Anak Ng Isang Pastor Sumabak Sa Sexy At Daring Roles Sa VivaMax!

Martes, Nobyembre 29, 2022

/ by Lovely


 May bago na namang pasisikating sexy star ang Vivamax, ito ay walang iba kundi ang anak ng isang pastor na si Lineth. Sa katauhan ni Azi Acosta na bibida si Lineth sa latest movie ni Roman Perez, Jr. na “Pamasahe.”

Gagamapanan ni Lineth ang papel ni Azi, isang inang mula sa probinsya ng Negros. Luluwas ito sa Maynila matapos masalanta ng bagyo ang kanilang lugar. Bitbit niya ang saggol na anak para hanapin ang kanyang asawa.

Dahil kulang ang perang dala at walang perang pamasahe, ang kanyang katawan ang ginamit niya upang may ipapambayad sa pamasahe sa barkong sinakyan.

Samantala, ito ang kauna-unahang pagkakataon na bibida si Lineth sa isang pelikula. Nauna nang naging bahagi siya si Lineth sa ilang mga pelikula ng VivaMax.

Naitanong naman sa kanya kung okay lamang ba sa pamilya nito ang kanyang career sa pagpapaseksi. 

“My father is a preacher but he’s not with us anymore, so anuman ang magiging reaction niya, pasensiya na lang po kasi ito ang pinili kong work. Pangarap ko talaga kasi maging artista. Ang mama ko naman, okay lang daw sa kanya kasi makikita lang nila, hindi naman nila makukuha. But when she saw ‘yung scene sa ‘Selina’s Gold’ na nire-rape ako, sabi niya, tumigil na lang daw ako kasi napaiyak siya. Magbalik na lang daw ako sa pag-aaral,” pahayag ni Lineth.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo