Relasyon nina Julia Montes at Coco Martin Inilantad Sa Japan!

Martes, Nobyembre 29, 2022

/ by Lovely


Mainit ngayong pinag-uusaoab sa social media ang mga kumakalat na larawan ng Kapamilya Stars na sina Coco Martin at Julia Montes.

Bukod sa larawang ibinahagi ng dating Pinoy Big Brother Housemate na si Fumiya Sankai, may ilan pang mga Pilipino na nakabase sa Japan ang nakakita sa dalawa.

Napag-usapan din sila Julia Montes at Coco Martin sa isang episode ng Showbiz Now Na, nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez. Kung saan may ibinahagi silang video clip na makikitang magkaholding hands ang dalawa habang naglalakad sa isang kalye sa Japan. Hindi rin sila nakasuot  ng facemask kaya madali silang nakilala.

Naiiba sa pagkakataon ito ang ginawa ng dalawa dahil ipinakita nila ang buo nilang mukha at hindi nag disguise katulad ng mga naunang insidente.

Matatandaang ilang beses nang naiisyu ang dalawa subalit nananatiling tikom  ang bibig ng mga ito. Subalit, sa pagbabandera nila ng kanilang sweet moments sa Japan, may kasunod na ba itong pag-amin?

Samantala, hanggang ngayon ay wala pang opisyal na pahayag ang dalawa hinggil sa totoong estado ng kanilang relasyon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo