Toni Fowler Tinawag Na Papansin Ang Kanyang Kapatid Sa Ama

Lunes, Hunyo 5, 2023

/ by Lovely


Agad na bumwelta ang controversial vlogger na si Toni Fowler sa pambabatikos sa kanya ng kanyang kapatid sa ama na si Lester Fowler.


Nagbigay ng reaction video si Lester Fowler sa isang TikTok video ni Toni Fowler kung saan sinang-ayunan ng huli ang isang video ng babae patungkol sa toxic family traits ng mga Pilipino.


Ayon kay Lester, wala naman umanong natulungan maski isa sa kanilang kapatid si Toni Fowler.


“Wala naman siyang tinulungan sa aming magkakapatid, pero wala namang pilitan, it’s okay! Kung mahal mo sarili mo, okay lang, eh di mahalin mo sarili mo.”


Ipinahayag din ni Lester ang pag-alma ng kanilang mga kaanak sa mga inilabas na malalaswang music video ni Toni Fowler sa kanyang YouTube channel.


“Fowler kami. Marami kaming magkakapatid, may mga anak kami, may mga konserbatibo, na yung mga pinalalabas mo mga malalaswa, so hindi lahat ng kadugo mo ay natutuwa sa aksyon mo dahil dala mo yung apelyido namin, Fowler, ‘di ba? Hindi lang naman ikaw ang Fowler. Wala ka ring karapatang babuyin ‘yan kasi hindi lang din sa’yo ‘yan…”


“Maraming Fowler ang iningatan din ang kanilang apelyido, ngayon nagiging basher mo, siyempre sinasabihan ka, dahil hindi tayo malayang-malayang gawin ang mga bagay na makakasira sa pangalan…”


Nagtataka din umano si Lester kung bakit ginagawa pa ito ni Toni Fowler ngayon gayung may pera naman na ito.


Agad naman itong binweltahan ni Toni Fowler sa isang Facebook live kung saan sinabihan niyang papansin ang kanyang kapatid sa ama.


Ayon pa kay Toni Fowler, madalas daw talagang mag-react ang mga kapatid sa father side sa tuwing may ginagawa siya.


Matagal na raw na ganoon si Lester ngunit hindi lamang niya pinapansin, lalo na kung humihingi ito ng pabor na i-share niya ang ginawa niyang content.


Ang punto ni Toni, ‘wag siyang pakialaman ng mga kapatid niya kung ano ang nais niyang gawin at ibahagi sa social media dahil buhay niya iyon. Dagdag pa ni Toni na hindi niya kasalanan na naging isang Fowler siya.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo