Eat Bulaga Opening New Host Binatikos at Pinagtawanan Ng Netizens!....

Lunes, Hunyo 5, 2023

/ by Jerome

 


Mga bagong host ng Eat bulaga binatikos at pinagtawanan daw ng netizens?


Sa wakas ay inilantad at ipinakilala na nga ang mga bagong host na pumalit sa mga nagsikalasang mga host ng Eat Bulaga.


Na syang magpapatuloy sa pagpapasaya sa tanghali matapos ang ilang araw na pagpapalabas ng mga replay episodes sa noontime show na Eat Bulaga.


Kaya naman muli na ngang napanood ng Live ang Eat Bulaga, kasama ang mga bago nitong host.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan na magpapatuloy parin ang nasabing programa matapos na nagsi-alisan ang mga dati nitong host.


Matatandaan nga na naging kontrobersyal ang naging paglisan ng TVJ at ng iba pa mga host sa Eat Bulga.


Na ayon nga sa pamunuan ng TAPE incorporated na pagmamay-ari ng mga Jalosjos ay nakalolongkot mang isipin ang pag-alis ng mga dating host sa Eat Bulaga ay wala silang magagawa.


Ngunit hindi sila pweding huminto at kailangan nilang magpatuloy upang magbigay ng kasiyahan sa mga manonood at mga masusugid na taga subaybay ng programa.


Opisyal na nga nilang ipinakilala ang mga bagong host ng naturang programa na sina, Boboy Villar, Paolo Contis, Betong Sumaya, ang kambal na anak nina Carmina at Zoren Legaspi na sina Mavy Legaspi at Cassy Legaspi.


At ang rumored girlfriend ng presidential son at kongresistang si Sandro Macos, walang iba kundi ang actress na si Alexa Miro bilang mga bagong host na magpapasaya ng bawat tanghali sa mga manonood.


Samantala nalungkot naman ng sobra ang mga dating host ng Eat Bulaga, lalong lalo na raw ang TVJ na matagal ding namayagpag at siyang nagpasikat ng husto sa programang ito ang nalungkot dahil hindi na nga sila ang mga host nito.


Kung matatandaan ay sinabi ng TVJ na dadalhin nila sa kanilang pag-alis ang titulo na Eat Bulaga at kung saan man sila lumipat ay daladala parin nila ito, kaya naman labis ngayon ang kanilang kalungkotan dahil na bigo sila sa kanilang mga binitiwang salita.


Sa ngayon nga ay marami parin ang nalulongkot na mga netizens sa pagkat hindi na nila makikita pa ang Trio sa Eat Bulaga dahil na palitan na ang mga ito ng mga bagong host.


Bagama't marami nga ang nalungkot hinggil sa usaping ito ay marami naman ang sumaya sa pag-ere ng Eat Bulaga muli ng live, lalo na at patuloy parin ito sa pagpapasaya sa mga manonood.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo