Ipinapakita ang mga post na may etiketa na love. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na love. Ipakita ang lahat ng mga post

Albie Casino Ipinagtanggol Si Nikko Natividad, Hindi Tama Ginagawa Ni Vice Ganda

Walang komento

Martes, Hunyo 11, 2024


 Nagpahayag ng suporta si Albie Casiño sa dating miyembro ng Hashtag na si Nikko Natividad matapos makatanggap ng batikos ang huli sa social media dahil sa publikong pambabatikos kay Vice Ganda.


Nagsimula ang isyu nang makisimpatya si Nikko Natividad kay EXpecially For You searchee Axel Cruz, na sinaway ni Vice Ganda sa national television dahil sa umano'y hindi naaangkop na mga galaw nito sa isang kalahok.


Kung saan tinangka niyang nakawan ito ng halik na hindi rin nagustuhan ng babae.


Bilang tugon sa pakikisawsaw umano ni Nikko Natividad sa isyu nina Vice Ganda at Axel, sinimulan ng ilang fans ni Vice Ganda ang kampanya para tanggalin si Nikko sa lahat ng kanyang mga proyekto dahil lang sa tahasan niyang pinuna ang It’s Showtime host.


Samantala, naglabas naman ng pahayag Albie at ipinagtanggol ang kanyang kaibigan, hiniling niya sa mga netizens na dapat ay tumigil na ang mga ito sa pagsira sa buhay ng ibang tao dahil lamang sa hindi nila nila nagustuhan ang opinyon nito na naiiba sa kanilang paniniwala.


“Wala naman mali sa sinabi ni Nikko, lahat naman tayo mag sariling opinion and we all the right to voice that. Ang mahirap is gusto niyo mawalan ng trabaho ang taong nag susuport ng pamilya dahil lang sa opinion niya,” pahayag ni Albie.


Matatandaang nilinaw na ni Nikko Natividad na pinuna lang niya si Vice Ganda dahil tinuturing niyang kaibigan ito.


Naniniwala din umano si Nikko Natividad na kailangan niyang itama ang kanyang kaibigan dahil hindi na tama ang mga ginagawa nito at kawawa naman ang mga taong natatapakan nito na pinili na lamang manahimik dahil wala naman silang mga followers na mas marami pa kaysa sa komedyante.


Iginiit din ni Nikko na hindi siya nakikisawsaw at hindi rin naman umano siya nagpapaawa dahil lang sa simpleng pagsisiwalat niya sa kanyang pinagdaanan noon sa show.




Christopher De Leon Iniwan Ng Kanyang Asawang Si Andy Andolong Dahilan, Alamin!

Walang komento

Huwebes, Hunyo 6, 2024


 Ibinahagi ng misis ni Christopher De Leon na si Sandy Andolong na minsan ay sinubok rin ng pagkakataon ang pagsasama nila bilang mag-asawa.


Sina Sandy Andolong at Christopher De Leon ay nagsasama na rin sa loob ng mahigit 40 years subalit hindi rin pala naging madali ang kanilang pinagdaan bilang buhay mag-asawa.


Sa kamakailang panayam sa Fast Talk With Boy Abunda ni Sandy Andolong, nitong martes inaming ng aktres na nilayasan niya noon ang kanyang asawa na si Christopher De Leon.


"There was a time I left him. We had two boys that time si Rafael and Miguel. I left the house kasi parang ang chaotic. It was too much already. It was beginning to have a really bad effect on my two children at that time. So I left Christopher," pag-amin ni Sandy.


Dagdag pa ni Sandy Andolong, na nagulat na lamang si Christopher nang umuwi ito sa bahay nang wala na siya.


Ayon sa pagbabahagi ni Sandy Andolong, na noong umalis siya sa bahay ay nanatili siya ng isang linggo sa kumbento para magdasal at humingi ng guidance at direction mula sa Panginoon.


"Nag-LSS (Life in the Spirit Seminar) kami together because he kept telling me, 'No, I want this to work. I don't want to lose you. I don't want to lose the boys. I want to have a complete family,' kasi he comes from a broken family, I came from a broken family, I have an absentee father at that time. So ayun, nag-Oasis kami. That's when things settled down na," pagkukwento ni Sandy Andolong.


Sina Christopher De Leon at Sandy Andolong ay magkarelasyon na noon pang 1980, ikinasal naman sila noong 2001. Nire-new naman nila ang kanilang mga vow noong 2019 sa Halong Bay sa Vietnam.


Mayroon silang limang anak na sina Rafael, Miguel, Gabriel, Mariel at Mica.



Kasinungalingan Ni Vice Ganda at It's Showtime Isiniwalat Na ni Christine!

Walang komento


 Nagwawala at naging histerikal ang dating Expecially For You contestant na si Christine habang kausap ang isang staff ng It's Showtime.


Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang video kung saan makikitang umiiyak si Christine habang kausap ang isang staff ng It's Showtime habang sinasabing pinagmumukha umano siyang sinungaling ng show dahilan para maibaling sa kanya ang pambabatikos ng mga netizens.


Isa sa mga dahilan kung bakit binabatikos ngayon si Christine ng maraming mga netizens ay ang paglalabas ng statement ng mga It's Showtime host sa pangunguna ni Vice Ganda na umanoy nagsinungaling si Christine sa inilabas nitong video kung saan inihayag niyang hindi siya na offend sa pagtatangka ni Axel na i-beso siya.


Sa ibinahaging video ni Christine, inilahad niyang hindi siya na-ooffend at naiitindihan niya kung ano ang gustong gawin sa kanya ni Axel ang searchee noong panahong iyon.


Subalit, ilang araw matapos ang pagpapahayag na ito ni Christine ay bigla na lamang naglabas ng pahayag ang buong It's Showtime family sa pangunguna ni Vice Ganda kung saan sinabi niyang muli nilang nakausap sina Christine at Axel.


Dito, inamin ni Christine na totoong na-offend siya sa nangyari at mayroon siyang personal na dahilan kung bakit sinabi niya sa video na okay lamang sa kanya ang ginawa ni Axel.


Subalit, ang naging pahayag nina Vice Ganda ay pinagdududahan na ngayon ng maraming mga netizens dahil sa pagkalat ng video mula sa taong malapit kay Christine kung saan makikita ang dalaga na nakasalampak sa sahig at walang tigil sa pag-iyak dahil ginawa umano siyang sinungaling ng It's Showtime gayung ipinaliwanag na niya sa video ang kanyang side.


Nag-ugat ang isyung ito sa episode ng Expecially For You ng It's Showtime kung saan napansin nina Vice Ganda at iba pang mga host ang naging reaksyon ni Christine sa biglang paghila sa kanya ni Axel para i-beso.


Kaagad itong sinaway ni Vice Ganda at inilahad na hindi niya dapat iyon ginawa o kaya naman ay dapat ay humingi muna siya ng permiso mula kay Christine.


Umani naman ito ng mga negatibong komento para kay Axel dahil sa pagiging bastos nito, agad naman naglabas ng pahayag si Axel kung saan iginiit niya na wala siyang balak na halikan si Christine, Sinigundahan naman ito ni Christine sa kanyang video at iginiit na ayos lamang sa kanya ang nangyari.


Kaagad namang humingi ng paumanhin si Vice Ganda kay Axel sa kanyang nagawa, subalit makalipas ang ilang araw ay muling naglabas ng pahayag si Vice Ganda kung saan binabawi niya ang paghingi ng tawad kay Axel dahil tama lamang ang kanyang ginawa dahil totoo namang nakaramdam ng pagkaoffend si Christine.


Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag ang pamunuan ng It's Showtime patungkol sa mga kumakalat na video ni Christine.


@patoothing Replying to @johanisabasher Christine other statement #itsshowtime #christine #expeciallyforyou #axel #viceganda ♬ original sound - PatPat

Chie Filomeno, Masaya Sa Uri Ng Relationship Nila Ni Jake Cuenca

Walang komento

Biyernes, Mayo 31, 2024


 Nakapanayam ng ilang mga entertainment press at ilang mga vloggers ang actress na si Chie Felomino sa kamakailang launching nito bilang kauna-unahang celebrity endoser ng Skeencare na naganap sa Grand Hyatt Manila, Bonifacio Global City noong May 25, 2024.


Kabilang sa mga naitanong kay Chie Felomino ang patungkol sa relasyon nila ni Jake Cuenca.


Ayon kay Chie Felomino, very happy silang dalawa ni Jake Cuenca at masayang-masaya rin siya sa low-key relationship nilang dalawa.


Inilahad rin ni Chie Felomino na siya ang may gusto na gawing lowkey ang kanilang relasyon.


"We're happy, we're really happy, and keeping things low key. Syempre, first time ko rin sa.. siyempre we know na naman na he's already Jake Cuenca."


Ayon pa kay Chie Felomino, na hindi niya gustong makilala dahil lamang sa boyfriend niya si Jake Cuenta at isang insignificant other. Kaya naman masaya siyang nirespeto ni Jake Cuenca ang kanyang desisyon.


Dahil dito, naitanong kay Chie Felomino kung mayroon bang mga limitasyon ang kanilang relasyon sa pagbabahagi sa publiko.


Agad naming inilahad ni Chie Felomino na kahit alam na ng publiko ang patungkol sa kanilang romantic relationship ay nais umano nilang gawing pribado ang ilang mga bagay at detalye nito.


Inilahad rin ni Chie Felomino na ayaw niyang may mga nakikialam sa kanilang relasyon.


Sa ngayon ay talagang napakasaya umano niya dahil sa mga natatanggap niyang blessings at maganda rin ang relasyon niya sa kanyang pamilya at management.


Masayang-masaya rin umano siya sa kanyang lovelife, sa kanyang boyfriend na si Jake Cuenca.




Joshua Garcia at Emilienne Vigier, Isiniwalat Ang Pag-Iibigan, Hard Launching

Walang komento

Martes, Mayo 28, 2024


 Matapos ang ilang buwang espekulasyon patungkol sa kanilang totoong relasyon, Joshua Garcia at Emilienne Vigier, hayagan nang ipinakita sa publiko ang pagiging mag-boyfriend-girlfriend.


Tuluyan nang inamin nina Joshua Garcia at Emilienne Vigier ang kanilang relasyon sa social media matapos magbahagi ng mga sweet photos nila sa kanilang pagbabakasyon sa Bangkok, Thailand.


Noon pa man ay napag-uusapan na sa ilang mga social media ang pagkakaroon ng relasyon ni Joshua Garcia at Emilienne Vigier matapos mapansin ng maraming mga netizens ang pagkakahawig ng kanilang mga ibinabahaging post sa kani-kanilang mga social media accounts.


Subalit, tila hindi na nila kaya pang itago ang kanilang nararamdaman sa isa't-isa kaya naman hayagan na nila itong ipinapakita sa publiko.


Sa Instagram account ni Emilienne Vigier, ibinahagi niya ang ilang mga larawan nila ni Joshua Garcia na nagpapakita kung paano umusbong ang kanilang pag-iibigan.


Kaagad namang bumuhos ang suporta para sa kanilang relasyon mula sa mga netizens at pamilya ng dalawa na labis na nasisiyahan sa pasya nilang isiwalat sa publiko ang kanilang pag-iibigan.


Matagal nang magkakilala sina Joshua Garcia at Emilienne Vigier, ang kanilang pagmamahalan ay nagsimulang umusbong mula sa kanilang pagkakaibigan.


Kaagad namang umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens at mga tagahanga ni Joshua Garcia ang kanilang post ni Emilienne Vigier. Marami ang nagpahayag ng kanilang kasiyahan dahil muling nakatagpo ng babaeng magpapasaya sa kanya si Joshua Garcia.


Bumuhos ang mga pagbati mula sa mga tagahanga ng aktor kung saan marami ang nagsasabing napakabagay nilang dalawa.


May mga nagsasabi rin na tila mabait naman itong si Emilienne Vigier kaya nababagay lamang ito sa aktor. Hiling rin ng maraming mga tagahanga ni Joshua Garcia na sana ay magtagal silang dalawa at magpatuloy na umusbong ang kanilang pag-iibigan.



Tunay Na Pagtrato Kay Yassi Pressman Ng Boyfriend Niyang Gobernador Binatikos Ng Netizens

Walang komento

Lunes, Mayo 27, 2024


 Nadismaya ang maraming mga netizens matapos makita ang tila kawalan umano ng respeto kay Yassi Pressman ng kanyang Governor boyfriend na si Luigi Villafuente nang gumawa ito ng public display of affection sa aktres habang nagpeperform ito sa harap ng maraming tao.


Umaani ngayon ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang ipinakitang intense public display of affection nina Yassi Pressman at Gov. Luigi Villafuente sa harap ng mga constituents ng gobernador sa Camarines Sur.


Kaagad na nag-viral sa social media ang intense kissing scene nina Yassi Pressman at Gov. Luigi Villafuente sa opening ng Kaogma Festival noong May 23, 2024.


Hindi lamang sa pagsuporta sa kanyang boyfriend ang ipinunta ni Yassi Pressman roon kundi isa rin siya sa mga celebrity guests ng probinsya kasama ang actor singer na si James Reid na boyfriend naman ng kanyang kapatid na si Issa Pressman.


Naroon rin ang ilang mga rappers na kinabibilangan nina Flow G, Skusta Clee at Nick Makino. Bago ang halikan nina Gov. Luigi Villafuente at Yassi Pressman, pinasalamatan muna niya si Yassi Pressman nainilalarawan niya bilang pinaka-espesyal na tao sa kanyang buhay dahil sa suporta umano nito sa kanya.


Nagperform si Yassi Pressman sa stage ng aerial dance upang aliwin ang mga tao, lalong naging special ang performance ni Yassi Pressman nang samahan siya sa stage ng kanyang boyfriend na si Gov. Luigi Villafuente para sa kanilang duet sa kanta ni Enrique Iglesias na Hero.


Sa simula pa lamang ng kanilang duet ay marami na ang nakapansin sa malalagkit at mainit na tingin ni Gov. Luigi Villafuente kay Yassi Pressman. Sa kalagitnaan ng kanilang pagkanta ay ipinahayag pa ni Gov. Luigi Villafuente ang kanyang pagmamahal para kay Yassi Pressman.


Nang matapos na ang kanilang duet ay hayagan naghalikan sina Yassi Pressman at Gov. Luigi Villafuente. Lalo pang nagtilian ang maraming mga tao dahil hindi lamang simpleng kiss ang pinagsaluhan ng dalawa kundi isang intense kiss.


Unang bumitaw si Yassi Pressman sa kanilang halikan dahil tila na carried away na ang gobernador at tila nakakalimutan na nitong nasa publik place silang dalawa.


Kung may mga kinilig sa tagpo ng dalawa sa stage, marami rin ang pumuna rito dahil hindi umano angkop ang ipinakitang kiss ng dalawa sa pampublikong lugar dahil napaka intense na nito.


Tila lasing rin umano si Governor kaya naman nagagawa na nitong mang-mukhang sa harap ng kanyang mga constituents. Ipinunto pa ng ilan na wala namang masama kung sakaling maghalikan ang dalawa dahil magkarelasyon naman ang mga ito subalit ilagay lamang sana umano nila sa tamang lugar.



Angeline Quinto, Ipinagtanggol Ang Kanyang Asawa na si Nonrev!

Walang komento

Huwebes, Mayo 16, 2024


 Isa sa masasayang celebrity ngayon ay ang actress-singer na si Angeline Quinto dahil nasa maayos ang kanilang pamilya at kamakailan lamang ay ikinasal na sila ng kanyang partner na si Nonrev Daquina.


Nakadagdag pa sa kasiyahan na ito ni Angeline Quinto ay ang kanyang pagbubuntis sa ikalawang pagkakataon sa anak nila ni Nonrev.


Patuloy na nagbabahagi si Angeline Quinto ng mga updates patungkol sa kanyang buhay sa kabila ng mga natatanggap na pambabatikos mula sa mga netizens dahil siya ang nagpo-provide sa kanilang pamilya.


Tila bingi at bulag ngayon ang aktres sa mga pambabatikos dahil nakapokus lamang siya sa kanyang mahal sa buhay at sa pagtataguyod sa kanyang pamilya.


Sa gitna ng mga pambabatikos na natatanggap ngayon ng asawa ni Angeline Quinto na si Nonrev, nagbahagi si actress-singer ng isang open letter para rito.


"Alam ko hindi naging madali sa umpisa. May ibang ayaw sa relasyon natin, Pero mas pinili mong manatili sa tabi ko, nung panahong kailangan na kailangan kita. Nung panahong ayaw ko ng kumanta at magtrabaho dahil sa pag kawala ng Mama Ikaw ang naging kakampi at inspirasyon ko. At ang pag dating ni Sylvio ang nagbago ng buhay ko."


"Para saiyo ang awiting sinulat ko, kasama ni Sir @jonathanmanalo natapos namin ang kanta bago ang kasal natin kaya ito rin ang ginamit para sa bridal march ko last month"


Ipinahayag rin ni Angeline Quinto na palagi niyang ipaglaban si Nonrev Daquina sa mga netizens na nambabatikos rito.


Matatandaang hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na marami ang nambabatikos kay Nonrev Daquina dahil sa hindi umano nito pagtatrabaho. Inaasa na lamang umano nito ang lahat kay Angeline Quinto gayung bukod sa kanyang anak kay Angeline Quinto ay may mga anak pa ito sa iba't-ibang mga babae.



Xian Lim Pinakita Na Very Happy Sya Ngayon Sa Piling Ng New Girlfriend Na Si Iris Lee!

Walang komento

Lunes, Mayo 6, 2024


 Matapos kumpirmahin ang relasyon, Xian Lim at Iris Lee malaya nang ipinasisilip sa mga netizens ang mga sweet moment nilang dalawa.


Ipinakita na ng actor-director na si Xian Lim ang katotohanang masaya sila ni Iris Lee sa piling ng isa't-isa sa kabila ng mga pambabatikos na natatanggap matapos kumpirmahin ang kanilang relasyon.


Umani ng samu't-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens ang latest Instagram post ni Xian Lim kung saan ibinahagi niya sa unang pagkakataon ang mga larawan nila ni Iris Lee sa kanyang Instagram account.


Ibinahagi ni Xian Lim ang mga larawan nila ng kanyang bagong karelasyon na si Iris Lee tatlong araw matapos ang pag-amin niya sa publiko ng relasyon nilang dalawa.


Ang mga larawan na ito ay kuha noong sino-shoot nila ang kanilang pelikula sa Thailand kung saan si Xian Lim ang direktor habang si Iris Lee naman ang producer.


Sa isang picture, makikitang komportable si Xian Lim na nakaupo sa tabi ni Iris Lee habang mayroon silang sinisilip sa kamera.


Napansin rin ng maraming mga netizens ang pagiging inspired ni Xian Lim sa pagtatrabaho kasama si Iris Lee. Maging ang pagiging mature at professional ni Iris Lee ay hindi rin pinalagpas ng maraming mga netizens.


May mga netizens pa ang tila nagbago ang isip sa mga nakitang larawan dahil makikita umano sa mga pictures ang pagiging matalino ni Iris Lee at hindi umano ito 'sabaw'.


Tila ito umano ang dahilan kung bakit ito ang pinili ni Xian Lim dahil tila nahanap na umano ng aktor sa katauhan ni Iris Lee ang babaeng hinahanap niya na kapareho niyang intelligent at dedicated pagdating sa film-making.


Samantala, ipinagtanggol naman ng general manager ng Aguila Entertainment Agency si Xian Lim laban sa mga bumabatikos rito dahil sa pangloloko umano nito sa dating karelasyon na si Kim Chiu.


Ayon dito, matagal na niyang kilala si Xian Lim at never pa umano itong nagcheat. Lahat din umano ng relasyon ng aktor ay nagtatagal dahil commited ito kapag may napupusuan.


Sinabi rin nito na sana ay matahimik na ang lahat dahil nagbigay na ng pahayag si Xian Lim kung saan sinabi nitong walang third party sa naging hiwalayan nila ni Kim Chiu.


Hindi rin umano matatawag na cheating ang relasyon nina Xian Lim at Iris Lee ngayon dahil naunang naghiwalay sina Kim Chiu at Xian Lim bago pumasok sa storya si Iris Lee.


Xian Lim Inamin Na Ang Relasyon Nila Ni Iris Lee, Third Party Kay Kim Chiu Nilinaw

Walang komento

Biyernes, Mayo 3, 2024


 Inamin na ng Kapuso actor na si Xian Lim ang totoong estado ng relasyon nila ng Vivamax producer na si Iris Lee. Nilinaw din ni Xian Lim ang isyu na umano'y ang third party sa hiwalayan nila ni Kim Chiu si Iris Lee.


Usap-usapan ngayon sa social media ang pag-amin ni Xian Lim matapos ang kanyang pag-amin sa totoong relasyon nila ngayon ni Iris Lee.


Sa isang exclusive interview kay Xian Lim ng Esquire Magazine, sinagot at nilinaw ng aktor ang lahat ng mga isyu na ibinabato sa kanila ni Iris Lee.



Sinagot ni Xian Lim ang lahat ng mga speculations sa totoong relasyon nila ni Iris Lee at ang mga haka-haka sa naging hiwalayan nila ng aktres na si Kim Chiu.


Ayon kay Xian Lim, totoong nagdi-date na sila ngayon ni Iris Lee, na inilalarawan niya bilang isang  isang talented filmmaker at creative partner. Masayang-masaya na rin umano sila sa kanilang relasyon ngayon.


Nilinaw din niya ang isyung si Iris Lee ang naging third party sa paghihiwalay nila ni Kim Chiu noong nagdaang taong 2023.


Iginiit ni Xian Lim na hindi naging third party si Iris Lee sa relasyon nila noon ni Kim Chiu. Nagkaroon lamang umano sila ng ugnayan dalawa makalipas ang paghihiwalay nila ni Kim Chiu na naging girlfriend niya sa loob ng maraming mga taon.


"There are things that I want to clarify. Number one, that there was a third party. There's no third party. That's it. That plain and simple."


Pinabulaanan din ni Xian Lim ang mga balitang nagpakasal na sila ni Iris Lee sa New York.


"Another rumor: when I see my friends—the people who are the last to even care about these things—kino-congratulate na ko. They say, 'Congratulations on the marriage in New York!' And I'm like, no, I am not married," pahayag ni Xian Lim.


Hiling naman ni Xian Lim sa lahat ng mga netizens na itigil na ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon patungkol sa relasyon nila ni Iris Lee dahil hindi umano nito deserve ang mabatikos.


"She doesn't deserve all that flak. We don't deserve that because all the things na people are saying, there's no truth to any of it," paglilinaw ni Xian Lim.



@rosemarieflor7 "Xian Lim clarified that he and Iris started dating after his split with Kim Chiu—whom he has been with for 12 years—refuting rumors that there was a third party involved in the cause of his split with the latter. "-Philstar #viral #viralissue #irislee #xianlim #fypシ゚viral ♬ nhạc nền - douyin dance

Angelica Panganiban Emosyunal Sa Pagpapahayag Ng Kanyang Pagmamahal Kay Gregg Homan

Walang komento

Miyerkules, Abril 24, 2024


 Marami sa mga netizens at mga kaibigan ng aktres na si Angelica Panganiban ang naging emosyunal matapos marinig ang vow ng aktres para sa asawang si Gregg Homan sa kanilang ikalawang kasal.


Muling nagpakasal ang mag-asawa na sina Angelica Panganiban at Gregg Homan sa ikalawang pagkakataon sa Inara Resort sa Isla ng Siargao, ilang buwan matapos ang kanilang unang kasal sa US.


Sa isang video na ipinost ng The Aivee Clinic sa Instagram, nakunan si Angelica Panganiban na naging emosyonal sa altar nang ipahayag niya ang kanyang pagmamahal kay Gregg sa pamamagitan ng kanyang wedding vows.


"Ilang beses din akong nadapa, nasaktan, umiyak, pero ni minsan hindi ako sumuko sa pag-ibig. Alam kong darating din ang panahon na ibibigay din sa'kin ng Bathala ang karapat-dapat," panimulang pahayag ng aktres.


"Dumating ang araw na hindi ko malilimutan. Dumating ka. Ikaw ang naging sagot sa lahat ng bakit ko noon. Dahil sa'yo, naging sapat ako," dagdag ng aktres na nagsimulang maging emosyunal.


"Salamat dahil hindi lang ikaw ang dumating. Dumating ang isang tao na hihigitan pa ang kapasidad kong magmahal, dumating si Bean sa buhay natin. Pangakong hindi na ako matatakot at sasanayin ko na ang sarili ko na may nagmamahal na sa akin nang totoo at nag-aalaga nang wagas. Kasi ang sarap pala kapag nasusuklian ang lahat ng binibigay ko. Habang buhay, mahal kita."


Ilan sa mga celebrities na dumalo sa espesyal na araw nina Angelica Panganiban at Gregg Homan ay sina Kim Chiu, Bela Padilla, Andoy Ranay, Anne Curtis, mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, Dr. Aivee Aguilar Teo, Liz Uy, at Kean Cipriano.


Nagkakilala sina Angelica Panganiban at Gregg Homan noong 2020 nang mag-film si Angelica para sa isang teleserye show sa Subic, kung saan nakatira si Gregg. Kinumpirma nila ang kanilang relasyon noong January 2021.


Ang kanilang unang kasal ay naganap naman noong December 31, 2023 ng nakaraang taon.



EA Guzman Nahuli ni Shaira Diaz Na May Ginagawang Hindi Kanais-Nais

Walang komento

Martes, Abril 23, 2024


 Umaani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang naging pag-amin nina Shaira Diaz at EA Guzman sa naging panayam sa kanila ng kilalang showbiz columnist at talent manager na si Ogie Diaz.


Sa nasabing panayam inihayag ng aktor na si Edgar Allan Guzma na mas kilala bilang si EA Guzman ang kanyang labis na pagsisisi nang mahuli siya ng kanyang girlfrien na si Shaira Diaz na nanonood ng bold movies.


Idinitalye naman nina Shaira Diaz at EA Guzman ang buong pangyayari kay Ogie Diaz upang mas maunawaan nito ang buong kwento.


Naniniwala si Shaira Diaz na ang ginawang panonood ng mga porn movies ni EA Guzma ay maaring na ring tawaging cheating.


Ayon kay Shaira Diaz, marami sa mga tao ang nagsasabing normal lang sa isang lalaki na manood ng ganoong uri ng palabas. Peroa para sa kanya ay hindi kailangan na inormalize iyon.


Sinabihan pa umano niya noon si EA na magpalit sila ng sitwasyon siya naman ang manonood, pagpapantasyahan ang ibang lalaki kung matutuwa rin daw pa si EA.


Dagdag pa ni Shaira, na parang cheating na rin iyong panonood ni EA Guzman ng mga bold movies dahil nakikita umano nito ang mga katawan ng ibang tao na supposedly sacred.


Matapos umano itong sabihin ni Shaira Diaz kay EA Guzman ay na realize umano ng aktor na mali talaga ang kanyang nagawa kaya naman tinigil na niya ang panonood ng kanyang paboritong movie magmula noon.


“Du’n nag-start, Mama Ogs. Tinamaan ako du’n na nasasaktan siya. So dahil sobrang mahal ko siya, nag stop talaga,” pahayag ni EA Guzman.


Kaagad namang umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang inamin nina Shaira Diaz at EA Guzman sa panayam nila kay Ogie Diaz.


Ayon sa ilang mga netizens na hindi naman maituturing na cheating ang ginawa ni EA Guzman na panonood ng bold movies dahil wala naman itong ginawang move para makilala ang babae napapanood.


Ipinunto pa ng maraming mga netizens na talagang hindi maiiwasan na may mga mature contents ang ilang mga magagandang movies lalo na kung nagmula naman ito sa ibang bansa.


May mga nagsasabi pa kay Shaira Diaz na nagpapaka-OA lamang siya dahil may mga needs naman umano si EA Guzman dahil isa itong grown up man lalo na't nagpa-practice sila ng celibacy.


May mga nagtatanggol naman kay Shaira kung saan ipinunto nilang hindi naman pinilit ng babae ang aktor na magpractice ng celibacy kasama siya.



Mga "Red Flag" Video Ni Daniel Kay Kathryn Noon, Kumakalat Online! Fans Ni Daniel, Pumalag!!

Walang komento

Sabado, Abril 13, 2024

 


Ilang buwan matapos maghiwalay, nag-uumpisa nang magkaroon ng hindi pagkakasundo sa social media ang mga tagasuporta nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla tungkol sa mga naging isyu nila sa isa't isa. 


Kamakailan, umusbong sa internet ang iba't ibang video mula sa ilang tagahanga ni Kathryn na nagpapakita umano sa hindi kanais-nais na asal ni Daniel noong sila ay magkasintahan pa. Ang pagkalat ng mga videong ito ay nagbibigay linaw sa ilan kung ano ang pag-uugali ng aktor bago pa man natapos ang relasyon ng Kathniel.


Sa kabilang banda, may mga tagasuporta rin si Daniel na tinatanong kung bakit ngayon lamang lumabas ang mga videong ito, at bakit walang reaksyon mula sa iba noong sila ay magkasama pa. Hindi rin nila maiwasang punahin ang patuloy na paglaki ng isyu ng kanilang paghihiwalay, na ayon sa kanila ay nakakapagod na. 


Ngayon na may pagtatalo na sa pagitan ng mga tagasuporta nina Kathryn at Daniel, nagiging kumplikado ang tanong kung sino nga ba ang dapat paniwalaan. Ano ang iyong opinyon dito?




Sen. Bong Revilla, Sinagot Si Lani Mercado Patungkol Sa Kanilang Pagsasama

Walang komento

Huwebes, Abril 11, 2024


 Matapos ang mahigit 30 years na pagsasama nina Senator Bong Revilla at Lani Mercado, ibunyag ng dalawa sa publiko na hindi naging madali ang kanilang pagsasama.


Nagbigay ng pahayag ang dating action star at senador na si Bong Revilla kung gaano siyang humanga sa pagmamahal, pang-unawa at katatagan na ipinapakita palagi ng kanyang asawa na si Congresswoman Lani Mercado.


Aminado naman si Se. Bong Revilla na hindi naging madali ang kanilang pagsasama. Sa loob ng 30 years, hindi naging smooth sailing ang lahat dahil dumaan din sila sa maraming mga pagsubok.


Hindi naman naging lingid sa kaalaman ng lahat na na-uugnay noon ang aktor at Senador na si Bong Revilla.


Bukod pa rito may iba pang mga pagsubok na pinagdaanan ng kanilang pamilya na kung sakali mang naging mahinang klase ng babae si Lani Mercado naniniwala siyang hindi nito kakayanin ang lahat.


"Totoo yun, siyempre sa lahat ng mga pagsubok na dumaan sa buhay ko, sa dami ng mga tsismis na dumating, nandiyan pa rin siya, very supportive. Kung may bibigyan ako ng medalya, bibigyan ko ng medalya si Lani, lalagyan ko pa ng crown," pahayag ni Sen. Bong Revilla sa isang panayam sa kanya.


Naglabas rin ng reaksyon si Senator Bong Revilla sa naging pahayag noon ni Congresswoman Lani Mercado kung saan inilahad nito na hindi siya madaling maging asawa.


Ayon kay Senator Bong Revilla, talagang hindi madali ang maging asawa niya dahil sa dami ng kanyang mga pinagdadaanan na tila isang roller coaster ride. Kaya naman talagang mahirap na maging asawa siya dahil dito ay labis umano niyang hinahangaan ang paninindigan ng kanyang asawa.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga netizens ang nagssabing na tila nagpapakamartyr na lamang si Lani Mercado dahil sa dami ng mga babaeng naiuugnay sa kanyang mister na si Bong Revilla.


Ayon kay Bong Revilla hindi naman naging martir ang kanyang asawa dahil naniniwala siyang ang pagiging martir ay pagmamahal na rin iyon.


Inilahad naman ni Sen. Bong Revilla na siguro hindi lamang mga masasamang katangian ang nakikita ng kanyang asawa sa kanya. Nakitaan rin umano siya nito ng magagandan katangian dahil nanatili sa kanyang tabi ang kanyang asawa.


Iginiit naman ni Sen. Bong Revilla na hindi man siya naging perpektong lalaki, isa naman siyang tunay na lalaki at hinding-hindi niya iiwan ang kanyang asawa.



Naniniwala rin umano si Sen. Bong Revilla sa kasabihang 'behind every successful man, there is a strong woman'.



Matching Promise Ring Nina Kathryn Bernardo at Alden Richards Mamahalin

Walang komento

Huwebes, Abril 4, 2024


 Laman ng mga usap-usapan ngayon sa social media at ilang entertainment news sites ang diumano’y “matching black rings” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.


Kamakailan lamang ay sinupresa ni Alden Richards ang aktres na si Kathryn Bernardo sa ikalawang birthday celebration nito kasama ang kanyang mga kaibigan at pamilya.


Sa kumakalat video kung saan makikita ang pagdating ng Kapuso actor na si Alden Richard sa birthday dinner ni Kathryn. Dala ang isang malaking bouquet ng bulaklak at regalo.


Marami naman ang nakapansin sa tila may pagkakaparehas ang mga singsing na suot-suot nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. 


Ayon sa mga kumakalat na tsika nagkakahalaga umano ang mga singsing ng 6 million pesos.

Dahil dito hindi maiwasan ng mga supporters ng dalawa na mas kiligin dahil sa posibilidad na may namumuo nang relasyon ang dalawa.


Kaagad itong nagtrending sa ilang mga social media platforms dahil na rin sa paglabas ng mga fans ng Aldub tandem nina Maine Mendoza at Alden Richards noon.


Bukod sa magkaparehong black rings, napansin rin ng maraming mga netizens na magkaparehas rin ang suot-suot na relo ng dalawa.


Dahil dito, marami ang naghinalang nagkakamabutihan na nga ang mga ito at tinatago na muna nila sa publiko dahil personal naman nila itong mga buhay.


Samantala, nagbabanta naman ang ilang mga AlDub fans na magrerebolusyon sila sakaling magtuloy-tuloy ang relasyon nina Alden Richards at Kathryn Bernardo dahil hindi umano nila matanggap na niloloko ni Alden Richards ang kanilang idolo na si Maine Mendoza.


Naniniwala pa rin kasi ang maraming AlDub fans na mag-asawa na sina Alden at Maine at mayroon na silang mga anak.




Sam Milby at Catriona Gray Nagkabalikan Na! Tuloy Na Ang Kasalan Na Gaganapin Sa Australia!

Walang komento

Martes, Marso 26, 2024


 Kinumpirma na ng kampo ng celebrity couple na sina Catriona Gray at Sam Milby na maayos na ngayon ang relasyon ng dalawa matapos ang unang pagsisiwalat nila na may pinagdadaanan ang relasyon ng dalawa.


Kinumpirma na ng reliable sources na malapit sa celebrity couple,na magkarelasyon pa rin sina Catriona Gray at Sam Milby.


Matatandaan na kumalat noon ang mga bali-balitang naghiwalay na sina Catriona Gray at Sam Milby dahil may natuklasan umano ang aktres patungkol sa pagkatao ni Sam Milby na hindi katanggap-tanggap para sa kanya.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ilang beses ding napapabalita noon ang patungkol sa totoong kasarian ni Sam Milby, ngayon natuklasan na umano ito mismo ni Catriona na mayroong nakarelasyon na lalaki si Sam Milby na naging dahilan ng kanilang hindi pagkakaunawaan.


Ayon pa sa aming nakalap na impormasyon si Sam Milby mismo ang nakipaghiwalay kay Catriona Gray upang makaiwas sa isyu at para hindi na rin kumalat pa sa social media ang lahat.


Bagama't wala namang ibinigay na dahilan, sa pagkalat noon ng mga balitang may pinagdadaanan sina Catriona Gray at Sam Milby, marami ang naniniwalang may kinalaman sa totoong gender ni Sam Milby ang dahilan.


Iginiit naman noon ng Cornerstone management, na kinabibilangan pareho nina Sam Milby at Catriona Gray na hindi naman naghiwalay ang dalawa may pinagdadaanan lamang umano ang relasyon ng dalawa at inaayos naman nila ito.


May mga nagsasabi pang ang totoong dahilan nito ay ang pagkakamove ng kanilang kasal, tila nagkatampuhan umano ang dalawa dahil naka set na sana ang lahat kinailangan pang i-move ang kasal.


Nilinaw pa noon ng Cornerstone na hindi sana sila maglalabas ng kung anong pahayag patungkol sa relasyon ng kanilang talents subalit dahil marami nang naglabasan na mga haka-haka magmula noong isiniwalat ni Ogie Diaz ang patungkol sa hiwalayan nina Catriona Gray at Sam Milby.


Sa kabilang banda, unang naitakda ang kasalan nina Catriona Gray at Sam Milby sa darating na May 2024, magaganap naman ito sa Australia, subalit dahil sa schedule ng dalawa ay hindi pa umano alam kung kailan ito magaganap.



Full Story! Ikinasal Na Sina Ria Atayde and Zanjoe Marudo Wedding 3.23.24

Walang komento

Lunes, Marso 25, 2024


 Ikinasal na ang celebrity couple na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo, ibinahagi mismo ng aktor ang masayang balitang ito dalawang araw matapos ang kanilang actual wedding.


Ikinabigla ng mga tagahanga nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde ng ibinahagi mismo ng aktor nitong March 25, 2024 ang balitang ikinasal na silang dalawa.


Nagbahagi ng ilang mga piling larawan sina Zanjoe Marudo sa kanyang social media account na kuha mula sa kasal nila ni Ria Atayde. Sa caption isiniwalat ni Zanjoe na noon pang March 23, 2024 sa mismong ika-32 na kaarawan ni Ria Atayde.


Caption ni Zanjoe Marudo sa kanyang post, "3.23.24 happy birthday my WIFE."


Sa comment section ng post ni Zanjoe Marudo, malugod na tinanggap ng kapatid ni Ria Atayde na si Gela Atayde si Zanjoe Marudo sa kanilang pamilya.


Kasunod nito, ang mga pagbati na ng mga kaibigan at mga mahal sa buhay nilang dalawa.


Matatandaan na nitong sabado ay spotted pa ng maraming mga netizens ang masayang celebration ni Ria Atayde sa kanyang kaarawan kasama si Zanjoe Marudo na todo pag-alalay sa kanya.


Kapansin-pansin rin na naka-formal attire ang mga bisita nila sa nasabing okasyon gayung naka-casual lang naman sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.


Matapos ang pagsisiwalat ni Zanjoe kaagad na naiugnay ng mga netizens ang nangyaring okasyon bago ang birthday celebration. 


Kabilang sa mga namataan sa birthday party ni Ria Atayde ay sina Kathryn Bernardo, Joshua Garcia, Darren Espanto.


Sa pagpapakasal ngayon nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo, lalong tumitibay ang paniniwala ng mga netizens na totoo ang isyung nagdadalang tao ngayon si Ria Atayde dahil sa biglaang engagement at madaliang pagpapakasal ng dalawa.


Samantala, marami naman ang nagsasabing kung totoo mang nagbubuntis ngayon si Ria Atayde bakit sa naunang panayam kay Gela ay itinanggi ito. Inilahad pa noon ni Gela na gusto nang magbuntis ni Ria Atayde subalit nahihirapan ito dahil sa pagkakaroon nito ng PCOS.


Sa likod ng mga isyung ito, hiling ng mga tagahanga nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde na maging masaya sila sa kanilang pagsasama at maging matatag katulad ng pagsasama ng iba pang mga celebrity couples na hanggang ngayon ay nagsasama pa rin.

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo