Vice Ganda Napikon Sa Ginawa Ng Contestant Sa Its Showtime!

Huwebes, Pebrero 1, 2024

/ by Lovely


 Hindi naiwasan ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa naging contestant nila sa isang segment ng It's Showtime, ang Expecially For You.


Sa nasabing episode, ipini-feature nila ang mga magkarelasyon na nagkahiwalay na at pinag-uusap kung maari pa bang magkaroon ang mga ito ng second chance na magkabalikan o wala na talaga.


Sa kamakailang episode ng Expecially For You, labis na napikon si Vice Ganda sa ibinahaging kwento ng lalaking contestant nila patungkol sa pinagdaanang relasyon.


Sa pagkukwento ng kanilang contestant, naging struggle ang buhay nila habang magkarelasyon lalo na sa parte ng babae. Ayon sa pagkukwento ng lalaki, kung saan inamin nito ang kanyang mga pagkakamali na nagawa niya sa babae habang magkarelasyon pa sila.


Inamin ng lalaki na ginamit niya ang babae para sa sariling advantage lalo na sa pera. Isa umanong working student ang babae kaya naman sa pagitan nilang dalawa ay mas mapera ito.


Dahil dito, tila inobliga na umano niya ang kanyang girlfriend na siyang gumastos sa kanilang relasyon, pati luho ng lalaki ay ang babae na umano ang gumagastos.


Bukod pa rito, inuutangan rin umano ng lalaki ang kanyang girlfriend. Hindi rin umano nagbayad ang lalaki ng mga inutang nito noong maghiwalay na sila.


Iginiit naman ng lalaki na minahal rin naman niya ang babae habang sila pa subalit inaamin rin niyang ginamit niya ang dalaga.


Sa kabilang banda, sinabi ng babae na ang dahilan kung bakit may komunikasyon pa rin sila matapos ang kanilang hiwalayan dahil gusto niyang singilin sa lalaki ang mga utang nito.


Hindi naman napigilan ni Vice Ganda na ipinahayag ang kanyang pagkapikon sa lalaking kontestant nila dahil sa kakapalan umano ng mukha nito sa kanyang girlfriend.


Tila proud pa umano itong inamin ng lalaki na tila hindi big deal ang lahat kahit harap-harapan na niyang inamin ang pagiging manggagamit.



@pocojude

Vice Ganda at Tyang Amy, napika sa bisita ng Expecially For You, matapos nitong aminin na ginamit lang niya ang kanyang ex-girlfriend para sa materyal na pangangailangan.

♬ original sound - Jude

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo