Madam Inutz, Muling Isinuot Ang Kanyang Burol Outfit!

Walang komento

Miyerkules, Nobyembre 30, 2022


Muling binalikan ng sikat na online personality na si Madam Inutz ang kanyang mga nakaraan noong hindi pa sikat. Unang sumikat si Madam Inutz dahil sa kanyang naiibang paraan sa pagla-live selling ng mga damit.

Ibinahagi rin ni Madam Inutz na muli niya kinuha ang nagviral niyang burol outfit. May bumili na umano nito buti na lamang at pumayag na ibalik sa kanya. Naniniwala kasi si Madam Inutz na ito ang nagdala ng swerte sa kanya.

Matatandaang nagviral ang pagsusuot niya ng nasabing burol outfit dahil dito nagkakilala sila ni Wilbert Toleontino, na kalauna'y naging manager niya.

Ipinakita rin ni Madam Inutz ang pinapatayo niyang bahay na katas umano ng kanyang pinaghihirapan. Ito rin ang bahay na nauna nang iniregalo sa kanya ni Wilbert Tolentino.



Nadine Lustre May Nais I-delete Sa Kanyang Buhay Kung Mabibigyan ng Pagkakataon!

Walang komento


 Ibinahagi ng aktres na si Nadine Lustre sa presscon ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022 entry niyang “Deleter” under Viva Films kung ano ang mga nais niyang burahin o i-delete sa kanyang past life kung mabibigyan ng pagkakataon.

Ayon kay Nadine ang nais niyang i-delete ay ang kanyang pagiging magastos sa walang kabuluhang mga bagay.

“Feeling ko yung paggastos ko before nu’ng mas younger pa ako ang gusto kong i-delete. Kasi I guess back then, siyempre gusto mo lang din mag-spend nang mag-spend on anything. Tapos ngayon kapag iniisip ko siya, ‘Bakit kaya ako gumastos para du’n?’ Parang sayang lang,” saad ng aktres.

Inamin rin ni Nadine na nagiging maingat na siya ngayon sa paggagastos at sa tuwing naiisip niya ang mga bagay na ginagastusan niya noon ay nanghihinayang na siya at tinatanong ang sarili kung bakit nga ba niya iyon binili.

Samantala, ibinahagi rin ni Nadine na hindi masyado siya nahirapan sa kauna-unahang horror-suspense film na pinagbibidahan niya.

“To be honest, for me hindi naman po ganu’n kahirap mag-imagine. Kahit naman nung mas bata ako very imaginative ako. Talagang aaralin mo lang yung eksena and sometimes ini-imagine mo talaga kung paano mo ito gagawin, kunwari sa line or kung ano yung aksyon mo,” paliwanag ni Nadine.

Nakatulong din umano sa kanya ang pagkakahilig niya sa mga horror films dahil nagkaroon na siya ng mga reference.

Showtime Fam Nakiramay Kay Erik Santos, Ina Ni Erik Ililibing Na Bukas

Walang komento

 


Sa pagkawala ng ina ni Erik Santos, bumuhos ang pakikiramay mula sa kanyang mga kaibigan sa showbiz industry at sa kanyang Showtime family.

Ilan sa mga unang nagpaabot ng kanilang pakikiramay ay sina Jugs, sir Ogie Alcasid at tiyang Amy Castillo. Maging ang ilan sa mga sikat na personalidad ay nagpaabot din ng kanilang pakikiramay kay G. Eric Santos.


Personal na bumisita at nakiramay si Mam Leni Robredo. Samantala, ngayong gabi ang huling gabi ng burol ng kanyang ina.

Sa pahayag ni G. Erik Santos ay sinabi kung paano ito makaka-move on o kung makaka-move on ba ito sa mga pangyayari.

Dagdag pa niya, hindi niya kakayanin ang pagkawala ng kanyang ina.



Nakakapangilabot Na Findings Ng Mga Dr. Kay Jho Iniyakan Ni Andrew!

Walang komento

 

Kahapon ay muling nagbigay ng update si Andrew Schimmer sa kasalukuyang kalagayan ng kanyang asawang si Jho Rivero.

Kasabay nito, bumisita muli ang kanyang mga anak sa kanilang mommy pagkatapos ng halos isang buwan. Bagama't halatang may progress kahit papaano sa kalagayan ni Jho, halata pa rin na hindi pa kumpleto ang kanyang paggaling.

Hindi pa rin lubusang naiintindihan ang sakit ni Jho. Mahirap man tanggapin, kitang-kita na ang makina nalang talaga ang kumukonekta sa buhay niya.

Ayon sa isa sa mga espesyalista ni Jho, nakakaloka nga ang kanilang natuklasan sa aktibidad ng utak nito. Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa kanila. Hindi pa rin maipaliwanag kung bakit hindi ito gumaling.

Malabo na raw bumalik sa dati ang kalagayan ni Jho at araw-araw ay unti-unti na silang nakakakita ng mga senyales nito.

Pansamantala lang daw ang buhay natin dito sa mundo. Babalik din ang lahat sa ating pinanggalingan, ngunit sa abo.

Finally! Nagsalita Na Ang Atty. Ni Vhong Nagsalita Na Sa Paglaya Nya!

Walang komento

 

Atty: What we are doing here, we're fighting so hard. Ang tingin ko, nagawa natin ang lahat ng dapat gawin, sa aming pananaw, lahat ng kailangang ipalabas, naipalabas namin. So, it will now be up to the judge. I hope nandyan si Deniece, I'm hopeful that she is there, para matapos namin ng maayos ang kanyang cross-examination. May mga iba pa kaming mga materyales na kailangang itanong sa kanya at ipakita sa kanya. We're just happy na humantong tayo dito sa puntong ito, na magkakaroon ng pagtatapos, at pag-uh, you know, finding out what the truth is and doing justice of all. 

Atty: Kami ay nagpapasalamat sa pagsusubaybay ninyo at kami ay nananalangin na lumabas ang katotohanan. Hintay-hintay lang tayo.

Interviewer: Mga ilan po yung resolution Atty? Mga ilang araw po? Mayroon bang timeline? 

Atty: It will come sooner than later. Kasi actually, may timelines yan eh pero ayokong pangunahin ang korte. Pati ang korte, hindi magtatagal. Hindi siya magtatagal. 

Interviewer: Within November? Papano po?

Atty: Hopefully, para sa amin, para sa amin, definitely by November. Yun ang aming panalangin. In fact, as early as next week, pwede. Pero as I said, hindi natin pangungunahan ang korte but as soon as possible, gusto namin bilang panalangin namin.

Interviewer: Is his Christmas will be merry?

Atty: Actually, ang hirap sabihin confident. Sinasabi ko to kasi pag sinabi mong confident kasi, para bang baka mabastusan ang korte. Ang gusto kong sabihin we have hopes and we're praying very hard, we're praying so hard na si Mr. Vhong Navarro ay hindi na hihintayin pa ang Christmas, even before Christmas ay sana makapiling na niya ang kanyang mga mahal sa buhay. That is our hope!



Tatapatan Si Aj Raval!? Kylie Padilla Ready Na Magpa- Sexy!

Walang komento

 

Handa na si Kylie Padilla sa mga mature roles na nangangailangan ng pagsilip ng laman. Tinanong ang dating asawa ni Aljur Abrenica kung handa na ba siyang magkaroon ng mga sexy roles para sa kanyang mga susunod na proyekto.

Doon niya sinabi ang kanyang dahilan kung bakit siya pumasok sa pag-arte. Paliwanag ni Kylie, naging artista siya para mag-portray ng iba't ibang tao. Kaya naman kung kailangan ng karakter niya, handa siyang magpa-sexy.

"Sinabi ko rin yun sa mga manager ko, sa mga handler ko. Try naman natin yung character na kakaiba kasi gusto kong tumalon, gusto kong magbago bilang isang tao, ang matuto sa mga character na yun", sabi ni Kylie.

"I'm ready, if it calls for it, ready naman. Pero hindi naman dahil sa gusto kong magdaring. Depende sa character talaga.", aniya pa.

Matatandaang na-link ang kanyang estranged husband na si Aljur kay AJ Raval, isang sexy star na game magstrip sa kanyang mga pelikula.

Anak Ni Solenn Huessaff Na Si Tili Excited Makita Si Santa Claus!

Walang komento

Ibinahagi kamakailan ni Solenn Heussaff sa social media ang isang bagong adorable na video at larawan ng kanyang anak na si Tili.

Mukhang excited na excited si Tili na makita si Santa. Makikita sa kaibig-ibig na video si Tili na nakaupo sa tabi ni Santa Claus at seryosong nakatitig at nakikinig sa kanya.




Megastar Sharon Cuneta, Tinaguriang ‘Female Icon’ sa EDDYS 2022!

Walang komento

Martes, Nobyembre 29, 2022


 Labis ang tuwang nadarama ni Megastar Sharon Cuneta matapos kilalanin bilang Female Icon sa  The Entertainment Editors’ Choice Awards 2022.

Agad niya itong ibinahagi sa kanyang Instagram account kalakip ang kanyang pasasamat sa natanggap na parangal.

“I will treasure this forever and will be inspired by it to only do much better in both my work and my life. God bless you always and more power to you po!!!🙏🏻🙌🏻❤️🥰” caption ni Sharon sa kanyang Instagram post.

Samantala sa isang hiwalay na Instagram post, ibinahagi naman ni Sharon Cuneta ang natanggap na parangal mula sa Gawad Dangal Filipino Awards. Kinilala naman rito si Sharon bilang ‘Outstanding Movie Queen/Singer Performer of the Year”.

“Oh, my!!! Maraming, maraming salamat po, Gawad Dangal Filipino Awards sa karangalang ito!!! Mabuhay po kayo and God bless you always!!! I will treasure this forever,” caption naman ni Sharon.

Paolo Ballesteros Nagbahagi ng Larawan nila ng Anak sa Kanilang Birthday!

Walang komento


Masayang minarkahan ni Paolo Ballesteros ang kanilang kaarawan ng anak na si Kiera sa pamamagitan ng pagbabahagi ng larawan nilang dalawa sa kanyang Instagram account.

"Happy birthday to us my darling daughter 🥰🥰 i love you," caption ni Paolo sa kanyang post.

Agad naman itong umani ng pagbati mula sa kanyang mga co-hosts sa noonshow na Eat Bulaga.

Komento ni Maja Salvador, “Happy Birthday Friend and Keira!!!” 

Saad ni Ryan Agoncillo, “Happy Birthday Beautifuls” 

Ani Pia Guanio, “HBD guys!” 

Dagdag pa ni Joey de Leon, “Haberdey Pao and Keira!”

Maging ang mga tagahanga ng host ay nagpaabot din ng kanilang pagbati para sa kaarawan nito at sa anak nitong si Kiera.

Xian Gaza Nais Kausapin Si Ogie Diaz Kung Totoo Bang Kapapanganak Lamang ni AJ Raval!

Walang komento


Ipinahayag ni Xian Gaza sa kanyang Facebook post na nais niyang kausapin si Ogie Diaz hinggil sa ibinalita nitong kapapanganak pa lamang ni AJ Raval.

Nais umano niyang malaman kung may katotohanan nga ba ang balitang ito.

"Gusto kong i-PM si Pareng Ogie Diaz para kumpirmahin yung balitang nanganak na daw si AJ Raval pero huwag na lang pala at baka isipin niya na tsismoso ako." post ni Xian sa kanyang Facebook account.

Matatandaang ipinahayag ni Ogie Diaz sa isang episode ng Showbiz Now Na na sinabi ng isa sa kanyang mga sources na namataan umano niya si AJ Raval sa isang lying in clinic. Namataan din umano nila si Aljur Abrenica na tila may hinihintay roon.

Lolit Solis Muling Binalikan Ang Manager Na Nag-power Trip Sa Kanya/ Hindi Maka-move on!

Walang komento


Tila hindi pa rin tuluyang nalilimutan ni Manay Lolit Solis ang panpopower trip sa kanya ng isang manager.

Sa kanyang Instagram account, sinabi niyang pathetic ang taong nan-popower trip. Hindi man niya pinangalanan kung sino ang kanyang tinutukoy agad na itong na-gets ng mga netizens.

Tinawag din niya itong narrow-minded. Muli nitong binalikan ang pagpapatanggal umano nito sa kanila sa mga invited guests.

Samantala, nilinaw naman ni Manay Lolit na hindi kasalanan ng talent ang maling desisyon ng manager dahil sumunod lamang ito upang hindi na ma-issue.

"Natatawa ako sa pagiging power tripper ng isang manager, Salve. Iyon pinigil niya na mag attend ang kanyang alaga dahil lang si Gorgy ang TC at member ka ng Speed. Wow talaga sa powertripping at sa pagiging narrow minded. Kilalang mahusay ang PR ng artistang hawak niya, pero nagawa niyang pigilan ito kahit pa nga nakasagot na sa invitation ng talent coordinator na si Gorgy. Hindi kasalanan ng talent dahil siyempre kailangan sumunod siya sa utos ng manager niya para huwag magtampo na baka maging dahilan pa ng away. Dito mo makikita kung ano klase ng utak meron ang isang tao. Naku ayaw kong isipin na baka dahil incomplete ang buhay niya kaya siya ganito kababaw. Sana naman senior moment lang ito na nangyayari sa kanya. Pathetic, so sad. Magsama na lang sila ng bff niyang puno din ng kagagahan sa buhay kaya lomolobo ang katawan. At isa pang manager na puno ng ilusyon kaya jobless ang mga alaga. Hay naku, masama gising ko kaya bad ang mood ko, hah hah, biglang pumasok ang mga character na kontrabida sa vision ko. Sorry po, dala lang ng boredom ng dialysis. Sorry po."


Aj Raval Nanganak Na! Aljur Abrenica Sobrang Saya Sa Kanilang Baby!

Walang komento

 


May tsismis na ipinanganak na ni AJ Raval ang kanyang anak sa rumored boyfriend na si Aljur Abrenica. Ibinahagi ito sa pinakabagong vlog ng talent manager na si Ogie Diaz. Ayon dito, nanganak si AJ Raval noong Nobyembre 18 o 19 sa isang ospital sa Pasig City.

"May nag-confirm na si AJ Raval ay nanganak na! Pinatotohanan pa ito ni ate Cristy dahil ang alam ko si Aljur Abrenica ang source. Pero ito ay mariing pinabulaanan ni AJ na kung matatandaan pa natin ay nagpakita pa ng mga pictures bilang patotoo na hindi siya buntis."

"Itong source natin na nanganak sa isang payak na hospital sa Pasig itong si AJ, na noong idating doon ay nakatakip ang mukha pero hindi siya sa delivery room nag-deliver, ni room in na ibig sabihin kung saan siyang room, doon na lang isinagawa yung kanyang delivery."

"Habang si Aljur raw ay nandoon sa labas ng hospital nu'ng madaling araw ng November 19, na nag aabang sa labas kasi nandoon siya sa loob ng sasakyan naka-face mask, na eventually nalaman ng ating source na si Aljur nga yun kasi tinanggal na ang face mask. "

Inilabas daw kaagad si AJ pagkatapos nitong manganak. Alvarez ang ginamit na apelyido ni AJ dahil iyon ang apelyido ng kanyang ina.

Tapos sinasabi ni AJ na kamag-anak nila ang doktor, kaya pagpasok nila sa emergency room, dumiretso sila sa room-in.

Nagtataka daw ang ibang pasyente sa ospital kung bakit nakatakip ang mukha ni AJ. Kaya pala nila nalaman na si AJ iyon dahil sa tattoo nito sa dibdib.

Ayon kay Ogie, siguro ay maliit lang talaga magbuntis si AJ kaya hindi masyadong halata ang kanyang tiyan noon. Lalong idiniin na nanganak si AJ nang mag-post ito ng mga larawan sa kanyang social media.

Kapansin-pansin din ang hubog ng katawan ng aktres na kakapanganak pa lang. Agaw pansin din ang kanyang dibdib na lalong lumaki dahil sa gatas.

"Naghahanda na sila sa pagdating ng new born baby ni AJ Raval at Aljur Abrenica kaya nagdidisinfect sila, naglilinis ng buong bahay!"

"Like father, like daughter tinatago mga anak nila be proud to your child"

"Confirmed sa puson at baywang. Ganyan talaga pag nanganak na high waist ang sakalam di kasi magiging halata pero obviously nanganak na nga, sa mukha mukhang pagod. Postpartu look but still look good."

Sa ngayon, wala pang pahayag ang ama ni AJ na si Jeric Raval at ang rumored boyfriend na si Aljur Abrenica.

Cristy Fermin Sinabing Pabayaan Na Lamang Si AJ Raval!

Walang komento


Muling nagbigay ng opinyon si  Manay Cristy Fermin hinggil sa kumakalat ngayong isyu sa social media tungkol kay AJ Raval.

Sa latest episode ng Cristy Ferminute, muling naging laman sa usapin nina Cristy Fermin ang isyung ng panganganak umano ni AJ Raval ng patago.

Ayon kaay Cristy Fermin, dapat bigyan ng oras si AJ Raval at pabayaan muna ito kung ayaw pang magbigay ng pahayag.

Matatandaang ilang ulit na itinanggi ni AJ Raval ang isyu ng kanyang pagbubuntis. Noong July 2022, pinagdidiinan ni AJ na hindi dahil sa kanyang oagbubuntis kaya natigil siya sa pagsho-shoot kundi dahil nagposotibo siya sa Covid-19.

"Ibinibigay po namin ang pagkakataon kay AJ Raval at sa kanyang kampo na katwiranan, magbigay ng dahilan. Kung gusto po nilang i-deny ito, kanila po ang desisyon. Kung gusto niyang aminin at harapin ang katotohanan, maraming salamat. Pero hindi po natin siya pipilitin na umamin kung labag yun sa kanyang kalooban," saad ni Manay Cristy Fermin.



RR Enriquez Nanggigil Sa Post Ni Pambansang Kolokoy Tungkol Sa Anak Sa Ibang Babae!

Walang komento


 Tila hindi na makakapaghintay si RR Enriquez na ishoot ang kanyang Sawsawera vlog hinggil sa latest post ni Pambansang Kolokoy kung saan nag-flex ito ng isang larawan sa anak niya sa ibang babae.

“Kahit ano pang sabihin ninyo sa anak ko, anak ko pa rin siya. Anak ko siya sa pagkakasala? Walang ganun! Hindi siya ibibigay sa akin ng Diyos kung kasalanan ang aking nagawa," caption ni Pambansang Kolokoy sa kanyang social media.

Bagama't agad nitong binura ang nasabing post nakakuha na ito ng attention ng ilang mga netizens na agad kumuha ng screenshots. Agad itong umani ng samu't-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens.

Maging ang tinaguriang Sawsawera Queen ay hindi narin nakapagpigil sa nadaramang inis sa post ni Pambansang Kolokoy at nakapagbigay na ng opinyon.

“As a Sawsawera Queen I can’t wait to shoot my sawsaw vlog to this post kaya better to say a word now… Mr. Pambansang Kolokoy!!! Blessings ang baby kahit ano pa ang mangyari because they’re innocent. But don’t justify your mistakes by telling everyone na cheating is a blessing ELBOW KITA KOYA YOU LIKE😂. Gigil much si Sawsawera Queen nyo,” pahayag ni RR sa isang social media post.

Samantala wala pang naging tugon si Pambansang Kolokoy hinggil sa isyung ito.

Matatandaang ginulantang ng vlogger ang buong social media nang aminin ang hiwalayan nila ng kanyang asawa at ang pagkakaroon na nito ng bagong kinakasama.

Anak Ng Isang Pastor Sumabak Sa Sexy At Daring Roles Sa VivaMax!

Walang komento


 May bago na namang pasisikating sexy star ang Vivamax, ito ay walang iba kundi ang anak ng isang pastor na si Lineth. Sa katauhan ni Azi Acosta na bibida si Lineth sa latest movie ni Roman Perez, Jr. na “Pamasahe.”

Gagamapanan ni Lineth ang papel ni Azi, isang inang mula sa probinsya ng Negros. Luluwas ito sa Maynila matapos masalanta ng bagyo ang kanilang lugar. Bitbit niya ang saggol na anak para hanapin ang kanyang asawa.

Dahil kulang ang perang dala at walang perang pamasahe, ang kanyang katawan ang ginamit niya upang may ipapambayad sa pamasahe sa barkong sinakyan.

Samantala, ito ang kauna-unahang pagkakataon na bibida si Lineth sa isang pelikula. Nauna nang naging bahagi siya si Lineth sa ilang mga pelikula ng VivaMax.

Naitanong naman sa kanya kung okay lamang ba sa pamilya nito ang kanyang career sa pagpapaseksi. 

“My father is a preacher but he’s not with us anymore, so anuman ang magiging reaction niya, pasensiya na lang po kasi ito ang pinili kong work. Pangarap ko talaga kasi maging artista. Ang mama ko naman, okay lang daw sa kanya kasi makikita lang nila, hindi naman nila makukuha. But when she saw ‘yung scene sa ‘Selina’s Gold’ na nire-rape ako, sabi niya, tumigil na lang daw ako kasi napaiyak siya. Magbalik na lang daw ako sa pag-aaral,” pahayag ni Lineth.

Relasyon nina Julia Montes at Coco Martin Inilantad Sa Japan!

Walang komento


Mainit ngayong pinag-uusaoab sa social media ang mga kumakalat na larawan ng Kapamilya Stars na sina Coco Martin at Julia Montes.

Bukod sa larawang ibinahagi ng dating Pinoy Big Brother Housemate na si Fumiya Sankai, may ilan pang mga Pilipino na nakabase sa Japan ang nakakita sa dalawa.

Napag-usapan din sila Julia Montes at Coco Martin sa isang episode ng Showbiz Now Na, nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez. Kung saan may ibinahagi silang video clip na makikitang magkaholding hands ang dalawa habang naglalakad sa isang kalye sa Japan. Hindi rin sila nakasuot  ng facemask kaya madali silang nakilala.

Naiiba sa pagkakataon ito ang ginawa ng dalawa dahil ipinakita nila ang buo nilang mukha at hindi nag disguise katulad ng mga naunang insidente.

Matatandaang ilang beses nang naiisyu ang dalawa subalit nananatiling tikom  ang bibig ng mga ito. Subalit, sa pagbabandera nila ng kanilang sweet moments sa Japan, may kasunod na ba itong pag-amin?

Samantala, hanggang ngayon ay wala pang opisyal na pahayag ang dalawa hinggil sa totoong estado ng kanilang relasyon.



Julie Anne San Jose at Rayver Cruz Nilinaw Na Ang Kanilang Relasyon!

Walang komento


 Nilinaw na ng manager ni Rayver Cruz na si Albert Chua sa isang maikling pahayag sa text message ang totoong namamagitan kina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose.

“Yes, it’s official na.” maikling sagot ng talent manager.

Matatandaang sa isang concert ipinahayag ni Rayver Cruz publicly ang pagmamahal para kay Julie Anne. Hindi naman ito binigo ng singer at kaagad na sinagot ang pahayag ng binata.

“Naalala mo nu’ng birthday mo, sinabi ko naman sa ’yo kung anong nararamdaman ko. Gusto ko lang din iparinig sa kanila. Julie Anne San Jose, I love you. I love you so much,” pahayag ni Rayver Cruz during the  concert.

“Gusto ko lang sabihin na sobrang thankful ako sa ‘yo. Ang dami nang nagbago sa buhay ko simula nu’ng dumating ka. Kaya gusto kong sabihin, I love you, too,” agad namang sagot ni Julie Anne.

Matatandaang nitong May 2022 sa mismong birthday ng dalaga ipinahayag ni Rayver Cruz ang kanyang nararamdaman.

Malaki naman ang pasasalamat ni Rayver dahil pumayag ang mga magulang ni Julie Anne na ligawan niya ang dalaga sa kanilang bahay.

Kylie Padilla, Handa Nang Tumanggap Ng Sexy at Daring Roles!

Walang komento


 Sa isang panayam, ibinahagi ng estranged wife ni Aljur Abrenica na si Kylie Padilla na handa na siyang tumanggap ng sexy at daring roles sa mga susunod niyang projects.

Ayon kay Kylie nais niyang mag-explore ng panibagong role sa labas ng kanyang comfort zone, na makakapagbigay ng panibagong challenge sa kanya bilang isang artista.

“Yes, I’m ready. If it calls for it, ready naman. Pero hindi naman dahil sa gusto kong mag-daring. Depende sa character talaga. Kung kailangan sa character na ‘yun bigyan natin ng justice. Sinabi ko rin ‘yun sa mga manager ko, sa mga handler ko, ‘Try naman natin ‘yung mga character na kakaiba kasi gusto kong tumalon, gusto kong magbago bilang isang tao, and matuto sa mga character na ‘yun,” aniya pa.

Samantala, malapit na muling mapanood si Kylie sa isang teleserye sa GMA7.  Naghahanda na ngayon si Kylie sa isang action series kung saan makakasama niya sina Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Arra San Agustin, Michelle Dee at Rochelle Pangilinan.

Huling napanood si Kylie sa isang teleserye sa kauna-unahang sports series ng network. Kung saan ginampanan niya ang role ng isang billiard prodigy.

Moira Dela Torre Open Na Sa Bagong Relasyon!

Walang komento


Matapos ang anim na buwan ng paghihiwalay sa asawang si Jayson Hernandez, nagsalita na si Moira Dela Torre.

Ipinahayag ni Moira sa isang panayam na sa simula pa lamang ng taon ay may nararamdaman na siyang iba sa relasyon nila ni Jayson Hernandez bilang mag-asawa.

Matatandaang noong kinumpirma ni Jayson Hernandez ang kanilang hiwalayan ay sinabi niya na siya ang naging unfaithful sa relasyon nila ni Moira.

Samanta, sa kabila ng mga pinagdaanan ni Moira sa panahong iyon ng kanyang buhay kung saan pakiramdam niya ay nawawala siya, ibinahagi ni Moira na nalampasan na niya ang lahat muling nakabangon.

“I am just enjoying life whether it’s a good day or a bad day. I’ve learned to embrace whatever I wake up to. When I exited that season, I felt like I was released from prison or something. It felt like I was allowed to be the created Moira that wrote ‘Malaya’ and I lost her a little bit,” pagpapahayag pa ni Moira.

Sa tanong kung handa na ba siyang sa muling pakikipagrelasyon, sinabi ni Moira na very much open siya.

Subalit, hindi naman umano umabot sa punto na siya ang maghahanap. Alam na umano niya na dadating ito ng kusa para sa kanya.

Pokwang Nag-Iba Ang Pakiramdam Matapos Makita Ang Kamote, Hindi Na Muna Lulutuin!

Walang komento


Mainit na pinag-uusapan sa social media ang larawang ibinahagi ni Pokwang sa kanyang social media accounts.

Ibinahagi ni Pokwang ang larawang kamoteng lulutuin sana niya na may kakaibang hugis.

Ayon kay Pokwang nais lamang sana umano niyang kumain ng camote cue, subalit ng makita ang kamote ay nag-iba ang kanyang pakiramdam.

“Bakit ganon? Gusto ko lang naman sana magluto ng kamote cue para sa miryenda pero biglang naiba ang pakiramdam ko? parang……iba e! Bakit kaya? Ano ba meron sa kamoteng ito?” caption ni Mamang Pokwang sa kaniyang Instagram post nitong Nobyembre 27. 

Niretweet di niya ito sa kanyang Twitter account.

Agad naman nakuha ng mga netizens at maging kapwa celebrity ni Pokwang kung ano ang pinapahiwatig niya sa hugis ng kamote. Kaya naman agad umani ng samu't saring komento ang nasabing post ng komedyante.

Ayon pa sa isa na may naiisip siyang ibang gagawin sa kamote bago lutuin.

Lolit Solis Namimiss Na Ang Love Box Ni Gretchen Barretto!

Walang komento


Nagbahagi ng ilang thoughts si Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram account hinggil sa pagtatapos ng November.

Ipinahayag din ni Manay Lolit Solis na namimiss na niya ang 'love box' na ibinibigay ni Gretchen Barretto.

Pinagkumpara din ni Manay Lolit Solis ang kaibahan ng Christmas season noon at ngayon. Ayon kay Manay Lolit, hindi na kasing busy at festive ang pasko ngayon.

"December na at bigla na miss ko Salve ang pagiging busy nuon ng showbiz dahil sa festival tuwing ganitong buwan. Iyon talagang halos lahat sa showbiz excited at parang isang fiesta para sa lahat."

"Nakaka miss din ang Love Box ni Gretchen Barretto na talagang naging malaking surprise sa lahat dahil pati ang pinaka lowest na member ng industriya nakatanggap ng regalo ni Gretchen na wala pang nakagawa kahit sino sa showbiz."

"December is the most festive month kahit pa nga meron din festival pag June. Ito ang pinaka hihintay ng lahat, isang magandang year ender para sa mga artista at lahat ng miyembro ng showbiz."

Nalulungkot din umano si Manay Lolit dahil tila isang ordinaryong buwan na lamang ang December ngayon sa loob at labas ng showbiz.

"How sad na iba na ang mga nangyayari ngayon kaya iba narin ang feeling ng lahat sa showbiz. Parang isang ordinaryong buwan na lang ang December. Wala na iyon hustle and bustle. Wala na iyon sobrang excitement. Wala na iyon pila sa office ni Mother Lily. Iyon malalaking stars na busy dahil kasali sa festival. Hay nakakamiss talaga Salve at Gorgy."


Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo