Ipinapakita ang mga post na may etiketa na datinghistory. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na datinghistory. Ipakita ang lahat ng mga post

Kim Chiu May Patama Kay Xian Lim, Mas Masaya Sa Piling Ni Paulo Avelino

Walang komento

Huwebes, Mayo 16, 2024

Naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang aktres at It's Showtime host na si Kim Chiu matapos ang pagbabahagi ng isang quotes patungkol sa growth and taking responsibilities.


Ibinahagi ng actres at It's Showtime host na si Kim Chiu ang nasabing qoutes matapos ang pagpapahayag ni Xian Lim kung ano ang mensaheng ibibigay niya sa kanyang ex kung nakasalubong niya ito.


Marami naman ang nakapansing sa mga naka-highlight na salita na 'real growth', 'blaming' at 'responsible' hinala nila na ito na ang hinihintay na sagot ni Kim Chiu sa pahayag ni Xian Lim na kung makakasalubong niya si Kim Chiu ay sasabihan niya itong dapat ay maging masaya na at hilingin rito na makita na ang kasiyahan na hinahanap.


Narito ang quote na ibinahagi ni Kim Chiu 'Real growth is when you start checking and correcting yourself instead of blaming others. You take your power back by being responsible for your life.'


Sa kabilang banda, marami sa mga netizens ang nakapansin na tila hindi na umano nasasaktan ngayon si Kim Chiu. Tuluyan na rin itong nakapag-move on sa naging hiwalayan nila ni Xian Lim dahil na rin kay Paulo Avelino na nakakasama niya ngayon dahil sa kanilang mga pinagsamahang projects.


Kapansin-pansin na masaya na ang awra ngayon ni Kim Chiu at tila kinikilig na sa tuwing tinutukso sila ni Paulo Avelino sa isa't-isa.



 

Malaking Pasabog Ni Dina Bonnevie Ngayon Lang Nilabas! Panloloko Ni Vic Sotto at Conney Reyes

Walang komento

Lunes, Mayo 13, 2024


 Binalikan ng batikang aktres na si Dina Bonnevie ang paghihiwalay nila noon ng dating asawa na si Vic Sotto.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng nakakarami isa sa mga dahilan kung bakit nagkahiwalay sina Dina Bonnevie at Vic Sotto ay dahil sa naging relasyon nina Vic Sotto at kapwa Eat Bulaga host noon na si Conney Reyes.


Sa kamakailang panayam ni Boy Abunda kay Dina Bonnevie programa nitong Fast Talk With Boy Abunda, isa sa mga naging paksa ng kanilang pag-uusap ay ang hiwalayan nina Vic Sotto at Dina Bonnevie.


Matatandaan na naghiwalay noon sina Dina Bonnevie at Vic Sotto matapos ang pagkakaroon nila ng dalawang anak na sina Danica at Oyo.


Nang tanungin naman umano ni Dina Bonnevie si Vic Sotto kung bakit nito nagawa sa kanya ang panloloko, sinagot lamang siya nito na dahil sa pagiging inexperienced niya.


Ayon kay Dina Bonnevie, kahit na may malaki silang problema noon ni Vic Sotto at napapadalas ang kanilang pagtatalo ay hindi umano nila ipinapakita ito sa kanilang mga anak.


Hindi rin umano niya sinisiraan si Vic Sotto sa kanilang mga anak dahil Kahit pagbabaliktarin man ang mundo ay ito pa rin ang ama nila.


Aminado naman si Dina Bonnevie na nahihirapan siyang magpaliwanag sa kanilang mga anak ni Vic Sotto nang dinadala na nito ang kanyang anak kay Conney Reyes na si Vico Sotto.


Palagi umanong nagtatanong ng kanyang mga anak kung sino ang batang kasama ng kanilang amang si Vic Sotto na minsan ay kinakarga din nito.


Inamin rin ni Dina Bonnevie na talagang nahihirapan siyang magpaliwanag noon sa kanilang mga anak dahil sa murang edad niya, na 23 noong mga panahong iyon.


Naitanong rin ni Boy Abunda kung nagkausap ba sila noon ni Vic Sotto at Conney Reyes. Kaagad naman itong sinagot ni Dina Bonnevie ng oo, subalit sa maayos na paraan. Walang sabunutang naganap.


Gayunpaman, dala ng pagiging immature, hindi naiwasan ni Dina Bonnevie pagkumparahin ang mga katangian nilang dalawa ni Conney Reyes.


Tinatanong umano niya ang kanyang sarili kung ano ang nagustuhan rito ng kanyang asawa gayung mas maganda naman siya at mas bata.


Subalit, sa huli ay napagtanto umano niyang hindi lang naman pisikal na anyo ang batayan sa pag-ibig.


"And then eventually, you mellowed down and say, 'How dumb of me. It’s not in the physical world, girl. It has nothing to do with physical. It’s probably the meeting of the minds.'


“Kasi that time, Vic also wanted to start producing and, of course, I could not contribute anything to that because I was young. Malay ko about producing?


“I wasn’t even in the corporate world yet.


"Maybe at the time, there was a meeting of the minds because they were both learning the ropes of production. And, I think, she was already producing then," pagbabalik tanaw ni Dina Bonnevie.


Inamin din ni Dina Bonnevie na matagal niyang napatawad sina Vic Sotto at Conney Reyes subalit noong napatawad na niya ang mga ito ay pinadalhan niya ng mga bulaklak.


Ipinahayag din ni Dina Bonnevie na isa sa lalong nagpapahirap sa kanya ay ang pagiging magbestfriend nila noon ni Conney Reyes.




Awra Briguela Humihingi Ng Tulong Sa Mga Tao Dahil Sa Kinakaharap Na Krisis!

Walang komento

Miyerkules, Mayo 8, 2024


 Sa kauna-unahang pagkakataon, matapos masangkot sa isang kaguluhang noong nagdaang taon, naglabas na ng opisyal na pahayag  si Awraa Briguela.


Kamakailan lamang ay naglabas ng isang open letter ang kontrobersyal actor na si Awra Briguela upang humingi ng tawad sa mga taong nasaktan niya at naapektuhan sa kinasangkutang kaguluhan noong nakaraang taon.


Sa kanyang Instagram post, inihayag ni Awra Briguela ang kanyang pagsisisi sa mga pagkakamaling nagawa niya noon na nagresulta sa kanyang pagkakakulong.


“Gusto ko simulan sa pag hingi ng tawad sa pamilya ko lalong lalo na sa magulang ko. Patawad kung mas pinili kong takbuhan at talikuran ang problema. Patawad kung wala akong tapang harapin ang mga issues naten isa’t isa. Patawad kung mas pinili kong tumakbo at mag pakasaya nang panadalian imbis na ayusin natin ang problema,” pahayag ni Awra Briguela.


“Alam kong hindi naging madali sa inyo na makita at mapanuod ako sa sitwasyong hindi maganda. Patawad kung na dismaya ko kayo sa maraming bagay. Patawad kung nagbago ako at nag iba ang ugali ko,” dagdag pa nito.


Ipinangako rin Awra Briguela na babaguhin na niya ang kanyang sarili para sa ikabubuti at humingi ng pagkakataon na tubusin ang sarili mula sa kanyang mga kamalian noon.


Bukod dito, nagbigay rin ng mensahe si Awra Briguela sa mga taong sangkot sa isyu, kabilang ang mga lalaking pinilit umano niyang paghubarin na siyang naging simula ng pagkakagulo nila.


“To the ones who were involved, I would also like to humbly ask for your forgiveness. The mistakes and all the damages that were done was mine and I am willing to take accountability and responsibility I will take all of these as a lesson that I will carry for the rest of my life,” saad ni Awra Briguela.



Humingi pa rin ng tawad si Awra Briguela sa sakabila ng pagkakaayos nila privately.


“I know we’re in good terms already and settled things privately but still I want to say sorry and thank you for allowing and giving me the chance to apologize and for accepting it.”


General Manager Ni Xian Lim Rumesbak Sa Bashers Pinagtanggol Si Xian Sa Cheating Issue Kay Kim Chiu!

Walang komento

Martes, Mayo 7, 2024


 Nagbigay ng pahayag ang general manager ng Aguila Entertainment Agency na si Jan Enriquez kung saan ipinagtanggol niya ang kaibigang Kapuso-actor director na si Xian Lim, na binabatikos ngayon sa social media dahil sa isyung nangloko kay Kim Chiu.


Ipinagtanggol ni Jan Enriquez ang kanyang kaibigang si Xian Lim laban sa mga netizens  na nambintang sa rito na umanoy nagtaksil at nanloko sa kanyang ex-girlfriend na si Kim Chiu matapos ang pag-amin ng aktor sa totoong relasyon nila ngayon ni Xian Lim.


Sa kamakailang Twitter post ni Jan Enriquez, inilahad niyang 15 years na silang naging magkaibigan ni Xian Lim kaya naman kilala na niya ang aktor. Alam umano niya na hinding-hindi magagawa ni Xian Lim na magloko ng kahit na sinong nakarelasyon nito.


Kaya naman, wala umanong katotohanan ang paniniwala ng maraming mga netizens na third party ang dahilan ng paghihiwalay nina Kim Chiu at Xian Lim.


Iginiit pa niya na naging committed si Xian Lim sa lahat ng mga nakakarelasyon nito at lahat ng mga naging past relationship ni Xian Lim ay tumatagal talaga.


Maayos din umanong naghiwalay sina Kim Chiu at Xian Lim bilang patunay nito ay ang joint statement nila kung saan inamin ang kanilang paghihiwalay.


Ipinunto rin ng General Manager na nakipag-date lamang si Xian Lim kay Iris Lee matapos ang hiwalayan nila ni Kim Chiu noong November 2023.


Kaya naman hindi maituturing na nag-cheat si Xian Lim at naging third party sa hiwalayan nila ni Kim Chiu.


Sa kabila nito, hindi pa rin natinag ang mga netizens dahil kung hindi man maituturing na third party si Iris Lee ay hindi naman umano maitatanggi na ito ang dahilan kung bakit hiniwalayan ni Xian Lim si Kum Chiu dahil unti-unti na silang nagkakalapit ni Iris Lee.


Patunay na lamang rito ang agarang pakikipag-date ni Xian Lim kay Iris Lee matapos ang paghihiwalay nila ni Kim Chiu.


Binalikan pa ng mga netizens ang mga larawan na kumalat noong buwan ng December 2023 kung saan makikitang nagdi-date na sina Xian Lim at Iris Lee.


"Wag sya. Papunta pa lng sya. Pabalik na kami. Nagkagusto sya sa isa while in a relationship kaya di na pinaglaban ang 12 years dahil business-wise, mas malaking benefits ang 2nd. Anyway, not all that glitters is gold. What attracts him now would be the same reason of his misery."


"Possible naman talaga. Seeing after the BU na but yung pagkakagusto nya kay girl ay matagal na. He could have been honest since then. He's a good strategist. To rise for fame, he involved himself with Kim. To succeed in his directorial job, he involved with Iris. Business-wise."



Kim Chiu Pinaringgan Si Xian Lim at Iris Lee Sa It'S Showtime Matapos Aminin Ang Relasyon

Walang komento

Biyernes, Mayo 3, 2024


 Tila kaagad na naglabas ng bwelta ang Kapamilya actress at TV host na si Kim Chiu sa naging pag-amin ni Xian Lim sa totoong relasyon nila ng Vivamax producer na si Iris Lee.


Sa latest episode ng It's Showtime ay biniro ni Jhong Hilario si Kim Chiu kung nais ba nitong magpa-interview sa kanila.


Tila nagkaroon naman kaagad si Kim Chiu ng ideya sa kung ano ang totoong ibig sabihin ni Jhong Hilario sa naging pahayag nito kaya naman tumanggi siya.


Humirit pa si Kim Chiu na 'hindi naman na masakit'.


Bagama't wala namang binanggit tila alam na ng mga tagahanga ni Kim Chiu ang totoong pinapatungkulan ng aktres sa kanyang pahayag na hindi naman na masakit.


Naniniwala ang maraming mga tagahanga ng aktres na ito na ang reaksyon ni Kim Chiu sa pagsisiwalat ni Xian Lim na magkarelasyon na sila ni Iris Lee ilang buwan lamang matapos ang kanilang paghihiwalay.


Nitong, hwebes lamang May 2, 2024 ay hayagan nang inamin ni Xian Lim sa isang exclusive interview ang totoong namamagitan sa kanila ni Iris Lee at kung gaano sila kasaya sa piling ng isa't-isa ngayon.


Ipinagtanggol din ni Xian Lim si Iris Lee sa mga nagsasabing ito ang sumira sa pagmamahalan nila ni Kim Chiu sa loob ng mahigit isang dekada dahil hindi naman ito totoo.


Nagkaroon lamang sila ng hindi pagkakaunawaan umano ni Kim Chiu na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay subalit, wala umanong third party na involved.


Sa kabilang banda, may mga netizens naman na nagsasabi na talagang hindi na masasaktan ngayon si Kim Chiu dahil nakapag-move on na rin ito at masaya na sa piling naman ni Paulo Avelino.


Bagama't wala pang inaamin sina Paulo Avelino at Kim Chiu sa publiko, marami pa rin ang naghinala na talagang nagkakamabutihan na ang dalawa kung titingnan ang mga titigan at galawan nila sa harap at likod ng kamera.


@oxgurl37 #showtime #kimchiu #kimpau #fypspotted #trending #fyp #trend #proudkasambahay❣️💪 ♬ original sound - LENN💙FANGIRL🥰

Xian Lim Inamin Na Ang Relasyon Nila Ni Iris Lee, Third Party Kay Kim Chiu Nilinaw

Walang komento


 Inamin na ng Kapuso actor na si Xian Lim ang totoong estado ng relasyon nila ng Vivamax producer na si Iris Lee. Nilinaw din ni Xian Lim ang isyu na umano'y ang third party sa hiwalayan nila ni Kim Chiu si Iris Lee.


Usap-usapan ngayon sa social media ang pag-amin ni Xian Lim matapos ang kanyang pag-amin sa totoong relasyon nila ngayon ni Iris Lee.


Sa isang exclusive interview kay Xian Lim ng Esquire Magazine, sinagot at nilinaw ng aktor ang lahat ng mga isyu na ibinabato sa kanila ni Iris Lee.



Sinagot ni Xian Lim ang lahat ng mga speculations sa totoong relasyon nila ni Iris Lee at ang mga haka-haka sa naging hiwalayan nila ng aktres na si Kim Chiu.


Ayon kay Xian Lim, totoong nagdi-date na sila ngayon ni Iris Lee, na inilalarawan niya bilang isang  isang talented filmmaker at creative partner. Masayang-masaya na rin umano sila sa kanilang relasyon ngayon.


Nilinaw din niya ang isyung si Iris Lee ang naging third party sa paghihiwalay nila ni Kim Chiu noong nagdaang taong 2023.


Iginiit ni Xian Lim na hindi naging third party si Iris Lee sa relasyon nila noon ni Kim Chiu. Nagkaroon lamang umano sila ng ugnayan dalawa makalipas ang paghihiwalay nila ni Kim Chiu na naging girlfriend niya sa loob ng maraming mga taon.


"There are things that I want to clarify. Number one, that there was a third party. There's no third party. That's it. That plain and simple."


Pinabulaanan din ni Xian Lim ang mga balitang nagpakasal na sila ni Iris Lee sa New York.


"Another rumor: when I see my friends—the people who are the last to even care about these things—kino-congratulate na ko. They say, 'Congratulations on the marriage in New York!' And I'm like, no, I am not married," pahayag ni Xian Lim.


Hiling naman ni Xian Lim sa lahat ng mga netizens na itigil na ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon patungkol sa relasyon nila ni Iris Lee dahil hindi umano nito deserve ang mabatikos.


"She doesn't deserve all that flak. We don't deserve that because all the things na people are saying, there's no truth to any of it," paglilinaw ni Xian Lim.



@rosemarieflor7 "Xian Lim clarified that he and Iris started dating after his split with Kim Chiu—whom he has been with for 12 years—refuting rumors that there was a third party involved in the cause of his split with the latter. "-Philstar #viral #viralissue #irislee #xianlim #fypシ゚viral ♬ nhạc nền - douyin dance

Dominic Roque Nagsalita Na Sa Breakup Kay Bea Alonzo at Kung Bakit Ayaw Sa Kanya Ng Mommy Ni Bea!

Walang komento

Huwebes, Mayo 2, 2024


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang naging pahayag umano ni Dominic Roque matapos maiulat ang paghihiwalay nila ni Bea Alonzo sa ikalawang pagkakataon matapos ang tila pagbabalikan nila ilang linggo matapos kumpirmahin ang kanilang paghihiwalay.


Ayon pa sa mga usap-usapan, tila tinugunan na umano ni Dominic Roque ang isyu sa pagitan nila ng ina ng aktres na noon pa man ay umayaw na sa kanya bilang mapapangasawa ni Bea Alonzo.


Matatandaan na may mga naglabasang mga ulat na umano'y umayaw si Mommy Mary Anne, ina ni Bea Alonzo kay Dominic Roque dahil mahirap lamang ang actor-model kung ikukumpara sa kayamanan ng kanyang anak kaya naman inutusan nito ang aktres na maghanap na lamang ng bagong jowa at tuluyang iwanan si Dominic Roque.


Labis umano na nasasaktan ngayon si Dominic Roque sa kinahantungan ng relasyon nila ng aktres na si Bea Alonzo matapos ang mahaba nilang relasyon, dahil lamang sa antas ng kanyang pamumuhay at sa panghuhusga sa kanyang pagkatao.


Unang lumabas ang isyung ito sa naging showbiz update ni Manay Cristy Fermin kung saan inilahad nito ang may pakana sa tuluyang paghihiwalay nina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Ayon kay Cristy Fermin, ang ina ni Bea Alonzo ang totoong dahilan ng paghihiwalay ng dalawa dahil noon pa man ay hindi na ito boto kay Dominic Roque lalo na noong malaman nito ang net worth ng actor-model.


Natakot lamang rin lang umano si Mommy Mary Anne na masira lamang ni Dominic Roque ang pangalan ng kanyang anak dahil sa pagkalat ng mga hindi magandang negosyo ni Dominic Roque.


Samantala, ayon sa aming mga nakalap na impormasyon, labis umano na nasasaktan ngayon si Dominic Roque dahil sa panghuhusga sa kanya ng wala namang basehan. Hindi rin umano pera ang habol niya sa aktres dahil totoong mahal naman niya ito na makikita naman sa kanyang mga kilos.


Iginiit din ni Dominic Roque na wala siyang ginagawang masama at legal ang lahat ng kanyang mga negosyo at alam ni Bea Alonzo ang lahat ng ito.


Pawang paninira lamang umano sa kanyang karakter ang mga naglabasang mga bali-balita. Bagama't aminado siyang mas mayaman si Bea Alonzo kaysa kanya ay hindi naman umano ito sapat para pag-iisipan siya ng masama lalo na ng ina ng aktres.



Angeli Khang, Nagtago Nang Isang Linggo Matapos Madamay Sa Hiwalayang Bea Alonzo-Dominic Roque

Walang komento

Miyerkules, Mayo 1, 2024


 Nagbigay na ng pahayag ang Vivamax actress na si Angeli Khang at nilinaw na ang mga bali-balitang nagsasangkot sa kanya bilang dahilan ng hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Matatandaan na sa kalagitnaan ng mga usap-usapan patungkol sa kontrobersyal na hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque ay isa si Angeli Khang sa mga pangalan na nadawit dahil nahuli umano ni Bea Alonzo si Dominic Roque na nanonood sa mga pelikula na pinagbibidahan ng sexy actress.


Hindi naman ito pinaniwalaan ng maraming mga netizens dahil napakababaw lamang na dahilan ng isang hiwalayan ang panonood ng sexy movie na humantong pa sa pagkaka-udlot ng kanilang kasal.


Lalo pang nadiin sa isyu si Angeli Khang dahil sa inilabas na kwento ng self-proclaimed Pambansang Marites na si Xian Gaza.


Samantala, sa kamakailang episode ng 'Updated With Nelson Canlas' diretsahang sinagot ni Angeli Khang ang nasabing isyu na may kinalaman siya sa hiwalayang Bea Alonzo at Dominic Roque at pagkakansela ng kanilang nalalapit sana na kasalan.


Pinabulaanan ni Angeli Khang ang mga isyu at ipinagdidiinan na fake news lamang ng lahat. Inilahad pa ni Angeli Khang na hindi naman sila magkakilala sa personal ni Dominic Roque.


Iginiit pa niya na wala silang koneksyon dahil kailanman ay hindi pa naman sila nagkasama sa iisang proyekto o nagkatrabaho kahit saglit lang.


Inilahad pa ni Angeli Khang na labis siyang naapektuhan sa kumalat na fake news dahil talagang pinag-iinitan siya ng mga fans ni Bea Alonzo.


Sa tuwing lumalabas umano siya ay nakikita niya ang mga tingin ng mga tao, minsan ay tinatarayan pa umano siya na para bang sigurado na ang mga ito na siya talaga ang reason ng hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Dahil dito, pinili umano ni Angeli Khang na pansamantalang magtago sa tao, isang linggo siyang hindi lumabas at nagpakita upang makaiwas na rin sa mga usap-usapan.




Xander Arizala Nanindigan na Hindi Content Lang Ang Hiwalayan Nila Ni Gena Mago

Walang komento

Martes, Abril 30, 2024

Kaagad na sinagot ng dating actor at social media influencer na si Xander Arizala ang mga netizens na nagsasabing content lamang niya ang sinasabing hiwalayan nila ng kanyang partner na si Gena Mago.


Ayon kay Xander Arizala, sana ay totoong palabas lamang niya at prank ang sinasabing hiwalayan nila ni Gena Mago para hindi siya masyadong nasaktan.


Bilang patunay sa kanyang sinasabing hiwalayan ni Gena Mago, inilabas ni Xander Arizala na kilala rin noon bilang si Xander Ford sa showbiz ang ilang mga video kung saam makikita ang dating kinakasama na si Gena Mago na kasama na ngayon ang kanyang kaibigan.


Ibinahagi ni Xander Ford ang nasabing video sa kanyang social media account matapos ang pagsagot niya sa isang netizen na nagkomentong ang sinasabi niyang hiwalayan ni Gena Mago ay prank lamang kagaya noong mga prank niya kay Christian Merck Grey.


Ayon kay Xander Ford, sana nga ay hindi na lamang naging totoo ang lahat para hindi na siya gaanong nasaktan at buo pa rin ang kanyang pamilya.


Matatandaan na naging laman ng mga usap-usapan si Xander Ford Arizala at Gena Mago nang ginamit nila ang kanilang social media platform sa paniningil kay Christian Merck Grey sa ipinangako umanong pakimkim nito sa binyag ng kanilang anak.


Matapos ang ilang linggo parinigan ay nagpasya si Christian MercK Grey na ibigay ang hinihingi ni Xander Arizala na 349 thousand at ginawa pa niya itong 350 thousand.


Marami ang naniniwala noon na content lamang nila ni Christian Merck Grey ang bangayan nila patungkol sa pera kaya naman hindi rin kumbinsido ngayon ang maraming mga netizens na totoo ang hiwalayan nina Gena Mago at Xander Arizala lalo pa't kaibigan lamang nila ang sangkot sa isyu.



 

Jayda Avanzado Umamin Na! Isinapubliko Ang Relasyon Nila Ni Darren Espanto

Walang komento

Huwebes, Abril 18, 2024


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga online news portals ang pag-amin ng singer na si Jayda Avanzado sa naging relasyon nila ng kapwa singer na si Darren Espanto.


Sa kamakailang panayam sa nag-iisang anak ng kilalang classic singer na si Jessa Zaragoza na si Jayda Avanzado, hayagan niyang inamin ang pagkakaroon nila ng special relationship ni Darren Espanto ilang taon na ang nakalilipas.


Binalikan ni Jayda Avanzado ang naging past nila ni Darren Espanto sa kanyang guesting sa programang Fast Talk with Boy Abunda sa GMA7.


Ayon kay Jayda, totoong nagkaroong sila ng mutual understanding noon ni Darren Espanto, subalit matagal na umanong panahon ang nakalipas.


Sa unang part ng naging panayam ni Boy Abunda kay Jayda, sinabi ng King of Talk kay Jayda ang papuri ni Darren Espanto sa kanya kung saan kinilala nito ang dalaga bilang 'best singers' ng new generation.


Kaagad namang ipinahayag ni Jayda na talagang very flattered siya sa papuri ni Darren Espanto.


Dito na itinanong ni Boy Abunda ang pagkakaroon nila ng relasyon noon ni Darren Espanto.


Inamin naman ni Jayda Avanzado na totoong nagkaroon ng romantic relationship sa pagitan nilang dalawa ilang taon na ang nakakalipas.


Ipinaliwanag naman ni Jayda ang sinabi niyang special relationship nila ni Darren Espanto, “It was just mutual and we were vocal sa aming dalawa, we were vocal of that. We were special to each other at one point.”


Matatandaan na sa kamakailang guesting ni Darren Espanto sa Fast Talk with Boy Abunda sinabi ni Darren Espanto na nais niyang gawing private ang naging nakaraan nila noon ni Jayda.


Sa kabila naman umano nito ay inilahad naman ni Darren na nanatili pa rin silang magkaibigan na dalawa.




Darren Espanto Inamin Na Naging Magkarelasyon Sila Ni Kyline Alcantara!

Walang komento

Martes, Abril 16, 2024


 Inamin ng singer-host na si Darren Espanto na nagkaroon din sila ng panandaliang relasyon ng actress-performer na si Kyline Alcantara.


Sa panayam kay Boy Abunda, isiniwalat ni Darren na may basehan kung bakit may mga nagsusumikap na i-ship sila ni Kyline.


Ayon kay Darren Espanto, hindi niya masasagot na yes or no ang patungkol sa naging relasyon nila noon ni Kyline Alcantara dahil parang puppy love lamang ang naramdaman nila noon sa isa't-isa.


Ayon pa kay Darren, kahit ang It’s Showtime host na si Vice Ganda ay may alam din sa nakaraan nilang relasyon ni Kyline Alcantara, dahilan kung bakit sila tinutukso ng komedyante noong bumisita sa It's Showtime si Kyline.


“Yun nga po na tinutukso kami na, ‘Kasi nga… Kasi nga, naging kami dati. Ayun po kaya kami binibiro ni Ate Vice,” paglilinaw ni Darren Espanto sa panunukso sa kanila ni Vice Ganda.


Nagkahiwalay umano silang dalawa ni Kyline Alcantara noon dahil sa hindi pagkakaunawan. Subalit, matapos ang mahigit animn na taon nang muli silang magkita at naging matured na pareho ay napag-usapan na nila ang hindi pagkakaunawaan noon.


Bagama't hindi na sila nagkabalikan bilang magkasintahan naging okay naman silang pareho at muling naging magkaibigan.


Inamin naman ni Darren Espanto na kadalasan talaga sa nagiging dahilan ng hiwalayan ay ang misunderstanding lalo na sa kanila noon ni Kyline Alcantara kung saan pareho pa silang mga bata.


Matatandaan na marami sa mga Madlang Kapuso ang kinilig sa kina Darren Espanto at Kyline Alcantara noong naging guest sa show ang aktres bilang pag-welcome sa It's Showtime sa GMA7.


Bukod pa rito nagsimulang i-ship ng mga  netizens sina Darren Espanto at Kyline Alcantara matapos ang isyu nila nina Mavy Legaspi at Cassy Legaspi.


Si Kyline ay ex-girlfriend ni Mavy, habang si Darren naman ay napabalitang may espesyal na relasyon kay Cassy.




Xian Lim Palihim Na Tinatawagan Si Kim Chiu Para Makipagbalikan

Walang komento

Lunes, Abril 15, 2024


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media at sa ilang mga entertainment news sites ang balitang palihim na tinatawagan ng Kapuso actor na si Xian Lim ang dating kasintahan na ang Kapamilya actress-TV host na si Kim Chiu para makipagbalikan.


Bukod pa rito, may mga haka-haka rin na umano'y naghiwalay kaagad sina Xian Lim at Iris Lee matapos ang palihim nilang pagpapakasal sa New York.


Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang panibagong chika na isiniwalat ng kilalang showbiz insider patungkol sa pangungulit ngayon ni Xian Lim sa kanyang ex-girlfriend para balikan siya matapos ang kanyang pang-iiwan rito.


Isiniwalat din ng nasabing showbiz insider na nakarating sa kanila mula sa mga sources na umano'y labis na ang pagsisisi ngayon ni Xian Lim sa agarang pagpapakasal kay Iris Lee sa New York.


Labis umanong nagsisisi ngayon ang aktor sa kanyang pang-iiwan kay Kim Chiu dahil ngayon lamang umano napagtanto kung gaano niya ito kamahal.


Samantala, marami naman sa mga fans ng aktres ang hindi naniniwala na pagmamahal ang dahilan ni Xian Lim kung bakit gusto niyang balikan ngayon si Kim Chiu. Paniniwala ng ilang mga fans ng aktres na may kinalaman na naman ang showbiz career ngayon ni Kim Chiu kung saan nasa tuktok ito ng kasikatan dahil sunod-sunod ang mga projects nito ngayon.


Tila gagamitin na naman umanong muli ni Xian Lim ang katanyagan ni Kim Chiu upang isalba ang kanyang papalubog na showbiz career.


Sa kabilang banda, hindi pa naman naglalabas ng pahayag ang aktres na si Kim Chiu kung may katotohanan nga ba ang bali-balita ngayon na sinusuyo na naman siya ni Xian Lim.


Gayunpaman, naniniwala ngayon ang maraming mga tagasuporta ng aktres na hindi na babalikan pa ni Kim Chiu si Xian Lim dahil malinaw nitong sinabi noon sa isang episode ng It's Showtime na hinding-hindi na niya babalikan ang mga taong nanloko sa kanya dahil tiyak umanong gagawin nitong muli ang mga kasalanan sa nakaraan at magiging paulit-ulit na lamang ang sitwasyon.




Kylie Verzosa, Ayaw Maging Kaibigan ang Dating Boyfriend na si Jake Cuenca

Walang komento

Huwebes, Abril 11, 2024


 Nagbigay ng pahayag ang aktres-beauty queen na si Kylie Verzosa patungkol sa pagkakaibigan ng mga dating magkakarelasyon.


Sa isang panayam sa beauty queen turned actress na si Kylie Versoza inilahad niya ang kanyang paniniwala na hindi maaring maging magkaibigan ang dating magkarelasyon.


Sa kamakailang YouTube vlog ng kilalang talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz na inilabas nitong Martes, April 9, 2024 makikita ang interview niya kay Kylie Verzosa.


Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap nakarating sila sa mga nagdaang relasyon ni Kylie Verzosa na nauwi sa masalimoot na paghihiwalay.


Naitanong ni Ogie Diaz kay Kylie Verzosa kung nag-end up ba sila ng kanyang mga naging ex-boyfriend bilang magkaibigan matapos ang paghihiwalay.


Dito na inamin ni Kylie Verzosa na hindi siya naniniwala na dapat maging magkaibigan ang dating magkarelasyon.


Nilinaw naman ni Kylie Verzosa ang dahilankung bakit ayaw niyang maging kaibigan ang kanyang mga naging ex boyfriend.


Ayon kay Kylie Verzosa, bilang pagrespeto na rin ito sa kanilang mga susunod na magiging karelasyon.


Naniniwala rin si Kylie Verzosa na kapag nagtapos na ang isang relasyon ay magiging magkakilala na lamang sila at ng kanyang mga naging ex-boyfriend at hindi na sila maaring pang maging magkaibigan kahit pa nagtagal ng maraming taon ang kanilang pinagsamahan.


"Respeto rin sa bago mong partner at sa bago niyang partner. ko, you can be civil, pero iyong nakikipag-usap ka ng 'Hi, how are you? Kumusta ka na?' To me, medyo weird yun," pahayag ng aktres.


Sa kabilang banda, inihayag naman ni Kylie Verzosa na hindi naman niya sinasabing dapat na gayahin din siya ng ibang mga babae at hindi rin niya sinasabi na tama ang kanyang paniniwalang ito.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na nagmula sa matagal na relasyon si Kylie Verzosa sa aktor na si Jake Cuenca.


Hayagan pa nilang inamin noon sa publiko ang pagsasama sa iisang bubong subalit biglang ginulat nila ang lahat nang lumabas ang balitang naghiwalay na sila.


Matatandaan na sa mga naunang panayam kay Kylie Verzosa ay inamin niyang hindi sila in-good terms ng kanyang ex-boyfriend na si Jake Cuenca.


Sa kabilang banda, wala namang inilabas na dahilan noon sina Kylie Verzosa at Jake Cuenca sa totoong dahilan ng kanilang relasyon.



Kathryn Bernardo Nagsalita Na Sa Pagmo-Move on at Pagpapatawad Kay Daniel Padilla

Walang komento

Huwebes, Abril 4, 2024


 Nagbigay na ng pahayag ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo patungkol sa kanyang pagmo-move on matapos ang ilang buwan magmula nang maghiwalay sila ng aktor na si Daniel Padilla.


Sa kamakailang interview ni Kathryn Bernardo sa Mega Magazine bilang siya ang cover girl para sa buwan ng April, kabilang sa mga isiniwalat ng aktres ang kanyang naging moving on journey matapos ang hiwalayan nila ni Daniel Padilla.


Inamin ng aktres na hindi naging madali para sa kanya ang nangyaring hiwalayan nila ni Daniel Padilla matapos ang ilang taon ng kanilang relasyon.


Gayunpaman, sinikap umano ng aktres na hindi maapektuha ang kanyang showbiz career at ang performance niya sa trabaho dahil sa napagdaanan.


Bukod pa rito, inilahad rin ng aktres na ayaw niyang magmukha siyang pa-victim at kaawa-awa dahil sa nangyari kaya naman ipinakita niyang maayos lamang siya kahit sa totoo ay nahihirapan at nasasaktan pa rin siya sa nangyari.


Iginiit din ng aktres na hindi naman siya nagsusuot ng maskara para itago ang kanyang nararamdaman subalit napaka-personal umano nito at para sa kanya ay hiwalay na ito sa kanyang trabaho.


Palilinaw ng aktres, “So for me, the best way to cope was first, I needed to heal and look at the bright side: I have so many blessings and so many people who stayed with me through all this. I focused on that. Second, I kept myself busy. Walang lull.”


Dagdag pa niya, “Sometimes I would ask my manager, ‘May I have a few days just to recharge? Once I go back, okay na.’ Now, where I am is exactly where I’m supposed to be.”


Nagbahagi rin si Kathryn Bernardo ng pahayag patungkol sa pagpapatawad, inilahad niya na kaya naman umano niyang magbigay ng kapatawaran subalit, hindi umano ito nangangahulugan na maari nang bumalik sa kanyang buhay ang taong nanakit sa kanya.


Nagbibigay umano siya ng forgiveness para sa taong deserving at para na rin sa kanyang peace of mind.


“Ang lalim kasi ng word na forgiveness. For me, you can forgive people who deserve it. But when I forgive you, it doesn’t mean that I have to keep you in my life.” 


“I forgive you for my peace of mind, for clarity, and for everything. But it doesn’t mean na pwede kang bumalik,” giit niya.


Dagdag pa niya, “It depends. I’ll just keep my distance; you keep your distance. We’re okay like that. I mean, kunwari I got hurt, why would I allow you to come back?”


Sinabi rin ni Kathryn Bernardo, na maayos ang lagay ng kanyang puso at naghilom na rin ang sugat na dala ng hiwalayan nila ni Daniel Padilla.



Sarah Lahbati Sa Pagkakaugnay Ni Richard Gutierrez Kay Barbie Imperial

Walang komento


 Nahingan ng opinyon ang actress-model na si Sarah Lahbati patungkol sa isyung magkasamang nagbakasyon sa isla ang kanyang estranged husband na si Richard Gutierrez at aktres na si Barbie Imperial.


Nitong martes, April 2, 2024 sa mediacon ng kanyang upcoming TV5 drama series na Lumuhod Ka Sa Lupa, kabilang sa mga naitanong sa aktres ay ang kanyang opinyon patungkol sa mga haka-hakang nagkakamabutihan na ang kanyang dating mister at aktres na si Barbiel Imperial.


Matatandaan na kumalat sa ilang mga social media platforms ang mga larawan at video  nina Barbie Imperial at Richard Gutierrez na magkasama at sweet sa isa't-isa sa isang gastropub sa WestGate Alabang, Muntinlupa.


Ayon sa mga nakakita kina Barbie Imperial at Richard Gutierrez, kapansin-pansin umano ang pagiging close ng mga ito sa isa't-isa na mahihinuhang mayroon nang namamagitan.


Bantay-sarado din umano ni Richard Gutierrez ang bawat galaw ni Barbie Imperial.


Bukod pa rito, marami rin ang naghinala na totoong nagkakamabutihan na nga ang dalawa dahil na rin muli umanong nagkasama ang dalawa sa pagbabakasyon noong nakaraang holy week.


Sa kabilang banda, nang matanong si Sarah Lahbati kung ano ang kanyang reaksyon sa pagkakamabutihan nina Richard Gutierrez at Barbie Imperial ay sinabi niyang wala siyang reaksyon rito.


Sa kabilang bansa, may naililink naman ngayong lalaki kay Sarah Lahbati na nakasama niya sa Hongkong. Subalit, kaagad na nilinaw ni Sarah Lahbati na magkaibigan lamang silang dalawa.


Ipinunto rin ni Sarah Lahbati na wala rin namang magiging masama kung sakaling nakikipag-date na siya dahil single na rin naman siya ngayon.




Love Triangle Story ni Rico Yan, Sabrina M at Claudine Barretto

Walang komento

Lunes, Abril 1, 2024


 Parehong nag-alay ng post sina Claudine Barretto at Sabrina M para alalahanin ang yumaong matinee idol na si Rico Yan sa ika-22 anibersaryo ng pagpanaw ng aktor nitong March 29, 2024.


Sa kanyang Facebook post, nagbahagi si Sabrina ng maikling mensahe at larawan para sa yumaong si Rico Yan.


“Remembering Rico Yan,” caption ni Sabrina sa kanyang post.


Naging laman ng mga usap-usapan sa social media at ilang mga entertainment news sites si Sabrina noong nakaraang taon matapos niyang isiwalat ang naging relasyon nila ni Rico Yan.


“Napakabait ni Rico Yan. After Claudine, naging kami ni Rico Yan. Matagal kaming nagkarelasyon. Taon. Noong nag-uumpisa na yung tsismis sa akin, dinudurog na agad ako. Rico Yan yan eh? Bakit siya pumatol sa isang sexy star? Bakit siya pumatol sa isang hubadera?” pagbabahagi noon ni Sabrina M kung saan binalikan niya ang naging relasyon nila matapos kay Claudine.


Kaagad namang nagreact ang legal council ni Claudine Barretto kung saan inilahad nila na ipinapalabas umano ni Sabrina M na naging two timer si Rico Yan. Hiniling din nila na sana ay maglabas ng public apology si Sabrina M.


“Pinalalabas po kasi ni Sabrina M na si Rico Yan ay two-timer at alam naman daw ni Claudine, kung alam ito ni Claudine ay napakababa naman ng moralidad ni Claudine na pumapayag siya na dalawa sila sa buhay ni Rico Yan?” pahayag ng abogado ni Claudine Barretto na si Atty. Ferdinand Topacio.


“Mag-apologize ka na lang Sabrina M since iisang mundo lang ginagalawan natin at ‘wag naman tayong gumamit ng taong wala na rito sa mundo hindi niya maipagtanggol ang sarili niya dahil wala na siya,” dagdag pa niya.


Samantala, nag-post naman ng video si Claudine sa Instagram bilang pagpupugay sa kanyang dating nobyo.


Sa kabila ng kasal kay Raymart Santiago, sinabi ni Claudine na si Rico ang kanyang "one great love."



Kim Chiu Nagsalita Na Tungkol Sa Mga Nangyari Sa Kanyang Relasyon! Matindi Pala Pinagdaanan Ni Kim!

Walang komento

Miyerkules, Marso 27, 2024


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang patungkol sa naging pahayag ni Kim Chiu patungkol sa mga nagdaan niyang relasyon.


Hindi man pinangalanan ni Kim Chiu na si Xian Lim ang kanyang tinutukoy, kaagad itong naiugnay ng mga netizens dahil na rin sa pag-aalangan ni Kim Chiu na sabihin ang mga bagay na naging dahilan ng kanilang hiwalayan.


Ayon sa ilang mga netizens, napapansin umano nila na tila natatakot si Kim Chiu na maglabas ng pahayag kung patungkol ito sa naging hiwalayan nila noon ni Xian Lim.


Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nililinaw ni Kim Chiu ang totoong sanhi ng kanilang paghihiwalay ni Xian Lim matapos ang mahaba nilang relasyon bilang magkasintahan.


Samantala, may mga nagsasabi naman na hindi na kailangang magsalita pa si Kim Chiu patungkol sa nangyari sa kanila ni Xian Lim dahil nagtapos na rin naman ang kanilang relasyon at masaya na sila sa kanilang mga buhay ngayon.


Nauna na ring ibinahagi ni Kim Chiu na hindi naman sila magkagalit ni Xian Lim at naging maayos naman ang kanilang pag-uusap patungkol sa pagtatapos ng kanilang relasyon.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga netizens ang nakapansin sa kamakailang pahayag ni Kim Chiu patungkol sa pakikipagrelasyon.


Ayon sa naging pahayag ni Kim Chiu, kapag hindi ka na sinasagot huwag mo nang ilaban sa lahat ng bagay. Naniniwala rin umano si Kim Chiu sa kasabihang silence means yes at kapag nagmahal ay inilalaban talaga ang lahat para walang pagsisisihan sa huli.


Iginiit pa ni Kim Chiu na dapat ay i-lower ang expectation sa ibang tao dahil sa bandang huli ay ikaw rin lang naman ang masasaktan.


Samantala, iniuugnay naman ng ilang mga netizens ang naging pahayag na ito ni Kim Chiu sa sagot ni Xian Lim kamakailan sa Fast Talk with Boy Abunda.


Ayon kay Xin Lim hindi na umano niya namalayan na nawalan na pala siya ng pagmamahal para kay Kim Chiu na nagpapatunay sa kasabihan na kalaunan ay nawawala rin ang pag-ibig.


Sa ngayon patuloy na tinatanong ng maraming mga netizens kung ano ang dahilan ng pagkawala ng pag-ibig ni Xian Lim para sa kanyang girlfriend for 12 years na si Kim Chiu.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo