Cristy Fermin Sinabing Pabayaan Na Lamang Si AJ Raval!

Martes, Nobyembre 29, 2022

/ by Lovely


Muling nagbigay ng opinyon si  Manay Cristy Fermin hinggil sa kumakalat ngayong isyu sa social media tungkol kay AJ Raval.

Sa latest episode ng Cristy Ferminute, muling naging laman sa usapin nina Cristy Fermin ang isyung ng panganganak umano ni AJ Raval ng patago.

Ayon kaay Cristy Fermin, dapat bigyan ng oras si AJ Raval at pabayaan muna ito kung ayaw pang magbigay ng pahayag.

Matatandaang ilang ulit na itinanggi ni AJ Raval ang isyu ng kanyang pagbubuntis. Noong July 2022, pinagdidiinan ni AJ na hindi dahil sa kanyang oagbubuntis kaya natigil siya sa pagsho-shoot kundi dahil nagposotibo siya sa Covid-19.

"Ibinibigay po namin ang pagkakataon kay AJ Raval at sa kanyang kampo na katwiranan, magbigay ng dahilan. Kung gusto po nilang i-deny ito, kanila po ang desisyon. Kung gusto niyang aminin at harapin ang katotohanan, maraming salamat. Pero hindi po natin siya pipilitin na umamin kung labag yun sa kanyang kalooban," saad ni Manay Cristy Fermin.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo