Rendon Labador Hindi Okay Sa Nangyayaring Moira Jason Issue

Walang komento

Lunes, Hunyo 5, 2023

 
 Nagbigay na ng kanyang sariling opinyon ang social media personality at self proclaimed motivational speaker na si Rendon Labador patungkol sa kinakaharap na isyu ng dating mag-asawa na sina Moira Dela Torre at Jason Hernandez. 


Nauna nang ipinagtanggol ni Rendon Labador si Moira Dela Torre at ngayon, muli na naman siyang nagbigay ng pahayag para sa mga taong involved sa isyu.


"'Di okay sakin na may mawawalang buhay dahil dito. Kailangan natin 'tong i-voice out. Kailangan natin itong i-address ng tama. HIndi okay sa'kin na mayrong mawawalan ng buhay dahil lang dito."


 "Tingnan niyo 'yung side ni Moira. Aralin niyo 'yung side ng babae. Mga Tol, sa lahat ng namba-bash. Sa lahat ng mga nagkakampi-kampihan 'yang mga lalake. Hindi niyo ba naisip, na babae pa 'rin 'yan. May emosyon 'yan. Tao 'yan. Bakit niyo pinagkakampi-kampihan. Ako pagtulungan ninyo. 'Wag 'yung babae pare."


Ipinunto pa ni Rendon Labador na kailangan umanong respitohin at mahalin ang mga babae at hindi iyon pinagtutulungan sa pambabatikos. 


"Ang mga babae, minamahal 'yan. Anong ginagawa ninyo? Maga lalake pa mandin kayo. Dapat tayo 'yung nagki-cater sa kanila. Bakit ngayon ganyan 'yung ginagawa ninyo? Napakahina niyo naman.


"Akala niyo ba dahil sa ginagawa niyong pagtutulong para ma-bash si Moira, ay nagpapakita ng pagkalalake niyo. Representasyon ba 'yan na malakas kayo? Sigurado ba kayo?" 


Nagabigay rin ng mensahe si Rendon kay Jason na dapat hindi na raw isinisisi pa sa babae ang umano'y naging pagkakamali.


"At ikaw naman Jason, bakit ganyan ang mindset mo? 'Yung pagkakamali mo, 'yung Katangahan mo, isinisi mo pa sa babae"


"Kung gagawa ka ng mali, choice mo 'yan. Kung sakali mang totoo 'yung ibinibintang mo 'dun sa babae, ibig sabihin hindi ka marunong magmahal. Nagloko ka Jason, choice mo 'yan. Never na kasalanan ng partner mo 'yan."


"Kung sakali mang totoo ang binibitang mo kay Moira, Siyempre hinahanap din ng tao kung saan siya liligaya e. Bakit hindi mo napu-fulfill bilang lalake. Sioyempre may choice din siyang maging masaya."



Dominic, Nag Propose Na Kay Bea? | Romantic Dinner Sa Beach!

Walang komento

 


Ang celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque ay nagkaroon ng isang romantic Date sa isang beach Resort.


Sa Instagram account ni Dominic ay ibinahagi niya ang mga sweet at romantic photo nila ni Bea na kuha sa tabing dagat at ang kanilang early dinner date.


Nilagyan lang ni Dominic ang kanyang capyion ng isang korean finger emoji.


At ang spekulasyon nga ng karamihan ay tila nagproposed na daw si Dominic sa kanyang kasintahang si Bea Alonzo.


Narito naman ang ilang mga naging komento at reaction ng mga netizens tungkol rito.


"Uso na lihiman. 🤣 Kasal na pla."


"Wait why does it look like a proposal? Omg!!!"


"❤️❤️❤️ wag nyo na patagalin mga anak..para makita nyo na mga little dom and little bea. fulfilling magkaroon ng family and mga chikiting. its a blessing❤️"


"Magpakasal n po kayo sayang ang oras"


"Yun slit mo po ate girl @beaalonzo abot dito 💗💗💗💗 Ganda mo po Opo. Hi papa dom 🙈🙈🙈"


Bukod sa mga ito ay inulan din ito ng napakaraming mga heart emoji na halatang pinusuan ng marami ng mga netizens.






Loyal Kapamilya Abs-Cbn Star Nakatakda Nang Magbalik Telebisyon?!

Walang komento


Isang loyal na kapamilya star ang nagbabadya ng bumalik sa ABS-CBN telebisyon!


Marami na ngang mga manonood ang nag-aabang sa pagbabalik ng loyal na kapamilya star na ito sa kanyang pamamahinga muna sa showbiz.


Sa ngayon abalang-abala ang actress na si Angelica Panganiban sa kanyang baby at ninanamnam niya muna ang kanyang pagiging ina sa kanyang napaka cute na anak na si Baby Amila o mas kilala sa tawag na si Baby Bean.


Ngunit sa isang panayam ay kinumpirma ng actress na hindi pa siya handang magbalik ng buong-buo sa kanyang karera sa showbiz.


Pero sa kanyang pinakabagong vlog ay komportable siya sa ideyang ito sa mga bandang September, kapag ipinagdiwang na ng kanyang anak ang unang kaarawan nito.


At sa mga susunod na buwan ay sinaboi ng actress na magsisimula siyang magtingin ng magugustuhan niya o mas komportable niyang gawin na isang proyekto.


Kapag natagpuan daw niya ang tamang script na bagay sa kanya ay bukas daw siya sa pintuan ng showbiz sa pagbabalik niya sa pag-arte.


Sinabi niya sa kanyang pahayag na, "Puwede ko siyang pag-isipan after mag September, after mag-one year ni Bean kasi doon medyo less guilt na siguro yung pagtigil ko sa pagpapadede."


"Puwede na akong magbasa ng scripts at humanap ng offers. Kasi ngayon naka pila lang sila, but hindi ko pa binubuksan yong pintuan."


"Meaning hindi ako nagbabasa ng scripts, kasi kapag nagbasa ako ng scripts at may magustuhan ako, mababaliw ako. Baka umalis nalang ako dito at magshu-shooting na ako. Though hindi ko naman yun gagawin talaga."


Dagdag pa niya, "Pero kasi diba ayaw kong makakita ng script, tapos napanood ko, tapos iisipin ko saakin dapat iyan, ayaw na ayaw ko ng ganung feeling, so iniiwasan ko magbasa."


"Pwede na akong magstart magshoot mga January next year so very very soon na siya."



 

Ginawa Nina Vice Ganda At Ion Perez Sa Concert Usap-Usapan

Walang komento


 Umaani ngayon ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang ginawa nina Ion Perez at Vice Ganda sa naganap na concert ng huli nitong June 2, 2023.


Sa naganap na “Your Memejesty Queen VG” concert ni Vice Ganda ipinakita nila ng kanyang mister na si Ion Perez ang kanilang pagmamahal sa isa't-isa na walang pakialam sa anumang sasabihin ng iba.


“Let’s not f*cking care, what you are, what I am and what we have is just so amazingly beautiful. So let’s not be bothered by their noise. 


“Let them drown in their own voice. Let’s just continue to love so loud and proud,” sabi niya, na tamang-tama sa pagdiriwang ng Pride Month ngayong Hunyo,” saad ni Vice Ganda matapos ang kanilang production number ni Ion Perez.


Dagdag pa ni Vice, “Whatever happens, wherever it takes, at the end of the day, love wins.”


Kaagad naman siyang sinagot ni Ion Perez ng, "I love you."


Dito na hinalikan ni Vice Ganda sa lips si Ion Perez. Habang magkadikit ang kanilang mga labi, sabay nilang itinaas ang kanilang mga kamay at nag-dirty finger sa audience, ito'y para sa mga taong patuloy pa ring kinukuntra ang kanilang pagmamahalan.


Agad namang naghiyawan ang mga audience maging ang mga kasamahan ni Vice Ganda sa It's Showtime na naroroon din sa Araneta Coliseum.


Gayunpaman, hindi nakapagtimpi ang ilang basahers ng dalawa at ipinahayag ang kanilang disgusto sa ginawa nina Vice Ganda at Ion Perez sa harap ng maraming tao.


May mga fans naman ng dalawa na nagtanggol sa mga ito at ipinuntong walang mali sa pagmamahalan ng dalawa.


“Iba na talaga Ang kultura at moralidad ngayon  Ng mga tao, hinde nakakatuwa….nakakaalarma na para sa mga bagong henerasyon at sa darating pa.”


“Ang nakikita ko sa mundo ngayon ay parang Sodom and Gomorah na naghihintay ng parusa ng Diyos.”


“Oh my God! Vice Ganda is my idol because of his generosity. But what they have shown to the public  is not a good example specially to the new generation & done in a wrong place.”


“Anita Kurdapya, hahaha inggit ganon po ba? mabuti na lang po matibay po naman yata ang iyong sikmura na tulad ko, paano na yung iba  na hindi masisikmurang tingnan o makita ang ganyang bagay na kapwa itlog at hotdog na nagli-lips tulips.”


“Anita Kurdapya baka ikaw lang naiinggit kasi imoral ka rin..natural sino pa ba mag iidolo sa isang imoral kundi imoral din..kampon ni taning.”


“You can express your love to each other but doing a dirty finger in front of many people is not appropriate it is so rude, so don’t expect people to respect you.”




Bea Alonzo, Inagawan Na Naman Daw Ni Julia Barretto?

Walang komento

 


Tila na agawan na naman daw itong si Bea Alonzo nitong si Julia Barretto, si Julia na kasi ang bibida sa upcoming Philippne adaptation ng South Korean Movie na "A Moment To Remember" na pagtatambalan nila ng Asia's Multi Media Star na si Alden Richards.


Matatandaan kasing si Bea Alonzo ang unang napili na gumanap sa nasabing Philippine Adaptation.


Ngunit ayon naman sa Viva President and CEO na si Vincent Del Rosario III nag-issue raw ng statements ang GMA na magpapahinga muna si Bea.


Matatandaan naman nabanggit noon ni Boy Abunda sa kanyang programa na conflict daw sa Schedule ni Bea ang siyang tunay na dahilan, kaya hindi na ipinagpatuloy ni Bea ang Role.


Dahil ayaw daw ni Bea na mag-antay pa ang cast dahil sa kanya.


Kaya naman si Julia Barretto na nga ang gaganap sa naturang role na hindi tinanggap ni Bea Alonzo.


Pero ng tanungin naman si Bea kung alam ba ni Julia na siya ang unang napili na gumanap sa role ay sa tingin daw niya ay oo, mukhang alam daw ni Julia ito.


Dahil na promote naman daw ito noon, nagustohan naman daw ni Julia ang role niya sa naturang pelikula.


Excited din daw si Julia rito, at hindi mapagkakaila na isa si Julia sa mga mahahalagang artista ng Viva, kaya naman binibigyan ito palagi ng mga malalaking proyekto.


Samantala, hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na si Julia Barretto ay ang kasalukuyang kasintahan ngayon ng Ex Boyfriend ni Bea Alonzo na si Gerald Anderson.


Kaya naman muling nabuhay ang bangayan nga mga fans ng dalawa, matapos na mapabalitang si Julia ang siyang papalit kay Bea Alonzo na pagtatambalan nila ni Alden Richards.


Na ayon sa mga fans ni Bea ay naagawan naman daw ulit ni Julia si Bea.


Sabi din naman ng ilan na taga salo lang daw ni Bea si Julia at palagi lang daw itong second option ni Bea.


Kung matatandaan ay noong 2019 ay naging kontrobersyal ang issue noon ng hiwalayan nina Bea at Gerald Anderson na si Julia ang siyang itinuturong dahilan ng hiwalayan nila.


Ngunit 2021 ng aminin nina Julia at Gerald ang kanilang relasyon.


Samantalang si Bea Alonzo ay in relationship naman sa nobyo niyang si Dominiq Roque.








Toni Fowler Tinawag Na Papansin Ang Kanyang Kapatid Sa Ama

Walang komento


Agad na bumwelta ang controversial vlogger na si Toni Fowler sa pambabatikos sa kanya ng kanyang kapatid sa ama na si Lester Fowler.


Nagbigay ng reaction video si Lester Fowler sa isang TikTok video ni Toni Fowler kung saan sinang-ayunan ng huli ang isang video ng babae patungkol sa toxic family traits ng mga Pilipino.


Ayon kay Lester, wala naman umanong natulungan maski isa sa kanilang kapatid si Toni Fowler.


“Wala naman siyang tinulungan sa aming magkakapatid, pero wala namang pilitan, it’s okay! Kung mahal mo sarili mo, okay lang, eh di mahalin mo sarili mo.”


Ipinahayag din ni Lester ang pag-alma ng kanilang mga kaanak sa mga inilabas na malalaswang music video ni Toni Fowler sa kanyang YouTube channel.


“Fowler kami. Marami kaming magkakapatid, may mga anak kami, may mga konserbatibo, na yung mga pinalalabas mo mga malalaswa, so hindi lahat ng kadugo mo ay natutuwa sa aksyon mo dahil dala mo yung apelyido namin, Fowler, ‘di ba? Hindi lang naman ikaw ang Fowler. Wala ka ring karapatang babuyin ‘yan kasi hindi lang din sa’yo ‘yan…”


“Maraming Fowler ang iningatan din ang kanilang apelyido, ngayon nagiging basher mo, siyempre sinasabihan ka, dahil hindi tayo malayang-malayang gawin ang mga bagay na makakasira sa pangalan…”


Nagtataka din umano si Lester kung bakit ginagawa pa ito ni Toni Fowler ngayon gayung may pera naman na ito.


Agad naman itong binweltahan ni Toni Fowler sa isang Facebook live kung saan sinabihan niyang papansin ang kanyang kapatid sa ama.


Ayon pa kay Toni Fowler, madalas daw talagang mag-react ang mga kapatid sa father side sa tuwing may ginagawa siya.


Matagal na raw na ganoon si Lester ngunit hindi lamang niya pinapansin, lalo na kung humihingi ito ng pabor na i-share niya ang ginawa niyang content.


Ang punto ni Toni, ‘wag siyang pakialaman ng mga kapatid niya kung ano ang nais niyang gawin at ibahagi sa social media dahil buhay niya iyon. Dagdag pa ni Toni na hindi niya kasalanan na naging isang Fowler siya.




Alden Richards Nahihirapan Na! Sinabihang Walang Utang Na Loob!

Walang komento


 Asia's Multi Media Star na si Alden Richards sinabihan  umanong walang utang na loob?


Tila hirap na hirap daw ngayon ang loob ng sikat na actor na si Alden Richards sa sitwasyon na mga nangyayari ngayon sa noontime show na Eat Bulaga.


Ito ay ibinahagi ng kalumnistang si Cristy Fermin sa kanyang vlog sa kanyang YouTube Channel.

Ayon na sa kanya ay naiipit raw ngayon itong si Alden dahil posible daw na ilagay siya bilang isang host sa Eat Bulaga.


Aniya ni Cristy, "Lagi pong sinasabi ni Alden Richards, siya ay tatanaw ng utang na loob sa TAPE incorporated at kaina Tito, Vic at Joey."

"Dahil alam naman po natin na 2015 pa nang ipinanganak ang AlDub nila ni Maine Mendoza at lagi niyang sinasabi ang loyalty niya ay nasa Tito, Vic and Joey."

Marami kasing mga netizens ang nagsasabing wala umanong utang naloob si Alden.

Kasi kung anu man daw ang mayroon ngayon si Alden ito ay dahil kaina Tito, Vic at Joey sa Eat Bulaga.

Sabi naman ni Wendell na kundi dahil sa Eat Bulaga ay hindi ganun katunog ang pangalan ngayon ni Alden..

Kaya naman kapag isinalang na nga itong si Alden sa Eat Bulaga, ay anu nalang ang masasabi ng mga tao tungkol kay Alden tiyak daw na pagfiefiestahan at mapupuno ng pambabatikos itong si Alden.

Napag usapan pa nila Cristy Fermin na kung bakit daw ay hindi pa nagreresign ngayon itong si Alden sa TAPE incorporated.

Ngunit ayon naman din sa kanila na hindi ba daw na isip nga mga taong ito na hindi naman TAPE artist itong si Alden, dahil sa si Alden ay isang kontratadong artista ng GMA 7.

Kaya kahit anu man daw ang pagtangging gawin ni Alden ay wala parin siyang magagawa dahil nasa GMA7 parin ang huling pagpapasya dahil sila ang namamahala ngayon sa karera nitong si Alden Richards.

Dagdag pa ng kulumnista na iniyakan daw po nitong si Alden ang senaryong ito dahil tila naipit siya sa usaping ito.



Xander Ford Sinisisi Si Christian Merck Grey Sa Pagkawala Sa Kanya Ng Kanyang Mag-Ina

Walang komento


 Muli na namang hindi matahimik ang social media personality na si Xander Ford Arizala.


Matapos ang ilang araw na pananahimik, nang ibigay ni Christian Merck Grey ang perang sinisingil niya bilang ninong ng kanyang anak na si Baby Xeres, muli na namang ngumawa si Xander at pinupuntiryang muli si  Christian Merck Grey.


Labis na naiinis si Xander dahil sa pag-uupload umano ni Merck sa videong kuha noong binigay na nito ang pera sa kanya.


Hindi umano ito patas dahil una na niya itong pinagsabihan na huwag nang mag video at lalong huwag ibahagi ang video sa social media dahil alam naman umano na niyang nagbayad na ito.


Sinisisi din niya si Christian Merck Grey sa pambabatikos na natanggap nila sa social media kabilang na ang kanyang mag-ina.


Nilahad pa ni Xander Ford na kasalanan lahat ni Christian Merck Grey na nanganganib ang relasyon nila ngayon ng kanyang kalive in na si Gena Mago, dahil naging madalas na umano ang kanilang misunderstanding.


“Dahil sayo Merck wala na ako asawa at hindi ko na makasama ang anak ko,” pahayag ni Xander Ford.


Binantaan din ni Xander na  nakikipag-ugnayan na siya sa tanggapan ng Face-to-Face sa TV5 upang ilabas ang kanyang storya.




Kampo Ng Mga Jalosjos Nagsisisi Sa Nangyaring Pagtiwalag Nina Tito Vic at Joey!

Walang komento

 


Sa isang panayam ay nagbahagi ang kampo ng mga Jalosjos, sa pamamagitan ng isang exclusive interview ng Pep.ph


Ito ay tungkol sa storya ng kanilang side matapos ang pag-alis ng TVJ at ng iba pang mga host ng Eat Bulaga.


Naglabas sila ng kanilang pahayag dahil dapat din daw umanong marinig ang kanilang side ng kanilang storya.


Sa pagbabahagi at kuwento ng bagong chairman at CEO ng TAPE Incorporated na si Romeo Jalosjos Jr. ay hindi daw nila plano ang hindi pagpapaeri ng show noong May 31.


At hindi daw umano nila nais ang paghiwalay sa kanila ng TVJ, at nang iba pang mga host na sumama sa pag-alis ng TVJ sa Eat Bulaga.


Kung maririnig mo ang tuno sa kuwento ni Jalosjos ay tila mayroon nga silang pagsisisi sa pag-alis ng TVJ at ng ibang mga host sa Eat Bulaga, at talagang hindi nila enexpect na ganoon ang mangyayari.


Ang nais lang naman daw nila ay pigilan kung anu man ang binabalak ng TVJ, dahil may nakarating daw sa kanila na isang impormasyon na tila maybinabalak daw umano ang TVJ na isang malaking announcement kaya hindi nila pinaeri sa araw na iyon.


Hindi daw nila nais na makipaghiwalay ng landas sa TVJ dahil nga nasa negociasion stage palamang daw sila, at aminado rin daw sila na hindi nila naibibigay ang isang daang porsento ng demand ng TVJ.


Dahil ganoon naman daw talaga ang negosasyon, pero ang alam lang daw nila ay hindi pa tapos ang kanilang negosasyon.


Nangyari daw umano ang pagpapatigil sa Live show ng Eat Bulaga dahil daw umano sa mga rumore's na kanilang nasagap noong mismong araw na iyon.


Kung saan ay tumiwalag nga ang lahat ng mga host ng Eat Bulaga.


Una nga daw dito ay maygagawin daw na isang malaking announcement na gagawin ang mga ito sa show na hindi raw nila alam ang detalye.


Nasa Dapitan daw noon si Jalosjos Jr. at tanging sa cellphone lamang daw sila nag-uusap ng kanyang kapatid na si Soraya Jalosjos, na nasa mismong studio noon ng Eat Bulaga.


Nakapansin daw umano si Soraya sa Studio ng Eat Bulaga na tila may malaki daw itong pinaghahandaan, at tinangka pa daw umano ni Soraya na pumasok sa dressing room ng mga host upang magtanong.


Pero hindi siya pinayagan na makapasok, kaya naman agad daw itong ipinaalam ni Soraya sa kanyang mga kapatid.


Kaya naman sa puntong ito na nga napagpasyahan ng Chaiman at CEO ng TAPE Incorporated na si Romeo Jalosjos Jr. na ipatigil muna ang pagpapalive ng nasabing programa.


Ginawa daw nila ito upang hindi matuloy kung anu man ang binabalak ng mga host, upang mapag-usapan pa raw muna nila ito ng maayos.


Ngunit laking gulat daw nila ang pagpapaalam ng TVJ gamit ang social media account ng Eat Bulaga. At ang nais lang naman daw nila sana ay magkaroon ng improvement ang show.








Xander Ford Sinabing Ibabalik Ang Pera ni Christian Merck Grey Pero Installment Basis

Walang komento


 Muli na namang nagbahagi ng panibagong video message si Xander Arizala para kay Christian Merck Grey, a.k.a. Makagwapo. 


Ayon kay Xander, balak niyang ibalik ang ₱350,000 na natanggap niya mula kay Christian Merck Grey dahil sa pambabatikos na natanggap niya at ng kanyang pamilya dahil sa video inupload nito.


Ayon pa kay Xander Ford Arizala, pinagsabihan niya noon si Christian Merck Grey na huwag magbahagi ng video, kung saan makikita ang pagbibigay nito ng 350 thousand pesos sa kanya.


Dahil umano sa pagbabahagi ng video ni Christian Merck Grey ay mas dumami pa ang kanyang basher at dinadamay na rin umano ang kanyang partner na si Gena Mago at anak nilang si Baby Xeres.


Kaya naman, binabalak ngayon ni Xander Ford na ibalik na lamang ang pera kay Christian Merck Grey subalit dahil nagastos na niya ang iba ay huhulog-hulugan na lamang umano niya.


“Para matapos na Merck, ibabalik ko na sa’yo yung ₱350,000 na binigay mo. I-delete mo yung video na yan kasi hindi na maganda tingin sa amin ng mga tao dahil sa pinaggagagawa mo... Huhulug-hulugan ko yan Merck,” pahayag ni Xander Ford.


Hindi naman tiyak ang ilang mga netizens kung seryuso nga ba sa pagsasauli si Xander o ginagawa niya lamang ito upang patuloy na magpapapansin kay Merck dahil burado na ngayon ang kanyang ibinahaging video.



Bagong Eat Bulaga, Binabatikos Tinatawag Na Pangit At Cheap

Walang komento

Trending at mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang first episode ng rebranded show na Eat Bulaga.


Makikita sa panibagong episode ang mga bagong host ng Eat Bulaga, subalit, kapansin-pansin na ginagamit pa rin nila ang logo maging ang theme song ng show na unang kini-claim ng TVJ na sa kanila.


Bagama't trending kapansin-pansin naman na kadalasan sa mga komento ng mga netizens ay puro negatibo. May ilan pang hayagang sinabing pangit at cheap ang production ng show.


May mga nagbahagi pa ng clip kung saan inilipat nila sa It's Showtime ang kanilang panonood dahil sa kanilang inis sa mga panibagong hosts ng show.


“You can use the logo, you can use the opening song, you can even use the terms and words TVJ uses, but these new wannabes will never personify the term Dabarkads. Not in the slightest. And we all know that certainly, this is fake.”


"Iba pa rin pag si Ryan yung sumisigaw ng “Mga Dabarkads! Eat Bulaga na!” Tapos yung gong ng Alas-dose impunto!"


"Lipat niyo  ang Sa Showtime pota ang pangit ng Eat Bulaga"


"My dad LOVES #EatBulaga - kahit saang network man sila napunta. But this is NOT EAT BULAGA!

Create a new noontime show na lang TAPE, Inc. and GMA.

It feels weird to be seeing this on TV and not TVJ, JOWAPAO, Ryzza, Maine and the DABARKADS."



Eat Bulaga Opening New Host Binatikos at Pinagtawanan Ng Netizens!....

Walang komento

 


Mga bagong host ng Eat bulaga binatikos at pinagtawanan daw ng netizens?


Sa wakas ay inilantad at ipinakilala na nga ang mga bagong host na pumalit sa mga nagsikalasang mga host ng Eat Bulaga.


Na syang magpapatuloy sa pagpapasaya sa tanghali matapos ang ilang araw na pagpapalabas ng mga replay episodes sa noontime show na Eat Bulaga.


Kaya naman muli na ngang napanood ng Live ang Eat Bulaga, kasama ang mga bago nitong host.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan na magpapatuloy parin ang nasabing programa matapos na nagsi-alisan ang mga dati nitong host.


Matatandaan nga na naging kontrobersyal ang naging paglisan ng TVJ at ng iba pa mga host sa Eat Bulga.


Na ayon nga sa pamunuan ng TAPE incorporated na pagmamay-ari ng mga Jalosjos ay nakalolongkot mang isipin ang pag-alis ng mga dating host sa Eat Bulaga ay wala silang magagawa.


Ngunit hindi sila pweding huminto at kailangan nilang magpatuloy upang magbigay ng kasiyahan sa mga manonood at mga masusugid na taga subaybay ng programa.


Opisyal na nga nilang ipinakilala ang mga bagong host ng naturang programa na sina, Boboy Villar, Paolo Contis, Betong Sumaya, ang kambal na anak nina Carmina at Zoren Legaspi na sina Mavy Legaspi at Cassy Legaspi.


At ang rumored girlfriend ng presidential son at kongresistang si Sandro Macos, walang iba kundi ang actress na si Alexa Miro bilang mga bagong host na magpapasaya ng bawat tanghali sa mga manonood.


Samantala nalungkot naman ng sobra ang mga dating host ng Eat Bulaga, lalong lalo na raw ang TVJ na matagal ding namayagpag at siyang nagpasikat ng husto sa programang ito ang nalungkot dahil hindi na nga sila ang mga host nito.


Kung matatandaan ay sinabi ng TVJ na dadalhin nila sa kanilang pag-alis ang titulo na Eat Bulaga at kung saan man sila lumipat ay daladala parin nila ito, kaya naman labis ngayon ang kanilang kalungkotan dahil na bigo sila sa kanilang mga binitiwang salita.


Sa ngayon nga ay marami parin ang nalulongkot na mga netizens sa pagkat hindi na nila makikita pa ang Trio sa Eat Bulaga dahil na palitan na ang mga ito ng mga bagong host.


Bagama't marami nga ang nalungkot hinggil sa usaping ito ay marami naman ang sumaya sa pag-ere ng Eat Bulaga muli ng live, lalo na at patuloy parin ito sa pagpapasaya sa mga manonood.






Bagong Hosts Ng Eat Bulaga Nag Rehearsal Na, May Bago Na Ring Logo

Walang komento

Nauna nang napapabalita ang paghahanda ng Television and Production Exponent (TAPE) Inc. sa muling pagbubukas ng kanilang bagong palabas na ‘Eat Bulaga Kapuso’ nitong nakaraang weekend matapos ang mass resignation ng mga host ng Eat Bulaga kasunod ng pagbitiw ng iconic trio na TVJ noong May 31, 2023.


Kumakalat na rin ngayon sa social media ang posibleng papalit sa mga nagresign na mga host ng Eat Bulaga, kabilang na na sina, Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar, Kuya Kim Atienza, at Alexa Miro.


Kasunod nito, kumakalat na rin ang mga video clips kung saan makikitang nagrerehearse na sa studio sina Paolo Contis, Alexa Miro, and Buboy Villar.


Ang panibagong Eat Bulaga show ng TAPE Inc. ay idederek ni Jun Zarate, na nagbahagi naman sa panibagong logo nito.


Kapansin-pansin naman na hindi ginamit ni Jun Zarate ang dating logo ng Eat Bulaga, sa panibagong logo mababasang tila magiging Eat Bulaga Kapuso na ang rebrand name nito.


Gayunpaman, naging malaking katanungan para sa lahat kung ginawa lamang ba ito ni Jun Zarate dahil nauna nang ipinahayag ng TVJ na pagmamay-ari nila ang trademark ng Eat Bulaga at ang mga segments nito.


Samantala, naglabas naman ng samu't-saring pahayag ang mga televiewers ng Eat Bulaga at ipinahayag na kailanman ay hindi nila  susuportahan ang Eat Bulaga Kapuso dahil wala na ang dating hosts nito.


“Cheap. Bakit naman nilagyan pa ng Kapuso sa dulo.”


“I’m a kapuso ha but will definitely NOT watch this. Kung Saan ang eat bulaga dun ako.” 


“Need talaga mag show kasi 2024 pa mag end ang contract nang TAPE. Walang magawa ang GMA kasi blocktimer sila. Goodluck sa mga Jalosjos. Sana meron pumasok na advertisement. Yung sinasabi nila na lugi. Ngayon na nila maramdaman yan.” 



Bobby Ray Parks Nagsalita Na Sa Cheating Issue Kay Zeinab Harake at Erst Kimberly!

Walang komento

 


Ikinagulat ng Lahat ang bagong issue tungkol kay Bobby Ray Parks na tila may third party na naman na nagaganap sa bagong pag-ibig ni Zeinab Harake.


Matapos lumabas sa social media ang isang babae na di umanoy kasalukuyang kasintahan nitong si Ray Parks.


Nagviral nga kaagad ito sa social media, dahil matatandaang girlfriend ngayon ng basketbolista ang vlogger na si Zeinab Harake.


Ayon daw kasi sa babaeng nagpakilalang si Erst Kimberly ay niloko raw siya nina Zeinab at Ray Parks, matapos daw kasing mag-usap nilang dalawa ni Zeinab ay nagpatuloy parin sa pagdedate ang dalawa.


Ngunit kaninang umaga lang ay hindi na rin nga nakapagtimpi pa itong si Bobby Ray Parks Jr. At sinupalpal nga nito amh babaeng si Erst Kimberly.


Na ayon nga kay Ray Parks ay nihindi naman daw niya naging nobya itong si Erst Kimberly.


Tila gusto lang daw talagang sirain nitong si Kimberly ang magandang relasyon ni Zeinab at ng basketbolista.


Pinagtanggol nga ni Bobby Ray Parks Jr. si Zeinab Harake matapos mag-viral ang post ng babaeng ayon kay Bobby ay hindi naman niya naging karelasyon. Nilabas din ni Bobby ang screenshot ng umano'y mensahe nito kay Zeinab na nagsasabing hindi naman sila magkarelasyon ng basketbolista. 


Pagsususpalpal nga ni Ray Parks kay Erst Kimberly, "Seryoso kaba? Malinaw sa message mo kay Zeinab na hindi tayo. Less than two months lang tayo nag-usap."


Pagdidiin niya pa, "Never naging kabit ang taong mahal ko. You want silence and peace? eh siya pa mismo ang nagpamessge sakin sayo, dahil gusto mo pa gumawa ng issu nung magkaibigan palang kami."


Dagdag niya pa, "Nagsorry ako mismo kahit wala na ako dapat i-explain kasi sinabi ni Zeb na nasaktan ka daw at mas ikaw ang iniisip niya kesa samin at that time hindi naman siya na dapat damay sa "Thing" na meroon sa atin noon tama?"


Paglilinaw niya pa, "To be clear malabo na tayo bago pa ko umuwi ng Pinas at bago ko pa siya nakilala. Hindi din naman kita naging girlfriend so ano panloloko don?"


Pagpapatuloy niya pa, "Ilang months na kami nagliligawan publicly tapos ngayon mo lang naisipan magaganyan? 😅 medyo weird ng timing. Anyway we'll continue to love genuinely and be at peace knowing our hearts (Zeb and I) at in the right place. Stay blessed and wishing you find your peace."


"Ps, sorry Bel, for this unpleasant and unnecessary  issue. Know that I love You and that I will always value you see you tonight dinner at 7?"


Ipinakita din ng basketbolista sa publiko ang naging message nitong si Erst Kimberly na siyang patunay nga na hindi nito naging jowa si Bobby Ray Parks Jr.






John Regala, Binisita Ng Kanyang Mga Fans at Ilang Artista Sa Kanyang Lamay

Walang komento


 Pumanaw na ang dating batikang aktor na si John Regala nitong  June 3, 2023.


Agad na dinala ang kanyang mga labi sa St. Peter Chapel ng Commonwealth City upang doon paglamayan ng ilang araw bago tuluyang ilagak sa kanyang huling hantungan.


Sa unang gabi ng lamay, maraming kaibigan, tagahanga, at ilang celebrity ang bumisita kay John na pumanaw dahil sa kanyang pakikipaglaban sa kidney and liver complications.


Nag-alay naman ng bulaklak ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa dating action star na lumipat sa nasabing religion noong 2015.


“Nagpadala ng bulaklak bilang pakikiramay ang Tagapamahalang Pangkalahatan sa unang gabi ng lamay ng Ka John Regala. Sa mga nagtatanong po, nakaburol po ang labi ng Kapatid na John Regala sa St. Peter Chapel, Tandang Sora, Commonwealth Avenue, QC (tapat po ng Templo Central)."


Inaasahang bibisita pa ang ilan pang celebrities na dating nakasama ng aktor sa mga pelikula. Sa ngayon ay hindi pa nakakapagdecide ang pamilya ni John kung kailan ililibing ang dating batikang aktor.


Matatandaang isa sa mga naging pinakasikat na artista noon ang aktor na si John Regala at binansagang ‘Bad Boy’ ng Philippine Cinema dahil sa pagiging antagonist sa mga nasamahang pelikula.


Gayunpaman, hindi naging maganda ang sitwasyon nito sa kanyang pagreretiro dahil sa panwawaldas niya ng pera at sa pagkakalulong sa mga masasamang bisyo. 


Lalo pang nalugnok si John Regala ng magkaroon ng meical condition naubos ang kanyang mga naiwang ari-arian kaya labis siyang nahihirapan.


Ilang beses na ring nakiusap si John sa kanyang mga dating kasamahan sa showbusiness, ngunit ang ilan sa kanila ay hindi pinansin.


May mga tumulong naman rito at nagsagawa pa ng mga fund raising upang makalikom ng pera para sa kanyang pagpapagamot. Subalit, natigil ang lahat ng malamang muling bumalik sa mga bisyo ang dating aktor.




Paolo Contis Trabaho Lang Walang Personalan Sa Pagiging Host Ayon Kay Lolit Solis!.....

Walang komento

 

Trending ngayon at pinag-uusapan sa social media ang tungkol sa pagiging bagong host ng actor na si Paolo Contis sa noontime show na Eat Bulaga.


Kaya naman naglabas na rin ng pahayag ang talent manager nito na si Manay Lolit Solis, tungkol sa pagiging bagong host nito sa Eat Bulaga.


Ngayong araw nga na ito araw ng Lunes ay makikita nga na isa nga si Paolo Contis sa mga bogong host ng Eat Bulaga na siyang pumalit sa mga nagsialisang mga host nito.


Ayon nga kay Manay Lolit Solis sa kanyang post, na trabho lamang at walang personalan, at ang totoo nga daw ay idol nga daw ni Paolo ang TVJ pagdating sa paghohost sa nasabing programa.


Kaya naman wala talagang personalan sa pagkat si Paolo raw ay sumusunod lamang sa kung anong ipapatrabaho sa kanya ng kanyang management.


Aniya, "Idol ni Paolo Contis ang TVJ Salve. Bata pa siya fan na siya ng Tito, Vic and Joey. Ironic na nangyari ang 'gulo' ng TVJ at heto ngayon, isa sa host si Paolo Contis sa programa na ilalagay sa dating oras ng Eat Bulaga. Trabaho lang, walang personalan."


"Dahil kahit kelan hindi papasok sa isip ni Paolo na magiging katapat siya sa programa ng Tito, Vic at Joey. Under siya ng management ng GMA Artists Center at kung anong trabaho ang ibigay sa kanya, tinatanggap niya."


 "A good soldier following his superior. Talagang hindi mo maiiwasan mga ganitong pangyayari. Kahit nga si Paolo hindi akalaing mangyayari ito pero iyon ang gusto ng management niya, at palagay ko naman hindi magiging dahilan para magkaruon ng bad blood sa mga involved."


"Sana nga both parties maging matagumpay,dahil liit lang mundo ng showbiz. Hindi na dapat meron pang maliliit na kaguluhan. Dapat lahat maayos. More work, the better. More shows mas magaling. Basta trabaho, go lang, mas bongga😍#classiclolita"



TVJ, Papalitan Nina Paolo Contis At Kim Atienza Sa Pagiging Host Ng Eat Bulaga

Walang komento


 Nagbigay ng ilang pangalan ang Entertainment Columnist na si Jun Lalin patungkol sa mga celebrity na posibleng papalit sa legendary trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon sa longest-running noontime show na Eat Bulaga.


Ayon sa pahayag ng kolumnista, maaring palitan nina Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar, Kuya Kim Atienza, at Alexa Miro ang mga host ng Eat Bulaga na nagresign sa Television and Production Exponents (TAPE) Inc. noong Mayo 31, 2023.


Matatandaan na kaagad ring nagbitiw kasuno ng TVJ, ang mga Eat Bulaga hosts na sina Paolo Ballesteros, Jose Manalo, Maine Mendoza, Ryzza Mae Dizon, Wally Bayola, Ryan Agoncillo, and Allan K.


Gayunpaman, marami sa mga manonood ng Eat Bulaga ang hindi nasiyahan at hindi matanggap ang ilang panibagong hosts ng show lalong-lalo na si Paolo Contis na kamakailan lamang ay nahaharap sa samu't-saring isyu.


Kabilang pa sa mga isyu ni Paolo Contis ang pagiging pabaya umano nitong ama na hindi nakakaganda sa image ng show.


Marami rin ang nagsabing sana ay mahiya ang TAPE Inc. huwag nang gamitin ang pangalan Eat Bulaga na matagal nang nakakabit sa mga pangalan nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.


Ipinunto pa nang ilan na sa loob ng mahabang taon ay iningatan ng TVJ at iba pang host ang Eat Bulaga, subalit basta basta na lamang pala silang mapapaalis rito.


“Dapat wag nyo nang gamitin yung name na eat bulaga palitan nyo nalang ng ibang name. Makiki ride on lang kayo dun sa legacy ng eat bulaga na pinag trabahuan ng TVJ ng ilang dekada. Ang Eat Bulaga is hindi matatawag na Eat Bulaga kung walang TVJ.”


“TAPE can open a new noontime show as long as they won’t use the EB brand. EB is TVJ!”


“Nagsama pa kayo ng babaero jan n nega n nga ang dating di lalung wala nanood sa inyo. Wag na sayang lang kuryente namin.”


Matatandaan na tila napilitan na lamang na magbitiw ang TVJ at iba pang host ng Eat Bulaga dahil sa pagbabawal sa kanila na mag live airing nitong May 31,2023.




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo