John Regala, Binisita Ng Kanyang Mga Fans at Ilang Artista Sa Kanyang Lamay

Lunes, Hunyo 5, 2023

/ by Lovely


 Pumanaw na ang dating batikang aktor na si John Regala nitong  June 3, 2023.


Agad na dinala ang kanyang mga labi sa St. Peter Chapel ng Commonwealth City upang doon paglamayan ng ilang araw bago tuluyang ilagak sa kanyang huling hantungan.


Sa unang gabi ng lamay, maraming kaibigan, tagahanga, at ilang celebrity ang bumisita kay John na pumanaw dahil sa kanyang pakikipaglaban sa kidney and liver complications.


Nag-alay naman ng bulaklak ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa dating action star na lumipat sa nasabing religion noong 2015.


“Nagpadala ng bulaklak bilang pakikiramay ang Tagapamahalang Pangkalahatan sa unang gabi ng lamay ng Ka John Regala. Sa mga nagtatanong po, nakaburol po ang labi ng Kapatid na John Regala sa St. Peter Chapel, Tandang Sora, Commonwealth Avenue, QC (tapat po ng Templo Central)."


Inaasahang bibisita pa ang ilan pang celebrities na dating nakasama ng aktor sa mga pelikula. Sa ngayon ay hindi pa nakakapagdecide ang pamilya ni John kung kailan ililibing ang dating batikang aktor.


Matatandaang isa sa mga naging pinakasikat na artista noon ang aktor na si John Regala at binansagang ‘Bad Boy’ ng Philippine Cinema dahil sa pagiging antagonist sa mga nasamahang pelikula.


Gayunpaman, hindi naging maganda ang sitwasyon nito sa kanyang pagreretiro dahil sa panwawaldas niya ng pera at sa pagkakalulong sa mga masasamang bisyo. 


Lalo pang nalugnok si John Regala ng magkaroon ng meical condition naubos ang kanyang mga naiwang ari-arian kaya labis siyang nahihirapan.


Ilang beses na ring nakiusap si John sa kanyang mga dating kasamahan sa showbusiness, ngunit ang ilan sa kanila ay hindi pinansin.


May mga tumulong naman rito at nagsagawa pa ng mga fund raising upang makalikom ng pera para sa kanyang pagpapagamot. Subalit, natigil ang lahat ng malamang muling bumalik sa mga bisyo ang dating aktor.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo