Kathryn Bernardo, Ayaw Na Makipag-Usap Kay Daniel Padilla Tungkol Sa Pera

Miyerkules, Enero 31, 2024

/ by Lovely


 May panibagong pinag-uusapan naman ngayon ang ilang mga online marites patungkol sa dating magkarelayon na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ilang buwan matapos ang pag-amin nila sa kanilang hiwalayan noong November 30, 2023.


Sa latest episode ng Baklitas, inilahad ng mga host na tila binabakuran na umano ni Kathryn Bernardo ang kanyang sarili mula kay Daniel Padilla.


Binalikan pa nila ang kamakailang pagbebenta ni Daniel Padilla sa kanyang una-unahang sportscar na kalaunan ay napag-alamang pag-aari rin ni Kathryn Bernardo. 


Subalit, ang nakarating naman umano sa kanilang chika na inilagay lamang umano sa mga dokumento na pag-aari ito ng aktor pero ang katotohanan ay wala naman itong ambag sa pagbili ng sasakyan.


Ayon pa umano sa mga usap-usapan na nakarating sa kanila na tanging pera lamang ni Kathryn Bernardo ang ipinambili nila ng kotse. Noong naghiwalay naman umano ang dalawa ay isinasauli ni Daniel Padilla ang kotse subalit ayaw na umano itong tanggapin pa ni Kathryn Bernardo.


Wala naman umano itong magiging silbi sa dalaga kaya naman napag-usapan nila na ibenta na lamang.


Nang maibenta na ang nasabing kotse, nakatakda sanang magkita ang dalawa regarding sa pera, subalit iginiit umano ni Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla na kausapin na lamang ng aktor ang kanyang lawyer regarding sa payment.


Marami naman ang nagsasabi na isa ito sa paraan ng aktres para tuluyan na niyang makalimutan si Daniel Padilla. Tama rin naman umano ang ginawa nito na huwag kausapin pa ng personal ang aktor dahil hindi naman na ito kailangan lalo pa't may involve nang pera.


Matatandaan na nauna nang naiulat ang pagbabawi ni Kathryn Bernardo sa lahat ng kanyang mga pera na nainvest kay Daniel Padilla at pinapabenta na rin umano ng aktres ang mga negosyong pinagsososyuhan nilang dalawa.


Dahil din sa usapin patungkol sa pera, may mga naglabasang ulat ng umano'y pagkakautang ni Karla Estrada kay Kathryn Bernardo na kung susumahin ang lahat ay aabot sa mahigit 20 million pesos.


Hindi pa naman naglalabas ng anumang pahayag si Kathryn Bernardo hinggil sa mga isyung ito, gayunpaman, marami ang naghinala na may katotohanan ang isyu dahil sa sunod-sunod na pagbibenta nina Karla Estrada at Daniel Padilla ng kanilang mga properties.


Sa kabilang banda, maari rin naman umano na ibinibenta lamang nila ito dahil may bakas ito ni Kathryn Bernardo. Kailangan na nila itong kalimutan at bitawan upang tuluyan nang makapag-move on si Daniel Padilla.


Hindi rin naman madali ang pagmomove on lalo na mula sa isang mahabang relasyon na pinagdaanan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo