Ginawa Nina Vice Ganda At Ion Perez Sa Concert Usap-Usapan

Lunes, Hunyo 5, 2023

/ by Lovely


 Umaani ngayon ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang ginawa nina Ion Perez at Vice Ganda sa naganap na concert ng huli nitong June 2, 2023.


Sa naganap na “Your Memejesty Queen VG” concert ni Vice Ganda ipinakita nila ng kanyang mister na si Ion Perez ang kanilang pagmamahal sa isa't-isa na walang pakialam sa anumang sasabihin ng iba.


“Let’s not f*cking care, what you are, what I am and what we have is just so amazingly beautiful. So let’s not be bothered by their noise. 


“Let them drown in their own voice. Let’s just continue to love so loud and proud,” sabi niya, na tamang-tama sa pagdiriwang ng Pride Month ngayong Hunyo,” saad ni Vice Ganda matapos ang kanilang production number ni Ion Perez.


Dagdag pa ni Vice, “Whatever happens, wherever it takes, at the end of the day, love wins.”


Kaagad naman siyang sinagot ni Ion Perez ng, "I love you."


Dito na hinalikan ni Vice Ganda sa lips si Ion Perez. Habang magkadikit ang kanilang mga labi, sabay nilang itinaas ang kanilang mga kamay at nag-dirty finger sa audience, ito'y para sa mga taong patuloy pa ring kinukuntra ang kanilang pagmamahalan.


Agad namang naghiyawan ang mga audience maging ang mga kasamahan ni Vice Ganda sa It's Showtime na naroroon din sa Araneta Coliseum.


Gayunpaman, hindi nakapagtimpi ang ilang basahers ng dalawa at ipinahayag ang kanilang disgusto sa ginawa nina Vice Ganda at Ion Perez sa harap ng maraming tao.


May mga fans naman ng dalawa na nagtanggol sa mga ito at ipinuntong walang mali sa pagmamahalan ng dalawa.


“Iba na talaga Ang kultura at moralidad ngayon  Ng mga tao, hinde nakakatuwa….nakakaalarma na para sa mga bagong henerasyon at sa darating pa.”


“Ang nakikita ko sa mundo ngayon ay parang Sodom and Gomorah na naghihintay ng parusa ng Diyos.”


“Oh my God! Vice Ganda is my idol because of his generosity. But what they have shown to the public  is not a good example specially to the new generation & done in a wrong place.”


“Anita Kurdapya, hahaha inggit ganon po ba? mabuti na lang po matibay po naman yata ang iyong sikmura na tulad ko, paano na yung iba  na hindi masisikmurang tingnan o makita ang ganyang bagay na kapwa itlog at hotdog na nagli-lips tulips.”


“Anita Kurdapya baka ikaw lang naiinggit kasi imoral ka rin..natural sino pa ba mag iidolo sa isang imoral kundi imoral din..kampon ni taning.”


“You can express your love to each other but doing a dirty finger in front of many people is not appropriate it is so rude, so don’t expect people to respect you.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo