Xander Ford Sinisisi Si Christian Merck Grey Sa Pagkawala Sa Kanya Ng Kanyang Mag-Ina

Lunes, Hunyo 5, 2023

/ by Lovely


 Muli na namang hindi matahimik ang social media personality na si Xander Ford Arizala.


Matapos ang ilang araw na pananahimik, nang ibigay ni Christian Merck Grey ang perang sinisingil niya bilang ninong ng kanyang anak na si Baby Xeres, muli na namang ngumawa si Xander at pinupuntiryang muli si  Christian Merck Grey.


Labis na naiinis si Xander dahil sa pag-uupload umano ni Merck sa videong kuha noong binigay na nito ang pera sa kanya.


Hindi umano ito patas dahil una na niya itong pinagsabihan na huwag nang mag video at lalong huwag ibahagi ang video sa social media dahil alam naman umano na niyang nagbayad na ito.


Sinisisi din niya si Christian Merck Grey sa pambabatikos na natanggap nila sa social media kabilang na ang kanyang mag-ina.


Nilahad pa ni Xander Ford na kasalanan lahat ni Christian Merck Grey na nanganganib ang relasyon nila ngayon ng kanyang kalive in na si Gena Mago, dahil naging madalas na umano ang kanilang misunderstanding.


“Dahil sayo Merck wala na ako asawa at hindi ko na makasama ang anak ko,” pahayag ni Xander Ford.


Binantaan din ni Xander na  nakikipag-ugnayan na siya sa tanggapan ng Face-to-Face sa TV5 upang ilabas ang kanyang storya.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo