Rendon Labador Hindi Okay Sa Nangyayaring Moira Jason Issue

Lunes, Hunyo 5, 2023

/ by Lovely

 
 Nagbigay na ng kanyang sariling opinyon ang social media personality at self proclaimed motivational speaker na si Rendon Labador patungkol sa kinakaharap na isyu ng dating mag-asawa na sina Moira Dela Torre at Jason Hernandez. 


Nauna nang ipinagtanggol ni Rendon Labador si Moira Dela Torre at ngayon, muli na naman siyang nagbigay ng pahayag para sa mga taong involved sa isyu.


"'Di okay sakin na may mawawalang buhay dahil dito. Kailangan natin 'tong i-voice out. Kailangan natin itong i-address ng tama. HIndi okay sa'kin na mayrong mawawalan ng buhay dahil lang dito."


 "Tingnan niyo 'yung side ni Moira. Aralin niyo 'yung side ng babae. Mga Tol, sa lahat ng namba-bash. Sa lahat ng mga nagkakampi-kampihan 'yang mga lalake. Hindi niyo ba naisip, na babae pa 'rin 'yan. May emosyon 'yan. Tao 'yan. Bakit niyo pinagkakampi-kampihan. Ako pagtulungan ninyo. 'Wag 'yung babae pare."


Ipinunto pa ni Rendon Labador na kailangan umanong respitohin at mahalin ang mga babae at hindi iyon pinagtutulungan sa pambabatikos. 


"Ang mga babae, minamahal 'yan. Anong ginagawa ninyo? Maga lalake pa mandin kayo. Dapat tayo 'yung nagki-cater sa kanila. Bakit ngayon ganyan 'yung ginagawa ninyo? Napakahina niyo naman.


"Akala niyo ba dahil sa ginagawa niyong pagtutulong para ma-bash si Moira, ay nagpapakita ng pagkalalake niyo. Representasyon ba 'yan na malakas kayo? Sigurado ba kayo?" 


Nagabigay rin ng mensahe si Rendon kay Jason na dapat hindi na raw isinisisi pa sa babae ang umano'y naging pagkakamali.


"At ikaw naman Jason, bakit ganyan ang mindset mo? 'Yung pagkakamali mo, 'yung Katangahan mo, isinisi mo pa sa babae"


"Kung gagawa ka ng mali, choice mo 'yan. Kung sakali mang totoo 'yung ibinibintang mo 'dun sa babae, ibig sabihin hindi ka marunong magmahal. Nagloko ka Jason, choice mo 'yan. Never na kasalanan ng partner mo 'yan."


"Kung sakali mang totoo ang binibitang mo kay Moira, Siyempre hinahanap din ng tao kung saan siya liligaya e. Bakit hindi mo napu-fulfill bilang lalake. Sioyempre may choice din siyang maging masaya."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo