Kampo Ng Mga Jalosjos Nagsisisi Sa Nangyaring Pagtiwalag Nina Tito Vic at Joey!

Lunes, Hunyo 5, 2023

/ by Jerome

 


Sa isang panayam ay nagbahagi ang kampo ng mga Jalosjos, sa pamamagitan ng isang exclusive interview ng Pep.ph


Ito ay tungkol sa storya ng kanilang side matapos ang pag-alis ng TVJ at ng iba pang mga host ng Eat Bulaga.


Naglabas sila ng kanilang pahayag dahil dapat din daw umanong marinig ang kanilang side ng kanilang storya.


Sa pagbabahagi at kuwento ng bagong chairman at CEO ng TAPE Incorporated na si Romeo Jalosjos Jr. ay hindi daw nila plano ang hindi pagpapaeri ng show noong May 31.


At hindi daw umano nila nais ang paghiwalay sa kanila ng TVJ, at nang iba pang mga host na sumama sa pag-alis ng TVJ sa Eat Bulaga.


Kung maririnig mo ang tuno sa kuwento ni Jalosjos ay tila mayroon nga silang pagsisisi sa pag-alis ng TVJ at ng ibang mga host sa Eat Bulaga, at talagang hindi nila enexpect na ganoon ang mangyayari.


Ang nais lang naman daw nila ay pigilan kung anu man ang binabalak ng TVJ, dahil may nakarating daw sa kanila na isang impormasyon na tila maybinabalak daw umano ang TVJ na isang malaking announcement kaya hindi nila pinaeri sa araw na iyon.


Hindi daw nila nais na makipaghiwalay ng landas sa TVJ dahil nga nasa negociasion stage palamang daw sila, at aminado rin daw sila na hindi nila naibibigay ang isang daang porsento ng demand ng TVJ.


Dahil ganoon naman daw talaga ang negosasyon, pero ang alam lang daw nila ay hindi pa tapos ang kanilang negosasyon.


Nangyari daw umano ang pagpapatigil sa Live show ng Eat Bulaga dahil daw umano sa mga rumore's na kanilang nasagap noong mismong araw na iyon.


Kung saan ay tumiwalag nga ang lahat ng mga host ng Eat Bulaga.


Una nga daw dito ay maygagawin daw na isang malaking announcement na gagawin ang mga ito sa show na hindi raw nila alam ang detalye.


Nasa Dapitan daw noon si Jalosjos Jr. at tanging sa cellphone lamang daw sila nag-uusap ng kanyang kapatid na si Soraya Jalosjos, na nasa mismong studio noon ng Eat Bulaga.


Nakapansin daw umano si Soraya sa Studio ng Eat Bulaga na tila may malaki daw itong pinaghahandaan, at tinangka pa daw umano ni Soraya na pumasok sa dressing room ng mga host upang magtanong.


Pero hindi siya pinayagan na makapasok, kaya naman agad daw itong ipinaalam ni Soraya sa kanyang mga kapatid.


Kaya naman sa puntong ito na nga napagpasyahan ng Chaiman at CEO ng TAPE Incorporated na si Romeo Jalosjos Jr. na ipatigil muna ang pagpapalive ng nasabing programa.


Ginawa daw nila ito upang hindi matuloy kung anu man ang binabalak ng mga host, upang mapag-usapan pa raw muna nila ito ng maayos.


Ngunit laking gulat daw nila ang pagpapaalam ng TVJ gamit ang social media account ng Eat Bulaga. At ang nais lang naman daw nila sana ay magkaroon ng improvement ang show.








Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo