Ipinapakita ang mga post na may etiketa na list. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na list. Ipakita ang lahat ng mga post

Ang Sweet! Kim Chiu Handa Ng Magmahal Muli

Walang komento

Miyerkules, Pebrero 14, 2024


 Tila handa na ang Kapamilya actress-TV host na si Kim Chiu na magmahal ulit matapos ang kanyang failed relationship kay Xian Lim.


Matatandaan na December nitong nagdaang taon ay kinumpirma nina Kim Chiu at Xian Lim ang ilang buwan nang haka-haka patungkol sa kanilang paghihiwalay.


Ikinagulat pa ito ng maraming mga netizens dahil inakala nilang matatag ang relasyon ng dalawa at ang mga kumakalat na balita noon patungkol sa pagtatapos ng kanilang relasyon ay walang katotohanan.


Subalit, ang mga ito ay inamin ni Kim Chiu at ni Xian Lim noong December 23, 2023 sa kabila ng kanilang pag-amin patuloy naman sila nanahimik sa kung ano ang totoong dahilan kung bakit pinili nilang tapusin ang kanilang pagmamahalan na inalagaan nila sa loob ng maraming taon.


Gayunpaman, kahit labis na nasaktan noon si Kim Chiu dahil sa mga failed relationship niya sa nakaraan ay patuloy pa ring naniniwala ang aktres sa true love kaya naman hindi umano niya isinasara ang kanyang puso na magmahal muli.


Matapos ang ilang buwang pagpapahilom sa kanyang nasaktang puso tila handa na ngayon na magmahal muli si Kim Chiu. Sa kamakailang episode ng It's Showtime nagpakuha ng larawan si Kim Chiu sa harap ng malaking heart design para sa segment nila na Expecially For You habang hawak niya ang isang bungkos ng bulaklak.



May isang larawan pa si Kim Chiu kung saan mayroon siyang tinuturo, dahil dito napatanong ang kanyang mga kasamahan kung sino ang kanyang tinuturo o kung may minamahal na ba siya ngayon.


Kaagad namang dumipensa si Kim Chiu at sinabing minamanifest na lamang niya ngayon ang love, alam din umano niya na in God's perfect timing ay darating rin ang lalaki na para sa kanya.


Pagbibiro pa ni Kim Chiu na baka naroon pa sa ibang bansa ang lalaking para sa kanya at kasalukuyan pa itong nag-iimpake para puntahan siya.


Marami naman sa mga fans ng aktres ang labis na nasisiyahan dahil makikitang nakapag-move on na umano ito sa kanyang failed relationship kay Xian Lim. May mga netizens naman na naghinalang baka nagkakamabutihan na sila ngayon ng kanyang leading man na si Paulo Avelino lalo na't madalas silang nagkakasama ngayon sa mga tapings.

@abscbn Hindi ba hint ‘yung mga sinabi ni Kim? Eme! #ABSCBN #Kapamilya #ItsShowtime ♬ original sound - ABS-CBN

Mga Lalaking na Link kay Barbie Imperial

Walang komento

Miyerkules, Enero 10, 2024


 Hindi na bago sa publiko ang pagkakasangkot sa isang kontrobersiya ng 25 year old actress na si Barbie Imperial patungkol sa mga lalaking nauugnay sa kanya.


Kamakailan lamang ay muling naging laman ng mga usap-usapan online ang aktres ng masangkot naman ang kanyang pangalan sa hiwalayan ng celebrity couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.


Kaya naman ngayon ating balikan ang mga lalaking naugnay kay Barbie Imperial.


Ryle Santiago



Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko ang pagkakaroon ng romantic relationship noon nina Ryle Santiago at Barbie Imperial. Inamin ng aktor na si Ryle Santiago noong May 2018 ang rason sa paghihiwalay nila ni Barbie Imperial. Kabilang na rito ang hindi nila pagkakasundo sa maraming bagay. Ipinahayag naman ni Ryle noon na kahit nagkahiwalay na sila ay nananatili pa rin silang magkaibigan.


Paul Salas



Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na hindi naging maganda ang paghihiwalay noon ni Paul Salas at Barbie Imperial. Nagumpisa ang kontrobersiyang ito ng magbahagi si Barbie Imperial ng mga cryptic post patungkol sa pananakit ng partner kalakip ang mga larawan ng kanyang mga pasa sa katawan.



Samantala sa isang panayam inilahad naman ni Paul Salas ang kanyang takot at trauma sa kanyang naging past relationships. Kahit wala naman siyang binaggit ay marami ang naniniwala na tinutukoy ni Paul ay ang past relationship nila ni Barbie Imperial.


JM De Guzman



Nagkalapit sina JM De Guzman at Barbie Imperial nang magkasama sila sa iisang teleserye, subalit naging maikli lamang ang kanilang relasyon. Ayon kay Barbie Imperial, nagkaroon sila ng special na pagtitinginan sa loob ng ilang buwan taliwas naman ito sa sinabi ni JM na wala pa umanong isang buwan ang kanilang pagkakaunawaan.


Ayon pa kay JM De Guzman na kaya hindi nagwork out ang relasyon nilang dalawa dahil pareho silang pressured sa kani-kanilang showbiz career.


Diego Loyzaga



Sa isang panayam noong February 2020, ibinahagi nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga kung paano nagsimula ang kanilang relasyon. Ayon kay Barbie nagsimula sila bilang magkaibigan, subalit aminado naman ang aktres na noon pa ay crush na niya ang aktor.


Naging seryoso naman ang kanilang relasyon na umabot pa sa mahigit isang taon, naging maayos naman ang kanilang paghihiwalay at hanggang ngayon ay sinusuportahan pa rin nila ang isa't-isa.


Tony Labrusca



Noong kasagsagan ng hiwalayan nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga, nadawit naman ang pangalan ni Tony Labrusca. Kumalat noon ang larawan nilang dalawa na sabay na kumakain sa isang restaurant. Bukod sa pagsasamang kumain, naglabasan rin ang mga larawan nila na magkasamang naglalaro ng tennis.


Noong nakaraang ABS-CBN Ball umusbong ang isyu na may relasyon silang dalawa ng sabay silang rumampa sa red carpet.


Xian Lim



Nadawit sa isyu noon sina Xian Lim at Barbie Imperial nang kumalat ang kanilang larawan na kuha sa isang hotel. Kaagad na pinutakti ng samu't-saring komento ang comment section ng larawan nilang dalawa subalit kaagad namang dumipinsa ang mga fans nilang dalawa dahil naroon lamang umano ang dalawa  dahil pareho silang guest sa isang pagtitipon.


Richard Gutierrez



Kamakailan lamang ay naging laman ng usap-usapan sina Barbie Imperial at Richard Gutierrez nang kumalat sa social media ang video na kuha sa isang bar kung saan magkadikit na magkadikit silang dalawa.


Bukod pa rito, inaalalayan at binabantayan pa nito ang aktres sa tuwing gumagamit ito ng banyo. Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag sina Barbie Imperial at Richard Gutierrez patungkol sa kanilang relasyon.



Mga Tinawag Na Mama'S Boy Na Ipinagtanggol Ng Kanilang Mga Ina Sa Showbiz

Walang komento

Biyernes, Enero 5, 2024


 Kilalanin ang mga male celebrities na aminado at naiisyu bilang mga Mama's boys.


Gerald Anderson



Noon pa mang nagsisimula pa lamang si Gerald Anderson sa larangan ng showbiz ay inamin na niya na isa siyang mama's boy at proud umano siya rito. Noong naging artista na umano siya ay pinagresign na niya ang kanya ina sa trabaho, binilhan din niya ito ng isang pick up truck na matagal na nitong pinapangarap.


Andrei Yllana



Hindi  rin ikinakahiya ng nag-iisang anak nina Aiko Melendez at Anjo Yllana na tawagin ang sarili bilang mama's boy. Balewala rin kay Andrei ang pagiging overprotective ng kanyang ina sa kanya. Kung ikinakahiya man umano ng iba ang pagkakaroon ng ganitong uri ng ina ay hindi siya ganoon, bagkus ay masaya umano siya at naiintindihan na sinusuportahan lamang siya ng kanyang ina.


Mavy Legaspi



Very proud ding ipinapahayag ng actor-host na si Mavy Legaspi ang pagiging isang mama's boy. Ipinahayag din niya na panghabangbuhay siyang magiging mama's boy. Marami namang mga ina ang napasana all nang regaluhan ni Mavy ng isang Hermes bag ang ina noon kaarawan nito.


Luis Manzano



Hindi rin itinatago ng Kapamilya host na si Luis Manzano ang kanyang pagiging mama's boy. Noong kabataan ni Luis Manzano ipinapakita na niya ang kanyang closeness sa mga magulang sa kabila ng pagiging hiwalay ng mga ito. Sinagot din ni Luis Manzano ang mga nambatikos sa kanya noon bilang isang mama's boy, ayon kay Luis masarap magmahal ang mga ina.


Daniel Padilla



Hindi man inaamin ni Daniel Padilla ang pagiging mama's boy, makikita naman ito sa kanyang mga ginagawa para sa kanyang ina na si Karla Estrada. Lahat kasi ng mga bagay na hinihiling ni Karla ay palaging ibinibigay ni Daniel.


Richard Gutierrez



Nabansagan bilang mama's boy ang aktor na si Richard Gutierrez dahil sa kinakaharap nitong isyu ngayon patungkol sa hiwalayan nila ng kanyang asawa na si Sarah Lahbati. Tanging ang ina lamang kasi ng aktor ang nagbibigay ngayon ng pahayag laban sa mga ibinabatong isyu sa kanya, dahil dito marami ang nag-iisip na isang mama's boy si Richard Gutierrez.


David Licauco



Hindi naman ikinakahiya ng Kapuso actor na si David Licauco ang pagiging isang mama's boy. Sa kanyang mga social media post, very proud si David sa pagpi-flex sa kanyang ina sa kanyang mga social media post.


LA Santos



Hindi naman ikinahiya ng baguhang Kapamilya singer na si LA Santos na isa siyang mama's boy. Para kay LA, nakakapogi para sa kanya ang matawag na isang mama's boy. Masarap din umanong magmahal ang mga ina. Hiling din niya na makatagpo ng isang babae na mamahalin na katulad ng kanyang ina.


Enrique Gil



Naging certified mama's boy naman si Enrique Gil dahil na rin ang kanyang ina na ang tumayo bilang ama at ina sa kanya at sa kanyang mga kapatid. Tinupad rin ni Enrique Gil ang pangarap ng kanyang ina na magkaroon ng sariling restaurant.



Mga Artistang Nag Live in, Kilalanin!

Walang komento


 Dito sa bansang Pilipinas, marami pa rin sa mga netizens ang tumataas ang kilay sa tuwing napag-aalaman na ang ilang mga artista sa showbiz ay nakikipag-live in na sa kanilang mga nobyo lalo na kung nasa 20s pa lamang ang mga edad nito.


Samantala, hindi na rin naman bago ang set-up na ito lalo na sa mga GenZ, kaya naman ating kilalanin ang mga artistang nasangkot sa ganitong set up na nakikipaglive in na sa kanilang mga partners.


Leila Alcasid- Curtismith



Unang tumutol ang ama ni Leila Alcasid na si Ogie Alcasid sa pakikipag live in ng kanyang anak sa nobyo nitong si Curtismith subalit, ipinagpatuloy pa rin ng kanyang anak ang pakikipagrelasyon rito. Kalaunan ay tinanggap na lamang umano ni Ogie Alcasid ang pakikipag live in ng kanyang anak dahil wala na umano siyang magagawa sa nangyari.


Sa ngayon ay walang pang balak na magpakasal sina Leila Alcasid at Curtismith dahil nag-iipon pa umano ang huli para sa kanilang pag-iisang dibdib.


Nadine Lustre- James Reid



Sa ngayon ay naghiwalay na sina James Reid at Nadine Lustre, may kanya-kanya na rin silang mga partners subalit hindi naman maitatanggi na naglive in na rin noon ang dalawa sa murang mga edad. Naging bukas rin naman sila sa kanilang mga tagahanga noon sa kanilang pagli-live in dahil naniniwala silang normal na sa mga panahong ito ang pagsasama out of wedlock.


Loisa Andalio- Ronnie Alonte



Among the young couples ngayon sa showbiz masasabi na ring matatag ang anim na taong relasyon nilang dalawa. Matatandaan na noong 2020, napansin ng mga netizens na parating nagkakasama sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte kahit na noong mga panahon na iyon ay ipinagbabawal ang papunta sa ibang lugar.


Dahil dito, umusbong ang balitang nagsasama na sila sa iisang bubong. Unang pinabulaanan ng dalawa ang isyu at sinabing magkalapit lamang ang kanilang bahay kaya naman ay nagkakasama pa rin silang dalawa.


Kylie Versoza- Jake Cuenca



Umabot rin sa mahigit tatlong taon ang relasyon nila bago magpasyang maghiwalay noong April 2022. Diretsahan namang inamin noon ng beauty queen na nagli-live in na sila noon ni Jake Cuenca, bagama't alam naman umano niyang may mga taong hindi matatanggap ang kanilang desisyon ay wala na umano siyang pakialam rito ang importante ay ang kasiyahan nilang dalawa noon ni Jake Cuenca.


Andrea Brillantes- Ricci Rivero



Sa ngayon ay hiwalay na rin sina Andrea Brillantes at si Ricci Rivero. Sa katunayan ay mayroon ng panibagong dini-date ang basketball player. Sa isang panayam, hayagang inamin ni Ricci Rivero na paminsan-minsan ay umuuwi siya sa bahay ni Andrea. Minsan rin ay sa kanyang condo umuuwi si Andrea Brillantes


Celebrity Couples na Ikakasal sa 2024

Walang komento

Biyernes, Disyembre 29, 2023


 Sa gitna na mainit na usapin patungkol sa mga celebrity couples na naghiwalay ngayong taon, ating alamin at kilalanin ang mga celebrity couples na naghahanda ng kanilang pagpapakasal sa darating na taong 2024.


Bea Alonzo- Dominic Roque



Sa ngayon ay abala pa ang dalawa sa kani-kanilang mga trabaho kaya naman hindi pa nila napapaplano ng maayos ang petsa ng kanilang kasal. Hindi pa rin umano nila napa-finalize ang ilang mga detalye ng kanilang pagpapakasal. Ayon naman sa mga naging panayam noon ni Bea na nais niyang isang intimate wedding ang maganap sa kanilang dalawa na dadaluhan lamang ng mga malalapit na kaibigan at pamilya nilang dalawa ni Dominic.


Benjamin Alves- Chelsea



Noong November 2023, ibinahagi ng aktor na si Benjamin Alves ang kanilang prenup shoot na kuha sa isang beach resort sa El Nedo Palawan. Matatandaan na noong July 2023, nang ibahagi rin ng dalawa ang kanilang pagdidiriwang sa kanilang 3rd anniversary bilang magkarelasyon.


Gaganapin naman ang kasal nilang dalawa sa darating na January 28, 2024. Si Benjamin Alves ay isang Kapuso actor habang si Chelsea naman ay isang digital creator at isa ring business woman.


Gregg Homan- Angelica Panganiban



Ibinahagi na nina Angelica Panganiban at Gregg Homan sa kanilang Youtube channel ang ilang detalye sa kanilang nalalapit na pagpapakasal sa darating na taon. Matatandaan na noong October 2022, kinumpirma ng dalawa sa kanilang vlog ang naganap na engagement sa pagitan nilang dalawa.


Ayon kay Gregg naghahanap pa umano sila ng venue dito sa bansa kung saan gaganapin ang kanilang kasal. Ayon naman kay Angelica na nais niyang matuloy na ngayong darating na taon ang kanilang kasal matapos ang dalawang ulit na pagpapaliban nito.


Sam Milby- Catriona Gray



Magiging masaya ang darating na taon para sa celebrity couple na sina Catriona Gray at Sam Milby dahil naghahanda na sila sa kanilang pagpapakasal. Sa isang panayam kay Sam Milby, kinumpirma niya na gaganapin na sa susunod na taon ang kasal nila ni Catriona Gray.


Isa umanong intimate wedding ang magaganap sa pagitan nilang dalawa. Hands-on naman umano si Catriona Gray sa mga detalye ng kanilang kasal ni Sam Milby subalit bukas naman siya sa mga komento ng aktor.



Valeen Montenegro- Riel Manuel



Naghahanda na ang actress na si Valeen Montenegro sa kanyang pagpapakasal sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Riel Manuel sa darating na 2024. Isang taon na ring engage ang dalawa, sa isang panayam, ibinahagi ni Valeen ang ilang detalye ng kanilang pagpapakasal.


Ayon pa kay Valeen, simple lamang at isang intimate wedding ang magaganap sa pagitan nilang dalawa.na dadaluhan lamang ng malalapit nilang kapamilya at kaibigan sa showbiz.


Sef Cadayona- Nelan Vivero



Noong August ibinahagi ni Sef sa kanyang Instagram account ang ginawa niyang simple marriage proposal sa kanyang girlfriend na si Nelan Vivero. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabahagi si Sef Cadayona ng mga detalye ng kanilang kasal subalit inaasahan na magaganap ang pag-iisang dibdib nila sa susunod na taon.


Andrei Felix- Pauline Versoza



Sina Andrei at Pauline ay parehong nagtatrabaho sa CNN Philippines, ibinahagi ni Andrei ang isinagawa niyang proposal na naganap sa Paris, France noong October 2023. Bagama't abala pa sila sa kanilang trabaho sa ngayon, inaasahan na magaganap ang kanilang kasal sa darating na taon.


Samantha Bernardo- Scott Moore



Si Miss Grand International 2020,first runner up na si Samantha Moore ay nagbahagi sa kanyang Instagram noong May 2023 ay nagbahagi ng mga larawan mula sa kanilang engagement shoot kasama ang fiancee na si Scott Moore. Bagama't hindi pa inaanunsyo ng dalawa ang petsa ng kanilang pagpapakasal, marami ang naghinala na dahil matagal na silang engage ay magaganap na ang kanilang wedding sa darating na taon.


Viy Cortez- Cong TV



Inaabangan ngayon ng Team Payaman fans ang kasalan nina Cong TV at Viy Cortez matapos ang proposal ni Cong TV kay Viy noong October noong nakaraang taon. Matapos ang mahigit isang taon ng proposal, naging malimit pa rin ang pagbabahagi ng dalawa sa ilang detalye ng kanilang kasal. Gayunpaman, base sa mga live ni Viy, mahihinuha na magaganap na ang kanilang pagpapakasal sa susunod na taon.


Mga Pinay Na Nakasama Sa Top 100 Most Beautiful Faces 2023

Walang komento


 Pinag-uusapan ngayon sa social mredia ang inilabas ng listahan patungkol sa TOP 100 Most Beautiful Faces in 2023 na inilabas ng TC Candler.


Spotted sa listahan ng mga Top Beautiful Faces ngayon taon sa buong mundo ang mga Kapamilya actress. Nangunguna sa listahan ng mga nakasali na Pilipina sa nasabing listahan na ipinalabas ng TC Candler ang Kapamilya actress- model na si Andrea Brillantes.


Si Andrea Brillantes ang nasa Top 16 sa listahan ng Most Beautiful Faces ngayon taon. Kasalukuyang mapapanood ang aktres sa hit Kapamilya series na Senior High.




Ikalawang Pilipina na nakasama sa listahan ng mga may magagandang mukha ngayon taon ay ang sexy actress- vlogger na si Ivana Alawi. Si Ivana Alawi ang nasa ika-21 na pwesto sa nasabing listahan.


Kasalukuyan naman napapanood ang aktres sa Kapamilya hit series na pinangungunahan ni Coco Martin na Ang Batang Quiapo.




Kasunod naman rito ay ang former Kapamilya actress- model na si Liza Soberano. Si Liza Soberano ang nasa ika-28 spot ng may magagandang mukha sa buong mundo.


Sa ngayon ay sinusubukan ni Liza Soberano na sumikat sa buong mundo bilang isang Holywood actress. Mapapanood ang kauna-unahang hollywood movie na kinabibilangan ni Liza Soberano ang Lisa Frankenstien sa susunod na taon.




Nakapasok rin sa listahan ang Kapamilya actress na si Janine Gutierrez, ika-45 naman si Janine sa 100 na babaeng nakasama sa listahan na inilabas kamakailan lamang ng TC Candler.


Marami ang humanga kay Janine Gutierrez dahil sa ipinamalas niyang mata-mata acting sa teleseryeng Dirty Linen.




Panghuling Pilipina na nakapasok sa nasabing listahan ay ang Kapamilya actrees na si Belle Mariano. Si Belle Mariano ang ika-71 sa isang daan babae na kinikilala bilang may pinaka-magandang mukha sa buong mundo.


Kasalukuyang napapanood si Belle Mariano sa collaboration series ng Netflix at ABS-CBN na Can't Buy Me Love.


Marami naman ang nakapansin na tanging nasa Kapamilya network o di kaya ay nagmula sa Kapamilya network ang mga nakasama sa nasabing listahan. Marami naman ang naniniwala na talagang marami sa mga artista ng ABS-CBN ang may magagandang mukha.

Mga Sikat Na Aktor Na Di Mo Akalaing Mga Bakla

Walang komento

Huwebes, Disyembre 14, 2023


 Sadyang mapanlinlang ang mundo ng showbiz, hindi lahat ng mga ipinapakita ng mga artista ay totoo. Hindi lahat ng mga iniidolo ay nagpapakita sa kanilang totoong pagkatao sa entablo. Kaya naman ating kilalanin ang mga artistang nagpakilig at nagpatili sa mga kababaihan at maging sa ilang mga kalalakihan.


Ating alamin ang ilang mga hot celebrities na naiisyu noon na may iba pang kulay.


1. Mark Bautista



Nakilala si Mark Bautista dahil sa kanyang galing sa pagkanta. Una siyang nadiscover sa Star For the Night noong 2003, mula noon ay tuloy-tuloy na ang kanyang pagsikat. Subalit noong 2011, pumutok ang isyu na may kinalaman siya sa hiwalayan nina KC Concepcion at Piolo Pascual dahil sa pagkakaroon nila ng affair ni Piolo Pascual.


2. Paolo Ballesteros



Kilala si Paolo Ballesteros bilang isang magaling na actor, host at make up artist dahil sa kanyang pagmi-make up noon sa noontime show na Eat Bulaga, marami ang naghinala na isa si Paolo Ballesteros sa mga lalaking may iba pang kulay.


3. Erik Santos



Nakilala si Erik Santos sa mundo ng pag-awit noong nanalo siya bilang big winner ng Star In A Milion noong 2003. Isa rin siyang aktor at TV host. Pinagduduhang bakla si Erik Santos dahil sa kawalan ng romantic relationship sa loob ng maraming taon. Pinabulaanan naman ito ng aktor at pinatunayang hindi siya bakla ng ligawan niya si Angeline Quinto.


4. Prince Stefan



Si Prince Stefan ay isang half-Arab actor na nagsimula sa GMA7 subalit lumipat sa ABS-CBN kalaunan. Pumutok ang balita noon na umanoy pagkakaroon nila ng relasyon sa isang lalaking model.


5. Sam Milby



Bagama't hindi nanalo sa Pinoy Big Brother sumikat si Sam Milby sa larangan ng pag-arte, subalit taong 2007 naisiwalat noon ng isang kilalang showbiz columnist na nakikipagdate ito sa kapwa niya lalaki.


6. Martin Del Rosario



Kailanman ay hindi ikinahiya ni Martin Del Rosario ang kanyang pagganap sa mga gay roles dahil dito lumabas ang isyu na totoo itong bakla. Lalo pang lumakas ang isyu nang kumalat noon ang mga larawan niya kasama ang isang lalaking model na nagdi-date.


7. Ahron Villena



Naisiwalat noon ni Ogie Diaz na may gay benefactor itong si Ahron Villenna noon na nagbibigay umano sa aktor ng lahat ng kanyang mga kagustuhan.


8. Enchong Dee



Naging palaisipan na sa mga netizens ang totoong katauhan ng aktor na si Enchong Dee dahil marami ang naglabasan noong isyu na isa ito sa mga binababae gayunpaman, ikinalito ng maraming mga netizens ng ligawan noon ng aktor ang aktres na si Julia Montes. Subalit muling naisyu ang aktor ng kumalat sa social media ang malagkit niyang pagtitig kay Piolo Pascual.


9. Piolo Pascual



Maituturing bilang pinaka-controversial na tinaguriang bading ang aktor na si Piolo Pascual dahil maraming mga aktor na naiuugnay sa kanya. May mga nagsasabi pa na ang pagiging bakla ni Piolo Pascual ay isang open secret sa mundo ng showbiz.


10. Alden Richards



Pinaghihinalaan ng ilang mga netizens na may tinatagong kakaibang kulay ang aktor na si Alden Richards dahil sa larawang kumalat nila ni Dereck Monasterio noon. Bukod pa rito kumalat din noon ang mga larawan niya kasama ang dalawang non-showbiz guys.


Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo