Bagong Hosts Ng Eat Bulaga Nag Rehearsal Na, May Bago Na Ring Logo

Lunes, Hunyo 5, 2023

/ by Lovely

Nauna nang napapabalita ang paghahanda ng Television and Production Exponent (TAPE) Inc. sa muling pagbubukas ng kanilang bagong palabas na ‘Eat Bulaga Kapuso’ nitong nakaraang weekend matapos ang mass resignation ng mga host ng Eat Bulaga kasunod ng pagbitiw ng iconic trio na TVJ noong May 31, 2023.


Kumakalat na rin ngayon sa social media ang posibleng papalit sa mga nagresign na mga host ng Eat Bulaga, kabilang na na sina, Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar, Kuya Kim Atienza, at Alexa Miro.


Kasunod nito, kumakalat na rin ang mga video clips kung saan makikitang nagrerehearse na sa studio sina Paolo Contis, Alexa Miro, and Buboy Villar.


Ang panibagong Eat Bulaga show ng TAPE Inc. ay idederek ni Jun Zarate, na nagbahagi naman sa panibagong logo nito.


Kapansin-pansin naman na hindi ginamit ni Jun Zarate ang dating logo ng Eat Bulaga, sa panibagong logo mababasang tila magiging Eat Bulaga Kapuso na ang rebrand name nito.


Gayunpaman, naging malaking katanungan para sa lahat kung ginawa lamang ba ito ni Jun Zarate dahil nauna nang ipinahayag ng TVJ na pagmamay-ari nila ang trademark ng Eat Bulaga at ang mga segments nito.


Samantala, naglabas naman ng samu't-saring pahayag ang mga televiewers ng Eat Bulaga at ipinahayag na kailanman ay hindi nila  susuportahan ang Eat Bulaga Kapuso dahil wala na ang dating hosts nito.


“Cheap. Bakit naman nilagyan pa ng Kapuso sa dulo.”


“I’m a kapuso ha but will definitely NOT watch this. Kung Saan ang eat bulaga dun ako.” 


“Need talaga mag show kasi 2024 pa mag end ang contract nang TAPE. Walang magawa ang GMA kasi blocktimer sila. Goodluck sa mga Jalosjos. Sana meron pumasok na advertisement. Yung sinasabi nila na lugi. Ngayon na nila maramdaman yan.” 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo