Bea Alonzo, Mawawalan ng Mga Fans Dahil sa Pakikipaghiwalay kay Dominic Roque

Martes, Pebrero 6, 2024

/ by Lovely


 Nakakatanggap ngayon ng pambabatikos ang aktres na si Bea Alonzo sa gitna ng mainit na usapin patungkol sa nangyaring hiwalayan umano nila ni Dominic Roque sa gitna ng paghahanda nila sa kanilang nalalapit na pagpapakasal.


Naglalabasan ngayon ang iba't-ibang mga haka-haka patungkol sa totoong nangyari sa relasyon ng dalawa at sa totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay. May mga nagsasabi na tila nag-aalangan umano si Bea Alonzo na magpakasal dahil nag-aalinlangan itong maapektuhan ang kanyang showbiz career.


May mga naglabasan ring isyu na umano'y pinapipirma ni Bea Alonzo ng prenuptial agreement si Dominic Roque upang mapangalagaan niya ang kanyang kayamanan sa kabila ng pagpapakasal nilang dalawa.


Kung pagbabasehan ang mga naglabasang isyu patungkol sa hiwalayan ng dalawa, mahihinulang marami sa mga netizens ang sumisisi kay Bea Alonzo sa nangyaring failed relationship ng dalawa.


Marami ang bumabatikos ngayon sa aktres sa kanyang pag-iinarte sa pagpapakasal gayung napaka swerte na niya kay Dominic Roque dahil bukod sa mas bata sa kanya, mabait naman ito.


May mga nagsasabi pa na matanda na si Bea Alonzo kaya hindi na ito kailangan pang mag-inarte at magpabebe sa pagpapakasal kung ayaw umano nitong saka palang magkakaroon ng anak kapag senior citizen na.


Samantala, may napansin naman ng ilang mga fans na sa huling vlog na pinagsamahan ng dalawa, kung saan highlight ang kanilang pagbabakasyon sa Japan.


Ayon sa kanila, kaya pala tila napakalungkot ng mukha ni Dominic Roque noon dahil may namumu na palang tampuhan ang dalawa.


Ito na rin kasi ang huling update ng dalawa na magkasama sa kani-kanilang mga social media accounts.


Ang labis namang pinagtatakhan ngayon ng mga  netizens kung bakit sinabi pa noon ni Dominic Roque sa naging panayam sa kanya na maayos pa ang relasyon nila ni Bea Alonzo.


Ibinahagi pa noon ni Dominic Roque ang ilang mga detalye sa kanilang kasal kabilang na ang mga kaibigan na makakasama sa kanilang wedding entourage at ang ilan sa mga maiimbitahan.


Subalit ang lahat ng ito ay itinanggi ni Bea Alonzo sa pagsisiwalat niyang wala pa talaga silang plano ni Dominic Roque dahil hindi pa sila nakakapag-usap.


Sa ngayon hiling na lamang ng kanilang mga tagahanga na maayos na nilang dalawa ang anumang tampuhan na naganap sa kanilang pagitan at ipagpatuloy nila ang kanilang pagpapakasal.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo