Kapatid Ni Dominic Roque May Patama Kay Bea Alonzo Isiniwalat Ang Panget Na Pagkatao Ng Aktres!

Miyerkules, Pebrero 7, 2024

/ by Lovely


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang pagkumpirma nina Ogie Diaz at Boy Abunda sa nangyaring hiwalayan sa pagitan ng engaged couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Nakadadag pa sa usaping ito ang mga ibinabahaging social media post ng taong malalapit sa dalawa. Nauna nang magbahagi ng cryptic post ang Make-up artist at road manager ni Bea Alonzo patungkol sa isang manipulative sad boi na pinaghihinalaan ng marami na patama ng mga ito kay Dominic Roque.


Tila sinagot naman ito ng isang cryptic post ng kapatid ni Dominic Roque kung saan nagbahagi siya ng larawan na nagpapakita sa wolf in sheeps clothing na hinala naman ng marami na patama nito kay Bea Alonzo.


Kaagad na nagviral sa social media ang ibinahaging post ng kapatid ni Dominic Roque kung saan ipinakita niya ang larawan ng wolf in sheeps clothing sa kanyang Instagram stories.


Kaagad namang naghinala ang mga netizens sa kung sino ang tinutukoy ng kapatid ni Dominic Roque sa kanyang post na nagbabalat-kayong mabuti sa kabila ng kasamaan nito.


Ayon pa sa hinala ng mga netizens na walang ibang tinutukoy ang kapatid ni Dominic Roque kundi si Bea Alonzo.


Dahil sa pagsisiwalat ng kapatid ni Dominic Roque lalong tumindi ang paniniwala ng mga netizens na ang totoong may problema ay si Bea Alonzo at hindi ang kanyang mga nakakarelasyon.


Binalikan pa ng ilang mga netizens ang mga naunang karelasyon ni Bea Alonzo na hindi naman nagkakaroon ng isyu at tanging sa relasyon lamang nila nagkakaproblema.


Ipinunto pa ng ilang mga netizens na masaya naman umano ngayon ang mga nakarelasyon noon ni Bea Alonzo kasama ang kani-kanilang mga girlfriends kagaya nina Zanjoe Marudo at Gerald Anderson.


Ayon pa sa mga kumakalat na balita ngayon matapos makumpirma ang hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque, na masama umano ang loob ng buong pamilya ni Dominic Roque sa aktres dahil tila ginamit lamang umano nito si Dominic para makapag-move on sa mga nangyari sa kanya sa mga naunang mga karelasyon.


Hindi rin umano nagustuhan ng pamilya ni Dominic Roque ang pamamahiya rito ng aktres sa isang panayam kung saan hayagan nitong sinabi na wala pa sa kanyang plano ang pagpapakasal.


Sa kabilang banda, marami rin naman ang nagtatanggol ngayon kay Bea Alonzo sa pagpapapirma nito ng prenuptial agreement kay Dominic Roque. Wala naman umanong masama na protektahan ni Bea Alonzo ang kanyang kayamanan na pinaghirapan niya sa loob ng mahabang panahon.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo