Kim Chiu, Inilahad Nang Hindi Siya Ipinaglaban ni Xian Lim

Huwebes, Pebrero 1, 2024

/ by Lovely


 Kaagad na naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang actress-host na si Kim Chiu matapos ang kamakailang episode ng It's Showtime kung saan tila binanatan nito ang kanyang dating karelasyon na si Xian Lim.


Sa kanilang pag-uusap sa kamakailang segment ng It's Showtime na Expecially For You, bigla na lamang napahugot si Kim Chiu patungkol sa love. Ipinahayag ni Kim Chiu na kung totoong nagmamahal ang isang tao, ipaglalaban nila ito para sa kanilang relasyon.


Ipinahayag pa ni Kim Chiu, na kung totoo mong mahal ang isang tao ay ipaglalaban mo.


Ito ang naging pahayag ni Kim Chiu nang mapag-usapan nila ang love story nina Jairah at Mark. 


Tinanong pa ni Jhong Hilario si Mark kung mas nangibabaw ba rito ang sakit kaya hindi na niya binalikan si Jairah. Tanong naman ni Kim Chiu, kung kulang pa ang pagmamahal nito kay Jairah kaya hindi niya ito mabalikan.


Iginiit naman ni Mark na totoong mahal niya si Jairah, gayunpaman kaagad itong sinagot ni Kim na kung totoong mahal niya si ito ay dapat ipinaglaban niya ito ng todo.


Tila napansin naman ng iba pang mga hosts na naging seryoso na si Kim Chiu kaya naman idinaan na lamang nila sa biro ang lahat. Pabirong tanong nila kung saan nanggaling ang hugot ni Kim Chiu.


Niyakap din ni Vice Ganda si Kim Chiu na pagpapakita ng pagsuporta rito. Iniba na rin nila ang usapan pa dahil tila hindi na ito naging kumportable kay Kim Chiu.


Sa kabilang bandam patuloy namang nakakatanggap ng pambabatikos ang Kapuso aktor na si Xian Lim mula sa ilang mga netizens at mga fans ng aktres. May mga naglabasan pang mga ulat na umano'y bading si Xian Lim kaya hindi nito magawang pakasalan si Kim Chiu sa kabila ng matagal nilang relasyon na umabot na sa mahigit isang dekada.


Samantala, kung pagbabasehan naman ang naging pahayag ni Kim Chiu sa It's Showtime, hindi siya ipinaglaban ni Xian Lim kaya naman nagdalawang isip na siya kung totoong mahal nga ba siya ng aktor o hindi.


@abscbn Virtual hugs, Kim! #ABSCBN #Kapamilya #ItsShowtime ♬ original sound - ABS-CBN

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo