Bea Alonzo, Inagawan Na Naman Daw Ni Julia Barretto?

Lunes, Hunyo 5, 2023

/ by Jerome

 


Tila na agawan na naman daw itong si Bea Alonzo nitong si Julia Barretto, si Julia na kasi ang bibida sa upcoming Philippne adaptation ng South Korean Movie na "A Moment To Remember" na pagtatambalan nila ng Asia's Multi Media Star na si Alden Richards.


Matatandaan kasing si Bea Alonzo ang unang napili na gumanap sa nasabing Philippine Adaptation.


Ngunit ayon naman sa Viva President and CEO na si Vincent Del Rosario III nag-issue raw ng statements ang GMA na magpapahinga muna si Bea.


Matatandaan naman nabanggit noon ni Boy Abunda sa kanyang programa na conflict daw sa Schedule ni Bea ang siyang tunay na dahilan, kaya hindi na ipinagpatuloy ni Bea ang Role.


Dahil ayaw daw ni Bea na mag-antay pa ang cast dahil sa kanya.


Kaya naman si Julia Barretto na nga ang gaganap sa naturang role na hindi tinanggap ni Bea Alonzo.


Pero ng tanungin naman si Bea kung alam ba ni Julia na siya ang unang napili na gumanap sa role ay sa tingin daw niya ay oo, mukhang alam daw ni Julia ito.


Dahil na promote naman daw ito noon, nagustohan naman daw ni Julia ang role niya sa naturang pelikula.


Excited din daw si Julia rito, at hindi mapagkakaila na isa si Julia sa mga mahahalagang artista ng Viva, kaya naman binibigyan ito palagi ng mga malalaking proyekto.


Samantala, hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na si Julia Barretto ay ang kasalukuyang kasintahan ngayon ng Ex Boyfriend ni Bea Alonzo na si Gerald Anderson.


Kaya naman muling nabuhay ang bangayan nga mga fans ng dalawa, matapos na mapabalitang si Julia ang siyang papalit kay Bea Alonzo na pagtatambalan nila ni Alden Richards.


Na ayon sa mga fans ni Bea ay naagawan naman daw ulit ni Julia si Bea.


Sabi din naman ng ilan na taga salo lang daw ni Bea si Julia at palagi lang daw itong second option ni Bea.


Kung matatandaan ay noong 2019 ay naging kontrobersyal ang issue noon ng hiwalayan nina Bea at Gerald Anderson na si Julia ang siyang itinuturong dahilan ng hiwalayan nila.


Ngunit 2021 ng aminin nina Julia at Gerald ang kanilang relasyon.


Samantalang si Bea Alonzo ay in relationship naman sa nobyo niyang si Dominiq Roque.








Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo