Paolo Contis Trabaho Lang Walang Personalan Sa Pagiging Host Ayon Kay Lolit Solis!.....

Lunes, Hunyo 5, 2023

/ by Jerome

 

Trending ngayon at pinag-uusapan sa social media ang tungkol sa pagiging bagong host ng actor na si Paolo Contis sa noontime show na Eat Bulaga.


Kaya naman naglabas na rin ng pahayag ang talent manager nito na si Manay Lolit Solis, tungkol sa pagiging bagong host nito sa Eat Bulaga.


Ngayong araw nga na ito araw ng Lunes ay makikita nga na isa nga si Paolo Contis sa mga bogong host ng Eat Bulaga na siyang pumalit sa mga nagsialisang mga host nito.


Ayon nga kay Manay Lolit Solis sa kanyang post, na trabho lamang at walang personalan, at ang totoo nga daw ay idol nga daw ni Paolo ang TVJ pagdating sa paghohost sa nasabing programa.


Kaya naman wala talagang personalan sa pagkat si Paolo raw ay sumusunod lamang sa kung anong ipapatrabaho sa kanya ng kanyang management.


Aniya, "Idol ni Paolo Contis ang TVJ Salve. Bata pa siya fan na siya ng Tito, Vic and Joey. Ironic na nangyari ang 'gulo' ng TVJ at heto ngayon, isa sa host si Paolo Contis sa programa na ilalagay sa dating oras ng Eat Bulaga. Trabaho lang, walang personalan."


"Dahil kahit kelan hindi papasok sa isip ni Paolo na magiging katapat siya sa programa ng Tito, Vic at Joey. Under siya ng management ng GMA Artists Center at kung anong trabaho ang ibigay sa kanya, tinatanggap niya."


 "A good soldier following his superior. Talagang hindi mo maiiwasan mga ganitong pangyayari. Kahit nga si Paolo hindi akalaing mangyayari ito pero iyon ang gusto ng management niya, at palagay ko naman hindi magiging dahilan para magkaruon ng bad blood sa mga involved."


"Sana nga both parties maging matagumpay,dahil liit lang mundo ng showbiz. Hindi na dapat meron pang maliliit na kaguluhan. Dapat lahat maayos. More work, the better. More shows mas magaling. Basta trabaho, go lang, mas bongga😍#classiclolita"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo