Exclusive! Paulo Avelino Nagsalita Sa Hiwalayang Kim Chiu, Xian Lim

Martes, Disyembre 26, 2023

/ by Lovely


 Naglabas ng saloobin ang Kapamilya star na si Paulo Avelino, hinggil sa nangyaring hiwalayan nina Kim Chiu at Xian Lim.


Sa isang panayam sa Kapamilya actor, nausisa siya kung ano ang kanyang masasabi sa naging hiwalayan ng celebrity couple na sina Xian Lim at Kim Chiu. Sina Kim Chiu at Paulo Avelino ay unang nagkasama sa digital series na Linlang, muli naman silang magtatambal sa pinoy adaptation ng Korean drama na What's Wrong With Secretary Kim.


Ayon kay Paulo Avelino, hindi na niya ina-analyze ang nangyari dahil kaibiga naman niya si Kim Chiu. Hindi rin umano nararapat na magkumpara o di kaya ay i-judge na lamang ng basta-basta ang nangyari. Pero maganda umano kapag may perfect timing ang lahat.


Samantala, tila naging masaya naman ang pagdidiriwang ng pasko ng Kapamilya actress na si Kim Chiu kasama ng kanyang pamilya sa kabila ng nangyari sa kanila ni Xian Lim.



Bagama't makikita pa rin sa mga mata ng aktres ang kanyang lungkot na agad namang naiintindihan sa kanyang mga fans dahil hindi naman umano madali na basta na lamang isawalang bahala at kalimutan ang mga pinagdaanan nila ni Xian Lim sa loob ng labin dalawang taon nilang pagkakaroon ng relasyon.


Sa kabilang banda, marami naman ang kinilig nang makita nilang ni-like ni Paulo Avelino ang post ng aktres, hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na pumatok sa mga netizens ang tambalan ng dalawa dahil sa hindi maitatangging chemistry nilang dalawa.


Marami naman sa mga fans ng aktres ang humihiling na sana ay mas pagtuunan naman ngayon ni Kim Chiu ang kanyang sarili matapos ang ilang taon pagtataguyod ng kanilang pamilya.


Hiling din ng mga fans ni Kim Chiu ang healing nito at sana ay maklatagpo ito ng taong magmamahal sa kanya ng buo.


Maging ang ilang mga celebrities at kasamahan ng aktres at nagbigay rin ng mga pagbati para sa aktres sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan ngayon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo