Kumpirmado! Paulo Avelino at Janine Gutierrez Hiwalay Na! Kim Chiu Dawit Sa Hiwalayan Ng Dalawa?

Lunes, Pebrero 19, 2024

/ by Lovely


 Tila hindi pa rin natatapos ang isyu ng mga celebrity couples na naghihiwalay dahil hindi pa man nakakamove on ang ilang mga netizens sa sunod-sunod na rebelasyon patungkol sa mga naghihiwalay na pinangunahan noon ng KathNiel hanggang sa hiwalayan ng engaged couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque, usap-usapan naman ngayon ang hiwalayan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino kung saan nadadawit naman ang pangalan ni Kim Chiu.


Sa isang episode ng YouTube vlog ng kilalang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz, inilahad niyang naghiwalay na rin sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.


Noon pa man ay naging laman na ng mga usap-usapan ang patungkol sa totoong estado ng relasyon nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino, marami ang nagsasabing hindi naman naging sila habang may mga nagsasabi namang matagal na silang magkarelasyon.


Nauna na ring napabalitang matagal nang may hindi pagkakaunawaan ang dalawa subalit nagkaayos rin naman nitong huling bahagi ng taong 2023 nang mamataan silang muling magkasama.


Samantala, sa kamakailang episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, napag-usapan nila ang patungkol sa napapabalitang hiwalayan nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez. Ayon umano sa isa sa mga sources ni Ogie Diaz, totoong naghiwalay na umano sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.


Subalit, inilahad ni Ogie Diaz na sana naman ay hindi totoo ang balitang ito dahil nakakalungkot lamang na nagsusunod-sunod na ang mga nagaganap na hiwalayan ngayong taon.


Gayunpaman, base sa impormasyon na kanyang nakalap mula sa ilang mga sources na napagtanungan niya ay kumpiramdo na umano ang paghihiwalay ng dalawa. Ayon pa kay Ogie Diaz, totoo rin ang mga naging bali-balita noon patungkol sa hiwalayan ng dalawa subalit nagkakabalikan lamang ang mga ito.


Hiniling naman ni Ogie Diaz na kung sakaliman ay magbigay na ng pahayag ang dalawa patungkol sa isyung ito upang malinawan na rin ang mga netizens at kanilang mga tagahanga.


Komento naman ni Mama Loi, na tila hindi nagkalalayo ang hiwalayan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino sa hiwalayan kamakailan nina Bea Alonzo at Dominic Roque dahil hindi rin nila sinasabi ang totoong dahilan ng kanilang hiwalayan.


Ayon naman kay Ogie Diaz, kung totoo mang single na ngayon si Paulo Avelino at liligawan nito si Kim Chiu, hindi na umano siya magtataka sakaling magkaroon ng relasyon ang dalawa.


Dahil nakikita naman umano niya ang closeness ng dalawa noong Linlang days pa lamang tiyak pa umanong magkakalapit ngayon ang dalawa dahil marami na silang project na magkasama.


Hindi rin umano magtatagal ang ligawan portion ng dalawa dahil pare-pareho namang mga single ang dalawa at kakahiwalay pa lamang sa kani-kanilang mga karelasyon


Sa kabilang banda, kumakalat naman ngayon ang mga haka-hakang baka may kinalaman si Kim Chiu sa nangyaring hiwalayan nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez. Marami ang naghinala na baka unti-unting nahuhulog si Paulo Avelino sa aktres dahil madalas na silang nagkakasama sa ngayon dahil sa sunod-sunod na proyektong kanilang pinagsasamahan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo