilian nila; kaso o patay. Ang ilan ay pinili na lamang umano ang kaso kung saan tinataniman sila ng pulisya ng droga kinunan ng larawan at sinampahan ng kaso.
Matapos ituro ng mga testigo si Atong Ang todo deny pa rin ito sa mga paratang sa kanya at sinesegway ang usapin hinggil sa conspiracy na nabanggit niya. Dahil sa pangyayaring ito todo tanggol naman sa kanya ang kanyang biusiness partner sa sabong na si Gretchen Barretto.
Binuweltahan ni Gretchen si Senator Bato Dela Rosa dahil sa pagdidiin nito kay Atong Ang. Sa kanyang social media story kung saan kinunan nito ng video ang TV screen kung saan pinapalabas ang senate hearing. May caption ito na,
Anong bago?
Sabay maririnig sa background ang boses nito criticizing Sen. Bato. Napuna rin ni Gretchen ang mamahaling relo ni Bato kahit hindi naman nito pinangalanan kung ano ang brand nito pero sabi niya,
"Ang mahal ng relo ni Bato saan kaya nanggaling yan? My gosh a senator has that watch. Oh my gosh. "
"How did Bato become a senator? Tingnan mo yung line of questioning niya. Kailangan talaga lawyer ang mga nakaupo. People vote wisely don't vote a Bato. My gosh dapat sayo gameshow."
Iginiit pa ni Gretchen na hindi naman raw malinis si Dela Rosa dahil tumatalpak o tumataya digitally din daw ito sa sabong. Kung tutuusin ay may pagkakautang pa nga raw si Bato sa E-sabong. Matatandaan na sobrang close ni Gretchen kay Atong Ang. Minsan na ring nagviral ang video nila noong nakaraang taon kung saan makikita na nasa sabong arena ang actress at tinuturuan siya ni Atong sa nasabing negosyo.
Marami ang pumuna at bumatikos kay Gretchen dahil sa pagkakasangkot nito sa E-sabong kung saan tinagurian pa siyang reyna ng E-sabong. Samantala maliban sa partner sa negosyo Atong and Gretchen are linked romantically kahit pa longtime partner ni Gretchen si Tonyboy Cojuangco. Madalas na spotted si Gretchen at Atong Ang na magkasama maging sa mga byahe abroad and they were very sweet. Pinabulaanan naman ito ni Atong ang pagiging malpit daw niya kay Gretchen ay hindi lamang sa kanya.
Samantala minsan nang naisiwalat naman ng kapatid ni Gretchen Barretto na si Marjorie Barretto na may relasyon si Atong Ang at ang kanyang kapatid na si Gretchen na kung saan inagaw lang diumano nito ang attensyon ni Atong sa kanyang batang pamangkin na si Nicole Barretto.
Anak ni Tarlac City Mayor Cristy Angeles umalma sa sinabi ni Kris Aquino sa Tarlac Grand Rally ni VP Leni!
Walang komentoBiyernes, Marso 25, 2022
Marami ang nagulat sa pageksena ni Kris Aquino sa grand rally ni VP Leni sa Tarlac. Balwarte ng mga Aquino ang Tarlac kaya hindi na nakapagtataka na pinilit ni Kris na ikampanya dito sa VP Leni. Tumawag ng pansin ng mga netizen ang sinabi ni Kris na tila pasaring sa isang tao na walang utang na loob. Wala mang sinasabing pangalan si Kris ay maraming kumbinsido na patama ito kay Mayor Cristy Angeles ng Tarlac na UniTeam o BBM supporter.
Pablind item pa na pasaring ni Kris sa kanyang speech sa grand rally,
"Di niyo kami pinabayaan. Well atleast kayo except for you - you-know-who. Pasensyan na ha . . . Thank you. Sinabi sa - sorry po ah. Sorry sinabihanakong huwadg makipag-away pero nabi-bwisit po talaga ako. I'm sorry na hindi ako yung mabait na Aquino. Ako lang po ang ganito sa pamilya na sasabihin ang totoo dahil nakaka-bwisit talaga yung walang utang ng loob. Okay pero dedma na. Dedma na 'don. Let's focus sa importante."
Hindi man pinangalanan ni Kris ang nasabing tao ay tila obvious na kung sino ang pinatatamaan nito. Inalmahan naman ito ng anak ni Mayor Angeles na si Anvi Angeles at matapang nitong tinag at tinanong si Kris sa Facebook.
Ms. @krisaquino , we would like to know kung ano po ang “utang na loob” ng family namin na binabanggit niyo?
Since the beginning, we had high respects for your family. Sa amin pong pagkaka-alam, never did we ask for any help or favor from your family. Ilang beses po humingi ng tulong si Ma’am Cory sa family namin since PNoy ran for Congress and Senate. And when he ran for president, my mom was tasked to be the provincial convenor under the People Power Volunteers for Reform here in the province of Tarlac. Wala po kaming hiningi ng kahit anong tulong o pabor (pinansyal man o trabaho) na kapalit sa pamilya ninyo. Ito po ay sa kadahilanang mataas ang aming respeto sa inyong ina. I was a silent witness to the sacrifices, kapaguran at malasakit ng parents po namin sa family niyo po.But for you to maliciously accuse my mom in public of “walang utang na loob”, I cannot let your lies & intrigues malign my mom just for the political mileage of your candidate. We owe it to Boss Danding and Cong. Henry Cojuangco when they encouraged my mom to run for Board Member and then city mayor under the NPC. Apparently, hindi po niyo alam ang nangyayare dito sa Tarlac City.For me, this is not the style of a Grand Rally Campaign for a presidential candidate that a national figure like you to be personally attacking a small city mayor like my mom. Kahit ganito Lang po kami kaliit na tao, marami pa rin naman po ang naniniwala, nagtitiwala, at rumerespeto sa aking ina lalo na po sakanyang karakter at kakayahan. Siguro po naturuan din kayo ng tamang pag-uugali ng magulang po ninyo. We hope and pray that whatever hatred, anger, and jealousy inside your heart and mind will be replaced with kindness, love, and patience. Praying for God’s enlightenment.
Si Anvi Angeles ay isang Leni supporter samantalang ang mga mgaulang nito ay BBM supporters. Pero wala naman daw itong problema sa kanilang pamilya dahil ginagalang nila ang desisyon ng bawat isa.
Fake News Na Kumalat Sa Pag-guest Ng Parokya Ni Edgar Cong Tv Etc. Sa Uniteam Bistadong Gawa-gawa Lang!
Walang komentoPinatulan ng mainstream media ang isang post ng netizen na may 600 friends sa facebook dahil ito ay halatang kasiraan ng UNITEAM candidate na sina Former Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos and Davao City Mayor "Inday" Sara Duterte patungkol ito sa di umanoy pagguest ng Parokya ni Edgar, Cong TV at marami pang iba na gaganapin daw sa Zamboanga. Sunod sunod naman na binalita ng mainstream media nang sumagot at pinabulaanan ito ng mga sangkot na banda at celebrities ang nasabing fake post.
Ayon kay Atty. Trixie Cruz Angeles basta na lang din nagreact ang mga bandang ito nang hindi man lang nagcheck kung fake news o ano ang intensyon ng nagpost nito na halata namang ginawa para magalit ang iba't ibang celebrities sa UNITEAM.
Samantala itinago naman ng mainstream media kung sino ang nagpost na sa kalaunan ay nalaman din ng mga netizens. Ayon naman sa maraming netizens hindi kailangan ng UNITEAM ang maraming artista at banda para lang magkatao ang mga political rally nila. Matatandaang ito ang strategy ngayon ng Leni-Kiko Tandem ang magbitbit ng maraming artista sa kanilang kampanya upang maka-attract umano ng mga manonood.
Narito ang full report at ang pagdebunk ni Atty. Angeles at Miss MJ Quimbao Reyes sa mga salarin ng Fake News na ito.
Cong TV, Parokya ni Edgar, Agsunta umalma sa fake news tungkol sa isang campaign rally.
Umalma ang YouTube content creator na si Cong TV, bandang Parokya ni Edgar, at Agsunta sa kumakalat na fake news tungkol sa gaganapin na campaign rally sa Zamboanga.
Kumakalat sa social media ang screenshot kung saan makikita ang detyalye ng isang campaign rally na magaganap sa Abril 10, 2022 sa Enriquezb Memorial Complex sa Zamboanga.
Nakalagay pa rito na dadalo umano ang ilan sa mga sikat ba personalidad kagaya nina Cong TV at Team Payaman, Zack Tabudlo, 4 of Spades, Kamikazee, Parokya ni Egar, Agsunta, Philia, at Toni Gonzaga.
Sa kani-kanilang Facebook post nitong Biyernes, Marso 18, umalma sina Cong TV, Parokya ni Edgar, at Agsunta.
"Di nga makapagvalorant tas manganganpanya pa. fake news," saad ni Cong TV.
"This is not true'" naman ang saad ng bandang Parokya ni Edgar.
"Wala p[o kami dito, nasa bahay lang kami ng araw na yan," anang Agsunta.
Narito naman ang komento ng isang magaling na abogado na si Atty. Trixie Cruz Angeles. Sa tila basta na lang naniwala at nagkomento ang mga celebrity na ito na nasangkot sa nasabing post.
This article is misleading.
Ayon sa PhilStar may ilang mga banda na diumano'y mag perform sa UniTeam rallies. Mariing tinanggihan ito na Parokya ni Edgar, Agsunta, IV of Spades at Tabudlo.
Ang hindi binabanggit sa article na ito una, kung sino yung nagpost ng claim na iyon. Duon sa screeshots, naka block out yung pangalan ng nagpost.
Pangalawa at pinakamahalaga, hindi nakalagay dito NA HINDI NITO POST O CLAIM NG OFFICIAL SITES NG UNITEAM o nina BBM o Inday Sara. Liwanagin pa natin. Di natin alam kung sino ang nagpost ng mga claims na ito ba tinatanggi ng mga banda. Posibleng malisyoso ang pag post, para mapahiya ang UniTeam, kapag di nagsidatingan ang mga banda. Posible rin na nag wishful thinking lang yung awtor nito.
Pero ang SIGURADO, hindi UniTeam, si BBM o si Inday ang gumawa niyan. Walang official source ng impormasyon na yan.
OVERREACTION.
PAROKYA NI EDGAR, IV OF SPADES, AGSUNTA and ZACK TABUDLO were reacting only to a single post by a guy with barely six hundred friends? The post wasn't even taken seriously by anyone until the denial was issued. Note that the guy posted it is Anti-Uniteam.
The original post never even went viral. Nor was it reposted or posted on the official UniTeam sites.
All that effort to deny something as un-noticed as this???
It can only mean that someone is using or causing the "reaction" or "over-reaction" as an excuse to get some famous people to bash the UniTeam.
Wow. Talk about an all time low.
PS not blaming the bands, they may have been misled. But PhilStar...
The plot thickens.
Apparently this is the original. The account that posted it can no longer be found. At least not by us.
Could it be that it was posted precisely to get a reaction from the bands and social media, a reaction that would provide a platform for bashing the UniTeam?
Sa madaling sabi, gumawa ng post para may basehan ma bash ang UniTeam ng mga popular na performers. Kahit hindi Uniteam ang nagpost. Kahit hindi sila inimbitahan ng UniTeam. At kahit walang batikos sa kanila ng mga kandidatong ayaw nila.
Narito naman ang koment ng isang DDS Warrior na Miss MJ Quiambao Reyes,
HOW LOW CAN THEY GO?
Below is a classic case of tanim-fake news:
1. Why cover the FB name of the poster (which is not even a name and which is obviously fictitious)?
Bakit di nyo ilabas para makita ng lahat na hindi naman talaga galing ang 'announcement' na yan sa kampo ng BBM-SARA o sa legitimate source?
2. Common sense
Dinudumog ang mga caravans at rallies ng BBM-SARA kahit walang ;pa-concert.
Tanong: Sino ba sa mga kandidato ngayon ang panay ang bitbit ng mga artista't singers, may megastar pa nga, para lang magkaroon ng audience?
Do you really think BBM-SARA or their organizers will hire singers or bands who are obviously on the other side?
Bakit parang kayo lang naman ang naniwala sa post ng isang fictitious account at kayo rin lang naman ang nagpakalat pa nito with the help of mainstream media?
3. Di ba masyadong halata na ang mainstream media pumatol agad at ginawang mainit na balita/black propaganda (without dirst checking if legit ba yung FB account ng nagpost) kahit halata namang gawa gawa lang ito?
4. How come yung 7-11 pink news na sobrang fake news at talagang posted mismo ng isang wannabe celebrity (na dating nasangkot sa Christine Dacera case), ay di niyo ni-report?
Masyado naman kayong halata. Galingan niyo naman.
Narito naman ang komento ng ilang netizens tungkol rito,
Shunga naman ng mga bands at artists na yan. Nag-react agad before validating the source. Myself, an ordinary individual, will verify first an article (more so from mainstream media) before sharing. Eh mga bands at artists, for sure may mga coordinator or secretary mga yan. With what happened, gullible pala sila. Hayst!
Wag nang pag aksayahan ng oras ang mga ganyan mga post. Kaming mga BBM-SARA kahit sino png banda, artista ayaw sa BBM-SARA, eh andito pa rin kami totoo at naninindigang BBM-SARA parin kami.Wag nang pag aksayahan ng oras ang mga ganyan mga post. Kaming mga BBM-SARA kahit sino png banda, artista ayaw sa BBM-SARA, eh andito pa rin kami totoo at naninindigang BBM-SARA parin kami.
Kaibigan na hiningan ng tulong ni Ana Jalandoni nagsalita na tungkol sa impormasyong kinalat ni Xian Gaza!
Walang komentoMartes, Marso 22, 2022
Pinalagan ng kaibigan at business partner ni Ana si Xian Gaza dahil sa mga mali at mapanirang impormasyon na ipinapakalat umano nito. Matatandaang sunod sunod ang mga naging pasabog ni Xian tungkol sa isang personalidad na kaya umano binugbog ng boyfriend dahil nahuli umano itong may lalaki o spongkey na kasama pa nito sa Amanpulo. May nabanggit pang sumama umano ito kapalit ang halagang 250,000 pesos. Hindi man pinangalanan ni Xian ang nasabing personalidad, maraming kumbinsido na patungkol ito kay Ana na kontrobersyal ngayon dahil sa pambubugbog ng kanyang boyfriend. Pablind item post pa ni Xian,
ALMUSAL BLIND ITEM: "SINETCH ITEY NA ISANG CONTINENTAL GIRLALOO ANG NAGPUNTA NG AMANPULO KASAMA ANG KANYANG 5'4" CHINESE SPONGKEY NA KALBO KAPALIT NG 250,000 PESOS? ANG NASABING LUXURIOUS VACATION AY NALAMAN NG JOWA NI BABAE TAPOS WAIT TULOG MUNA KO AT NAPIPIKIT NA ITULOY KO LATER PAGKAGISING GOOD NIGHT EVREBADEH"
Ayon pa kay Xian ang spongkey ay ang termino na gamit, na ang ibig sabihin ay sponsor is the key o mayayamang kliyente ng mga babaeng nagpapabayad in exhange for sexual favors.
Sinundan pa ito ng isa pang post ni Xian na,
WALANG MASAMA SA PAGKAKAROON NG SPONGKEY! JUSKO NAMAN GUYS, 2022 NA! NORMAL NA YAN SA ATING LIPUNAN NGAYON. ANG MASAMA EH YUNG MAY JOWA KA TAPOS SUMA-SIDELINE KA PA SA MGA SPONGKEY MO! KUNG MAY BOYFRIEND KA EH PUKUS KA LANG DAPAT SA BOYFRIEND MO. KUNG TRIP MO PALA ANG SPONGKEY BUSINESS EH 'DI MANATILI KANG SINGLE! GANUN LANG KASIMPLE YUN! HUWAG KANG MAG-JOWA! YOU CANNOT BOATING IN TWO RIVERS! MYGAAAAAHD
Tila hindi na nakapagtimpi ang kaibigan ni Ana at nagsalita na ito kaugnay sa mga pinapakalat ni Xian. Post nito,
OK Long post to sort things out! (I have the go signal na to do this).I am the one who Ana Jalandoni called for help, ako huli nyang nakausap kaya malamang ako na message nya since emergency nga.This is about yung circulating post about Ana Jalandoni from the very credible person Christian Albert Gaza (dalaw ka naman pinas sir!) at iba pa.1. "NAGPUNTA NG AMANPULO KASAMA ANG KANYANG 5'4" CHINESE SPONGKEY NA KALBO KAPALIT NG 250,000 PESOS?"WRONG: Sabay sila ni Kit pumunta dun, and 250k? WTF man, We just closed a 10M Business deal, and well paid ang tao nya, why need ng 250k(musta scam cases mo sir?) and AKO HULING KAUSAP NIYA.2. "ANG NASABING LUXURIOUS VACATION AY NALAMAN NG JOWA"WRONG: Magkasabay nga sila , kay Kit sya nakasakay, so hindi totoo (pinansin ka ba ni Erich Gonzales nung bumili ka ng billboard spot? AKO HULING KAUSAP NIYA.3. May batas tayo and clearly why make false info? Negosyante ka mag negosyo ka, tumulong ka sa mahihirap. Musta Pnp Cybercrime?Tagging women of power in this post. She (Ana) can't be judged by the public because of the wrong infos.Again, nung isang araw pako nangangati mag post pero to be fair , I have to talk with the victim muna.Gets mo Christian Albert Gaza? Uwi ka nga pinas kape tayo, o gusto mo mag billboard din ako para pansinin mo ko?Attached are the photos for proof.Thanks to Tagaytay PNP and NBI for the help btw.So there, mga maritess, make your talents useful. Peace!
Ibinahagi pa nito ang mga screenshots ng palitan nila ng chats ni Ana noong humingi ito ng tulong sa kanya. Hindi naman binanggit ng kaibigan ni Ana ang totoong dahilan kung bakit nagawa ito ni Kit Thompson sa girlfriend.