Loyal Kapamilya Abs-Cbn Star Nakatakda Nang Magbalik Telebisyon?!

Lunes, Hunyo 5, 2023

/ by Jerome


Isang loyal na kapamilya star ang nagbabadya ng bumalik sa ABS-CBN telebisyon!


Marami na ngang mga manonood ang nag-aabang sa pagbabalik ng loyal na kapamilya star na ito sa kanyang pamamahinga muna sa showbiz.


Sa ngayon abalang-abala ang actress na si Angelica Panganiban sa kanyang baby at ninanamnam niya muna ang kanyang pagiging ina sa kanyang napaka cute na anak na si Baby Amila o mas kilala sa tawag na si Baby Bean.


Ngunit sa isang panayam ay kinumpirma ng actress na hindi pa siya handang magbalik ng buong-buo sa kanyang karera sa showbiz.


Pero sa kanyang pinakabagong vlog ay komportable siya sa ideyang ito sa mga bandang September, kapag ipinagdiwang na ng kanyang anak ang unang kaarawan nito.


At sa mga susunod na buwan ay sinaboi ng actress na magsisimula siyang magtingin ng magugustuhan niya o mas komportable niyang gawin na isang proyekto.


Kapag natagpuan daw niya ang tamang script na bagay sa kanya ay bukas daw siya sa pintuan ng showbiz sa pagbabalik niya sa pag-arte.


Sinabi niya sa kanyang pahayag na, "Puwede ko siyang pag-isipan after mag September, after mag-one year ni Bean kasi doon medyo less guilt na siguro yung pagtigil ko sa pagpapadede."


"Puwede na akong magbasa ng scripts at humanap ng offers. Kasi ngayon naka pila lang sila, but hindi ko pa binubuksan yong pintuan."


"Meaning hindi ako nagbabasa ng scripts, kasi kapag nagbasa ako ng scripts at may magustuhan ako, mababaliw ako. Baka umalis nalang ako dito at magshu-shooting na ako. Though hindi ko naman yun gagawin talaga."


Dagdag pa niya, "Pero kasi diba ayaw kong makakita ng script, tapos napanood ko, tapos iisipin ko saakin dapat iyan, ayaw na ayaw ko ng ganung feeling, so iniiwasan ko magbasa."


"Pwede na akong magstart magshoot mga January next year so very very soon na siya."



 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo