Xander Ford Sinabing Ibabalik Ang Pera ni Christian Merck Grey Pero Installment Basis

Lunes, Hunyo 5, 2023

/ by Lovely


 Muli na namang nagbahagi ng panibagong video message si Xander Arizala para kay Christian Merck Grey, a.k.a. Makagwapo. 


Ayon kay Xander, balak niyang ibalik ang ₱350,000 na natanggap niya mula kay Christian Merck Grey dahil sa pambabatikos na natanggap niya at ng kanyang pamilya dahil sa video inupload nito.


Ayon pa kay Xander Ford Arizala, pinagsabihan niya noon si Christian Merck Grey na huwag magbahagi ng video, kung saan makikita ang pagbibigay nito ng 350 thousand pesos sa kanya.


Dahil umano sa pagbabahagi ng video ni Christian Merck Grey ay mas dumami pa ang kanyang basher at dinadamay na rin umano ang kanyang partner na si Gena Mago at anak nilang si Baby Xeres.


Kaya naman, binabalak ngayon ni Xander Ford na ibalik na lamang ang pera kay Christian Merck Grey subalit dahil nagastos na niya ang iba ay huhulog-hulugan na lamang umano niya.


“Para matapos na Merck, ibabalik ko na sa’yo yung ₱350,000 na binigay mo. I-delete mo yung video na yan kasi hindi na maganda tingin sa amin ng mga tao dahil sa pinaggagagawa mo... Huhulug-hulugan ko yan Merck,” pahayag ni Xander Ford.


Hindi naman tiyak ang ilang mga netizens kung seryuso nga ba sa pagsasauli si Xander o ginagawa niya lamang ito upang patuloy na magpapapansin kay Merck dahil burado na ngayon ang kanyang ibinahaging video.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo