Malaking Pasabog Ni Dina Bonnevie Ngayon Lang Nilabas! Panloloko Ni Vic Sotto at Conney Reyes

Lunes, Mayo 13, 2024

/ by Lovely


 Binalikan ng batikang aktres na si Dina Bonnevie ang paghihiwalay nila noon ng dating asawa na si Vic Sotto.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng nakakarami isa sa mga dahilan kung bakit nagkahiwalay sina Dina Bonnevie at Vic Sotto ay dahil sa naging relasyon nina Vic Sotto at kapwa Eat Bulaga host noon na si Conney Reyes.


Sa kamakailang panayam ni Boy Abunda kay Dina Bonnevie programa nitong Fast Talk With Boy Abunda, isa sa mga naging paksa ng kanilang pag-uusap ay ang hiwalayan nina Vic Sotto at Dina Bonnevie.


Matatandaan na naghiwalay noon sina Dina Bonnevie at Vic Sotto matapos ang pagkakaroon nila ng dalawang anak na sina Danica at Oyo.


Nang tanungin naman umano ni Dina Bonnevie si Vic Sotto kung bakit nito nagawa sa kanya ang panloloko, sinagot lamang siya nito na dahil sa pagiging inexperienced niya.


Ayon kay Dina Bonnevie, kahit na may malaki silang problema noon ni Vic Sotto at napapadalas ang kanilang pagtatalo ay hindi umano nila ipinapakita ito sa kanilang mga anak.


Hindi rin umano niya sinisiraan si Vic Sotto sa kanilang mga anak dahil Kahit pagbabaliktarin man ang mundo ay ito pa rin ang ama nila.


Aminado naman si Dina Bonnevie na nahihirapan siyang magpaliwanag sa kanilang mga anak ni Vic Sotto nang dinadala na nito ang kanyang anak kay Conney Reyes na si Vico Sotto.


Palagi umanong nagtatanong ng kanyang mga anak kung sino ang batang kasama ng kanilang amang si Vic Sotto na minsan ay kinakarga din nito.


Inamin rin ni Dina Bonnevie na talagang nahihirapan siyang magpaliwanag noon sa kanilang mga anak dahil sa murang edad niya, na 23 noong mga panahong iyon.


Naitanong rin ni Boy Abunda kung nagkausap ba sila noon ni Vic Sotto at Conney Reyes. Kaagad naman itong sinagot ni Dina Bonnevie ng oo, subalit sa maayos na paraan. Walang sabunutang naganap.


Gayunpaman, dala ng pagiging immature, hindi naiwasan ni Dina Bonnevie pagkumparahin ang mga katangian nilang dalawa ni Conney Reyes.


Tinatanong umano niya ang kanyang sarili kung ano ang nagustuhan rito ng kanyang asawa gayung mas maganda naman siya at mas bata.


Subalit, sa huli ay napagtanto umano niyang hindi lang naman pisikal na anyo ang batayan sa pag-ibig.


"And then eventually, you mellowed down and say, 'How dumb of me. It’s not in the physical world, girl. It has nothing to do with physical. It’s probably the meeting of the minds.'


“Kasi that time, Vic also wanted to start producing and, of course, I could not contribute anything to that because I was young. Malay ko about producing?


“I wasn’t even in the corporate world yet.


"Maybe at the time, there was a meeting of the minds because they were both learning the ropes of production. And, I think, she was already producing then," pagbabalik tanaw ni Dina Bonnevie.


Inamin din ni Dina Bonnevie na matagal niyang napatawad sina Vic Sotto at Conney Reyes subalit noong napatawad na niya ang mga ito ay pinadalhan niya ng mga bulaklak.


Ipinahayag din ni Dina Bonnevie na isa sa lalong nagpapahirap sa kanya ay ang pagiging magbestfriend nila noon ni Conney Reyes.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo