Nag-react ang business woman at social media personality na si Rosmar Tan sa mga tsismis na mapipilitan siyang magbayad ng kalahating bilyong pisong buwis matapos niyang ibunyag ang kanyang 13-M daily income.
Sa kanyang social media page, ibinahagi ni Rosmar ang kanyang koneksyon kay Bureau of Internal Revenue chief Romel Lumagui Jr. at hiniling din niya sa mga netizens na i-follow ang nasabing public official.
“Pa ayuda muna tayo ngayong holiday, support BIR COMMISSIONER Romeo “Jun” Lumagui Jr. muna,” pahayag ni Rosmar.
Sinabi pa niya na hindi siya natatakot magbayad ng buwis at pinuri pa ang BIR sa paggabay sa mga influencer na tulad niya sa proseso ng pagiging nagbabayad ng buwis.
“‘Wag mag pakalat ng fake news. Di naman nakakatakot ang BIR kasi maayos na ang sistema nila ngayon. Gagabayan at tuturuan ka pa nila sa tamang pagbabayad ng buwis,” saad ni Rosmar.
Matatandaan na tinantiya ng ilang netizens na may pananagutan si Rosmar na P540-M sa buwis matapos niyang ibunyag ang kanyang P1.8-B na taunang kita.
Umani ng halo-halong reaksyon ang kanyang rebelasyon mula sa mga netizen; tinawag ng ilan ang atensyon ng BIR para imbestigahan ang mga posibleng pananagutan niya sa buwis.
Samantala, tinutulan ni Rendon Labador ang desisyon ng BIR na patawan ng buwis ang mga internet celebrity, ipinunto ni Rendon na kinakaltasan na sila ng buwis bago makuha ang revenue.
Narito naman ang ilang komento ng mga netizens.
"Libreng Mangarap at ang Masarap pag Nakamit muna ang Pangarap ..
Kaya ako eto lang masabi q ky Mam Rosemarie Tan Pamulaklakin Super Proud at nakaka INSPIRED sa lahat ng mga Nakakamit nya ngaun... GOD BLESSED at sana Habaan pa ang Buhay mo Mam at Habaan din ang Pasensiya para makatulong pa sa iba .."
"Wag nyo na po Sila pansinin mam , alam nyo naman po sa sarili nyo yung Tama at alam nyo po kung ano pinasok nyo .. your a business woman .. and we are proud of you mam."
"May mga tao talagang gagawin Ang lahat kahit makapanira para sa ikakaangat nila."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!