Alden Richards Nahihirapan Na! Sinabihang Walang Utang Na Loob!

Lunes, Hunyo 5, 2023

/ by Jerome


 Asia's Multi Media Star na si Alden Richards sinabihan  umanong walang utang na loob?


Tila hirap na hirap daw ngayon ang loob ng sikat na actor na si Alden Richards sa sitwasyon na mga nangyayari ngayon sa noontime show na Eat Bulaga.


Ito ay ibinahagi ng kalumnistang si Cristy Fermin sa kanyang vlog sa kanyang YouTube Channel.

Ayon na sa kanya ay naiipit raw ngayon itong si Alden dahil posible daw na ilagay siya bilang isang host sa Eat Bulaga.


Aniya ni Cristy, "Lagi pong sinasabi ni Alden Richards, siya ay tatanaw ng utang na loob sa TAPE incorporated at kaina Tito, Vic at Joey."

"Dahil alam naman po natin na 2015 pa nang ipinanganak ang AlDub nila ni Maine Mendoza at lagi niyang sinasabi ang loyalty niya ay nasa Tito, Vic and Joey."

Marami kasing mga netizens ang nagsasabing wala umanong utang naloob si Alden.

Kasi kung anu man daw ang mayroon ngayon si Alden ito ay dahil kaina Tito, Vic at Joey sa Eat Bulaga.

Sabi naman ni Wendell na kundi dahil sa Eat Bulaga ay hindi ganun katunog ang pangalan ngayon ni Alden..

Kaya naman kapag isinalang na nga itong si Alden sa Eat Bulaga, ay anu nalang ang masasabi ng mga tao tungkol kay Alden tiyak daw na pagfiefiestahan at mapupuno ng pambabatikos itong si Alden.

Napag usapan pa nila Cristy Fermin na kung bakit daw ay hindi pa nagreresign ngayon itong si Alden sa TAPE incorporated.

Ngunit ayon naman din sa kanila na hindi ba daw na isip nga mga taong ito na hindi naman TAPE artist itong si Alden, dahil sa si Alden ay isang kontratadong artista ng GMA 7.

Kaya kahit anu man daw ang pagtangging gawin ni Alden ay wala parin siyang magagawa dahil nasa GMA7 parin ang huling pagpapasya dahil sila ang namamahala ngayon sa karera nitong si Alden Richards.

Dagdag pa ng kulumnista na iniyakan daw po nitong si Alden ang senaryong ito dahil tila naipit siya sa usaping ito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo