Anne Curtis Pinaringgan Si Xian Lim Dahil Sa Pag-uutos Kay Kim Chiu!

Lunes, Mayo 13, 2024

/ by Lovely

Muli na namang pinasaringan ng actress at It's Showtime host na si Anne Curtis ang controversial actor-director na si Xian Lim sa ginawang paraan nito sa pakikipagbreak kay Kim Chiu para maligawan na si Iris Lee.


Sa kamakailang episode ng It's Showtime sa segment na Expecially For You, naitanong nina Anne Curtis at Vice Ganda ang kanilang contestant kung paano sila naghiwalay ng kanyang ex-boyfriend.


Dito naibahagi ng kanilang contestant na nakipagkita sa kanya ang kanyang ex-boyfriend para lamang makipag-break sa kanya.


Hindi naman napigilan ni Anne Curtis na maisiwalat na mas malala pa ang ginawa sa isa sa kanilang kakilala sa ginawa ng ex-boyfriend ng kanilang searcher. Dahil ang kakilala umano nila ay niyaya munang makipagdate, pinagluto pa ng steak, bago brinake.


Bagama't hindi naman sinabi ni Anne Curtis na si Kim Chiu ang kanyang tinutukoy sa kanyang pahayag, malakas naman ang pakiramdam ng maraming mga netizens na itoang nangyari dahil nauna nang naging laman sa social media ang balitang bago nakipagbreak si Xian Lim kay Kim Chiu ay inutusan muna nito ang aktres na ipagluto siya ng paboritong steak.


"Naalala mo meron dito, nag-aya muna ng date, kumain ng steak tapos tsaka nalang brineak."


Naniniwala naman ngayon ang ilang mga madlang pipol na ang naging pahayag ni Anne Curtis ay patama niya kay Xian Lim.


Samantala, marami naman ang nanghinayang dahil noong ipinahayag ito ni Anne Curtis sa It's Showtime ay absent si Kim Chiu.


Marami kasi ang na-curios kung ano ang magiging reaksyon ng aktres sa pasaring na ito ni Anne Curtis na minsanan lamang nagpapasaring sa It's Showtime.


Matatandaan na unang naisiwalat ng kilalang showbiz reporter at talent manager na si Ogie Diaz ang pagrequest ni Xian Lim na ipagluto siya ni Kim Chou ng paborito umano nitong steak subalit matapos itong kainin ng aktor kaagad nitong hiniwalayan ang aktres.


Hindi man ito inamin ng dalawa, makikita naman na sa naging reaksyon ni Kim Chiu sa usaping ito ang katotohanan.


Sa ngayon ay hayagan nang ipinapakita nina Xian Lim at Iris Lee ang kanilang relasyon matapos itong kumpirmahin ng aktor sa isang panayam.



 

@oxgurl37 #showtime #specialforyou #annecurtis #viceganda #jhonghelario #trending #fyp #trend #fypspotted #proudkasambahay❣️💪 ♬ original sound - LENN💙FANGIRL🥰

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo